just got inked


natatandaan nyo pa ung post ko regarding sa kagustuhan kong magpaburda sa balat ko?

ayun, natuloy din, charan!

sa hinaba-haba ng linyang gusto kong ipaburda, sa palayaw ko ako bumagsak

maliban sa gahol kami sa oras, hindi ko pa tapos ung baybayin translation ng linyang gustong-gusto ko

meron akong tatlong dinrawing na pinagpilian bago ako nagpaburda,

ung asa kanan, ibig sabihin nun “kaligayahan” tapos ung dalawa sa kaliwa, palayaw ko

siguro sa susunod na lang ung linyang gusto ko, or pag-uwi ko na lang sa Pinas, hehehe

sabi nila dapat daw ung tattoo mo something special at may deep meaning,

ang sakin?mababaw lang pero special pa din kasi pangalan ko yun eh tsaka ako ung nagdrawing nung pinaburda ko (although may guide ako habang ginagawa ko ung baybayin characters, hindi ko lang alam kung tama ung gawa ko, wahaha)

proud ako sa sarili ko kasi hindi naman ako naiyak nung binuburdahan ung likod ko

pero aun nga lang ung pakiramdam ay parang hinihiwa ng blade ung likod mo, nang paulit-ulit,

kung mapupunit nga lang ung panyo ko habang kagat-kagat ko, malamang lasog-lasog na yun eh, hahaha

anyhow, natutuwa ako kasi may nabawas na naman sa listahan ko ng dapat kong magawa bago ako madeads,😉

p.s.

wag nyo akong isusumbong sa nanay ko at sa mga elders, hindi pa nila alam, wahaha,

13 thoughts on “just got inked

  1. potsquared says:

    ang gandang tattoo!! nice.. hindi ba masakit… pero dahil sinabi mong wag kang isumbong.. napapakanta ako.. ~lagot ka.. lagot ka.. isususmbong kita… ano telephone number ninyo sa bahay huh?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s