All about me 10 day challenge – Day 4


Yehey ulit! Nakaka-apat na ako sa ,😀

Day 04 – How you found out about blogging and why you made one

Nalaman ko ang blogging noong ako ay nagsimulang mag-aral sa mataas na paaralan in short noong hayskul. Nalaman ko ito dun sa katabi ko sa computer shop na lagi kong pinupuntahan dati sa may manggahan. May nagkukulitan kasing dalawang magkaibigan na katabi ko ding nagrerent ng PC tapos may nasabi ung isa na mag-aupdate siya ng blog niya. Nacurious ako kaya niresearch ko kung ano ung blog. Nung nalaman ko, napagtripan kong magbasa-basa pa tungkol dito. Tamang stalker lang ng blog ng iba ang trip ko noon. Mas prefer ko dati ang magsulat sa notebook ng mga angst at kagaguhan ko sa buhay. Tsaka wala naman kaming PC sa bahay kaya hindi ko din mamemaintain ang blog kung meron man ako nito dati. Magastos kung every now and then magrerent ako ng PC sa computer shop malapit samin para magblog. Ang aking alternative? notebook/journal, hehe. Matipid pa, ang kaso lang magastos sa ballpen. haha

Bakit nga ba ako nagsimulang magblog? Tamang trip lang. Kung hindi ako nagkakamali fourth year high school ata or first year college ako nagstart magblog. Nadagdagan kasi ng onti ung allowance ko kaya pwede na magrent ng PC pag nasa wisyo ako sumulat. Tsaka sobrang adik ako nun sa Flyff na tipong dis oras na ng gabi andun pa ako sa computer shop. Nakikigulo din ako sa mga kaguild kong naglalaro ng Dota kahit saling pusa lang ako. Karaniwan, bago magsimula ung online games marathon, sumisimple akong gumawa ng blog entry.

Una akong nagblog sa friendster tapos gumawa din ako sa multiply tapos sa tagged tapos sa shutterfly pero parang gumawa din ata ako sa blogdrive or blogspot ata pero hindi ko na tanda. Sa mga nabanggit kong website ako karaniwang naglalagay ng mga blog entry hanggang sa madiskubre ko ang wordpress at dito karaniwang tumatambay sa kasalukuyan.

****

wahu! 6 to go😉

2 thoughts on “All about me 10 day challenge – Day 4

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s