second to the last


Last day ko na bukas sa trabaho. Pagpasok ko ngayong araw, nagmabagal ako para namnamin ang second to the last kong pagpasok sa opis. Para akong praning na tinitingnan lahat ng buiding, tindahan, tao at iba pang bagay na madaanan ko. Yung Alphaland Southmall na noong bago pa lang ako sa opis namin, wala pa siya dun sa kinatatayuan niya. Ung driver na OC sa pagsingil ng pamasahe sa jeep na sinakyan ko pagpasok. Ung isang estudyanteng nag-aabang ng jeep sa may waltermart. Yung trabahador na nagbubukas ng shutter ng Mercury Drug store. Yung manong na nagtitinda ng kakanin sa kalsada na binilhan ko ng dalawang kutsinta kanina. Yung mga kasabay ko sa elevator na papuntang 15 at 16th floor na masama ang tingin sakin kasi sa 14th ako bababa (Mukhang malalate na sila kaya ganun).

 

Pagbukas ng pinto ng elevator, binati kagad ako nila ate at manong guard ng “good morning ma’am”. Unti-unting nagsink-in sakin na pagkatapos ng bukas, hindi na ako makakatapak sa loob ng opis namin, kasi kahit bumalik ako para kunin ang backpay, hanggang sa reception area lang ako.Grabe. Andami ko talagang mamimiss sa trabaho.

Mamimiss ko ang magandang building ng RCBC. Nakapasok na ako sa ibang buiding sa Makati pero para sakin ang RCBC building ang isa sa pinakamaganda ang istruktura.

Mamimiss ko din ung lung center na minsan kong tinatambayan kapag sinasama ako ng nila ate ems at QAI dati pag nagyoyosi sila. Mamimiss ko ang third floor kung saan madaming tindahan ng pagkain at kung saan laging may sale ng Tomato, Watch Republic at mga make-up every payday.

Mamimiss ko si ate guard sa RCBC entrance na laging humaharang sakin na may spiel na “Neng, san ka”” na akala mo laging unang beses nya akong nakikita sa RCBC samantalang tatlong taon mahigit na akong labas-pasok doon. Lagi ko siyang gustong sabihan na “haler ate, burado na halos ung mukha ko sa ID ko tapos hanggang ngayon yan pa din ang tanong mo sakin, wala na bang bago?” pero never ko pang sinabi yun, nakakatawa kasi siya talaga.

Mamimiss ko ang bioman na dating biometrics kung saan ako naglolog-in at naglolog-out. Sana maging perfect system for payroll ka talaga in the future. Kawawa naman ung mga ahente na laging nagdidispute ng salary nila.

Mamimiss ko ang pagswipe ko ng ID sa may entrance ng opis floor, ang station ko na dalawa ang monitor, ang keyboard, ang mouse, ang telepono, ang swivel chair, ang paggawa ng email, pakikipagchat, ang mga bookmarks na hallmark ng mga current at ex-RTA sa station. Ang malaking orasan na abot tanaw sa RTA station na karaniwan kong tinititigan sa tuwing excited na akong umuwi. Lahat na lang, hahaha.

Iginala ko pa ulit ung mga mata ko sa floor ng opis. Naku. Dumami pa ung mamimiss ko.

Mamimiss ko ang opismeyst ko at mga kaibigan d2 sa opis

Mamimiss ko si Mami Effer, ang isa sa tatlong Dyosa sa CCTID at nag-iisa kong mentor sa opis. Siya ang naging kabuddy ko nung bago pa lang ako at siya ang nagturo sakin ng halos lahat-lahat ng alam ko ngayon. Sobrang talino, bait at lambing niya. Salamat sa pagsshare ng mga alam mo. Salamat sa mga kwento mo. Sa mga heartbreaks at kilig moments na shinashare mo. Mamimiss ko din ang mga beauty queen Q&A niyo sa floor pati ang tanungan ng capital ng bawat bansa kahit sumasakit ulo ko sa pag-iisip. hahaha Salamat kasi tinuring mo akong anak slash baby sister slash opismeyt. Andami. Wahaha,

Mamimiss ko si ate Jaja, ang pinakamabait na SM samin para sakin. Salamat din at hindi ka nag-amok nung tinawag kitang ate samantalang feeling ko mas mukha akong matanda sayo. Naaalala ko pa nung una mo kong niyaya maglunch, ansaya ko nun kasi kung sino-sino lang sinasamahan ko maglunch mula nang magresign sila Maida at Haw, hehe. Salamat sa pag-ampon niyo sakin sa Benditas. Mamimiss ko ang pagbaba natin kina aling cora at sama-samang paglulunch natin nila ate Utchie sa pantry at pagpunta din ng CR ng magkakasama. hahaha

Mamimiss ko si ate Utchie, ex-kateam ko na nasa ibang team na ulit. Mamimiss ko ang pakikipagchat sayo sa jabber ng kung anu-ano lang. Salamat at lagi kang ready na tulungan ako sa mga cases na hindi ko alam. Salamat din sa pagbisita sa blog ko at minsang pagcocomment. Salamat sa pasalubong galing Singapore, hehe, Nga pla, ung monkey business natin, wag mong kalimutan. hahaha

Mamimiss ko si kuya Berto, ang SM na panalo na sa mga banat. Salamat sa pagiging kuya. Sa pagiging mabait na SM at salamat sa hindi pagbibigay ng IR sakin kahit napakadaming beses akong OB ng sa mga shifts na ikaw ang nakashift. Kahit binubully mo ako, para sakin mabait ka pa ding kuya. Salamat sa mga payo at sa mga libre. Mamimiss ko ang sama-sama nating pagkain ng breakfast at lunch kina aling cora at pagbili ng buko juice kay manong na laging nakapwesto sa may firestation. Salamat sa mga kwento, sana balang araw pag mayaman ka na, mapagpatuloy mo ang pagiging MD mo!

Mamimiss ko ang ever gorgeous na si QAI, isa din sa tatlong Dyosa sa CCTID. Mula sa pagiging mabait na QA at pagiging mabuting kaibigan. Salamat sa pagimbita sa mga gala mo. Andami kong dagdag na experience sa pagsama sayo. Mula sa Mt. Pinatubo hanggang Mt. Pulag. Salamat sa mga kwento at pagsshare ng problema. Mamimiss kitang talaga.

Andami ko pa pong taong mamimiss at dapat pasalamatan.

Salamat Kuya Erick, sa mga kwelang banat at jokes. Mula noon hanggang ngayon, wala po kayong pinagbago. Patok pa din ang mga hirit nyo at mabait pa din po kayo at laging approachable. Mamimiss ko ang tambalan niyo nila Kuya Jester at Kuya Rey na biglang hihirit ng mga boybands na kanta pati parody nila sir Rex kantatero.

Salamat Boss Ken, sa pagtanggap sakin sa department kahit doon po ako sa offline dapat. Masaya ako at naging parte ako ng CCTID. Thank you po at never niyo akong pinagalitan or binigyan man lang ng IR kahit alam kong madaming beses niyo na akong nahuling nagbabasa ng manga, wikipedia at kung anu-ano pang site na inaaccess ko while on shift. Salamat po sa tiwala sa kakayahan ko at mga opportunities na binigay niyo. Salamat po sa pep talk nung minsang inevaluate niyo ako at sinabi nyong leaders are made not born. Mamimiss ko ang mga libreng kape at fuds tuwing may meeting, hehe. Salamat din po sa pagsubok na iretain ako at pag-offer ng salary increase nung malaman nyong magreresign na ako.

Salamat Mommy Chum, sa pagtayong nanay ng buong departamento. Sobrang bait at thoughtful niyo po. Hindi ko po makakalimutan ang mga kabaitan niyo. Iingatan ko po ang mga regalong bingay nyo. Sana po magtagumpay pa kayo sa lahat ng gagawin niyo.

Salamat Kuya Jester, sa mga jokes, sa pagkausap sakin kahit para lang akong autistic. Sa pagiging kuya. Sa pagsshare tungkol sa compilation ng combatron. Sa mga usapang anime. Basta, alam mu na yun. Pakabait ka para kay Khriziel, haha. Sana maikasal kayo balang araw.

Salamat Kuya Kim, sa mga kwentuhan tungkol sa trabaho at pamilya. Sa mga banat at birong kwela. Sa pagiging kuya. Pakabait ka din para kay ate Sandra, haha. Sana balang araw, maging isang ganap kang lawyer!

Salamat Kuya Vhin, sa pagturing saking bilang little sister at pagtawag sakin ng “tol” o minsan nama’y “ate aubs” (kahit mas matanda ka pa sakin) haha. Good luck po sa career at family. Pakabait ka kuya, hehe. Peace >J

Salamat Kuya Raymond, sa pagsshare ng mga alam mo pati ung sa Odesk. Susubukan ko din yan one of these days pag tinopak. Salamat din sa mga payo at kwentuhan. Good luck din sa career.

Salamat Kuya Drew at Ate Reych, sa aking dalawang mentor sa retention team. Andami kong natutunan sa inyong dalawa. Salamat sa pagtytyaga sa pagtuturo ng mga alam niyo sakin. Sana ipinamana niyo din sakin ang inyong magandang accent. hahaha

Salamat Ate Jelyn, sa pagiging ate slash SM mula CCTID hanggang mapunta ka ng VIP. Mamimiss ko ang mga kwento mo tungkol sa bibo mong pamangkin. Good luck sa lablayp at pagboboxing, hehehe.

Salamat Brookie, bago ko makalimutan, isa ka din pala sa tatlong dyosa ng CCTID. Thank you sa mga walang kamatayang kwento mo, sa pagsshare ng mga astig mong drawings at novels, sa pagsshare ng mga manga na binabasa mo, sa f na f mong pagrampa sa corridor, sa wattpad na lang kita aabangan.

Salamat Kuya Dante, isa ka din sa mga SM na hindi ako binigyan ng IR ever kahit dumadalawang oras ang OB ko tuwing nightshift ako dati. Salamat sa pagassist sa mga query na hindi ko alam. Goodluck din po.

Salamat Ms. Kat, mula sa pagiging mabait na QA ko nung conversion agent pa ako at sa makulay na bag na regalo nyo po dati. Thank you for sa pagsshare ng mga alam nyo. Gudlak po.

Salamat Ate Juyjuy, sa pagiging mabait na QA din nuong OS pa ako, thank you din po sa pagtitiwala sakin na injectionan ko kayo ng IV gluta, hehe

Mamimiss ko ding makita ang lima sa pinakamagagandang babae sa opis para sakin na taga CCTID. Si ate Pipay na labs na labs si kuya Pedro at labs na labs din siya in return. Sana masaksihan ko kahit sa Facebook ang kasal nyo, si April na papalit sakin, gudlak at alam kong kayang-kaya mo yan! Salamat sa mga kwentuhan at sana may natutunan ka sa training sakin. Si Aileen na inaccept ang FB invitation ko, thank you!, si Angel na ate aubs ang tawag sakin, at si Ms.Owie na isa sa mga astig na QAs na nagtraining sakin nung bago pa ako. Stay cool and beautiful CCTID ladies!

Kina ate Rhina at ate Sheann na kabatch ko nung training, thank you and good luck! Galingan mo sa studies mo te rhina! Ajah! J

Sa mga medyo luma na sa department (peace), kina ate Bam (mamimiss ko po ang maaangas nyong hirit), te Malou (mamimiss ko po ang pagiging maasikaso nyo sa tuwing mag-oorder sa pat&lee or chowking), at ate Sandy (mamimiss ko din po ang mga patok din nyong hirit ), kuya Rey (gudlak po sa pagpapaending, hehe), ate Donna (stay fashionableJ) at sa dalawa pang astig na QA’s, ms. Xannee & ate Abby, thank you po sa lahat and good luck din po!

Sa mga hindi na bago pero hindi pa masyadong luma, kina Ren (mamimiss din kitang talaga), Kati (salamat sa pag-iiwan ng comment sa blog ko), Kitay (congrats and gudlak, hehe), Den, Mervin, Kuya Abet, Kuya Dax, Kuya Dan, at Kuya Dino (tama na po ang explosive chats, hehe), good luck din!

Sa mga medyo bago sa department, kina CJ, Ana at Joan, goooodluck powww at alam ko pong kayang kaya nyo poww yannnn!!!! (peace CJ, haha)

Sa mga kasabay kong pumasok sa opis pero nauna saking magresign na sina Hawie at Maida, pano ba yan, it’s my time to shine este to exit pala, hehe

Kina Jeremy, Madokwang, Ate Ems, Kuya Dee, Kuya Pedro at Kuya Danby na naunang umexit sa opis, maraming salamat sa pagkakaibigan. Masaya ako at naging parte kayo ng panahong inilagi ko sa PICCLTD.

Looking back, natatandaan kong may mga panahong naisip ko na isang malaking pagkakamali ang pagpasok sa opis namin. Maliban sa poles apart ang layo sa kursong tinapos ko, napakaroutinary ng buhay dito. Pero ngayon? Kung tatanungin niyo ako kung papasok pa ako ulit sa opis namin kung uulitin ko ang buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip at sasabihin kong OO. Papasok pa din ako.

Dito sa CCTID ako nakakuha ng unang sweldo na binigay ko sa nanay ko. Nakagala ako sa kung saan-saang parte ng Pilipinas dahil din sa sweldo ko dito. Nabili ko din halos lahat ng gusto kong bilhin dahil sa sweldo ko dito (maliban sa house and lot at kotse, wahaha)

Dito sa CCTID ako nakakilala ng mga taong mataba ang utak pero hindi nakakahon sa geeky ways and get-up. Special mention na dito sina Kuya Dee, Kuya Berto at Boss Ken. Sila ang mga taong matatalino pero cool. Hindi ko ito masasabi sa inyo ng personal kasi hindi ko talaga forte ang pagsisimula at pagmamaintain ng conversation. Pero gusto ko lang sabihin na, I look up to you guys.

Dito din sa CCTID, sobrang dami kong natutunan, mula sa mga sugal na dati ay wala akong kaalam-alam hanggang sa mga terminong pangR18 lang, wahaha. Dito ko natutunang maglaro ng poker at bacarrat. Ng slots at Roulette. Dito ko din nalaman na ang ibig sabihin ng Orange ay Sogo (credit to kuya Danby) Dito ko din natutuhan na ang ibig sabihin ng “Kuneho” kapag ikinonek sa isang lalake, ang ibig sabihin ay babaero (credit to the CCTID boys). Nalaman ko din dito ang ibig sabihin ng “gerger” ay “sex” (credit to ate shey). Nalaman ko din ang terminong “mindfuck” (credit to Brookie) at kung anu-ano pang terminong pangkalokohan. Hindi ko na idedetalye at aabutin tayo ng siyam-siyam.

Pumasok ako bilang CCTID baby at ngayo’y mageexit bilang ate ng mga newbie.

Sa inyong lahat, salamat ng marami at mabuhay!

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

AuBu,
Ex-Retention Specialist, ex-Potential VIP fisher, ex-Online Support Representative, ex-Conversion Representative
aka Milliard, Kazumi, Recca, Ira, Trilby, Astrid, Rhea, Char, Deux, Vira, Prochaine, Mai, Lyd, Fleur & Debra.

23 thoughts on “second to the last

  1. narsmanang says:

    wow, na-mention pa din ako. haha.

    panalo ang exit speech.🙂

    ako din hindi ko pinagsisisihan na naging parte ako ng CCTID kahit hindi pa CCTID ang tawag diyan nung nandyan pa ako.

    the baby is now the ate. hehehe.

  2. PM says:

    tatlong beses ko na din nasubukan umalis sa trabaho. sa lahat ng yun, natuwa ako. ang lahat ng pag alis ay may dadaling kabutihan. good luck!

  3. crazymynd says:

    hekx…naggawa ko na rin toh aubu..hirap tlaga pag nagpapaalam.. the best exit speech..ikaw na.🙂 mamimiss ko ang buddy up natin kay aling cora at ang gimik natin na mag CR ng sabaysabay..hehehe… d bale.. magkikita pa tayo..bilog ang mundo..d malabong madaanan natin ang mga dinanan ng isa’t isa at magkasalubong on the way.🙂 gud luck sa next chapter ng life!

    • aubu22 says:

      hehehe, te jaja!ikaw nga!nagcomment ka!thank you! oo nga eh, hindi ko alam na ganito kahirap magpaalam, salamat!mamiss ko talaga yang mga yan, sabagay, uu naman, magkikita-kita pa din tayo in the future!madaming thank you, te ja!😛

  4. anonymous says:

    From: Delbert C.
    Sent: Friday, November 18, 2011 2:39 PM

    Good luck, Aubz. Inosente kang pumasok dito, sutil kang aalis. Bagamat low profile ka at di mo gaano pinaparamdam ang presensya mo, maraming makakaramdam ng pagkawala mo. Salamat sa alaala at please see attached. Kala mo ha.

  5. anonymous says:

    From: Donna G.
    Sent: Friday, November 18, 2011 2:52 PM
    Subject: RE: Babye & thank you (^_^)

    I’ll miss you Aubz…..nkkaiyak but super good luck to your future J mwah mwah

  6. crazymynd says:

    From: Andrew Manalo
    Sent: Monday, November 21, 2011 3:39 PM

    Wag, Nene ka pa. Magulo sa labas! Hehe

    ******
    From: Cabanez Brook
    Sent: Friday, November 18, 2011 3:31 PM

    Hi aubs,

    Mmamiss tlga ktang sobra. Slamat at nagging witness ka sa kasal ng sister ko. Salamat sa time sa pkikinig ng mga saloobin ko at salamat na ikaw ung first na nakavisit sa apartment ko. Also, d ko tlga mkklimutan ung kabaitan mo. Ingat ka wherever you will go ha. Sbhin mo lng kung aaway sau ppakulam ko😀

    ****
    From: Lopez Clariza
    Sent: Friday, November 18, 2011 3:07 PM

    Aubu ndi ako magpapaalam.. magkikita pa nman tayo di ba hehehe may 1 year ka pa..😀

    From: Reychie Salon
    Sent: Friday, November 18, 2011 3:01 PM

    Naka copyright ba to Aubz? Kokopyahin ko nalang sa exit letter ko.. 

    Don’t worry, libre accent training sakin. Free na ako for tutorial simula December 17,,, lol…

  7. doon po sa amin says:

    hello, aubu…

    ang ganda naman nito. nagustuhan ko ang unang bahagi, may pagka-literary baga ang description, hehe. sisteng sights and sounds, parang di ka na magagawi uli sa lugar, ahaha. bonggang pagko-commit sa memory ng nooks and corners, ahaha naman.

    at kahit pa mahaba pa sa credits ng pelikula ang iyong tribute, hehe, binasa ko, as in. hindi naman halatang kilala mo na nga sila, na-lab mo na sila at mami-miss mo sila. hindi.

    ei, saan banda ba ang greener pasture na next stop ng ale? 🙂

    • aubu22 says:

      hello po, ate san!

      salamat po at nagustuhan niyo. dramarama effect lang po, haha,
      nakow baka po walang green akong makita sa disyerto. puro buhangin lang. haha

      • doon po sa amin says:

        ahaha at pupunta pala ikaw sa disyerto? naandoon din ba si lablab mo? 🙂

        good luck sa ‘yo. enjoy ka muna sa laguna. magpataba ka kaya ng kaunti? ahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s