……


sa totoo lang, ung natitira kong pera dito hindi aabot hanggang susunod na sweldo. naubos panload kakatawag sa Pinas. sa ate ko sa laguna. sa hinayupak na mga phone numbers na nakapost sa facebook at iba pang websites na may info regarding sa Yolanda survivors na kahit isang number wala akong napala (naubos lang ang load pati pera). pero keribels, may pagkain naman ako sa bahay. at isa pa, naglalakad lang naman ako papuntang clinic. I’ll get by. Malaman ko lang kung ano na ang nangyari sa pamilya ko sa Tacloban, kahit ilang daang load ang magastos  at kahit wala na akong makain okay lang.

hindi naman ako nabigo at nalaman kong okay silang lahat. hindi ko pa din nga lang sila makausap ng personal kasi total black out pa din ang buong Leyte. soon I hope. pitong araw na mula nung huli kong nakausap ang mama ko. namimiss ko na siya. ayoko nang manuod ng news coverage online kasi huli akong nanuod, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang nangyayari samin. nakakapraning.

anyways, kanina sa clinic, bigla akong tinawag ni Jerrabeck, isa sa mga katrabaho/kaibigan ko clinic namin. sabi niya may hihingin daw siyang stock sakin (stock controller din kasi ko sa clinic namin). Pagkasunod ko sa kanya sa 1st room, bigla siyang may iniabot na maliit na papel na nakatupi. sabi niya basahin ko yung sulat. may nakalagay “aubu, pagpasensyahan mo na itong abot ko sayo. pambili mo yan ng load pantawag sa inyo”. pagbuklat ko ng papel, may pera sa loob. sa totoo lang, ayoko talaga tanggapin kasi nahihiya ako. hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng pera galing sa ibang tao tsaka alam ko kailangan niya din yun, visayas area din kasi ung family niya pero sabi niya mas kailangan ko daw yun kasi hindi naman daw gravely affected ung lugar nila. wala akong nasabi kundi thank you kasi alam ko parehas naman kaming hindi mayaman pero nagawa pa din nyang tumulong sakin. wala lang. touch ako ng sobra. muntik na akong maiyak.

kahit na andami-dami kong problemang iniisip ngayon, nararamdaman kong blessed pa din ako. mula sa boyfriend ko, sa pamilya niya, sa mga kaibigan ko sa Pinas at dito sa disyerto na sumuporta at nanalangin para sa kaligtasan ng buo kong pamilya hanggang sa mga katrabaho ko na pinapalakas ng husto ang loob ko nung mga panahong wala akong balita sa pamilya ko. maraming salamat po. hindi ko po alam kung anung ginawa kong kabutihan sa buhay ko ngayon or nakaraan kong buhay para magkaroon ako ng mga mabubuting taong gaya nyo sa paligid ko.

sa kabila ng mga pangyayari, alam kong malalagpasan namin to. kapit lang sa matatag.

sana talaga maging maayos na ang lahat.

4 thoughts on “……

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s