pinakaayaw kong eksena sunod sa pagiging emo


ung tipong maaliwalas ang panahon
naglalagalag ka kasama ng katropa dahil may extra kang pera
more kain, more chicka
mababakas ang kasiyahan sa inyong mga mukha

tapos, ikaw ay biglang nakaramdam ng kakaibang lamig
butil-butil na pawis ang sa iyo’y gumuguhit
natutop mo ang iyong puso at napansing mabilis ang pagtibok nito
napahawak ka sa iyong tyan at dito’y may nagaganap na kakaibang ritmo

para itong pag-ibig sa maling panahon
sumisirko ang mga laman-tiyan mo sa hindi inaasahang pagkakataon
palinga-linga kang naghahanap ng sign na may may babae at lalakeng guhit
kahit ung sign na may guhit na upuang de gulong papatusin mu na din

daglian kang mawawala sa gitna ng kasiyahan
papasok sa lugar ng katahimikan upang ang daluyong sa iyong sikmura’y mapakawalan.
doo’y matatagpuan mo na lamang ang iyong sariling umuusal na mag-isa
anak ng tokwang sikmura, hindi marunong makisama

8 thoughts on “pinakaayaw kong eksena sunod sa pagiging emo

  1. sHy says:

    hi,

    mas magandang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng tula.. nice! sana makisama na ung tyan mo.. minsan nararamdaman ko rin un.. ung tipong ang sarap ng kain mo tas biglang magmamarakulyo ang tyan.. hay!

    To GOD be the glory till eternity! =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s