sabi nila hindi nakakain ang panglabas na ichura, sabi pa nga ni Andrew E. humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.
pero siguro swerte ako kasi yung taong pinakasalan ko nakakabusog na ang ichura nakakabusog pa ng puso at sikmura.
Sa tuwing nakikita ko ang asawa ko, gusto kong umeksena ng linyang “thank you Lord ha, pandesal lang naman hiningi ko, hamburger binigay nyo, may fries pa!” oo na, masyado kong literal, mukha lang akong palaisip pero ganyan ako kababaw, hahahaha
but on a serious note, sa tuwing nakikita ko yung asawa ko, yung pakiramdam na ihahain na sayo yung pinakapaborito at pinakamasarap na pagkain para sayo (sa panahon na abot langit ung gutom mo) yun ang nararamdaman ko lalo na pag may dala siyang pagkain para sa akin hahaha (pero syempre gaguhan na lang kung sasabihin kong ganun parati, ano to, librong may ending tapos happily ever after.😈)
pakasalan mo yung taong bubusugin hindi lang ang sikmura mo kundi pati puso, kasi tandaan ang pagkain nabubulok, minsan hindi nauubos at yung tira-tira tinatapon. guilty ako sa part na to, kasi yung asawa ko nakakabusog, ako naman nakakagutom, maliban sa hindi ako mahilig at hindi masarap magluto, nung nagpaulan ata ng sweetness sa mundo, ang himbing ng tulog ko. nakakatuwa lang na understanding yung mister ko.
anyhow, sa sweetness lang ba nasusukat kung sino ang mas nagmamahal? hindi siguro? kasi kahit hindi ako sweet, hindi clingy, mas madalas na parang walang pakialam pero kung tatanungin niyo ko kung mahal ko yung asawa ko ?abay mahigit pa sa 100% porsyento ni taguro sasabihin kong Oo.
mamahalin ko siya sa paraang alam ko at walang makapipigil sakin sa ngalan ng buwan. ayy thank you.
oops hindi pa namin Anniversary, napagtripan ko lang umarte nakakainspire kasi si MEGumiho, ayan tuloy😸😻
Hahaha. Natuwa ako sa post nato. Napaka blessed natin sa mga hamburger na binigay ni Lord 🙂 keep the fire burning!
ganun talaga pag pinagpala, hahahaha kakain na ko ng apoy para lumagablab lalo😈
Hahaha. Why not? 🙂 Push lang ng push 😉
kailangan ko muna palang matutong lumaklak ng gaas parang ung mga nagffiredance sa beach hahaha
Ay pangarap kong magsuot nung mga sexy na sinusuot kapag firedance. Haha. Di keri laki ng chan. Haha..pero kung sa harap lang ng asawa ko, push na .
ipush ang pagsusuot ng usong-usong Waist trainer!hahaha
Oo nga no. Haha. Usapan namin ng asawa ko less rice na kami starting tonight. Lol. Ako kasi rin talaga ay tamad na tamad mag exercise ..
pinagiisipan ko yun eh, kasi simula nung nanganak ako may malambot na.part na ung tyan ko although slightly flat pa din xa hahahaha naku ma-rice akong tao hindi ko ata kaya ung less hahaha,
Buti sayo slightly flat sakin hinding hindi na .haha. Dala na rin siguro ng katakawan. Hilig ko naman ay sweets.
hahahahahahha ang tinde niyong dalawa ni Meg ui
hahaha ano pang hinihintay mo ms. Aysa?join na!😈😈😈
ha ha ha ha…..enebeyen…. nakakastress kayong dalawa hahahahahaha
Hahaha peer pressure ba?
ha ha ha ha….anu ba yan…wait lang….alanganin itong cheesy posts natin, ni hindi man lang Pebrero…baka maging bitter nito ang mga single hahahahha
Hahaha ayaw mo nun hindi tayo sumusunod sa uso ng Pebrero😈😈😈
wahahahahahah……oh cge basta wait lang yahahaha