puso mong dalisay manong!


nung lunes, binisita namin ang lola kong nagcelebrate ng ikawalumpu’t dalawang kaarawan. Pagkatapos ay nagpunta kami sa iskul ko nung elementary para kuhain yung form-137 ng pamangkin ko. Nagpunta din kami ng commonwealth market para bisitahin ang mga kaibigan ni mama tapos kumain sa Jabi at dumirecho ng SM north para mag-ikot at bumili ng mga dapat bilhin. Nang matapos na kami, sumakay kami ng bus sa cubao para umuwi ng laguna.

mabilis naman ang byahe pero hindi talaga nawawala ang mga bwisit sa byahe. sa bus na sinakyan namin, sa pangalawa kaming hanay umupo nila mama, ate evic at kyle. wala kaming ginawa kundi magkwentuhan nung bumulong ang ate evic ko na may isang manong na kanina pa tingin ng tingin. Tiningnan ko yung manong na tinutukoy ng ate ko. Mukha naman siyang disente. Nakapolong puti, nakaslacks na kulay khaki at nakaleather shoes. Siguro late 40’s to early 50’s (sa tingin ko ah) Hindi siya nakatingin nung lumingon ako dibale dedma na lang ako ulit nang biglang siniko ako ulit ni ate kasi nahuli niyang nakatingin. Tiningnan ko ulit yung manong pero nakayuko lang siya. Dibale bumalik ako sa pakikipagkwentuhan kina mama at ate pero pinapakiramdaman ko na siya at tinitingnan sa aking peripheral vision. Naramdaman kong tumingin na naman siya tapos biglang tutungo tapos titingin na naman. Tapos mga ilang segundo lang nakatingin na naman. Ang ginawa ko tiningnan ko siya ng matiim. May nabasa kasi akong blog tapos sabi dun kapag may tingin ng tingin sayo, stare them down. Ang kaso hindi epektib kay manong kaya dedma na lang ako ulit. Tapos naramdaman na din ng mama ko na tingin ng tingin na naman si manong. Same style. Titingin tapos pag napansin mo, tutungo at magtutulog-tulugan. Tapos naiba ng konti, titingin tapos magtetext. Sa asar ko, kinuha ko ung camera ko sa bag tapos binuksan at kunwari nagpicture ng sandals ng pamangkin ko pero ang totoo sa manong na yun nakatapat ung camera. Side view nga lang ang nakuhanan ko. Napatingin na naman, ung ate ko nagparinig sabi kay mama “ma, kilala mo ba yang taong yan?kanina pa tingin ng tingin eh! (sabay turo kay manong) si mama naman sabi “hindi”. Si manong dedma lang tapos humawak ng phone at nagtetext. Nawala yung atensyon namin sa kanya pansamantala nang mapansin ni mama na parang may picture sa celepono si manong (farsighted kasi ang mama ko kaya medyo kita niya) Sabi ng mama ko picture ng babae na parang ako daw pero parang ung babae ding katabi ni manong. Sa asar ko ulit, kinuha ko ung celepono ko at itinapat kay manong, binidyuhan ko siya ng mga 2 minuto mahigit at huli talaga sa video na tingin siya ng tingin, epal. Tapos napansin ko din na sa panahon na binibidyuhan ko siya, nakatapat din ung celepono nya sa direksyon ko, kunwari nakatalikod ung phone nya pero ung camera lens nakaharap samin. Tumingin ako sa lens ng camera phone nya nang matagal (at nakasimangot) para kung sakaling panuorin niya ung video kung meron man, malaman niya na alam kong binibidyuhan ako. In his face!

Nagpaparinig na ako kung ano bang problema niya pero si manong dedma at same style pa din ung ginagawa. Bumulong ako sa mama ko at sabi ko konti na lang ma kokomprontahin ko na yung manong na to pero sabi ng mama ko hayaan ko na lang daw pero sobrang nag-init talaga ulo ko sa ginagawa niya. Adik ba siya, hindi naman ako public figure na pwedeng tingnan ng tingnan. Pinaka-ayoko sa lahat ung tinitingnan ako ng ibang tao na para akong alien. Manood na lang siya ng TV or magbasa ng dyaryo or magazine kung gusto niya ng babaeng matititigan buong magdamag. Nakakapraning kaya ung ginagawa niya. Nakakainis. Siguro kung hindi ako pinigilan ng mama ko, nasapak ko sana yung manong na yun.

Bababa na lang kami, nakatingin pa din siya at nakatapat pa din samin yung camera phone niya. Nagparinig ako ng pababa na kami, sabi ko “siguro te makikita ko na lang yung sarili ko na asa youtube” dibale makikita niya ung sarili nya sa blog ko”.

Bumaba kami nila mama sa may SM dahil maggogrocery pa kami pangdinner. Naglalakad na kami papunta ng entrance area nang maramdaman kong may nakatingin na naman sakin, yung bus na sinakyan namin, nakatapat halos sa may SM dahil traffic at kitang kita ko ung mukha nung buset na hinayupak na manong na nakatingin nang nakakaloko. Sa sobrang asar ko, I did the middle finger sign at sinigurado kong nakita niya yun. (alam kong very unlady like ung ginawa ko but to hell with it, badtrip na ako) Dapat may ternong malutong na mura yun pero ayokong sabihin ng malakas ung p***** **a*o kaya sabi ko na lang, “puso mong dalisay manong!” (kung nagtataka kayo kung bakit un ang nasabi ko, eto ung dahilan, nakwento kasi ni ate ching si kuya bodgie na karaniwang mura ung lumalabas sa bibig niya kapag nagugulat at to change the habit of saying the PI word, sinubstitute niya ung p***** **a *o ng “puso mong dalisay” hence, the word I muttered to vent out my anger)

Nakatext ko si maida right after this incident, sabi niya baka daw nagandahan sakin si manong which I highly doubt kasi mukha akong tibo nung nangyari ito. I was wearing plain blue round collared shirt, black jeans at military design baseball cap. Nakabaliktad pa ang pagkakasuot ko so malabo talaga. Sabi niya baka naman pedophile si manong at akala 12 years old lang ako. Isipin ko na lang daw at least safe ako at marami daw talagang loko sa mundo. Sabi ng mama ko baka daw isa si manong sa mga lalakeng nagsasariling-sikap at napili niya ako at yung babaeng katabi niya na pagdiskitahan. Kadiri siya. Nakakadiri talaga siya kung totoo man yun. Naasar pa din ako hanggang ngayong dahil hindi man lang ako nakasapak sa mukha ng siraulong manong na yun. Hmmm. Siguro dapat sundin ko na yung payo nila ate na bumili ako ng taser or pepper spray. Or dapat mag-aral na ako ng martial arts.

just to get back to that pervert manong, below is his picture.

ang tanda-tanda nyo na, pero parang wala po kayong pinagkatandaan. nakakainis po kayong tunay. kung marunong lang akong mangkulam, kinulam na ko na po kayo manong.

12 thoughts on “puso mong dalisay manong!

  1. duking says:

    hindi ba’t pag nasa public place ka eh nagiging public figure ka na rin? hahaha!

    nagtataka ako kung anu kaya ang intenyon ni manong at tingin ng tingin? kung anu man ang reason niya, siyempre mas naramdaman mo mismo yun. cool ka lang, aubs. relax ka lang. simple lang ang buhay ngumiti ka na lang. daanin mo sa tawa ulo mo’y iinit lang. kaya kaibigan, konting pasensya lang.haha! kumanta na ko.

    be aware, be ready, be concious lalo in public dahil marami talaga ang masasamang loob. pero pero pero…ah basta. for the benefit of the doubt, baka observant lang si manong at hindi naman siya ganun kasama pero pervert or not, hindi talaga maganda ang tumingin ng tumingin sa ibang tao.

    • aubu22 says:

      napaisip ako dun manong duks, haha, pwede, pwede,

      hindi ko din po alam, pero nakakabastos po kasi siya tumingin partida po 100% sure akong hindi kabastos-bastos ang get-up ko, haha, right after ko po mavent out ung asar ko, nakangiti naman na ako, haha, panalo, kumakanta pala kayo😛

      salamat po, lagi ko po yan tatandaan, ahm, naku nahusgahan ko na si manong dito sa blog ko, pacenxa na lang sa kanya, tama po kayo dyan, it’s definitely impolite to stare,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s