perst


 

perstaym ko mainterbyu online, oo, kanina lang, mga 30 minutes ago. nag-aapply kasi kong virtual assistant. kung tatanungin niyo ako kung paano maging VA, aba eh never ko pa nga nasubukan kaya ayan apply apply din lalo madaming tambay time. ang ganda nung nag-interbyu sakin kanina, mukhang beauty queen. Diana ang name niya from Lisboa Portugal, recruitment firm sila parang head hunter. ayun, natapos naman ng matiwasay ang interview. narealize ko pang-ilang interview ko na ba to sa buong buhay ko?hahaha. walang kamatayang “tell me something about yourself?”, “why do you want to apply for this job?”, why do you think you’re qualified for this job”, etc etc. so do you think I nailed it? ewan. hindi siguro. ayokong umasa, hahaha, feeling ko kasi parang joke lang mga sagot ko. nagtataka nga ako paano ako natanggap sa mga previous jobs ko, hahaha. anyways, sabi ni ms. Diana, she’ll contact me within the next 2 weeks if I got the job; however, if she doesn’t, edi yun na un, babay, next job application please.

nagsisimula pa lang ang 2016, andami ko nang first. first FBS at OGTT. first footscrub, first online interview, first baby! (oo due date ko na next month so first sabak sa madrama at pasakit na labor and delivery stage ng first time mom) hahay kakaoverwhelm. pero sana makeribels ko. at sana makayanan ko ang mga susunod pang mga first.

2 thoughts on “perst

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s