para hindi mapanis ang kanin


sa kasalukuyan, ako ay balik na naman sa buhay na mag-isa/independent (naks, haha)

dahil broken shift ang schedule ng lola nyo sa clinic,

karaniwan kong gawi ay magsaing ng madaming kanin para hindi na ako magsasaing ng paulit-ulit (menos pagod at tipid sa kuryente)

kapag nagsaing ako ng isa’t kalahating takal sa umaga, pagkain ko na un ng buong araw hanggang kinabukasan

kanina nabanggit ko kina mamu na ganun ang gawi ko sa pagsasaing

sabi niya dahil malamig pa ang klima ngayon sa disyerto, okay lang daw na iwanan ko ung kanin ng mahigit isang araw sa rice cooker ng hindi nasisira

pero kapag daw dumating na ang tag-init dapat daw patakan ko ng suka ang kanin sa rice cooker para hindi ito masira! aha! may ganun pala!

perstaym kong narinig ung ideyang yun at panigurado gagawin ko yun para masubukan

sabi ni mamu patak lang daw talaga at baka maging paksiw na kanin ang kakainin ko sa dalawang araw pag napadami ang suka

ayan! bagong kaalaman na naman sa hindi nakakaalam ng nabanggit ko!hehe

sa mga nakakaalam, pagbigyan nyo na ang ngayon lang nakaalam,😛

12 thoughts on “para hindi mapanis ang kanin

  1. jay says:

    tried and tested yan Aubu kasi nagawa ko na yan ung takip ng suka ang pinupuno ko after kong mahugasan ung bigas nilalgyan ko ng suka.. ayos khit mainit ndi nappanis…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s