dati sampu ngayon bente na


siguro dalawang buwan na yung nakakaraan nung unang beses akong binigyan ng pera ng isa sa pasyente namin dahil natripan nila ung assistance ko during their treatment. nung unang beses nga akala ko minamaniac na ako nung matandang babae na nagbigay sakin ng 10 dirhams, makahawak naman kasi wagas, aun pala hinahanap nya lang  ung bulsa ng scrub suit uniform ko. wahaha

anyway hayway, kanina nabigyan ako ulit ng datung! kung dati 10 dirhams ngayon asensado na! 20 dirhams naman. nagulat part 2 ang lola nyo kasi mukhang mataray ung babaeng lokal na pasyente namin kanina tapos nung natapos na ung treatment sa kanya, inantay nya ako sa may pintuan ng treatment room tapos biglang may isinuksok ulit sa bulsa ng scrub suit uniform ko sabay sabi ng “that’s for you, shukran habibi! (thank you my dear in English)”. dahil nagulat ako, hindi na ako nakapagpasalamat kasi umalis sya kagad right after magbayad. nung hinatid ko ung nagamit na instruments sa sterilization room namin saka ko sinilip ung bulsa ko at nakita ko nga ung 20 dirhams.

at dahil may instant 20 dirhams ako, dumirecho kami ng 2 kong batchmates/dakilang tagalibre ko sa al dana cafeteria at chumibog ng 3 shawarma at half roasted chicken plus fanta softdrinks. instant 20 dirhams. instant kabusugan.

sa pasyente namin na nakalimutan ko ang pangalan, salamat ng madami at binusog mo kami.

sa uulitin. hahaha. peace out.

7 thoughts on “dati sampu ngayon bente na

  1. doon po sa amin says:

    hahaha, natuwa sila sa pangangalaga at atensyon mo, aubu. ikaw na ang caring…😉 btw, di ako magtataka, dear… ^^

    sa family namin, marami-rami at matatagal din ang mga pagkakasakit. during those times, sobra kong na-appreciate ang nurses sa mundo, more than the doctors, ‘kalain mo ‘yon? para sa akin, nursing yata ang most wonderful profession sa daigdig, hahaha.

    may times na bumabalik ako sa hospital to give pastries sa nurses na nag-alaga sa pasyente namin. totoo, parang gusto ko rin silang i-hug. pero yun nga, baka isiping mina-maniac sila, hahaha. so, di ko naman ginawa… just very thankful, may mga taong gaya nyo – in the business of caring.🙂

    hala pa, bago ang theme dine? may pa-ice cream? hehehe. regards…🙂

  2. aubu22 says:

    salamat po sa pagbisita ulit ate San!

    hindi naman po ako caring masyado, just doing my job, hehe.
    wow, salamat po at appreciated nyo kaming mga katulong ng doktor. nakakawala po ng pagod kapag naappreciate ung mga ginagawa namin.

    nung nag-aaral pa po ako at nag-oOJT sa Pinas, madami din po talaga akong nakikitang pasyenteng namimigay ng kung anu-ano sa mga nurses pati na din saming mga student nurses then. sobrang nakakataba po tlaga ng puso.😀

    naku, mga ilang buwan na din po tong theme ko, haha. regards din po! ^^

    • sasaliwngawit says:

      hala pa, gets ko naman sa blog mo, may katarayan ka rin, dear, hahaha.🙂 but i guess, nurses can’t help it – maging caring… feeling ko, kita nila, nyo – how the patient suffers and endures. ^^ mas kita nyo than the doctors na dadaan lang ng five minutes tapos, tatawag-tawag na lang to prescribe meds or to change the dosage, ganyan… sa family members at nagbabantay, importante ang credential and competence ng espesyalista, pero appreciated lagi (or more) pag nakikitang may concern ang nurses, na di clinical lang ang turing sa pasyente at sakit nya. yown…

      may nephew rin kaming nar, nasa abroad na rin – nito lang nakaalis… ^^

      anyway, anong sabi ko? hail the nurses! they deserve more than the occasional dirhams or sosyal na pastillas, hehehe. you’re welcome and regards, kapatid…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s