nang mapuno ang salop


kagabi, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kumprontahin ang isa kong housemate at bisita nya (na halos dun na tumira sa bahay namin este nirerentahan na bahay namin)

ganito kasi ung, itago natin ang housemate ko sa alyas na C2 girl. isa siyang girlalet na parang tambucho ng sasakyan kung makahithit ng yosi. mahilig si C2 girl na magyosi sa cr at sa terrace at karaniwang madaming cigarette butts sa terrace na nakakalat basta nagsession sila ng nung isang lagi nyang bisita na itago natin sa alyas na transient girl. mahilig din si C2 girl uminom ng c2 at coke at karaniwan nyang ikinakalat sa sala, sa mesa, sa lababo at sa terrace ung bote ng c2 at coke na ayaw na nyang inumin.

hindi ako mapili ng kasama sa bahay at hindi ito ang una kong nagrent ng bahay na may ibang kasama. sa UP nagrent na din ako at tumira na may mga kasamang mas bata at mas matanda sakin pero never kong naexperience ang maasar ng bongga sa housemates/boardmates dahil sa bisyo. ngayon lang.

at oo. hindi ko gusto si C2 girl. unang kita ko palang sa kanya mabigat na ang dugo ko sa kanya pero sa kabila nun tinanggap ko siyang bagong housemate sa bahay ni tito. sinubukan ko siyang pakisamahan at ireach out but no can do. siguro kulang ako sa effort o sadyang hindi match ang ugali namin kaya tama na samin ang magtanguan at mag-aya na kain pag kakain.

mabalik tayo sa bisyo. wala akong pakialam kung magkaron ako ng housemates na may bisyo basta hindi ako napeperwisyo. may mga kaibigan at kaofficemates akong nagyoyosi at okay lang sakin un because they are considerate of other people. at saka natry ko ding magyosi pero hindi ko talaga siya trip.

pero ang yosi habit ni C2 girl talaga namang nakakaimbyerna. gaya ng nabanggit ko, mahilig siya magyosi sa cr. kapag ikaw ang sumunod na magcr sa kanya, mauuna ka pang maubo kesa maihi o madumi. mga ilang beses na naexperience ko personally ung mga ganung eksena at kinausap ko ung close housemate/friend since college ni C2 girl pero no can do ulit. hindi ko alam kung maarte lang ako o nakasanayan na niya ung habit ni C2 girl kaya hindi nya sinisita. pero hindi lang ako ang naiimbyerna kay C2 girl. pati si ate ko. siya kasi ung mas karaniwang nae2xperience ang malatambuchong amoy ng cr dahil mas late siyang magising at pumasok. minsan naikwento ni ate na nagpasaring siya kay C2 girl na, “hindi ko maintindihan kong paano mo napagsasabay ang paliligo at pagyoyosi, talent ba yan?” sa pabirong tono. sabi daw ni C2 girl, talent nga daw at kung paano, secret daw. ung ang natatandaan kong nakwento nya.

ang alam ko ang normal at resonableng tao malakas ang pakiramdam at mabilis pumika-ap ng mga context clues sa simpleng statement and judging C2 girl, sa tingin ko naman sensitibo siyang tao in a sense na mapipik-ap nya na it’s my ate’s way of telling her na baka naman pwedeng wag ka nang magyosi. kaso aun, dedma to death at nagpatuloy ang nakakaimbyernang habit nya.

nung last last night, nagsession ulit sila ni transient girl sa terrace. at kinaumagahan nung sumunod na gabi, naabutan ko na nakakalat ang madaming cigarette butts sa sahig. pero dahil hindi ko naabutan sila C2 girl at transient girl, hindi ko sila nakausap.

kagabi, pagkatapos kong manuod ng mubi sa laptop, tinawag ako ng kalikasan sa cr para umihi. pagbaba ko, may tao sa cr at sa labas pa lng ng cr nakakaperwisyong na usok ng sigarilyo ung nalanghap ko. at dahil inuubo ako, naging bongga lalo ang pagkahol ko. inisip ko baka galing sa terrace ung usok at siguro naman dahil andun kami sa bahay nun, mahihiya si transient girl magyosi sa cr. pero hindi ganun. paglabas ni transient girl na bagong hilamos, sinalubong ako ng halimuyak ng yosi. hindi muna sana ako papasok pero wiwing wiwi na talaga ako kaya pumasok na din ako sa kabila ng amoy tambuchong cr.

pagtapos ko sa cr, dahil siguro nilason ng usok ng yosi ung lahat ng pagtitimpi sa katawan ko. dumirecho ako sa kwarto nila C2 girl walang isip-isip na kinausap ko sila. at eto ang binitawan kong linya. “C2 girl at transient girl, pwedeng favor? pwedeng wag na kayong magyosi sa loob ng cr, kulob kasi un, masakit sa ilong. (with matching paubo-ubo dahil sa usok ng yosi na nalanghap ko). At saka nga pala, baka dumating daw sila tito or tita bukas or sa isang bukas, pwedeng pakiwalis ung nakakalat na cigarette butts sa terrace, baka kasi makita ni tito at magalit. aun. cge”  mahinahon kong sabi pero medyo nanginginig ang boses at nanlalamig ung kamay ko kasi sobrang umakyat talaga ung dugo sa ulo ko sa asar. sabi lang nilang dalawa, “okay”. sabay akyat ko naman sa kwarto.

pag-akyat sa kwarto, nasabi ko na lang sa sarili ko ng malakas, sa wakas nasabi ko din! tinanong ako ni ate kung ano ung sinabi ko at ikinwento ko sa kanya. sabi nya tama daw ung ginawa ko kasi hindi din naman sinisita nung dalawang housemate pa namin na medyo kaclose nya.

tahimik akong tao at hindi mahilig manita pero nagsasalita ako kung kinakailangan. at sa kaso ni C2 girl, kailangan na. inaasahan kong sasagot siya nung kinausap ko sila kasi mukha siyang palaban at magtataray. napansin ko sa mukha nya na mukha siyang naimbyerna sakin pero wala akong pakialam. sa sobrang asar ko kagabi kahit abutin kami ng madaling-araw hindi ko siya uurungan para lang ipamukha sa kanya kung gaano nya kami napeperwisyo.

kinaumagahan, gumising ako ng maaga para sa worship service at umuwi din agad dahil may pasok pa ako. naramdaman kong andun pa sila sa loob ng kwarto. dumirecho ako sa kwarto namin at nagbihis at naabutan ko silang gumagayak paalis. dumirecho ako sa kusina para mag-init ng tubig pang-kape. naramdaman kong tiningnan nila ako pero hindi nila ako pinansin pero sabagay dedma din ako sa kanila. umalis sila ng hindi nagpa-alam at medyo pabalagsak ung pagsara nila ng pinto nung umalis sila. ewan ko kung imahinasyon ko lang na naimbyerna sila talaga sakin or nabwisit ko talaga sila. ang sakin lang, courtesy sa ibang tao sa bahay ung niraise kong request.

nung pagkauwi ko, naabutan ko si ate at nagkwentuhan kami sa kwarto at dun sa pangungumpronta ko kina C2 at transient girl ulit napunta ung usapan. nabalitaan ko na may balak daw lumipat si C2 girl ng boarding house. so ibig sabihin naimbyerna siya talaga sakin?hehe, isip-isip ko okay lang (ako na maldita), hindi ko din mararamdaman na wala siya kasi hindi naman kami naging close sa isa’t isa in the first place. saka magiging yosi-free na ulit sa bahay kung ganun. wuhoo, let’s party! sorry for being mean but I’m just being honest about how I really feel.

7 thoughts on “nang mapuno ang salop

  1. narsmanang says:

    syempre kilala ko si c2 girl pero hindi si transient girl, anyways, alam mo naman na hindi ko din siya gusto.

    syempre kapag bago ka sa bahay ikaw ang makikisama, siya hindi. tapos lagi lang siyang tulog, tapos kapag kumain hindi naghuhugas ng pinagkainan. matutulog na lang ulit. at yun nga ang kalat niya sa terrace, lahat ng pinaginuman niya at pinagyosihan eh nakatambak doon.

    buti na lang aalis na siya dyan. bwahahaha. akala ko talaga hindi siya tatagal sa apartment eh.

    haha. magkaibigan talaga tayo, pareho tayong mean.

    • aubu22 says:

      wahaha, tama lahat ng sinabi mo!!!nabadtrip na talaga ako sa kanya ng bongga eh, bukas ko dapat ikukwento sa inyo 2 eh pero nabasa muna pala agad, ahaha, pero ikukwento ko pa din, sana makasama si rhea marie at haw, >)

  2. lagalagak0 says:

    Hi Aubu,

    Greetings!

    i’m not good in confrontation.. i’m beating around the bush to get my point across.. i’m finding ways/words to say so as not to hurt someone’s feelings.. but I guess, you really need to take a stand if you know that you are in a right track.

    go girl! someday, i’ll get there…

    Be blessed!

    To GOD be the glory till eternity! =)

  3. doon po sa amin says:

    hello, aubu. parang fair naman ang arguments mo at discussion, di nga…

    ako, nagmamarakulyo din pag may nagyo-yosi sa banyo. same reason as yours – kulob syang lugar.

    saka, hwag ang kalat na cig. butts. naman, kaya nga pinauso ang ash tray, haha…🙂
    (OC ako, secret natin. ok, yosi kung yosi pero hwag naman sa banyo at gamit ng ashtray, ahaha)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s