hindi pa panahon


ang tumal ng ESL tutorial ko these past few days, swerte na maka-apat na klase ako sa isang araw, nung minsan nga wala talaga. sabi nung coach ko examination week daw kasi kaya walang mga students, sabi naman nung iba, nung natag sila na BK12 teacher humina talaga ang booking nila, feeling ko trulalu talaga ung theory nung isang co-teacher ko na feeling nung mga adult students, once tagged kami as BK12 teacher, focus kami sa mga gradeschool/preschool students. eh pano ba naman kasi, ung mga regular adult students ko, nawaley lahat, ayan tuloy nahahaggard ako sa pagtuturo ng mga preschool/gradeschool students.

anyhow, may nakita akong job post sa isang work-at-home-mom group na sinalihan ko regarding a live healthcare virtual assistant at feeling ko literal na umilaw ung mata ko kasi nakita ko sa requirements, nurse or allied health sciences. sabi ko sa sarili ko this is it pansit, baka pwede ko dito kahit wala pa kong experience as VA so nag-apply ako.  (maganda ung rate per hour tapos pwede 4-8 hours ung working hours na pagpipilian pero yun nga lang night shift siya) sobrang excited ako kasi the day after ko magsubmit, nagreply sila regarding sa requirements saka ung exam na dapat ipasa before maiskedyul ka for initial interview. madaming requirements pero ung sa exam talaga ko tumagal. may sinend na mp3 voice clip tapos itatranscribe tapos pag nagsend back ka, dapat imention mo kung gano mo katagal tnranscribe ung voice clip. live charting ung laman, may doctor na nagsasalita tapos dinidictate nya ung patient name, DOB, chief complaint, subjective at objective tapos treatment plan, apat na pasyente yun pero dahil sa bilis ng pagsasalita kailangan ko iislowmo at kailangan ko pang magreview ng medical terminologies dahil nakalimutan ko na ung iba. Hindi ko natapos agad ung voice clip siguro mga 3 days ko natapos eh 13 minutes plus lang yun eh syempre pwede ko lng siya asikasuhin pag tulog si bastetot. pero ayun natapos ko naman, pero if ieestimate ko mga 8 hours ko siguro ginawa yun, grabehan lang, pero yun talaga nilagay kong time (kasi ayoko namang magpanggap na nadalian ako tapos pag live charting na goodluck na lng bigla diba) nung sinend ko nung requirements, at sa kasamaang-palad hindi na sila nagreply, ahuhuhu, nakakalungkot.

may 2 days na kong nagseself-pity kasi nalulungkot talaga ko, gusto kong magdeactivate ng facebook at IG kasi mas lalo nilang pinapamukha na underaccomplished akong tao, alam mo un, 30, rank and file na empleyado nakaML pero magreresign pagbalik, walang ipon, walang sariling bahay,  pakiramdam ko wala kong narating sa buhay, over lang? hahaha, tapos makikita mo ung isang batchmate mo na nangongopya sayo dati nalibot na ata buong mundo dahil sa magandang work niya, hayyy sarap lang minsan magpakalunod sa lahat ng negatibong nararamdaman ko pero syempre hindi pwede malunod dun kasi nanay na nga pala ko. ganito ba ung tinatawag nilang adulting?doneadulting21 kalurky naman. kaya dito na lang ako maglalabas ng nararamdaman ko, chos. ow well. siguro hindi pa panahon. siguro nagmamadali ako. kung ano’t anoman eh wala talaga eh, ganun talaga, haha, atleast may ESL tutorial sideline ako, salamat na din. hindi pa naman katapusan ng mundo. may bukas pa. saka may nagmamahal pa naman sakin, hahaha

 

 

 

Advertisements

2 thoughts on “hindi pa panahon

  1. Gwen ay nagsasabing:

    Relate ako sa 3rd part 😂 nangongopya lang din sakin mga yun dati tas ngayon enjoy na enjoy sila sa layp nila kaya ayun, social media detox, inuninstall ko lahat except itong WordPress haha! Iniisip ko na lang din, di naman lahat ng nilalagay nila sa FB or IG is reflection ng tunay nilang buhay. For all I know may sarili din struggles mga yun na baka mas mahirap pa sa sitwasyon ko. Hmm… Tapos nagresign din ako to be a full time SAHM. Minsan nagsisisi ako, pero at the end of the day kung tatanungin ako, ito pa rin yung path na pipiliin ko. I tried online selling para makatulong kahit pano kay hubby, di kasi maiwasan minsan na feeling burden tayo e diba, pero di ko rin maasikaso lalo nung dumami volume of orders kasi wala ako yaya tas dalawa pa anak ko. So ayun. Trying hard pa din ako itigil na icompare buhay ko sa iba, kung iisipin ko ngang mabuti, mas masaya ang buhay ko kesa sa karamihan, mas exhausting nga lang haha. God bless you 😊

    • aubu22 ay nagsasabing:

      hehe, buti may nakakarelate sakin, salamat sa WP at hindi pala ko nag-iisa sa pakiramdam kong ganito, 2 na din junakis ko haggard pero masaya din sa pakiramdam kaso may mga pagkakataon talaga na bigla ka na lng dadapuan ng negativities sa katawan tapos ang ihirap ipush sa isipan. ako din trying hard until today icompare sa iba ang buhay, andali kasi sabihin kaso sobrang hirap gawin hahaha,truth, God bless you too! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s