Kanina pinagbantay muna ko ni daddylabs ng tindahan namin dahil may gagawin siya saglit. dahil tulog naman si piatot iniwan ko siya sa kwarto ng mahimbing. lumipas ang ilang minuto, nalibang na ko manuod ng pelikula sa laptop nakatatlo nga ata ako pero syempre super forward yun, haha. tapos bigla ko na lang naisip na silipin yung anak ko kahit sabi sakin eh huling silip daw ay mahimbing pa din ang tulog. sabi ko sisilipin ko pa din, tapos pagpasok ko ng kwarto gising na pala siya at tulala sa kisame. Parang nakikiramdam kung may kasama ba siya or wala. Nung nakita ako bigla siyang ngumiti.
syempre feeling ko mother’s instinct agad yun hahaha
Buti hindi sya umiyak nung magising na haha
usually iiyak siya pagkagising kapag napagtanto niyang wala siyang kasama sa kwarto😈hahaha
Wahahahaha naabutan mo pa pala bago pa siya maiyak 😂😂
oo haha feeling ko ito na yun eh nagkakakutob na ko ala-nanay hahaha
Wahahahaha congrats naman…..sa kutob nanay 😂😂😂😂
Aww, ang sweet n’yong mag-ina! 🙂
salamat 😁
Truth na truth yang mother’s instinct na yan. Yung akin naman naliligo ako. Iniwan kong tulog ang girl ko..baby pa sya non e. Naisip ko na silipin. Ipapasok na pala ang daliri sa electric fan. Sumigaw ako at nagulat sya. Umiyak. Haha. Pero at least hindi naputol daliri nya :p
omg, iba talaga ang kutob ng isang mudra hehehe kakatakot naman buti na lang naabutan mo junakis mo😱
Truth. Pag nagka anak ka na, magkakaron ka na rin ng mother’s instinct hehe.