andami kong iniisip nitong mga nakaraang araw. siguro epekto ng puyat at tambay mode. pakiramdam ko wala kong direksyon. nakakapraning din pala yung ganitong buhay. lalangoy o lulubog. minsan nakakadepress lang. ready na kong makinig sa kantang emo at lunurin ang sarili ko sa nakakaurat na pakiramdam ko ngayon kaso bigla kong napatingin sa gilid ko.
tapos naisip ko, may langit pala dito sa lupa. napangiti na lang ako.☺
tinulugan ka tuloy nila…dami mo daw iniisip eh he he he he
Oo nga eh hahahaha so much for pag-iisip 😈