nagbirthday na naman ako


Dear Lord,

I just turned 18 last 22nd of August and I would like to thank you for all the blessings I have received.

Lovelots,

AuBu

****

opps, alam kong hindi kayo naniniwalang kakaeighteen ko pa lang nung 22, pero kakaeighteen ko lang talaga, plus X, hahaha,

for all you know,wala akong handa ng nagdaang birthday ko pero okay lang, happy pa din ako, alive and still kicking.

madami akong gustong sabihin at ipagpasalamat sa Kanya.

Una po sa lahat, salamat po sa isang taon na nadagdag sa buhay ko, isang taon na naman ang lumipas at nagkaron ako ng tyansyang gumawa ng mabuti sa kapwa, ng kalokokang akin na lamang, ng pagbabago (ewan ko kung anu un) at ng pagkakataong iparamdam sa mga taong mahalaga sa akin na mahal ko sila.

Maraming salamat din sa mga nakaalala ng kaarawan ko, maging kapamilya, kaibigan, kaklase at kakilala. Sa mga hindi nakaalala, grabe kayo, unfriend sa Facebook, haha,joke lang. Sa mga hindi nakaalala, may next year pa, (hopefully)

Sa nagbigay ng gift, super madaming thank you na may kapa! Hindi naman ako materialistic na tao pero iba pa din ung may gift kang nahahawakan at bubuksan. haha.

Sa t-shirt na bigay ng utol kong si JL na may nakaprint na “my cutest ate” salamat ng madami gwapong JL. Buti naman at alam mong cute ako. Pero sana hindi super ube ung tshirt na binili mo. Alam mo namang kulay chiko ako. Magmumukha akong halaya pag suot ko un. haha. Ako na ang reklamador pero nonetheless, susuotin ko pa din, bigay mo yun eh, at thanks din pala sa birthday card. kung swerte ka na ate mo ako, swerte din ako kasi may mabait akong kapatid na gaya mo. labs mu talaga ako. at syempre labs din kita, mwahugs!

Sa stuff toy na bibe na tumutunog na pinadala ng mama kong maganda via LBC (na may nakasulat na from mama at papa), hindi ko alam kung anung trip nyo pero nagulat ako sa biglang pagkwak-kwak nung bibe, haha salamat ng marami, kahit alam kong ikaw ang bumili nun at hindi si hitler. Pero ung tulang madrama sa birthday card, alam kong si hitler ang may pakana nun. Salamat din po doon. Kahit na anung mangyari, labs na labs kita mama, hehe, as for hitler, thank you sa genes at sa talent, (salbahe lang, haha) pero thank you po. basta alam nyu na po un,

Sa libreng merienda ni ate Ching sa The Old Spaghetti House nung mismong araw ng birthday ko, sobrang thank you din, matagal din akong hindi nakatikim ng libre mo simula nung magtrabaho na ako. haha, masarap talaga pag libre, salamat at binusog mo ang matakaw mong pinsan. Labsyu te Ching. sana magkaboylet ka na at magkababyπŸ˜›

Sa pakikibirthday ko sa birthday ng aking boypren, Inang Sion at tito Boy. Sobrang salamat din po. Masaya po ako kahit hindi ko kasama ang aking labiduds at parang kasama ko pa din siya dahil kasama ko ang kanyang pamilya sa kaarawan niya. Sa buong pamilya ng aking boypren na mahal ako, mahal ko din kayo, sniff, sniff. Salamat po at naexperience kong mabuhat ni Jollibee! Naku lagot si Jollibee pag-uwi ng aking labiduds, aabangan daw sa may kanto. hahaha,

Sa biglaang gala namin ng aking super duper friend na si Dannahbear patagaytay nung 21, salamat po at pinatnubayan nyo kami sa aming paglalakbay. Thank you po at nakapagzipline kami at nakauwi kagad after. sana mas madaming zipline pa ang masakyan ko. Kahit buwis-buhay ung pakiramdam, masaya pa din po. Sa uulitin. hehe

Sa nilutong pansit canton/bihon ng ate kong panganay na si ate Evic nung araw ng linggo, salamat din po, pampahaba ng buhay na tunay. Nabusog po hindi lamang ang aking sikmura kundi pati ang aking puso. Kahit walang gift basta may tsibog na luto, solb ang mga sawa ko sa tyan, hahaha (walang larawan dahil naubos kagad)

Sa adobo na walang sabaw na niluto ni Dannahbear nung nag-overnight siya sa amin sa calamba, salamat din po, dahil hindi lang libre kundi masarap din, hehe, sa uulitin, ibang putahe naman. (walang picture, ubos na nang maalala kong dapat pinicturan ko, haha)

Sa blogpost ni maida tungkol sa akin bilang pagbati sa kaarawan ko, salamat po, tunay akong maswerte dahil may kaibigan akong gaya nyang autistic na match sa pagiging autistic ko. Apir, tol!hahaha, labs kita at salamat dahil labs mu din ako. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako misteryoso, minsan tuloy naiisip ko baka may sapak na talaga ako sa ulo. Speaking of motiff ng kasal, no idea pa din. anyway, isip-bata pa naman ako, hahaha,

Sa pagtawag ng aking labiduds para ako ay personal na batiin, salamat po ng madami, natouch ako, haha. Salamat po sa patuloy na paggabay sa aming love story. Hindi ko po sigurado kung saan kami patungo pero ieenjoy ko lang po ang aming journey. Alam ko naman pong mapagbiro ang tadhana pero pwede po bang gawin nyo akong epikia? haha, sabay ganun, basta po un, thank you, ingatan nyo po siya lagi at ilayo sa makakating babae, hahaha,

Sa pagbati ng aking mga Kingkong barbie tropa, salamat po. Mas dumami ung bumati sakin kasi si Ming-ming equivalent na sa tatlo dahil sa hubby nyang si Not2 at sa cute na cute na baby na si Dylan. Sa magandang naglalakad na paranoia na si Rhea Marie, thanks sa pagbati. Kay Virax na walk-out queen, na akala ko kinalimutan ang bday ko, salamat po kasi hindi pala nya nakalimutan, nagpahuli lang talaga siya ng pagbati, alam nyo naman, hahaha, at kay maida, namention na kita kanina pero salamat ulit!hahaha. Sobrang maswerte ako dahil may kaibigan akong gaya ninyo. Okay lang sakin kahit hindi ako sikat at hindi din sociable na groupie, basta meron akong tropang KB!

Sa tumbler na bigay ni Mommy Chum na deputy manager ng department namin sa opis, super thank you po. hindi po talaga kayo nakakalimot ng birthday kasi last year may gift din kayong pillow sakin. Ahm, sa uulitin po, haha (ako na ang nawili) peace, labs ko din kayo Mommy Chum!πŸ˜›

Sa keyk na surpresa ni ate Utchie at ate Jaja, sobrang salamat! sniff, sniff, hindi ko talaga yun inaasahan, hehe, natouch ako ng sobra, at sa sobrang touch ko, naubos na ung keyk agad. hahaha,sa mga pinlanong movie dates na hindi matuloy-tuloy, darating din tayo dyan, sa out of town na gala na niluluto, sana masarap ang kahinatnan at matuloy, kahit hindi ko masasabi ng personal dahil mahiyain ako, labs ko kau, hehe

Sa pouch na bigay ni kuya kim galing bicol, alam kong pasalubong un at hindi gift pero dahil binigay mo un ilang araw bago ung bday ko, gift na para sakin un, sori dahil inuwi ko ung ID mo minsan, wala akong balak ipakulam ka, nagkataon lang na gaya-gaya ka ng style ng ID, nakatalikod din, haha (peace) ang wish ko sana magpakasal ka na at magkababy, tumatanda ka na din,

Sa manong na nagpaupo sakin nung birthday ko sa bus, sobrang thank you po, dumami pa sana ang katulad nyo.

Sa clear na xray na kakakuha ko lang, sobrang salamat po, akala ko po talaga may pneumonia or TB na ako. Kasi naman po, mag-iisang buwan na po this week ung ubo kong pabalik-balik. Pero nakahinga na po ako ng maluwag, nagseself-diagnose na po kasi ako eh, buti na lang clear! pero may diagnosis pa din ako sa saking sarili, hypochondriasis, haha, wuhoo, let’s party! ay ndi pa pla pwede, kumakahol pa ako at nagddrugs ng senicod forte at antihistamine,haha, excited lang,

sa iba pang blessings na dumating na hindi ko napansin pero binigay pa din sakin, sobrang salamat po, ang wish ko po ay isang masaya at punong-puno ng adventure na buhay kasama ng aking mga mahal sa buhay at tropapips.

***

sa lahat ng may kaarawan ngayong Agosto,

maligayang bati! mabuhay!

15 thoughts on “nagbirthday na naman ako

  1. narsmanang says:

    congrats tol sa clear xray. wow, may cake, sana tinirhan mo ako, hahaha.πŸ™‚ salamat kasi labs mo kami, labs na labs ka din namin. hindi na nga daw bisita tingin sayo nila tatay at wewel, kahit anong ulam ang madatnan mo, choks na daw. hahaha.

    nawa nga ay ilayo sa mga makakating babae si kuya. hahaha.

    at salamat din na na-appreciate mo yung sulat ko. naiyak pa ako dun. hahaha. basta misteryoso ka, parang laging nagiisip. wala lang. mabuhay ang mga autistic!πŸ™‚

    hbd!!!! muah.

    • aubu22 says:

      salamat tol, haha, naubos kagad ung keyk eh, huwaw! labs ko talaga kau, hehe, nahihiya nga ako pag tinatanong karaniwan kung kumakain ako ng ganto or ganyan kasi hindi naman ako mapili sa fuds basta wag lang okra at yellow ng itlog, hahaha

      speaking of your kuya, sana talaga, hehe, ang hirap ng gwapo ang boypren,

      wow, naiyak ka sa blogpost mu sakin?sayang hindi ko nakita, haha, palaisip talaga ako pero sa tingin ko naman hindi ako misteryoso, tahimik lang, hahaha

      mabuhay taung lahat! Tenchu ulit sa keyk na bigay mu!mwaahh!

    • aubu22 says:

      hehehe, maraming salamat, Manong Duking! waaah, nakalimutan kong 10 pala ang equivalent ng X pag roman numerals! amf, mapalitan nga, hahaha, pero salitang kristyanong banal, hindi pa ako 28!, lower!lower! >:)

  2. PM says:

    happy birthday! i pray that you get more of everything that made you happy this past year. sana mabuhat din ako ni jollibee. paano ko ba sasabihin sa kaniya yun?πŸ˜†

    • aubu22 says:

      huwaw!salamat po sa pagbati at pagdaan ulit dito, Ms. PM!

      actually wala po akong sinabi kay jabi na buhatin nya ako, magpapapicture lang talaga ako sa tabi nya kaya nagulat na lang ako at binuhat nya ako,πŸ˜›

  3. doon po sa amin says:

    hello,aubu! haha, hindi mahaba ang post,pramis…πŸ™‚ don’t worry, binasa ko lahat at may pics naman, ahaha…

    belated happy birthday sa ‘yo. ikaw na ang maswerte.πŸ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s