etchos lang


karaniwan kong iniisip na ang maiwan ay di hamak na mas mahirap kumpara sa mang-iwan. ngayong naranasan ko na pareho, I think they are relatively the same, well, at least for me that’s the case. ang lungkot na naranasan ko nung minsang iwanan ako ng isa sa mahal ko sa buhay ay pareho nung ako naman ang mang-iwan sa kanila para umalis at mangibang bayan.

sisimulan ko na ang kwento ng mga nangyari sakin nitong nakaraang linggo na invi ako dito sa WP. nabanggit ko sa nakaraang posts ko dito na aalis nga ako puntang ibang bansa at charan! andito na ako.

mag-isa lang ako bumiyahe nung 24 ng disyembre, panahon kung kailan supposedly ay magkakasama ang buong pamilya pero okay lang kasi hindi naman ako nagpapasko. ambilis ng mga pangyayari pero nagpapasalamat pa din ako at nakarating ako ng matiwasay dito. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong tumulong sakin at kasalukuyang tumutulong pa din. Hindi ko na po alam kung paano ako magpapasalamat. I’m forever indebted to you guys.

aun. sabi ko sisimulan ko na ang kwento pero san nga ba ako magsisimula?  Andaming nangyari eh. Parang pelikula ung nangyari, haha. May nakakatamad, iyakan, nakakatawa at nakakakabang parte. Alam niyo bang naburo ako sa immigration ng ilang oras bago nakaalis dahil sa hindi inaasahang pangyayari na hindi ko na sasabihin sa inyo kung ano. haha Pakiramdam ko buong buhay ko na ung itinagal ko dun pero syempre exaggerated lang talaga ako. Mga 3 hours ata akong naburo dun.

May nakakaiyak na nangyari din nung pag-alis ko. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kina mama, tito boy at maida. (bitter?wahaha) Sabi kasi nung isang officer na napagtanungan ko sa immigration pagtapos ko daw dun pwede pa akong lumabas tapos nung natapos na akong interviewhin sa immigration nung nagtanong na ako ulit, hindi na daw pwede, hence, ung huli kong kita kina mama, tito boy at maida ay nung oras bago ako pumasok ng airport para magcheck-in at sumalang sa immigration. Kung balak nyong umalis paibang bansa, dapat after nyo icheck-in ung mga bagahe nyo, lumabas muna kayo para magpaalam sa pamilya nyo kasi pagtapos ng sa immigration hindi na kayo makakalabas. Wag kayong gagaya sa akin.

Tumawag ako sa mama ko para magsabing hindi na nga ako makakalabas at nag-iyakan kami sa telepono. (eto na ung drama part,hehe) Pumasok ako sa gate 7 na bound for HK na maga ang mata ng konti sa pag-iyak (connecting flight kasi ako). Nung saktong pupunasan ko na ung mga luhang nagbabadya na namang tumulo, parang may magnet na napalinga ako sa paligid at noon ko napansin na halos lahat ng Pinoy na paalis ay umiiyak lalo na ung mga babae. Yung ibang pabruskong mga lalake, namumula ung ilong at sumisinghot. Naisip ko tuloy, iyakan party ito !wahaha, echos lang. Aun. Narealize ko, nakakalungkot pala talagang umalis.

May bloopers din na nangyari sakin sa unang flight ko. Namali ako ng inukopang upuan sa eroplanong una kong nasakyan. Kaya pala may lalakeng angtagal na nakatayo tapat ng inupuan ko eh upuan naman pala talaga niya un, buset lang, haha. Buti na lang hindi nagalit. Ang sabi lang niya “Seat 59?”, sabi ko naman “ha?” sabay tingala at napansin kong 59 nga ung naupuan ko eh sa 60 dapat ung seat ko. Napatayo ako kagad sabay sorry. hehe. Ay oo nga pala, naligaw din ako sa hongkong airport kakahanap ng gate 70. (hinayupak naman kasing airport yan eh halimaw sa luwag buti na lang marunong akong magtanong) Pero in all fairness, halos lahat kami naligaw at nauna pa ako na nahanap ung gate 70 kumpara sa iba kong kasabay. (ako na ang proud, haha)

Dalawang Pinay ang nakilala ko nung bumiyahe ako mag-isa. Si ate Jel at ate Nempha. Si ate Jel ay nakatabi ko sa flight mula manila to HK, vocalist siya ng isang banda. Sabi niya 3 months lang daw sila sa dubai at gogora na naman papunta sa kung saang bansa sila maaassign. Nalaman kong 30 years old na siya. Kinwento niya na 5 years na sila ng boypren niyang amerikano pero sa loob ng 5 years na un never pa silang nagkita ng personal. Salamat daw sa cellphone, videocall at chat. Pero sabi niya in all fairness kakilala na daw siya nung family ng kano niya. Pangarap na niyang maikasal na sila ang kaso lagi siyang nadedeny sa pag-aapply ng visa paAmerica. Si ate Nempha naman ay isang waitress na nakatabi ko naman sa flight ko mula HK to UAE. Sabi niya nanggaling na daw siya ng Brunei, Malaysia at Singapore. Sa kasamaang-palad, hindi pa din daw siya nakakaipon ng sapat kasi nagpapaaral siya ng kapatid sa iligan. FB friend ko na si ate Nempha ngayon. hehe.

Ang highlight ng byahe ko ay ang pagseserve ng pagkain! Andami kasing pagkain eh, solb solb.haha. tapos ung mga nakakatabi ko pa, ibinibigay sakin ung pagkain nila edi lalo akong nasolb (pg?hahaha)

Pagdating ko sa dubai airport, mahigit dalawang oras ang nagugol ko sa pagpila ko para sa eyescan na hindi naman pinaliwanag kung para saan. Ang nakakainis pa, andaming sumisingit na ibang lahi. Hindi ko na sasabihin ung mga lahi ng sumisingit kasi baka sabihin diskriminasyon. Naisip ko lang, uso din pala ung ganun dito. After ko sa eyescan, sa passport control naman ako pumila ng mga isang oras pero okay naman kasi walang singitang naganap dun. After dun, kinuha ko na ung bagahe ko at lumabas. Buti na lang kahit matagal ako sa airport, matyaga akong hinintay ng aking labiduds, kuya benjie at kuya arnold. Maraming salamat sa inyo!

sa ngayon, ilang araw pa lang ako dito sa disyerto ay tinatraydor na ako ng homesickness. ambilis ano po? wahaha, pero kahit ganun, hindi ko naman pinagsisihan ang desisyon ko na umalis at makipagsapalaran dito. Pangarap ko to. Ang madiscover kung anung meron sa dako pa roon. (gumaganun talaga?haha) so wish me more luck mga repapips, hahaha

12 thoughts on “etchos lang

  1. sasaliwngawit says:

    hello, aubu,

    maganda ang iyong kwento. magaan lang… natuwa ako roon sa kain galore sa eroplano, haha. ^^

    nakikiraan lang uli. :]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s