wala


sa totoo lang hindi ko alam kung anung ginagawa ko sa blog ko ngayon. ahh. siguro namiss ko lang na may mapaghingahan ng sama ng loob at mapagsabihan ng mga kagaguhan ko sa buhay.

nitong mga nakaraang araw madami akong ungas na taong naengkwentro, ung tipong wala ka namang ginagawa sa kanila tapos mainit ang dugo nila sayo? kakabanas. ung tipong gusto mong sabihan ng. “anung problema mo sa buhay?” at “ano bang ginawa ko sayo?”

pero sabi nga nila, not all people do is about you. so hindi na lang ako magfefeeling na ganun nila ako itrato kasi may something akong ginawa or nakikita pa lang nila ung mukha ko kumukulo na ung dugo nila. anyways, hindi ako sanay sa ganito ung feeling kasi sa tingin ko kung hindi man ako mabuting tao, mas karaniwan mabait naman ako therefore, feeling ko I deserve better treatment pero syempre bias opinion un kasi ako ung nagsabi. tsaka pakialam ba ng ibang tao sa nararamdaman ko.

anyways, kanina inaway ko ng bongga ung isang receptionist naming lalake kasi hindi ko na talaga siya matancha. basta nakakairita siya ng bonggang bongga. napakaimpolite nya sobra. kakainis. puppet na nga ng amo tapos feeling boss umasta eh samantalang mas senior ako sa kanya. nagsumbong siya sa kasamahan nyang Pinay na receptionist sabi ang CPT ko daw. (CPT ung tawag namin sa mga pasyenteng mahirap ihandle, mareklamo, etc) sabi ko naman hindi ako magiging ganun in the first place kung marunong siyang tumrato ng tama. ewan ko kung makakarating sa head doctor namin ung away namin pero kung makarating man, wala akong pakialam. gusto niya samahan ko pa siyang magsumbong eh.

arrrghhhh. pahingi po ng madaming pasensya. pahingi din po ng matabang utak. feeling ko kinakain ng lahat ng tao ung utak ko.

aun. naalala ko. walong buwan plus ilang araw na lang pala ang natitira sa kontrata ko. ambilis lang pala. wala akong ideya kung anung gagawin ko. or sabihin na nating may ideya ako kaso parang ang hirap kasi grabe ung impluwensya ng head namin dito sa emirates kung nasaan ako. harinawa’y makaisip ako ng magandang gagawin sa buhay ko.

ang labo ng lahat.

2 thoughts on “wala

  1. doon po sa amin says:

    hello, aubu… minsan talaga, the world and its elements seem to conspire to bring you down. seem lang ‘yon, ahaha. and, they better have another think coming, hoho. kinig ka ng relaxing music, eat fruits and have your crazy friends over. parang vitamins na rin ang huli, hehehe.😉 hope things are a bit better. regards…🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s