huling rampa


daig ko pa ang end credits ng pelikula sa huli kong blog post para sa aking second to the last day. kaya siguro naubusan ako ng sasabihin para sa huling araw ng aking rampa sa trabaho.

paano ko nga ba aalalahanin ang huling araw ko sa trabaho? alam kong masyadong palasak na ang salitang “memorable” pero ang masasabi ko lang ay “my last day at work was indeed memorable!”😛

kumain kami sa paborito naming jollyjeep kina aling cora nung umaga.  kung gusto nyong kumain ng masarap na agahan at tanghalian na budget-friendly, aling cora is the place to go. FYI, ang best seller nila aling cora ay ang porkchop. madali lang siyang mahanap, malapit siya sa may may makati firestation. isa ito sa tunay na mamimiss ko; ang kumain doon kasama sila ate jaja, ate utchie, kuya berto atbp.

Pagkatapos naming kumain ay dumirecho kami kay manong na nagtitinda ng peyborit naming BJ. Madali lang ding mahanap si manong kasi dun siya lagi nagkukuta sa may tapat mismo ng makati firestation.

Pagkatapos naming kumain ng agahan, umakyat na kami sa opis para magtrabaho. Wala namang masyadong pagbabago sa usual naming ginagawa. Chats, emails and the likes. Medyo madami-dami akong escalations ngayon, siguro kahit ung mga customer nararamdamang gogora na ako kaya pati sila sumasabay. haha

Dumating at tanghalian at dun ulit kami kumain kina aling cora. (hindi naman halatang peyborit namin siya talaga, haha)

Pagkatapos ay umakyat na kami ulit at balik trabaho. (how exciting, haha) Wala na akong masyadong ginagawa sa station at nagbabasa lang ako ng kung anu-anong stories sa wattpad nung biglang nagsend ng IM si QAI sakin at sabi icheck ko daw ang jabber namin at ito ang nakita ko

aughhh, natouch talaga akong tunay.

Mas maagang naglog-out sakin ang ilan sa kanila  na morning shift at may mga yumakap sakin para magpaalam. (salamat ate sandy at ate bam, masaya din po ako at nakilala ko kayo).

Bago ako naglog out sa station ko, nagsend ako ng farewell letter na ginawa ko the day before. Nakakatuwa kasi nagreply na kagad karamihan. At nagkaron pa ako ng instant Incident Report courtesy of kuya berto. Nakakatawa kasi ung violation ko ay ung mga previous overbreaks ko na inamin ko sa farewell letter ko at ang kulit ng sanction ko, 1 year extension of tenureship as retention specialist. Ang taba talaga ng utak ni kuya berto. hahaha.

Habang naglolog-out, biglang lumapit sakin ung ex-QA ko nung bago pa ako, si Ms. Kat. Winish nya ako ng good luck at bigla na lang siyang naiyak. Tapos si kuya rey biglang kumanta ng “farewell to you my friend. we’ll see each other again”. Lalo tuloy naiyak si Ms. Kat. Nakakatuwa at nakakataba ng puso kasi sa totoo lang, low profile lang ako sa trabaho kaya feeling ko hindi masyadong mararamdaman ng karamihan ung pag-alis ko kaya grabe talaga ung pakiramdam na may makitang umiiyak dahil aalis na ako. It makes me feel more than special,hahaha. Tapos si kuya berto bigla ding lumapit at sabi “aubz, wag ka nang umiyak” (kahit hindi naman ako umiiyak, haha) sabay abot sakin ng 2 book. French for Idiots at novel ni Grisham. Nakakatuwa kasi may dedication pa ung isang book. Salamat ng madami kuya berto!

Pagkatapos ko maglog out sa station ko, nagpunta ako sa locker ko at tinapon ung mga kapapelan na nakatambak at kinuha ung mga gamit na iuuwi ko pa. Pagkatapos ay bumaba sa atm para iwithdraw ang natitirang kaperahan ko. Pagkatapos ay umakyat ulit sa opis at dumirecho sa HR para isurrender ang aking company ID, locker key, atm at intellicare cards.

Sa huling sandali ay dumaan ako sa department namin at nagpaalam sa mga tao dun. Ang hirap talaga magpaalam. Buti na lang hindi ako umiyak. haha. Nakakatuwa din kasi ung isa pa naming ex-SM na si ate Jelyn, nangilid din ang luha tapos niyakap ako at hinatid ako hanggang reception area. At si QAI ay nagyaya ng merienda at libre nya! Sa La Creperie niya ako nilibre! Salamat ng madami QAI! How lucky can I get?:-D

Pagkatapos ng libreng merienda ay umuwi na ako ng bahay dahil mag-eempake naman ako ng mga mga gamit dahil ako ay pansamantalang magkukuta muna sa bahay ng ate ko sa laguna.

Umalis ako ng opis namin na may matabang puso. Malungkot ako pero mas masaya dahil alam kong ang mga taong iiwanan ko ay all-out ang suporta sa gagawin kong adventure. Tapos may mga pabaon pang mga regalo at words of wisdom.

Sa lahat ng mga taga CCTID, I’ll see you when I see you at salamat sa lahat. ^_^

Sa building ng RCBC, babalik pa ako para sa backpay ko. hahaha

Paalam muna sa ngayon!😉

6 thoughts on “huling rampa

  1. doon po sa amin says:

    hello, aubu…

    bongga talaga ang yong pamamaalam, ikaw na! like ko ‘to, like.🙂

    masubukan nga ‘yang luto ni aling cora. sa may fire station kamo? hamo…

    • aubu22 says:

      halu po ulit ate san!
      naman!me already, hahaha, subukan niyo po, madami kayong pagpipilian dun pero agahan niyo po pag tanghalian kasi blockbuster po kasi sila talaga! ^^

  2. narsmanang says:

    hmn, syempre magco-comment pa din ako kahit anong petsa na. nung kinuwento mo last day mo, parang nainggit ako. hahaha. naalala ko kasi hindi significant yung last day ko, para ngang wala pa sa floor kayo nun. binasa ko nga ulit yung sinulat ko tungkol dun, hehe. pero come to think of it, ako naman may gusto nun, ayoko ng bonggang bonggang babay at tsaka 1 week lang pala ako nagrender ng service before umalis. haha. adik lang. wala lang.🙂

    • aubu22 says:

      wahaha, syempre magrereply ako sa comment mo kahit anong petsa na din. sa totoo lang hindi ko nga alam kung alin ang mas okay, kung ung bonggang babay o ung tahimik na babay, anyhow, depende talaga sa panahon yun at trip, tamang adik lang, haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s