may kasabihan na pagnanganak ka at nagkaroon ka ng stretchmarks, “you’re a tiger who earned her stripes.” o sige salamat pampalubag loob din yun, pero hindi naman ako tigre. saka ung baby tiger nga pinanganak na may stripes tapos nanganak lang ako sasabihin nang I earned my stripes, sus. okay, so much for my cynicism.
mas maganda siguro kung sasabihing, you got tattooed. a proof that you’re body is an instrument to a miracle. etchos. pero seriously, hindi ako nagagandahan sa stretchmarks ko no matter how many people romanticized about having them. edi sana hindi mabenta yung bio oil at cocoa butter sa market. hindi ako nagagandahan but it doesn’t mean I am ashamed of them. parang mga peklat at tattoo ko, they are meant to tell stories. if you’re not interested, wag mong tingnan.
anyways, I got tattooed long back and I’m planning to get another soon! (lakas maka-segue!) hahaha pag may budget na at may time, I actually wanted to put a tattoo on top of my tummy stretchmarks but I read online that it would hurt more than it should and it might not look good because it’s distended skin. baka sa legs na lang siguro or sa likod ulit.😈 gusto ko ng handprint or footprint ng anak ko.
charan! andami kong sinabi pero actually gusto ko lang talaga ng dahilan para maipost ulit tong piktyur ko na to. Hahahaha this was taken a few pounds ago. (excuse me for my malantod na pose) I know that not all of the people on this planet are excited at getting inked but sabi nga nila kanya-kanyang trip yan (so please don’t give me bullcrap reasons why I should not get another tattoo) parang sa pagbubuntis at panganganak, madami ang may gusto meron ding ayaw. kanya-kanyang disposisyon at pananaw.
P.S
I was contemplating whether to put a picture of my pregnancy stretchmarks but I decided to keep my stripes to myself. Maybe if I’m wearing a two-piece and decided to show them off to the word, I’d post them one day for sure, hahahaha 😈
Our scars and lines, tell stories far more powerful than the ones we write down.
on point!
Yung tattoo pala talaga….
hehehe opo, eksena lang ung stretchmarks, may maipost lang, hahahaha
Ha ha ha….so masakit pala daw tattoo-an yung stretchmarks…kala ko sabi nila pag daw nagpatattoo ka sa part na malayo sa buto ay mas hindi daw masakit
nabasa ko lang yun online pero wala kong Personal na kakilalang nagconfirm, usually daw ung masakit na part na lagyan ng tats ay ung sensitive satin like ung inner thigh, inner arm mga ganun, hehehe, ung sa upper back ko hindi naman masakit masyado eh,
Hahaha. Sige dahil ikaw na ang nagsabi maniniwala na ko dahil ikaw ang meron nang tattoo :p
Hindi ko ata kaya magpa-tattoo dahil takot akong masaktan. pero hanga ako sa mga taong hindi ako takot magpa- tattoo at dalang-dala nila. parang walking art…show your style and battle cry.