pag-asa, umasa, walang pag-asa


nakausap ko kaninang tanghali ang mama ko na kasalukuyang nasa Tacloban. gaya ng sagot nya nung una, wala siyang balak lumuwas at iwan ang tirahan namin. naniniwala ang mama ko na may pag-asa ang lugar namin. tiwala lang. kaso nung nagkwento siya, nawalan naman ako ng tiwala kaagad.

naitanong ko sa mama ko kung paano niya naicharge ang cellphone niya samantalang wala pang kuryente sa buong Leyte. sabi ng mama ko nakicharge daw siya sa kapitbahay naming may generator. alam niyo kung magkano? tumataginting na 50PHP. oo, barya lang sa iba yon pero sa mga naapektuhan ng bagyong Yolanda gaya ng pamilya ko, ginto na yun. sabi ko sabi sa news may libreng charging stations daw na nakakalat sa buong probinsiya namin pero sabi niya, kung pipila siya aabutin siya ng siyam-siyam at kailangan niya pa maglakad ng mahaba ng ilang oras kasi sa may munisipyo daw yun. tsaka ung kapitbahay daw na may generator bumibili pa ng gasolina sa labas eh ginto daw ang presyo nun ngayon kaya ganun ang singil sa kanila. (sa kasalukuyan daw, walang bumabyaheng mga pampasaherong jeep, multicab or tricycle dahil sa kakulangan ng gasolina doon sa Tacloban)

galing din daw kanina sa palengke ang mama ko at naghahanap siya ng mabibilhan ng pagkain. at ang presyo ng bilihin?talaga namang nakakarimarim. dalawa lang ung nabanggit niyang bilihin sakin kanina kasi naputol na ang usapan namin dahil naubusan ako ng load.

presyo ng 1 kilong bigas: 80PHP
presyo ng 1 kilong asin: 65PHP

napamura ako ng wala sa panahon. paano pa kaya ang presyo ng tubig?

oo. nag-aral ako ng law of supply and demand. anong subject nga ba yon?economics?oo. economics nga. sabi sa law of supply and demands, pag tumaas ang demand at ang supply hindi nagbago, magkakaron ng shortage na magreresulta sa higher equilibrium price.

pero anak naman ng teteng. nasalanta na ng bagyo ang mga tao sa Tacloban tapos kukupalin pa ng mga hinayupak na may kakayanan sanang tumulong. (*insert malutong na mura here*). asan ang katarungan dun?

naisip kong kumustahin kung may relief operation sa lugar namin, meron naman daw. 3 kilong bigas, 2 latang sardinas, noodles at 500ml ng tubig (hindi ko lang alam kung ilang piraso) bawat isang pamilya. naisip ko, sa dami ng donasyon galing sa naglalakihang bansa, yun lang yung umabot samin?oo alam ko dapat magpasalamat ako at may umabot but I can’t help but be bitter. limpak na limpak na salapi ang itinulong ng iba’t ibang bansa, kung tutuusin, kaya sanang mamigay kahit sako-sako ng bigas sa bawat nasalantang pamilya pero bakit ganun?tinitipid ang mga biktima? nasan na kaya yung donasyon ng taga ibang bansa, ah, nasa bulsa siguro ng mga ungas na politiko. nyeta kayo.

sabi ng mama ko, marami pa din ang ayaw lumikas sa lugar namin. bakit?kasi umaasa sila na babangong muli ang Tacloban. sabi  nga sa isang campaign “Tindog Tacloban!”

nabanggit ng ate ko na ang projected rehabilitation ng Tacloban ay 2 months, sabi naman ng isa kong ate 1 year according sa balita. ewan ko na lang kung gaano katagal. siguro kung yung milyon-milyong donasyon ng iba’t ibang bansa igugugol sa rehabilitation ng mga lugar samin na naapektuhan ng bagyong Yolanda, mabilis pa sa alas kwatro, recovered na ang mga devastated areas. kaso asa naman ako noh. talamak ang mga gahaman sa mga nakaupo sa pwesto, kung yung mga simpleng relief goods at medical supplies nga hindi maideliver nang tama sa oras, yung mabusisi pang pagrehabilitate mapabilis?walang pag-asa. masyado silang busy kung ano ang gagawin nilang istilo sa susunod na eleksyon. putang-ama lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s