love expert


so apparently dahil malapit na ako mawala sa kalendaryo, ang tingin sakin ng isa sa nakababatang katrabaho ko ay love expert.

imagine this. a 23 year old lady who’s into bar hopping is asking my expert opinion regarding her boyfriend. gusto kong tumawa ng bonggang bongga nung bigla niya kong kausapin out of the blue para humingi ng payo. pero dahil mukha siyang seryoso sinakyan ko na lang yung paniniwala niyang eksperto ako sa pag-ibig.

Ang problema niya? Yung jowabelles niyang 34 years old masyado daw malihim. Kesyo hindi daw kinukwento yung past kahit nagtatanong na siya. Dating nagbaballet daw yung lalake. Oo balerina. Yun ang sabi niya. Sa tuwing kinukulit niya ng mga detalye sa buhay, ang sinasabi ay “I’m new to this.” oh diba. Galawang veterans. Pero sumagi sa utak ko na pwedeng beki yung jowabelles niya.

Anyways,sabi ko pag past hindi na dapat inuusisa kaya nga past eh, hayaan niya kung magkukwento or hindi. Ang kaso pag yung tipong past eh yung tipong may asawa dati at may anak, ibang usapan na yun. At yung pagbaballet? Feeling ko red flag yun, nabanggit din ng girl na ito na balak na niyang pakasalan yung si boylet. Naisip kong itanong kung gaano na sila katagal, sabi niya 1 week. At naisip ko ding itanong kung may proposal nang naganap, wala din. Ayun nawindang ako. hahaha sabi ng iba wala sa tagal yung relasyon pero grabe naman yung 1 week. Whirlwind romance ang peg? At kasalan talaga agad? Wuuuhh mga kabataan ngayon. Hahahaha lakas makatanders ng sinabi ko ah. (kamot ulo)

 

11 thoughts on “love expert

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s