minsan talaga gusto kong maging lalake


una sa lahat, hindi sila dinadatnan ng buwanang dalaw. ikalawa, ung apelyido nila ang dinadala ng babae pag ikinakasal. at higit sa lahat, hindi sila ang nagbubuntis at nanganganak. how lucky can they get? (insert inggeterang palaka here)

sabi ng labiduds ko dapat daw makuntento ako sa bigay sakin ng Maykapal but I can’t help but wonder what if I’m meant to be a guy? sa totoo lang pretty girls attracts me more than gorgeous hunks. and before you think of anything else, hindi ito public confession ng pagiging tibo ko pero masasabi kong mas manly ako kesa ladylike. pero take note, nagddress ang lola niyo at naghahighheels pero anyhow, naglipana nga pala ang sobrang magagandang dilag sa mundong ibabaw na ang gusto ay kabaro nila at ang masasabi ko lang, kanya-kanyang trip lang yan.

nga pala, may kwento ako sa trabaho, may magiliw na doktor sa clinic namin at sa tuwing binabati ako eto ang litanya niya “hey aubu, what’s up man? kayfal haloki?” (ang gusto niya lang itanong ay how are you). sa mga nurses kasi sa clinic, ako lang ang nag-iisang nakachucks lagi at hindi nagmamake-up at nag-lilipstick. ako na ang lalake. porket hindi palaayos tibo kagad? hindi ba pwedeng astig muna? (vice ganda lang?haha). at ang lagi kong sagot sa pangungumusta nya ay “zen doc” ibig sabihin fine doc. basta sa dalawang linggo na pagpasok ko hindi papalya ung pangungumusta nya at pagsagot ko. minsan nga napapagod ako at gusto kong irecord na lang kasi parang naglolokohan na lang kami. hahaha.

teka napalayo na ako, ba’t nga ba ulit gusto kong maging lalake? madami kasing kwento ung mga katrabaho ko tungkol sa mga kagaguhan ng lalakeng naencounter nila dito sa disyerto. sa society natin kapag ang lalake ay babaero ang cool niya pero kapag babae ang lalakero, tangina este tangama, maduming babae na. (at oo, marunong na akong magmura ngayon nang may boses at to be fair, tangina at tangama ang ginagamit ko (improvement ba ito o regression?), actually dati pa ako marunong pero sa isip ko lang sinasabi pero dahil malakas ang tama ko sa utak ngayon, pati dito sa blog ko magmumura na din ako. blog ko naman to pagbigyan nyo na ako, hehe) o sige hindi muna babaero at lalakero. ung friendly muna, pag lalake ang friendly keribels lang karaniwan pero pag babae ang friendly nang-aakit na kagad? o diba unfair? pero syempre depende pa din yan sa situation.

bakit ko nga ba ulit gustong maging lalake, sabi nung isang Pana na katrabaho kong lalake na itago natin sa palayaw na Naray, sa India daw ang pamilya ng lalake ang binibigyan ng dowry at mga regalo. sabi niya kaya nga daw wala pa siyang asawa kasi wala pang nagkakainteres sa kanya nung tumuntong siya sa tamang edad. dahil asar ako sa kanya nung araw na yun, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa sabay sabi ng “You know what, Naray, even if I’m an Indian lady I won’t bid for you too. I’ll just keep my money and gold for myself” Umariba naman ung isa kong makulit na katrabaho at sabay sabing “Naray, you know how to take a bath? You should know that noh so someone will marry you”. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo. Sa totoo lang minsan mabait naman sakin ung mokong na yun pero karaniwan palautos siya kaya asar din ako sa kanya.

dito sa disyerto, ung mga lokal na babae, mata at kamay lang ang kita. pag sinwerte may makikita kang kita ung mukha at katiting na parte ng paa. lagi silang nakaitim na abaya. minsan naitanong ko kung bakit ganun dito. ang inaasahan kong sagot at dahil masyadong konserbatibo ang kultura nila  at ung asawa lang nila ung pwedeng makakita sa kanila pero ang sagot sakin ng isang matagal na dito, kaya daw balot na balot ang mga babae ay dahil tinuturing silang isang naglalakad na temptasyon o kasalanan. tsk, tsk, si Eba talaga may kasalanan nito eh, dapat talaga hindi niya kinain ung mansanas. ayan tuloy, pasan pa din ng mga babae sa kasalukyan ung kasalanan nya. ay teka, may Eba ba sa diksyonaryo ng mga arabo? ay basta yun.

isa pa, ung mga lalakeng lokal dito pwede daw hanggang apat o limang asawa basta kaya nilang buhayin pero ang babae hindi pwede. pwedeng may babaeng panglunes, martes, myerkules, huwebes at byernes pero ung mga babae hindi. o diba andugas. ayun, nalungkot ako para sa kanila pero syempre kultura nila yun kaya wala akong magagawa kahit gaano ako naaunfairan. at dahil dyan naisip ko na minsan talaga mas okay na lalake ka.

karaniwan, ang kailangan lang ng lalake para makonsider na binata ay matuli, isang beses lang yun mangyayari pero pag babae, mula sa araw na dinatnan sila ng regla tanda ng pagdadalaga, dadalhin na yun habang pwede pa sa sistema.

kahit sa kasaysayan, kapag inEnglish ang kasaysayan ang equivalent ay HIStory hindi HERstory. Tapos may nagsabi pa sakin nang cliche na “it’s a man’s world man” recently, naisip ko naman man’s world mo mukha mo sa babae ka din galing noh pero syempre sa utak ko lang un sinabi. mahirap nang mabadshot sa mga manggagamot eh bago pa lang ako, saka na pag medyo luma na ako ng onti, haha.

andami kong iniisip nitong mga nakaraang linggo at sa sobrang dami natutuliro na ako.  ayan tuloy kahit mga maliliit na bagay napapansin at naiisip ko. darating na nga siguro si buwanang dalaw.

makatulog na nga. peace out.

16 thoughts on “minsan talaga gusto kong maging lalake

  1. PM says:

    minsan naiisip ko malaki talaga ang lamang ng boys sa girls pero wala na tayong magagawa dun kasi mahirap baguhin ang ikot ng mundo. magisip na lang tayo ng ways para maunder ang mga boys na yan😆

  2. limitsandhorizons says:

    Ating, si Eba kinain ang mansanas for knowledge of good and evil. E si Adan, inalok lang kumain naman agad, hehe. Kanya-kanyang advantages talaga ang pagiging babae at lalaki, utakan na lang hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s