Charan! Day 3 na! Dahil, nanonosebleed na akong tunay sa kakaingles, magtatagalog muna ako este Taglish, ay Pinglish na lang pala.
Day 03- Pictures of you and your friends
Supposedly, picture lang talaga so dapat isa lang pero wala naman akong picture na andun lahat ng kaibigan ko kaya ginawa kong pictures, haha. FYI. Hindi ako sociable na nilalang pero kahit paano may friends naman ako. hehe. FYI ulit. Random arrangement lang ung mga larawan na sumusunod, (hindi base sa date or sino ang closest, labo-labo yan) yung ibang tao dyan nauulit pa, maliit lang kasi ang circle of friends ko. basta lahat ng nasa larawan na makikita niyo, tinuturing kong kaibigan ^^
super plural talaga ng pictures, haha, ngayon ko lang narealize, andami pala naming pictures nga mga kaibigan at tropapips ko. sa mga katropa at kaibigan na wala dito (mapaelem/hayskul/college/opis or tabi-tabi friends), inuunahan ko na kayo ng paumanhin, hindi ko pa naiscan ung ibang pix at pwedeng wala din kayong piktyur sakin na kasama nyo ako.
Sa lahat ng kaibigan ko, mapamababaw man sa ngayon o mapamalalim na ang ating mga samahan, labs ko kayo, mwahugs (wink)
may solo (na kasama si aubu) ako!!! 🙂
tama!!!hehe,(wink)
ang kyut ng pic nyo ni narsmanang, hindi halatang close kayo, hehe… 🙂
hehe, tenkyu po ate susan! hindi po talaga halata 😛
saka, maganda si narsmanang sa shot na ‘yon. psst, hwag mong sasabihin, baka maniwala, ahihi… 🙂
hehe, maganda po talaga siya kahit anung anggulo 😛 haha, sige po, sikreto lang natin to, ahaha