mahirap palang gumawa ng short love story


kasalukuyang nag-aadik ako sa pagbabasa ng mga short love stories. matagal ko nang plano ang gumawa ng Bahay ni Tito love story collection o di kaya Kingkong Barbie love story series. pero hanggang ngayon, wala pa din.

may nasimulan na ako pero katiting pa din. Mga ilang buwan na ang lumipas pero malabo pa sa kanal ang kwentong sinusubukan kong buuin. noon, kahit naman walang kadating-dating yung istoryang nabubuo ko, nakakagawa pa din ako, ilang pages pa yun (kaso puro prinsesa at prinsipe yung bida, batang-bata lang, hahaha) pero ngayon, witchels, sablay talaga.

Naisip ko, baka kailangan kong makakausap ng taong inlab na inlab para makagawa ako ng magandang istorya. kulang sa inspirasyon? haha. kung makesong banat lang, madami ako niyan, kaso wala eh, ang sagwa ng pinapatunguhan ng kwentong ginagawa ko. Parang pilit na pilit. Nakakainis. O baka naman kasi ung mga nakakausap ko bitter sa lovelife kaya apektado ang mood ng kwentong ginagawa ko? Ah, ewan. Ideas. Come to me. Sana may osmosis or diffusion na nagaganap sa paligid ko papunta sa utak ko. Kasi diba ang principle nun laging from an area of higher concentration to a lower concentration? Kasi pramis. Kahit itaktak nyo ako ng pabaliktad, walang kayong mahihitang magandang ideya sa utak ko. Puro kagaguhan.

Eh bakit nga ba kasi nagpipilit akong gumawa ng short love story? (pahirapan daw ang sarili?imbes gumawa ng makabuluhang bagay eh) bakit nga ba?eh wala lang, gusto ko lang may mabasang love story sa blog ko. Yung tipong pag malungkot or may topak ako bubuksan ko ung blog ko tapos may mababasa akong love story na gawa ko tapos habang binabasa ko yun, kinikilig ako, wahaha, epal. Para lang akong timang nito. basta gusto ko makagawa nun. Gusto ko. Gusto ko. Palimos naman ng talent.

18 thoughts on “mahirap palang gumawa ng short love story

    • aubu22 says:

      wow, buti pa siya kung ganun, hehe, ba’t ako mahilig din naman ako magbasa ng pocketbooks at kung anu-ano pang books pero walang hilig sakin ung story?haha,

      anyways, salamat po sa pagdaan!๐Ÿ™‚

  1. duking says:

    aubz, one day, makakagawa ka rin ng love story. hindi naman kasi kailangan ng talent, all you need to do is to see it in your heart. panigurado namang may love story dung nakatago, it would be unique cause its yours.

    ingats. ps, hindi ako naniniwalang hindi ka matalino. humble lang, oo ( comment para sa previous post)

    • aubu22 says:

      opo manong duks, aabangan ko yang one day na yan, sana malapit na, feeling ko po kasi kailangan ng talent para maganda ung kalabasan,๐Ÿ˜›

      thank you po, hahaha, sa tingin ko po hindi po ako matalino at hindi din humble. hehehe ^^

  2. Ang Tambay na si MyR says:

    tama si duking..lahat nanggaling sa puso.sa tingin ko di mo rin kailangan ng kwento ng iba. dahil sa aking palagay mas maganda siguro kung sarili mong labstory ang iyong ilalathala. kase kung ikaw ang bida sa sarili mong istorya mas mailalahad mo ng walang pagkukunware at buong puso mo maisasalarawan ang tunay na love story na pinapangarap mo..;-) GO giirl!..

    • aubu22 says:

      panalo ang go girl mo sir Myr! eh aun na nga po, mapakwento ng iba mapasarili kong labstori hindi ko din maikwento ng maayos, haha, yaan nyo po,ibubuhos ang aking puso sa gagawin kong istorya balang araw, salamat po sa payo >:)

  3. foobarph says:

    hi aubu, try mo po itong format na ito…

    1. set the story first…
    2. insert the good scenes…
    3. ilagay ang problema…
    4. insert the possible solutions…
    5. pabayaang ma-mroblema ang bida pa…
    6. then saka ka magpasok ng positive solutions/scenes to resolve the problem
    7. wrap up your story

    hehe

  4. MrsGreenBellPepper says:

    hmm mas maganda kung personal mong naranasan o kaya malapit sa yo yung may kwento nun. kung baga first hand yung info. ako din tamad gumawa ng mga storya pero minsan pag naranasan mo talaga, kahit walang theme o kahit ano lang na isulat mo, parang gumaganda na din kasi nararamdaman ng mga nagbabasa yung damdamin ng ngsulat.. ay nakakakilig naman..hehe

    hope to read your love story soon, aubu๐Ÿ™‚

    • aubu22 says:

      oo nga po, MrsGreenBellPepper, hehe, nangangalap pa lang ako ng impormasyon sa mga kakilala habang hindi ko pa maikwento ng maayos ang aking labstori.

      ahm, napressure ako bigla, hahaha, matagal ko pa maisusulat ang aking labstori, ongoing pa eh๐Ÿ˜›

  5. narsmanang says:

    naalala ko matagal mo na talagang plano-slash-pangarap sa buhay yan eh. basta naalala ko kinuwento mo na sa akin yan. hahaha. gawa ka ng kwento at ako ang magiging number 1 fan mo.๐Ÿ™‚

  6. doon po sa amin says:

    hello, aubu! ayan, dumalaw na ang nag-busy-busyhan dine, ha.๐Ÿ™‚

    hmmn… about your problem. hindi ako naniniwala since ikaw ay taong nainlab na baga. i would also suppose na naka-experience ka na rin ng unrecquited love, ‘ika nga, matinding pagkabigo, atbp. ergo, marami nang laman ang iyong baul. baka, baka lang, ang wala ay ‘yong tinatawag ko bagang trigger sa pagsusulat. iyon ang kanya-kanya ang mga nagsusulat….

    eniweys, sa bandang amin, marami-rami ang lab post, ahaha. pag may time ka, silipin mo ang page ng table of contents to see ang mga iyon (sorry, di ko pa naka-categorize properly, e). ang una kong naisulat dati ay may kainamang title na Minsan, Dumating ka sa Buhay Ko. classic romance ang plot noon. baka sakali, may mapulot ka sa cheesy na post, ahehe… may dalawa pa roong madamdamin, ika nga – Kung Tapos Na ang Lahat and ba’t mo nga ako iniwan? dati nga, ang akala ni narsmanang, emo lang ang laman ng site ko, ahihi…

    kering-eri mo yan once na nagka-trigger ka na, pramis.๐Ÿ™‚

  7. aubu22 says:

    ayun!dumalaw ka na nga!hehe, salamat sa pagdalawa ulit!๐Ÿ˜€

    ahm, hindi ko po kasi alam kung paano sisimulan, kapag nakakabasa ako ng magandang lovestory natetempt akong gayahin ung style ng pagkakalahad nun tapos aun na po, tinatamad na akong tapusin kasi parang gawa ng iba, haha, basta ang gulo po.

    maibrowse nga yang mga lab post nyo para balang araw makagawa na talaga ako ng kwentong sariling akin lamang๐Ÿ˜€

    thanks po sa suporta! ^^

    • doon po sa amin says:

      hello, uli… medyo gets ko na yata. short story kasi nga pala ang genre na balak mo. baka ito ang dahilan ba’t ka nahihirapan, di kaya, sister? hehe… medyo mahirap kasi talagang gumawa ng short story, hehe. at least ako, nahihirapan din. ang mahuhusay dyan ay iyong mga gaya nina duking, mga sanay maghabi…

      ako, bibihira rin ang short stories kong posts, eh. ang dahilan? yon, inaabot ako ng isang taon sa editing. hindi ako makontento… yong Minsan is medyo short story nga yata ang format. but the rest of my love posts, hindi, wari ko…ang isa ko pang short story sa site is Ang Kwento ni Nine, tungkol naman yon sa tsismis, hehe…sabi ko nga, 14 revisions yon bago ko ipinublish. :c

      kung gumawa ka lang muna kaya ng love post tapos, later mo i-shape kung kayang gawing maikling kwento? mungkahi laang, aubu, hehe…๐Ÿ™‚

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s