when you had to deal with fears you never had


kahapon napanuod ko sa tv na ibinalita ung MOMO challenge kung saan nililink ung pagkamatay nung batang uminom ng 21 tabs of anti-gout. tapos nagbrowse ako sa fb at nakita ko na naman un. may nakita din akong post ng isang mom wherein while her daughter was watching Peppa Pig in Youtube kids, there was a sudden clip that was shown that gives step by step instruction on how to slice one’s wrist.

Ayun, kinilabutan ako ng bongga at nag-alala ng husto para kina Piatot at Bastelog ko. Jusme, anung klaseng mga tao naman ung gumagawa ng ganun. Bakit mga bata pa ung tinatarget nila.

Kakapanuod ko lang din ng babiesforsaleph ni Atom Araullo nung isang araw at sobra din akong naapektuhan. May mga batang ilang araw pa lang binebenta na ng magulang online tapos meron din nagnanakaw pa ng anak ng iba. Tapos meron pa na nangunguha ng bata para kuhaan ng internal organs. Jusmelord, iniisip ko pa lang gawin nila un sa anak ko, napapraning na ako na nababaliw na mamamatay.

dahil sa mga nababasa at napapanuod ko sa tv at online, parang gusto kong ibalik sa tyan ko ung dalawa kong junakis para lagi ko lang silang kasama. parang pwede naman un…hahaha

sabi ko sa nag-aalaga ng anak ko, oras na mangyari ung ganun sakin, (jusme ni sa panaginip wag naman) gagamitin ko lahat ng resources ko para huntingin ung gumawa ng game at pipira-pirasuhin ko sila, pag naman ung mga nangunguha ng bagets para ibenta or kuhanan ng organs, papahirapan ko sila ng husto hanggang sa iwish nila na sana hindi na lang sila pinanganak sa mundong ibabaw.

grabe. matagal ko nang alam na mahirap na maging nanay pero iba pa din pala pag ikaw na nakakaexperience, ganito pala na sobrang nakakapraning.

iniisip ko si mama. gaano kaya kahirap sa kanya na sobrang independent ako nun simula elem gang grumadweyt para pakawalan ako at hayaan akong gawin ang mga gusto ko ng mag-isa.

ako kaya pano ko un gagawin sa mga anak ko, hahaha

grabe. my thoughts are running wild at this wee hours of the night…

5 thoughts on “when you had to deal with fears you never had

  1. punjetry ay nagsasabing:

    Grabe din talaga. Lalo na babies? Tapos mismong nanay nila nagbebenta online??! Like WTF?! Recent news yung mga batang kinikidnap tapos for cybersex dito sa South. Siyempre, yung mga magaganda daw kinukuha nila.

    I suggest panuorin mo yung Shut Up and Dance na episode ng Black Mirror. It shows how horrible technology is lalo na sa mga bata or manyak.

  2. marsymallows ay nagsasabing:

    Kahapon kausap ko yung katrabaho kong sing edad ko lang na may unang anak na. Napag usapan namin na kahit may kasambahay sila naa nag aalaga sa bata, kailangan halinhinan pa rin sila ng asawa nya sa kanya. Di pwedeng si yaya lang ang kasama. Biro pa niya, pag maging nanay ka rin, magiging paranoid ka rin!

    Minsan di ko kaya manood ng kahir anong related sa rape at human trafficking. Nakakatrauma kasi. Yung “Taken” franchise pinanood ko lahat pero di na ulit. Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung ala comfort women set up nung mga nakidnap na dalagita. So bilang magulang ala Liam Neeson ka pala haha!

    • aubu22 ay nagsasabing:

      kahit kaming mag-asawa ganyan, may kasambahay din para sa anak namin pero all around din xa hindi din namin iniiwan na un lang ang kasama pwera na lang pag kailangan talaga at tlagang saglit lang, kahit matagal na samin mahirap pa din ipagkatiwala eh,

      ay naku kakanuod ko lang ulit ng “Taken” na yan nireview ko, hahaha kakaparanoid namasyal lang sila tapos instant prosti sila, kakaawa, buti may Liam Neeson na erpats ung isa. ay tlaga pag magulang ka na maintindihan mo hahaha

Mag-iwan ng Tugon sa punjetry Pindutin ito para bawiin ang tugon.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s