pagkatapos kong pagalingin ang ego kong sugatan sa recent rejection sa isang job application, sumabak na naman ako sa oplan hanap trabaho.
sa totoo lang hindi ko na din sigurado kung anong trabaho ung gusto kong patusin, sabi nga nung isa kong kaibigan ko magulo daw ako, sabi ko naman edi kayo na may direksyon sa buhay. hahaha. gusto kong subukan magtrabaho sa ospital pero yung huling tumawag sakin eh parang joke time ung salary offer, kahit ata sarili ko hindi ko mabubuhay sa ganung sweldo. Yung isang sikat naman na ospital, aba inimbitahan ako sa exam at interview eh anak ng tokwa, pagkatapos mo pala ipasa yung mga yun magbabayad ka muna ng 10 libo para sa training at depende sa performance mo kung iaabsorb ka nila. Edi wow. so saan ba pupunta ang isang katulong ng doktor na ex-ofw para maghanap ng trabahong pwedeng makabuhay ng pamilya kahit papaano , edi ang in na in na trabaho sa Pinas, call center. Bow.
Galing na kong callcenter bago pa ko nangibang bayan, pero nung panahon na un hindi pa naman ganun kagrabe ung Application process. Ngayon halimaw, natatandaan ko nun, petiks mode naman ung application at recruitment process namin nun. Hassle free at walang stress. Eh yung pinakarecent na inaplayan ko eh one day application daw eh nak ng pusa ung lalamunan ko sumakit ng husto. May initial interview tapos computer exam tapos phone interview (hati pa sa dalawa yan) tapos Versant (yung computer generated ek ek na nagggauge sa Communication skills mo daw) tapos typing test, tapos phone interview ulit tapos final interview (na parang lahat ng tanong sa isang interview naitanong na niya at lahat ng pwedeng scenario sa trabaho na naexperience mo ay gusto niyang ipakwento. Anyways siguro may swerte, naipasa ko naman lahat. Pero nakakahaggard na tunay.
Nung lumabas ako ng Company building para maglunch,may paru-paro na dumapo sa daliri at kahit anung gawin ko ayaw umalis. Ayun naisipan kong piktyuran.
sabi nila, ang mga paru-paro ay mga mahal mo sa buhay na pumanaw at muling dumadalaw. parang ang creepy pero nakakatuwa din isipin.
naisip ko, parang ako yung paru-paro, palipad-lipad, palipat-lipat. mula Pinas nagpunta ng disyerto tapos balik sa lupang sinilangan. naisip ko bigla, sana dumating yung panahon na may iisang bulaklak lang akong tutuntungan.
Grabe nga yung pasweldo ng mga nurse satin kaya nagaalisan na lahat…..imbyernabols yang parakaran ng application sa call center ha….
Gusto ko yung huling linya ng post mo πππ
kaya nga lumabas ako eh, hahaha pero hindi din pinalad kaya back to zero, hehehe padeep kunwari lang hahaha,
Hahahahahah ayus lang yan..may darating at darating pa rin
Oo naman, baka natraffic lang, hahaha, patience is a virtue π
Tama πππ
Haggard na nga sa work sa call center, pati ba naman sa application? Hahahaha
wala na daw madali ngayon eh hahahaha
Tinanong mo sana baka robot hinahanap. Hahaha
naku muntik ko nang tanungin yan, napigilan lang ako ng hiya hahaha
Tanong mo sa susunod pero in a monotone robotic voice. Hahahaha
Grabe naman yung inapplyan mo na napakaraming interview. Swerte yang paru paro mommy π Try mo rin mag home based job. Yan ang target ko pag nagretire ako sa call center. Hehe..
mahigpit kasi yung company, healthcare account kasi, nagtry ako magapply ng homebased kaso pag may baby ka sa bahay dapat lagpas 6 months old daw so apply na lang ulit after lumaki si baby ko hahaha
Ah ok. Hehe. Sa rarejobs, upwork,51talk,onlinejobs.ph and ivas. Baka makahanao ka jan π
nag-open na ko ng mga Account sa mga yan hindi ko pa lang pinursue, hahaha,
Haha. Push mo mommy kapag me time ka hehe.