1 week late na year end wrap-up


today marks my 14th day in the desert (kailangan talaga may ganung entrada?haha)

pero hindi yun ang paksa ng blogpost kong ito.

year end wrap up to. late nga lang, haha

ano nga ba ang naganap at nagawa sa buhay ng lakas tama sa utak na si aubu sa nagdaang taon ng 2011?

–  I dyed my hair red. Oo. Totoo. Please check the picture below. (red naman diba?)

– Sumali ako sa akyat for a cause at narating ang astig na Mt. Pinatubo! Isa ito sa trip na pinakapaborito ko sa nagdaang taon ng buhay ko.

– Nakakain sa Sumo Sam kasama si Viraxu.

– Naiblog din sa wakas ang Biak na Bato adventure namin nila Maida, Haw, Tina, ate Daryl at my labiduds.

– Nakapunta ng Clark Education City kasama si Rhea at Maida. Nagexam at nainterview at nakapasa. Pero sa katapos-tapusan hindi din namin tinuloy. haha. Tamang kaadikan pero masaya pa din ako kasi instant gala kasama ang tropa (nakapunta kasi kami ng Nayong Pilipino dun tsaka K9 Cemetery, wahaha).

Naiwan mag-isa pansamantala ng mga tropa sa unang trabaho.

– Naisama ang mga kaibigan sa aming probinsya sa Leyte (hindi ko pa nga lang naiblog ung kabuuang trip, ahm, one of these days pag natripan kong magreminisce)

– Nadepressed at umakyat ng bundok. This time, Mt. Pulag naman ang inakyat ko. hahaha

– Nakaattend ng wedding ng aking brother-in-law to be (nakanaks, gumaganun?hahaha) at abay ako! ^^

– Nakasama sa Fun Day ng opis sa huling pagkakataon. Sa may San Juan Batangas naman ito ginanap.

– Nakasama sa family roadtrip papuntang Vigan! Nakarating din ako ng Baluarte Zoo!

– Nakaattend sa araw ng kasal ng aking tropapips na si Mingming.

– Umeksena ng kakesohan sa blog, haha

– Naging morning shift forever sa opis! (nung una hindi ko feel pero natuwa din ako eventually)hehe

Nagtransfer ng voter’s registration at nagkaron ng purple thumb ^^

Nagmaganda ang lola nyo, haha

Nanuod ng sine pero hindi tinapos. Tamang kaadikan lang. Perstaym ko itong nagawa! wahaha

Nainip sa buhay at nag-inarte. Umingles pa ng reklamo, san ka pa? haha

– Nakadalawang taon ang blog ko! mabuhay! wahu! salamat sa patuloy na pagbabasa ng mga basura dito sa aking blog, hehe.

– Naligaw bago nakarating ng DFA at muntik pa akong magoyo. haha. Buti na lang hindi natuloy.

– Nagpunta sa bahay ni Rizal kasama ng utol kong bunso.

– Nakabalik sa Intramuros at nakapunta ng Rizal Park Childrens Playground kasama sila kuya Berto, ate Utchie, ate Sandy at April! ^^

Nagbirthday ulit at nakatanggap ng dalawang keyk sa loob ng isang linggo!ako na ang maswerte!haha

–  Nakaattend ng birthday party sa Jolibee at binuhat ako ng Jabi mascot!

– NagZipline sa tagaytay kasama si Dannahbear!

– Nagsalin ng tula mula Ingles patungong Filipino bilang paglahok sa buwan ng wika.🙂

– Nang-away este nangumprontra ng housemate. ako na ang maldita.

– Nag-assemble ng aparador kasama si ate ching! Wuhoo. Girl power!

Naghang ang utak. ng ilang beses. ay lagi pala naghahang, hahahaha

– Nakapunta sa iba’t ibang museum! Kabilang na dyan ang BSP Metropolitan Museum, Ayala Museum at National Museum. May museum din akong napuntahan sa Vigan kaso hindi ko naiblog kasi tinamad ako, wahaha, peace.

Ano pa ba ang mga nangyari sa buhay ko?

– I took a nursing exam for Kuwait but unfortunately, I did not pass the examination. I sulked for a week and then I felt better the week after that.

– I also took the Singapore Nursing Board and I passed. I got interviewed by a nursing director from the second largest hospital in SG and I passed as well (am I lucky or what?)but I did not pursue it due to some circumstances I’d rather left unexplained. Aabutin tayo ng siyam-siyam dito. haha

– Ginawa ko din pala ung All about me 10-day challenge! at icongratulate nyo ako kasi natapos ko yun! Yey!

– Nagpunta sa job fair sa Festival Mall at nakapasa sa medical transcriptionist exam pero hindi ko tinuloy puntahan ung company kasi ang layo, haha.

– Sumali din ako sa Volunteer’s day ng Sa Aklat Sisikat Foundation. Naging instant karpintera at pintor ang inyong lingkod!

– nakaencounter ng itlog na enriched with vita-E!

– oh, and before I forgot, (EOP?haha) I made one of the biggest gamble in my life last year, I quit my job. kudos to me. haha. Matapos ang matagal na panahon, I finally gathered enough courage to leave. Hindi ko akalaing magagawa ko yun, I swear. Pero aun. Nakakahaggard pero nagawa ko naman. hehe. Alam kong paulit-ulit na pero nagpapasalamat ako sa mga taong sumusuporta sakin. Forever akong magpapasalamat.🙂

– Sumali din pala ako sa HSBC Fun Run 2o11! 3K nga lang ung nasalihan ko kasi late na ako nakapagparegister. In all fairness, natapos ko ung 3k ng 29 minutes!wahaha.

– tumambay ng ilang linggo (pero madami ding inasikasong papel sa pagitan ng mga linggong yun)

– umuwi ng probinsya para magpaalam sa aking pamilya dahil aalis na nga ako papuntang disyerto.

– bought Bob Ong’s latest book! wuhoo, nalula ako sa dami ng hits ng blog ko nung araw na ipinost ko ung tungkol sa book niya. nakakatuwa lang. hehe

ayun. andaming naganap sa buhay ko last year. feeling ko nagmature ako ulit ng onti. haha.

– another highlight of my 2011 was the fact that I traveled from the Philippines to HK then to the desert all by myself. (ipinagyayabang ko talagang mag-isa lang ako lumipad, haha, isang malaking achievement un para sakin kasi biruin nyo perstaym kong lumabas ng bansa tapos mag-isa lang ako. ako na ang mayabang, hehe)

– isa pang hindi ko makakalimutan ay yung unang beses na ipinagdiwang ko ang New Year’s eve away from home. It was sad. I remember crying over the phone when I called my mom, my eldest sister and my aunt (sana hindi nila napansin, wahaha, pero sa tingin ko hindi nila napansin kasi wala naman silang sinabi or napansin nila pero hindi nila sinabi kasi maiiyak din sila).

– I also gained 2 sets of parents when I arrived at the desert. Papu Armin and Mamu Julie then Mami Vids and Dadi Roy (feeling close lang, haha) ^^

******meet Papu and Mamu******

******meet Dadi Roy and Mami Vids (sila po ung nasa gitnang couple na nakashades pareho)******

– Before the year 2011 ends, I also get to experience my first taste of the infamous Biryani they were all talking about ever since I stepped foot in the desert. Halimaw ung serving nila dito nun, puno ang isang plato. Kakaiba ung lasa niya, para akong kumakain ng luya na hinaluan ng onting kanin, haha. Chicken Biryani ung flavor nung kinain ko. Unfortunately hindi ko naubos. I found out later na wala naman kahit kapirasong luya sa Biryani. Ibang spices daw un at hindi luya. hehehe.

Ayun, hehe. Alam niyo sa dami ng biyayang natanggap ko nung 2011, feeling ko isa akong sobrang swerteng nilalang. Minsan nga naguguilty pa ako dahil hindi ko alam kung deserving ba ako sa mga biyayang nakuha ko but anyhow, lubos talaga akong nagpapasalamat sa Maykapal.

2012 na. Asa bagong mundo na ako este bagong lokasyon. May mga bagong tao, bagong adventure, at bagong mga pagsubok. Maaring mas mabigat na responsibilidad at problema. Ang hiling ko lang sana makayanan ko ang lahat hindi lang para sa aking sarili kundi para din sa mga taong nagtitiwala at sumusuporta sa akin. (naks, parang linya lang sa pelikula, haha).

That’s all for now mga repapips. Babalitaan ko pa din kayo whenever I can (feeling busy kahit nakatambay pa, haha)

10 thoughts on “1 week late na year end wrap-up

  1. doon po sa amin says:

    hello, aubu girl. glad to hear from you…

    your 2011 was full, kainggit naman. and you really are there in the dessert na, tingnan mo. :] kailan lang, dito ka pa gumagawa ng blog entries, ah. blogging from the dessert na ang drama ng kabeautyhan mo, hehe…

    goodluck sa new setting at sa bagong buhay mo dyaan. pag-igihan mo para pagbalik mo rito, rich ka na, haha. swerte ka’t may nag-ampon kamo sa ‘yo, di ka gaanong mahihirapan sa adjustment. pag-igihan mo lang. ingat ka dyaan. :]

    btw, di ko pa alam paano tutunawin ang puso ni mr. wordpress para mahabag na ibalik na ang dpsa, hehe. isip ko kung magsisindi ako ng insenso o mag-aalay ng bulaklak, ahaha.

    eniweys, highweys, happy new year! ^^

    • aubu22 says:

      hello po ate san!mabuti po at napadaan po kayo ulit!🙂

      hehehe, swerte lang po, oo nga po eh, saglit pa lang ako dito pero nakakamiss na kagad dyan. hayst,

      salamat po ng madami!sana nga po makeri ko ang buhay dito, hehe at sana pagdating ko dyan in the future madami na akong datung, wahahaha

      hmm, sana po matunaw na ang puso ng WP mabuhay ulit ang DPSA. Wala po bang customer service over the phone ang WP? baka sakali, hehe.

      happy new year din po! ^_^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s