hindi ako matalino


09 14 11

Section 13 ako nung grade 1, section 10 ako nung grade 2 at nalipat ako ng section 1 noong grade 3 at nagdire-direcho na

Pero hindi ako matalino. (nalipat lang ako dahil sa hokus-pokus, alam nyo naman sa public elementary school)

Mas nauna ko pang matutunan ang paglalaro ng chess kesa pagbabasa

Pero hindi ako matalino. (kailangan ko lang matutunan yan dahil takot ako cariño brutal ni Hitler)

Mahilig ako magbasa. Mula Manga, Reader’s digest, FHM, Cosmopolitan, Wikipedia at mga blogsites binabasa ko basta trip ko.

Pero hindi ako matalino (saglit lang tumatagal sa utak ko ang mga impormasyon na nababasa ko. Wala akong tinatawag ng karamihan na pornographic este eidetic memory. Pangarap kong magkaroon ako noon parang yung sa Bicentennial man, ang cool ko siguro nun, haha)

Grumadweyt akong with honors (7th) noong elementary at bumagsak sa exam ng isang prestihiyosong eskwelahan na panghayskul

Hindi talaga ako matalino (masipag lang mag-aral paminsan-minsan, basta ayoko lang nung napag-iiwanan, tamang chill lang)

Upper hethero (basta parang section 1) ang tawag sa section ko mula persyir hanggang fortyir

Pero hindi ako matalino, gaya ng sabi ko may topak lang talaga ako mag-aral minsan, tamang pumapasa pero hindi nagtatop

Grumadweyt akong merit awardee (candidate for honors pero wala sa honor roll mismo) nung hayskul

Pero hindi ako matalino (ako ung tinatawag ng mga teachers na mediocre student nung hayskul, parang bola na kapag hinagis sa ring onti na lang swak na)

Nag-exam ako sa isa pang prestihiyosong eskwelahan pangkolehiyo pero gaya ng resulta nung hayskul exam, hindi ako kwalipikado sa kursong inaplayan ko

Hindi talaga ako matalino (pakunswelo de bobo na lang sa sarili ko na malaman kong ung grade ko nung exam ay ung grade limit ng isa pang branch nila na hindi ko naman inaplayan, buset lang)

Nag-aral ako sa kolehiyo at nakapasok bilang isang nursing student at natatakan ang batch naming cream of the crop.

Pero hindi ko pa din masabing matalino ako (siguro sila ung cream, ako yung crop? haha)

Grumadweyt akong with honors ulit at umakyat sa entablado at sinabitan ng bilog na gold-plated

Pero hindi ako matalino (katas yun ng kasipagan, eto ung mga panahon na kailangan talaga kasi ung pag-aaral ko ung at stake)

Nagboard exam ako at nakapasa sa unang attempt

Pero sa tingin ko hindi pa din ako matalino (katas din yun ng pagrereview at syempre, divine intervention! haha)

Karaniwan akong nasasabihang mataba ang utak at minsan naniniwala na talaga akong matalino ako (feelingerang palaka, haha)

May mga pagkakataong lumilitanya ako ng, “hindi naman sa pagyayabang pero blah blah blah blah”

Pero hindi talaga ako matalino eh. Masipag lang talaga minsan.

Dati gustong-gusto kong nasasabihan ng matalino kahit ang totoo sinipag lang akong magreview bago ung isang quiz or exam kaya mataas ang nakuha ko

I get a certain kick (lalo na nung hayskul) kapag nasasabihan akong matalino, para bang you’re more than average.

Ngayon, hindi ko na masyadong gustong masabihan ng matalino. Eh kasi ang taas ng expectations kagad basta mabrand kang ganun.

At hindi mo namamalayan, pati ikaw nagseset na din ng expectations sa sarili mo.

Minsan nakakainis kasi maghang ka lang ng konti, isasampal kagad sayo na dapat alam mo ung ganito kasi ganun ka (alam niyo yun, nakakaimbyerna)

Tapos minsan gagawin kang base level of comparison. Kapag ikaw yung greater, ang awkward ng feeling kapag ikaw ung lesser, ang sakit sa ego; feelings which I both hate.

Kaya tuloy minsan gusto ko na lang isauli ung bilog na goldplated na nakuha ko nung kolehiyo

At ipabura sa TOR ko ung lecheng *** ***** na nakasulat

Don’t get me wrong, I take pride of what I have accomplished so far

Kahit mediocre ang karaniwang feedback sakin, kahit paano nag-eeffort naman ako sa mga bagay na nakuha ko

Kaso ewan. Siguro dumarating talaga sa bawat tao ung stage na pakiramdam mo isa kang shitty crap na dagdag polusyon sa earth.

****

Paumanhin sa bitter na post, bitter lang talaga ako noong ginawa ko to eh, haha
Natawa na lang ako habang binabasa ulit at naisipan kong ipublish dahil tinatamad pa akong magpost tungkol sa latest kong paglalalagalag >:}

7 thoughts on “hindi ako matalino

  1. narsmanang says:

    para sa akin matalino ka, mataba ang utak.

    minsan i share the same feeling. kapag may ie-exam, sasabihin ko ayokong kunin yan, sayang ang pera, sasabihin ng nanay o kuya, kaya mo naman yan, matalino ka. hindi nila alam kadalasan chamba lang talaga. kasi kung matalino ako, edi sana magna cumlaude ako. hahaha.

  2. lablab says:

    HAHA! ganda ng historya po. Okay, siguro naging bitter ka pero be thankful din kase nabiyayaan ka. Haaay. Kung ako yan, malamang — ikakain ko na lang. Bwahahaha!😀

    nice reading your blog.

    • aubu22 says:

      medyo bitter nga talaga ako nung naisulat ko to, haha, pero ngayon tinatawanan ko na lang, oo, lumamon kaya ako ng bonggang-bongga nung panahong sinulat ko to >:)

      • lablab says:

        nice. eating is the best way out for bitterness. toinks! (nagsalita ang MALAKAS lumamon. hakhak) ‘di nga? HAHA!

  3. doon po sa amin says:

    ahaha! ba’t kailangang i-underscore ng paulit-ulit? ohum… you must be under some kind of pressure?… ano baga ‘yong gusto mong abuting di mo makuha? ahaha, peace.

    di rin ako matalino pero palabasa ako kaya pag minsan ay napapagkamalan na rin. napapagkamalang mayabang, ahaha. anyways, buti nga ikaw at masipag and consistent kaya naging honor ka. me, hindi.

    pag may time ka, hanapin mo ang copy ng isang essay ni isaac asimov. ang title noon ay what is intelligence, anyway? ayon… hello, aubu!

    • aubu22 says:

      ahm, for emphasis po?hahaha, medyo pressured nga po ako sa buhay ko, feeling ko po kasi napag-iiwanan na ako ng mga tao sa paligid ko.

      wow, apir!pareho po tayo, napagkakamalan lagi, na mayabang, haha, masipag lang po ng konti,

      nabasa ko na po!salamat po sa pagrecommend, nakakatuwa ung essay nya,nakakarelate ako, hello din po ate susan! (f na f) hehe:P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s