aubu’s DFA adventure


Nakaiskedyul ako ngayong pumunta ng DFA para kuhain ang authenticated transcript of records ko.

Ala-siete pa lang ng umaga, gumayak na ako kasi inaasahan ko na ang mga aberya lalo pa’t perstaym ko pupunta ng DFA at mag-isa lang ako. Ang itinuro sakin, sasakay lang daw ako ng bus na may karatulang Baclaran DFA tapos bababa na ako dun mismo. Dala ang ngayo’y peyborit kong backpack, lakas-loob akong nagpunta mag-isa sa DFA.

Tama naman ung itinuro sakin at nakarating ako ng DFA na malapit sa moa. Excited akong pumasok sa DFA kasi nakarating ako ng maaga. Ang kaso, pagpasok ko at pagpresent ko ng claim stub sa guard nung tinanong nya ang intention ko, sabi maling DFA daw ung napuntahan ko kasi passport ang pinaprocess doon at sa lumang DFA daw ako dapat pumunta. Dalawa pala ang DFA, isang luma (old) at isang bago (new).

Dahil hindi ko alam kung san hahagilapin ung lumang DFA, nagtanong ako sa guard doon at sabi, sasakay daw ako ng jeep na pabaclaran at bababa ako ng edsa at sasakay ng jeep palibertad at sasabihin ko lang, DFA.

Nakarating naman ako ng mapayapa. May nakasabay akong manong na kukuha din ng authenticated documents para sa anak nya. Ibinaba kami ng manong drayber sa may gasolinahan malapit na daw sa DFA un. Pagbaba namin ng jeep, madami na kagad sumalubong at nag-alok ng kung ano-ano. May ballpen, ID picture service at kung ano-ano pa. Palinga-linga kami kung saan banda lalakad kasi parang intersection ung lugar na un, mula dun sa binabaan namin, pwede kang dumirecho, kumaliwa, kumanan or bumalik sa kung saan galing ung jeep na sinakyan mo. Tapos may naglalakad na lalake na napatingin samin (muka naman siyang baguhan din duon, may bitbit siyang long brown envelope na nakalagay sa long plastic envelope). Nagtanong siya samin nung manong na nakasabay ko,

“for releasing na lang din ba kayo?”, sabi nung lalake.

“oo.” mabilis naming sagot ni manong na kasabay ko.

“doon banda un oh, sa may maroon na building, 2nd floor”, sabi nung lalake.

Dahil hindi namin alam ni manong kung san eksakto, sumunod kami sa direksyon na binigay nung lalake. Pag-akyat namin, nagtaka na kagad ako kasi maliit lang ung building, malayo sa itsura nung new DFA na una kong napuntahan. Iginala ko ung mata ko sa second floor nung building na pinuntahan namin pero wala akong makitang anino ng logo ng DFA. Iginiya kami ni manong nung tao duon, sabi sa loob daw nung isang office sa second floor at sumunod naman kami.

Pagpasok, mas lalo akong nagtaka kasi ung office na pinapuntahan samin ni manong nung lalakeng nagsabi samin, mukang agency lang, tapos may logo akong nakita ng DFA pero mukang panahon pa ni mahoma tapos pinaupo kami malapit sa table. Kinuha ung claim stub namin ni manong. Buong akala namin, pag bigay nung claim stub, hahanapin na nila ung records namin tapos ibibigay na (kasi may katabing malaking drawer na parang lalagyan ng mga long folders) nung babae na nagentertain samin. Nagkatinginan na lang kami nung matandang manong.

“Naku, July 8 pala tong sayo, tanghali na, baka sa lunes mo na ito makuha ung docs mo.”, sabi nung babae na kumausap samin

Nagtaka ako kasi 8 naman ngayon at ang alam ko dapat makukuha ko na kagad un,

“Ah talaga po, bakit po ganun?” sabi ko

“tanghali na kasi, sana inagahan mo”, sabi nung babae.

“…..” tahimik lang si manong na kasabay ko, nakikiramdam.

Ung babaeng kumakausap samin, kinokopya na ung details sa claim stub namin. Tahimik pa din kami ni manong na kasabay ko.

“May babayaran pa po ba kami?” tanong ko.

“Ay meron, 700 dibale, eto nireresibuhan ko na nga kayo.” sabi nung babae.

Nagtaka ako kasi ang alam ko nagbayad na ako sa iskul namin tapos sabi nung superduperfriend dannahbear ko, 100 na lang ung babayaran. Tiningnan ko ung resibong ginagawa nung babae at napansin ko ung pangalan at logo dun sa resibo. Parang Maharlika something ung nabasa ko at iba ung logo, makulay pati ung resibo. (kamuka nya nga ung binebenta naming resibo sa tindahan namin dati)

“700 po?ang mahal naman. Wala pa po akong dalang 700 eh. Teka po, magwiwithdraw lang po ako.” sabi ko

“Ah, sige, meron dyan sa malapit, ano ba ung atm mo?” sabi nung babae.

“Ay ayus po pala kung meron dyan sa malapit, mabilis lang ako.” Ay teka po, kunin ko po muna yung claim stub ko” sabi ko sabay alis.

Yung manong na kasabay ko, umalis din at sumunod sakin pero dahil nga sa pagmamadali kong makalayo sa maroon na building, nakalimutan ko na siya.

Actually alibi ko lang yung sinabi kong magwiwithdraw ako kasi may 700 pa ako nun sa wallet ko, wala lang akong maisip na maidahilan kesa namang sabihin kong “Fixer kayo!Fixer!Mga Salbahe!” nung marealize kong may mali sa nangyayari. Edi malamang hindi na ako nakalabas ng buhay doon.

Nagpakalat-kalat ako doon sa street na yoon. Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Tapos may mga manong na naman na lumalapit sakin at inooferan ako ng ID picture kasi kailangan daw noon. Sabi ko madami na ako noon kahit wala. May super makulit na manong na talkies talaga ng buong giliw. Pilit nya akong kinukumbinsi na kailangan ng ID picture sa pagkuha ng red ribbon docs sumabay pa talaga sa paglalakad ko pero dedma lang. Tapos may bigla na lang na humila saking lola (nakapolo shirt at maong pants na may payong na blue)

“naku iha, wag kang magpapaniwala sa mga tao dito na may ID. Fixer yang mga yan. San ba ang punta mo?” sabi nung lola.

“kukuha lang naman po ako ng TOR ko na may red ribbon eh nakaiskedyul po ako” sabi ko naman.

“ay ganun ba? malapit ka na, direchuhin mo lang ito tapos kanan ka, DFA na un, ung luma” sabi nung lola.

“ay talaga po?kanina pa po ako pakalat-kalat dito eh, kung san-san po ako itinuturo” sabi ko.

“naku mag-iingat ka kasi madaming loko dito. Oh pano, sige, mauuna na ako iha, mag-ingat ka.” paalam nung lola.

“opo, salamat po!” nakangiting sabi ko.

Sinunod ko ung direksyong bigay ni lolang mabait at nakarating naman ako sa DFA na luma. At sigurado na akong DFA talaga un kasi malaki siyang building at sa gate pa lang kita na kagad ung name at logo gaya nung sa DFA na bago na napuntahan ko. Pagpasok ko ng gate, daan ulit kina kuya at ate guard, proud akong ipinakita ung claim stub ko at nakapasok na nga ako.

Pagpasok mo dun, ilalagay mo ung claim stub mo sa may table na may mga nakasulat na kategorya: Priority list (hindi ako sure), CHED/TESDA/DEP ED, LTO ata tapos (hind ko na matandaan), PRC/DOLE, tapos ung pang4th, hind ko na din matandaan. Gusto ko sana itong lapitan para picturan ng malapit kaso nahiya ako kasi mag-isa lang ako. hehe

Pagkatapos mong ilagay ung claim stub mo ayon dun sa kategoryang nakalagay sa may table, uupo ka at aantaying matawag ung pangalan mo. Kapag tinawag na ung pangalan mo, sasabihin kung saang window ka lalapit. Nung tinawag ako after 20 minutes, sa may window 50 ako pinapunta.

Huwag kakalimutan na kapag tinawag na ung pangalan mo, ihanda na ang valid ID. Pag nakalapit ka na sa mismong window, ibibigay sayo ung certificate mo, tingnan maigi ung pangalan mo at iba pang mahahalagang detalye. Mahirap nang maaberya. Kasama nung certificate ung resibo mo na dadalhin mo sa may cashier sa may gawing kanan (sori naman at walang picture)

Pagkatapos mo magbayad sa cashier, pupunta ka ng window 49. Iistaple ung resibo na kulay white (na may pagkapink) sa certificate na binigay sayo earlier. Tapos uupo ka ulit para antaying matawag ung pangalan mo.

Mga isang oras mahigit ang inantay ko bago matawag yung pangalan ko. Buti na lang may dala akong babasahin.

Makalipas ang mga isang oras, tinawag na din sa wakas ang pangalan ko. Tapos ang inatupag ko naman ay ang paghahanap ng exit. Buti na lang mga mga guard na pwedeng mapagtanungan lagi.

Ayun. Sa wakas, natapos din. Naglakad na ako pabalik sa may sakayan paLRT. At ung lalakeng nagturo samin nung manong na nakasabay ko, ayun, nakatayo pa din siya sa may tapat ng gasolinahan at nag-aabang ng mabibiktima. Gusto ko sana siyang picturan kaso inunahan ako ng takot, (ako na ang duwag, mas malaki kasi siya sakin ng hindi hamak).

Sumakay na lang ako kagad ng jeep at pasimpleng pinicturan ung gilid na kalsada kung saan kita ung maroon na building.

Ung may bilog na pula, ung ung building kung saan kami itinuro nung lalake. Paalala, huwag po kayo dun pupunta kasi sisingilin kayo ng 700 imbes na 100 lang ung babayaran.

Kung sa baclaran kayo sasakay papuntang lumang DFA, ung may karatulang DFA City Hall ung sakyan nyo. May terminal po sila dun banda sa baclaran halos tapat ng RCBC establishment doon. Sabi nung manong driver na nainterbyu ko at napagsumbungan din ng nangyari sakin, kung ang punta nyo daw ay sa may bagong DFA, meron daw terminal sa MOA na papunta dun pero kung sa luma, sa baclaran lang talaga. Pero kung trip nyong maglakad papuntang DFA na luma, pwede din kayong maglrt paLibertad at tahakin ang malubak na kalsada, hehe.

Sa katapusan ng araw ko, masaya ako at kahit may onting aberya sa simula, nakarating din ako sa dapat kong patunguhan. Maliban pa dun, mas naramdaman kong isa akong blessed individual. Hindi ako pinabayaan ng nasa itaas na malagasan ng 700. Pinadalhan nya pa ako ng fairy god mother sa katauhan ni lolang mabait. Nakauwi na akong ligtas samin, dagdag karanasan pa ito sakin!

Maligayang weekend sa ating lahat! ^^

32 thoughts on “aubu’s DFA adventure

  1. gelat says:

    nakakainis talaga yung mga manlolokong ganun.. nagaabuso sa mga hindi pamilyar sa lugar. badtrip!! haha! buti na lang iniligtas ka ni lolang mabait๐Ÿ™‚ at nice alibi ah๐Ÿ˜‰

  2. doon po sa amin says:

    hello, aubu.

    gusto ko ang backpack na red. gusto ko rin ang mention ng talkies na buong giliw, ahaha…

    buti’t di nag-init ang ulo mo. ako, pag minsan at ganyan, kumukulo ang bumbunan ko at gusto ko silang pagtitingnan ng masama, hihi…

    eniweys, maigi nama’t nairaos din. salamat sa pagsi-share.

    btw, ikaw ba ‘yong barkada ni narsmanang? :s ๐Ÿ™‚

    • aubu22 says:

      hehe, maganda po kasi ang red na backpack ^^, salamat po at nagustuhan nyo ung talkies, sa kanto ko lang po natutunan ung salitang yon,
      medyo nag-init po ang ulo ko pero naisip ko na lang ung 700 na muntik na malagas sakin pero hindi nangyari, hehe
      welkam po๐Ÿ™‚
      isang malaking tama! ako nga po un,๐Ÿ˜€

  3. yvaine says:

    thank u for sharing that experience! i also had that same experience may 1 tomboy and 1 lalaki na sumabay sakin paglalakad at tinanong ako kung red ribbon din daw pakay ko sa DFA, sabi ko oo, sabi nila tamang tama daw sumabay na ko sa knila, ang ending sa isang agency ako dinala. ganun din yung inalibi ko wala akong dalang 700 pero as in wala talaga ko dala kaya sabi ko magwithdraw na lang muna ako sa atm.

    sa inis ko at pagkadisappointed sa pangyayaring yun dahil hindi ko mahanap kung san ba talaga yung old DFA puro manloloko yung nakapaligid talaga dun sa street ng old DFA, umuwi na lang ako! haha.

    I plan to go back to DFA tomorrow, wish me luck sana makita ko din si lolang mabait para ituro sakin ang tamang daan papunta sa old DFA.

    grabe bakit kaya walang ginagawang aksyon ang DFA tungkol sa mga mapagsamantalang fixers na mga yun. It’s so disappointing and frustrating kasi they are wasting the poor people’s time and money talaga. =(

    • aubu22 says:

      You’re welcome po๐Ÿ™‚ Naku, ingat ka dun kasi sobrang dami talagang fixers dun. Buti na lang nagalibi ka din! Apir!

      Igoogle map mo para mahanap mo kagad. Basta malaking building siya. Nakalimutan ko kasi picturan ung mismong building kaya ndi ko na nailagay d2 sa blog ko. Tsaka hindi ko talaga forte ung magbigay o sumunod sa direksyon, haha.

      Hindi ko rin alam eh. Puro lang sila warning. Sana makarating ka ng old DFA ng maayos. Good luck and God bless! ^^

  4. AJ says:

    Badtrip naman ou! Sbi n ngah b eh nagoyo aq!badtrip… Papa red rib0n aq ng cert. Of employment q,my nkasby aq n guy n my dalang l0ng br0wn envel0pe,sv dun dw authenticti0n s godwin travel agency dun ngah s mar0on n building, nagtataka nga aq eh,ngdadalawang isip,pero my dala aqng 800 pes0s nun,ngbyad aq,ng 700,hay tanga, ipapaTULFO q nga 2ng mga 2,bkz releasing ng c.o.e. Q, update q nlng kau s ngyari…c0ment ng badtrip!

    • aubu22 says:

      naku, badtrip nga yan, ako kasi bago ako nagpunta paDFA nagtanong-tanong din ako ng price ng paRed Ribbon kaya medyo may onti akong idea. salamat po sa pagdaan.

  5. AJ Modus says:

    Aubu, original naman un red ribb0n,ang pr0blema d2 ay nanloloko cla,fraud yan! Nanloloko cla in a way n cnsv nla n ang authentication ay dun s mar0on n building. Tap0z agency rate ang byad 700 per document!grabe!
    Guys,knina nandun aq s agency n un!mdjo 2mamby tamby aq at ng observe. At e2 mga napansin q: hndi lang isa o dlawa ang nambibiktima! Mdmi cla ngkalat cla!jan s my bandang shell n bbyaan ng jip mdmi! Ingat kau! Mga ngpapanggap n aplikante dn! Ang mga dala nla, papeles n nkasup0t ng lbc n transparent un iba br0wn envelope. Kung punta kau dfa n luma, baba kau libertad stati0n lrt,sakay nlng kau tricycle 20 pes0s lang naman,para hndi n kau nghahagilap!

    • aubu22 says:

      mabuti at original ung red ribbon, masama nyan nagbayad ka ng 700 tapos peke pala. anyhow, madami talagang fixer na pakalat-kalat dun kaya dapat prepared ka kung pupunta ka dun. Do your research. Ayun, hehe. Salamat sa pagdaan ulit.๐Ÿ™‚

    • nikki says:

      Hi. Naloko ata ako kanina. But original ba ung documents? Based sa mga nabasa ko, nanloloko sila in a way na agency rate ang binabayad mo when in fact pwede naman mas mababa? Tama ba? I’m worried kasi pero makukuha ko naman cguro ung orignal documents ko? Napamahal nga lang po??? Reply kayo please…. email me nalang po nikki.guitarte@gmail.com thanks!!!

  6. diplo says:

    mga boss nkapag bayad ako ng 800 sa godwin travel agency,pina lbc ko dahil galing pako bulacan. Nakakainis,naiinis ako sa sarili ko at nagpauto ako sa knila,sana dumating yung papers ko..

  7. tryingtobewriter says:

    Hi Miss Aubu! Recent victim lang ako ng mga fixers na yan at dinala ako dun sa building na pinicturan at binilugan mo. Paste ko sana yung photo mo ng building sa blog ko para dagdag kaalaman sa mga readers ko. Credit ko nalang. Thanks!

  8. Marjorie Marks says:

    This was posted last July 8,2011…and now it is 18 January 2013 and they are still doing the same stint..parehong pareho..ang galing nilang artista..hanggang kelan kaya nila balak gawin yan?mga mapagsamantala

  9. raul caliwag says:

    ako nga din nadali ng mga yan.bago lang din kase akung nag lakad ng pa red ribbon nayan,hindi ko din alam kung saan dadalhin, sa dami nga ng mga kasamahang fixers na yan, ay diyan din ako na papad sa bldg nayan. ganoon din 800ph. ang hiningi sa akin,pero sa na naman ako na ang huling madali ng mga taong fixers……..PERO SA NAMAN MAALIS DIN YUNG MGA TURUAN NG TAUHAN NG DFA LALO NG YUNG MGA GUARD,SABIHIN NILA KUNG SAAN TALAGA PUPUTA YUNG MGA TAO,KASE SILA YUNG NAKA FRONT SA GATE…NG HINDI NA MAPAPAD SA BLDG NG MGA FIXERS……at sana matagap ko o mapadala sa akin yung pina red ribbon ko…pag hindi balik nanaman sa umpisa huhuhu!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s