laing na hindi maanghang


maglalabas dapat ako ng sama ng loob dito sa blog ko tungkol sa dalawang hinayupak na manggagamot sa aming clinic na sobra kong kinaiinisan

pero naisip ko wag na lang, sayang ang enerhiya ko, maybe next time, hahaha

anyway, kaninang tanghali ko pa iniisip kung anong kakainin ko ngayong hapunan

dahil may coconut milk powder ako sa ref, naisip kong mag-ginataang kalabasa na may dilis

pero nung andun na ako sa may choitram (pangalan ng supermarket dito), dinala ako ng mga paa ko sa hanay ng mga nakapack na dried taro leaves (dahon ng gabi)

ayan tuloy, nakapagluto ako ng laing ng wala sa panahon

tinuruan na ako dati ni kuya Benjie kung paano ito lutuin kaso hindi ko nailista ung sinabi niya kaya nag-google pa ako para malaman kung paano lutuin itong laing (buti na lang may Google!)

okay na sana ang lasa ng luto ko, ang kaso nakalimutan ko ang isa sa tatlong main ingredient ng laing, ang sili! paksyet. sa susunod talaga ililista ko na ang mga sangkap ng gusto kong lutuin bago ako kumaripas papuntang supermarket.

4 thoughts on “laing na hindi maanghang

  1. hitokirihoshi says:

    mabuti nga marunong kang magluto, ako hindi talaga. hehehe!

    sa bagay naalala ko na yang laing at kinilaw lang ang nakakain kong maanghang. kahit sardinas hindi ko kaya ang anghang e.

    mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s