Akyat sa Mt. Pulag (Part 3)


Sa wakas at sinapian ako ng kasipagan para ipost ang part 3 ng Mt. Pulag adventure ko na naganap noong Pebrero ng taong ito. (expired na expired post na, haha)

Para may koneksyon pa din sa huling Mt. Pulag blog entry ko, kinuha ko ulit ilang talata dun.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

Mga alas kwatro na ata nung nagsimula kaming gumayak papuntang summit. Sobrang excited na ako, ung cheer ko sa sarili ko nun ay “let’s get it on!”

Paglabas namin ng tent, sinubukan kong picturan ung langit at ito ang nakuhanan ko. Mukang umuulan ng nyebe na mukang madaming orbs. Sabi pag madaming orbs madami daw spirits, yay.

Pagkatapos kong makuhanan ng larawan ung langit, gumayak na kami para umakyat ng summit. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng larawan along the way dahil madilim at dahil takot akong gumulong pababa. Ung dinadaanan naming trail ay makipot lang tapos madilim na ung ibang parte.

Out of curiosity, nagtanong ako kay ateng tour guide kung bangin na ba ung madilim na nakikita ko tabi ng trail na dinadaanan namin.

AuBu: Ate, bangin na ba ito? (sabay ilaw sa madilim na parteng tabi trail)

Ateng tour guide: Oo. (ang honest talaga ni ate!)

AuBu: ahh, bangin na pala (sabay lunok-laway)

Matapos ang isang oras mahigit, nakarating din kami ng summit at naghanap ng magandang mapupwestuhan para mapanuod ang pagsikat ng araw. Kasabay nito ay ang pagkuha ng madaming larawan.

Hindi ko na inilagay lahat ng larawan dahil mauumay kayo sa mukha ko at mukha nila. Pumetiks lang kami sa tuktok, ninamnam ang lamig na nanunuot sa jacket namin na tagos hanggang buto at inantay sumikat si haring araw.

At ilang sandali pa ay sumikat na si haring araw ng bonggang bongga!

tapos nagkuhaan kami ulit ng piktyur!

hehe, Nung andun kami sa summit, naastigan ako sa isang manong na member ng isang mountain climber team, hinubad nya halos lahat ng suot nya maliban sa boxers at nagpakuha ng piktyur. Humanga ako kasi ako nga, alisin lang ung guwantes sa kamay ko parang magyeyelo na ung kamay ko tapos hindi ko na maigalaw. Naisip ko baka ibang klase ng alak ang tinira ni manong. Unfortunately, hindi ko siya nakuhaan ng piktyur kundi andito din siya sa blog ko, haha

Bigla akong may naalala tungkol sa trip naming ito. Kung nagbabalak din kayong sumabak sa ganitong trippings, siguraduhin nyong kumpleto rekados ang gamit nyo. Nung umakyat kasi kami sa summit ang bitbit lang namin ay ung mga sarili namin na balot ng jacket at iniwan na lahat sa tent ung gamit namin. Wala kaming dalang termos na pangkape paakyat eh sakto ung iba naming kasabay meron, eh ako pa naman ung tao na karaniwang nagkakape sa umaga. Aun, nanigas ako sa inggit sa kanila habang nagkakape. Anyhow, nag-enjoy pa din ako, kape na lang ang kulang sa magandang view sa summit.๐Ÿ˜›

Matapos ang ilang oras naming paglagi, pagkukwentuhan at pagpapakuha ng larawan sa summit, naisipan na naming bumaba at nagpicture-picture. Nakita ko na ung parte kung san pwede akong gumulong pababa kung sakaling mali ung pag-apak ko sa trail, haha

Tapos pikyur ulit. (sinulit talaga namin!este sinulit ko pala, ang piktyur-taking! haha)

Tapos inayos at iniligpit ung tent sa campsite tapos bumaba na ulit. Tapos pikyur ulit.

Eto, totoo na talaga, bumaba na kami ng bundok at aun, napagod, hehe, pero all in all, satisfied ako. Tapos may certificate pa akong nakuha na may nakalagay na isa na akong honorary climber na nakalista sa Mount Pulag book of climbers, sowsyal.๐Ÿ˜› ung piktyur ng certificate? sa susunod na lang ulit, haha

ang nasabi ko na lang sa sarili ko nung makababa kami. “wow, buhay pa ako, akalain mong naakyat ko yun?” I survive!

****

dagdag impormasyon

  • Ang Mt. Pulag ay ikatlo sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas na nasasakop ang probinsya ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya
  • May tatlong trail kayong pwedeng pagpiliian para makarating sa summit kung sa Benguet kayo: Ambangeg, Akiki, at Tawangan trails
  • Sinasabing ang buwan kung kelan the best umakyat ay ang buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Nobyembre, at Disyembre.
  • Kung nais niyong umakyat at wala kayong kasama, maghanap kayo ng mountain climbers group o lakwatserong grupo na pwedeng sabitan. Sa kaso ko, ang grupong Itchy Feet Wanderings at Journey for a Cause ung sinamahan ko.
  • Kung madami pa kayong tanong na hindi matatagpuan dito, search google, hehe, (peace out)


 

10 thoughts on “Akyat sa Mt. Pulag (Part 3)

    • aubu22 says:

      haha, infairness, naipost ko within the year, hehe, ung camiguin at cdo natin wala pa din,๐Ÿ˜›
      makakapunta ka dun, at sasama ako๐Ÿ˜›

  1. doon po sa amin says:

    ei, ang gaganda ng pics, lalo na ‘yong nilagyan mo ng url,hehe….

    naman, ba’t thermos pa ng kape ang inyong nalimutan? parang ang lamig sa itaas, parang ang sarap ngang magkape, ahaha…

    ikaw na ang climber.siguro ang last part/post nito ay tungkol sa paggulong mo pababa?ahaha. ๐Ÿ™‚

    • aubu22 says:

      salamat po๐Ÿ™‚
      oo nga po eh, dibale sa susunod hindi na namin un makakalimutan, hahaha
      eto na ung last part, buti na lang hindi ako gumulong pababa, hahaha >:)

  2. hitokirihoshi says:

    iba talaga ang kinang ng sunrise. magnificent! saya siguro umakyat ng bundok kaso iniisip ko pa lang parang kailangan ko na ng matinding energy. hehehe

    weakling ako nitong mga panahon na ito. hahaha

    • aubu22 says:

      ganda noh?ako hangang hanga ako sa sunrise doon!naman!try mo minsan!Magdala ka ng flanax,kakailanganin mo nun, kasi ako kailangan ko na din ng ganun sa susunod, haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s