namimiss kita


dear fresh-grad me,

It’s been a while. Hindi na siguro tayo magkikita. Baka sa panaginip na lang. Nakakamiss ka naman. Nakakamiss yung positive outlook mo sa kinabukasan. Yung kainosentehan mo sa real world after graduation. Yung curiosity mo sa mga bagay na hindi mo pa napagdaanan at naranasan. Gaano na ba katagal?walong taon na ba?magsisiyam?halos isang dekada na pala. Kung magkikita kaya tayo ngayon anong sasabihin mo sakin?matutuwa ka kaya?

alam mo nakapag-abroad tayo. may nadagdag sa kakaonting kaibigan na meron tayo. tapos nagkapamilya din tayo sa edad na 27 gaya ng plano mo nun. kung tatanungin mo ako kung natagpuan ko na ang forever, hindi ako sigurado. pero gusto kong malaman mo na matapos ang ilang taon naming magkasintahan at isang taon mahigit na mag-asawa, yung paru-paro sa sikmura, andun pa din. gusto ko yung idea ng forever pero masyadong too good to be true yun. wala namang nabubuhay forever. kapag umabot kami sa puntong puti na ang buhok at nagmamahalan pa din, susulatan kita ulit at sasabihin kong eto na nga ata yun. 

oo nga pala, nagka-anak ka sa edad na 28. ang cute cute ng anak mo. ayan hindi ka tatandang-dalaga gaya ng hula mo. hindi mo na kailangang magimagine kung magiging kamukha mo ang anak mo if ever kasi nakikita mo siya araw-araw na unti-unting lumalaki.

ay oo nga pala hindi ka pa din milyonaryo. wala ka pang bahay at lupa, walang investment at walang savings (paubos na eh). Oo. Magttrenta ka na pero struggling ka pa din.  Sorry ha. Hindi tayo sinuwerte sa trabaho eh at sorry kasi hindi ako ganun kawais sa pera. Nakalimutan ko na isa sa listahan mo nun ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa bago magasawa. Pero wag kang mag-alala, nakalibot naman tayo sa Pinas kahit paano. Hindi lang kasi talaga kinaya ng sweldo ko na makabili ng bahay at lupa kasabay ng paglalagalag natin nun eh. Pero hayaan mo naghahanap ako ng trabaho. Tiwala lang. Makakabili rin kami nun. Sa ngayon bahay at lupa sa larawan muna ha.

at oo nga pala ulit, burdado ka na, isa ka na sa mga posibleng mahatulang adik dahil lang may tattoo ka. pero wala kang pakialam kaya keri lang. Gusto mo pa ngang dagdagan eh.

oo nga pala,sa kasalukuyan isa tayong dakilang tambay. Wala kong ginagawa kundi asikasuhin ang anak natin. Hindi ko alam kung epekto ng panganganak to or yung punyemas na hormones pero nadedepress ako. Lalo na kapag dumadating yung gabi , ung pipikit na lang at matutulog biglang gising ung diwa mo. Those negative thoughts are like molds slowly eating my brain piece by piece. Alam mo kasi kahit yung mga motivational quotes na nababasa ko these past few days hindi naauplift yung espirito ko. ano bang life crisis ang tawag dito? 

anyways, bago ka magmukmok at madepress nang slight, hindi ka naman minalas sa buhay mo. Madaming taong nagmamahal ang nakapaligid sayo, madaming opportunities ang inilatag sayo, madaming exciting adventures ding sinagupa ka at eto buhay pa tayo. siguro, kung babalikan kita ngayon, gusto kong hiramin ulit ung mata mo, para fresh ulit ang pagtingin ko sa mundo. kasi kahit naman cynical tayo since time immemorial, there’s something pristine about you, something I’ve lost along the way. virginity ba ito?

anyhow, kung babalikan kita at tatanungin mo kong bigla kung kumusta ang pagiging ina, ahmm nagsisimula pa lang ang laban, sasabihin ko sayo kapag alam ko na ang sagot. ay may naisip ako, kumusta ang pagiging ina? KOMBI! kumbinasyon ng pinaghalo-halong pakiramdam.

Kung babalikan kita at itatanong mo what is love, sasabihin ko sayo go experience it yourself. masyadong kumplikado ang love para isagot sa tanong na “ano”.

kung itatanong mo sakin kung kumusta ang buhay may-asawa, masaya pero hindi laging malungkot. masarap sa pakiramdam na may pakners ka sa pagharap sa bawat umagang gumigising sayo. hindi ko maipaliwanag pero may mainit na pakiramdam sa katotohanang may kashare ka sa saya, sa hirap, sa lungkot, sa wala lang. bago bumerde yang utak mo, yung mainit na pakiramdam na sinasabi ko, hindi libog lang. wala pa akong naiisip na pinakamagandang terminong babagay sa ganung pakiramdam. kapag nalaman ko na sasabihin ko sayo.

andami kong sinabi na out of context sa pagkamiss ko sayo noh? hmm pero kung babalikan kita ngayon, makikilala mo kaya ako?

5 thoughts on “namimiss kita

    • aubu22 says:

      Hahaha tambay sa bahay, sabagay may point, kaso kasi pag tulog na baby ko wala na kong ginagawa kaya feeling ko sobrang petiks ng buhay ko, 😈

  1. potsquared says:

    Naniniwala ako na matutupad din ang mga sinabi mo na bahay at lupa at mga milyones.. Tiwala lang sa sarili.. Ganyan din ako pero hindi ako sumusuko… Laban!! At pakurot sa pisngi ng cute mong anak!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s