vitamin E enriched egg, anyone?


kahapon naggrocery kami ni ate ching sa may SM MOA at may isang produktong umagaw ng atensyon ko.

Itlog.

Oo.

Itlog na puti.

Teka lang. Hindi ako galing sa kung saang planeta para humanga ng husto sa puting itlog. Nakulitan lang talaga ako sa packaging ng itlog na nakita ko. Tingnan niyo.

Oha, oha, Vitamin E enriched egg! Meron din akong nakita na Omega 3 enriched kaso hindi yun ung binili namin. Astig diba? (kala ko ung mga processed foods lang ung may mga ganung eksena).

Napaisip kami ni ate ching kung paano nila yun ginawa. Eto ang mga ideyang pumasok sa utak ko.

  • baka nilagay sa balat ung vitamin E pero inerase ko din sa utak ko ung idea na yun kasi hindi naman kinakain ng tao ung balat ng itlog kaya nonsense na lagyan ng vitamin E ung balat
  • baka pinainom ng madaming madaming vitamin E ung nanay nung mga itlog. pero sabi ni ate ching eh malamang idinudumi din nila yun so paano maaabsorb?

Ang bright ng mga idea ko noh, haha. Pero seriously, yun lang talaga nahita ko sa utak ko.

Sa sobrang curious ko, hinanap ko talaga sa google kung paano nangyaring may Vitamin E enriched eggs.

Alam niyo bang ang Vitamin E enriched eggs ay humahanay sa kategoryang “Designer Eggs”? Sila ang klase ng mga itlog na produkto ng mga inahing manok na binusog sa vitamins.

May nakita din akong study regarding enhancing vitamins in eggs. Ang nangyari, kumuha sila ng 60 hens tapos pinakain ng special diet enriched with vitamins tapos ung mga produktong itlog ng mga manok na yun sumailalim sa assay para makita kung may pagbabago sa nutrient content. May katiting namang pagbabago sa nutrient content pero hindi ganun kalaki ung difference sa itlog na produkto ng normal na manok na may normal na diet. Pero syempre sa mga studies basta may katiting na percentage ng pagbabago, malaki pa din ung impact nun. So naimbento ang “Designer Eggs”.

Naisip ko, magvivitamins na lang ako kesa bumili ng “Designer Eggs” na P8.00 isang piraso. Kung vitamins lang madami kang mabibili sa botika. Tsaka may likas na bitamina ang normal na itlog tsaka depende din sayo kung paano mas gagawing masustansya ung pagkain mo diba?

Hindi ako bitter sa vitamin E enriched eggs. In fact, vitamin E enriched egg ang lahok ng kinain kong lomi kanina pero pramis walang pinag-iba sa lasa ng normal na itlog na nabili ko sa kanto na nagkakahalaga ng bente limang piraso.๐Ÿ˜›

10 thoughts on “vitamin E enriched egg, anyone?

  1. doon po sa amin says:

    ahaha, maganda itong consumer education entry mo re: eggs, aubu…๐Ÿ™‚

    mahal na nga ang tigpa-five pesos na egg sa ngayon dahil ang liit (medium). dati, large na ang ganoon. oo, nagre-reklamo ako, haha…

    siguro nga, marketing chorvah ang pag-a-advertise na vitamin-enriched ang ibang eggs. ang target ng mga ganyan ay yong health buffs na hindi price-conscious, ahaha…๐Ÿ™‚

    • aubu22 says:

      hehe, salamat po ate San.

      oo nga, ako nagrereklamo din po, haha.

      ibang klase ung marketing strategy nila. nakow, sa lahat ng health buffs, be warned na lang, haha๐Ÿ˜›

  2. PM says:

    designer eggs? wow! ngayon lang ako nakadinig nyan. dati organic lang ngayon naman may enriched pa. pero sa mahal nila mag bitamina na ngal ang tayo mas mura pa๐Ÿ˜†

    • aubu22 says:

      hehe, nalaman ko lang din po ang designer eggs dahil sa binili namin egg enriched with Vitamin E na to eh. Tumpak! mas mura ang vitamins or pwede din pong magstick na lang sa mga fresh fruits and veggies!๐Ÿ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s