vitamin E enriched egg, anyone?


kahapon naggrocery kami ni ate ching sa may SM MOA at may isang produktong umagaw ng atensyon ko.

Itlog.

Oo.

Itlog na puti.

Teka lang. Hindi ako galing sa kung saang planeta para humanga ng husto sa puting itlog. Nakulitan lang talaga ako sa packaging ng itlog na nakita ko. Tingnan niyo.

Oha, oha, Vitamin E enriched egg! Meron din akong nakita na Omega 3 enriched kaso hindi yun ung binili namin. Astig diba? (kala ko ung mga processed foods lang ung may mga ganung eksena).

Napaisip kami ni ate ching kung paano nila yun ginawa. Eto ang mga ideyang pumasok sa utak ko.

  • baka nilagay sa balat ung vitamin E pero inerase ko din sa utak ko ung idea na yun kasi hindi naman kinakain ng tao ung balat ng itlog kaya nonsense na lagyan ng vitamin E ung balat
  • baka pinainom ng madaming madaming vitamin E ung nanay nung mga itlog. pero sabi ni ate ching eh malamang idinudumi din nila yun so paano maaabsorb?

Ang bright ng mga idea ko noh, haha. Pero seriously, yun lang talaga nahita ko sa utak ko.

Sa sobrang curious ko, hinanap ko talaga sa google kung paano nangyaring may Vitamin E enriched eggs.

Alam niyo bang ang Vitamin E enriched eggs ay humahanay sa kategoryang “Designer Eggs”? Sila ang klase ng mga itlog na produkto ng mga inahing manok na binusog sa vitamins.

May nakita din akong study regarding enhancing vitamins in eggs. Ang nangyari, kumuha sila ng 60 hens tapos pinakain ng special diet enriched with vitamins tapos ung mga produktong itlog ng mga manok na yun sumailalim sa assay para makita kung may pagbabago sa nutrient content. May katiting namang pagbabago sa nutrient content pero hindi ganun kalaki ung difference sa itlog na produkto ng normal na manok na may normal na diet. Pero syempre sa mga studies basta may katiting na percentage ng pagbabago, malaki pa din ung impact nun. So naimbento ang “Designer Eggs”.

Naisip ko, magvivitamins na lang ako kesa bumili ng “Designer Eggs” na P8.00 isang piraso. Kung vitamins lang madami kang mabibili sa botika. Tsaka may likas na bitamina ang normal na itlog tsaka depende din sayo kung paano mas gagawing masustansya ung pagkain mo diba?

Hindi ako bitter sa vitamin E enriched eggs. In fact, vitamin E enriched egg ang lahok ng kinain kong lomi kanina pero pramis walang pinag-iba sa lasa ng normal na itlog na nabili ko sa kanto na nagkakahalaga ng bente limang piraso. 😛

Advertisements

gusto ko ng camera


gusto ko ng camera

hindi sa nakikiuso akosa mga litratista (defensive?haha)

pero kasi gusto ko ng sarili kong camera

isa siya sa gadgets na gusto ko maliban sa laptop, ds, psp, ipod at celepono

gusto ko talaga ng camera

kanina habang wala akong ginagawang masyadong trabaho (gaya ngayon)

nagtingin-tingin ako ng camera, karamihan puro prosumer lang ung tiningnan ko

mahal kasi ang mga slr at saka hindi naman ako magiging professional photographer (pero tumingin din ako ng slr, haha)

basta gusto ko maayos at magandang klaseng camera (pero mura sana, haha, asa naman ako noh)

fujifilm-finepix-S1800 - chineck ko sa net kung magkano itong cam na 2, mura for prosumer, (parang type ko kaso mukhang mabigat), ang Fujifilm pala ay founded sa Japan gaya din ng Nikon at Panasonic (for fyi lang, haha)

 

nikon coolpix L110 - maganda din ito, (wala lang akong masabi) haha, kung review at review lang naman kasi wala naman akong alam dun, puro ichura lang tinitingnan ko

 

Nikon coolpix p7000 - ito cute din, mukhang magaan dalhin, kaso, ahm, ang mahal, hahaha (halata bang kuripot ako?)

 

FinePix Z33WP - ito naman ang world's smallest camera daw sabi ng fujifilm ulit, aus din 2 kasi underwatercam tapos medyo mura din kumpara sa ibang competitors ng fujifilm

 

ang Nikon D5000, sa kalumalumaan kong post, nabanggit kong ito ang pangarap kong camera, gusto ko naman talaga ito kasi camera na siya tapos may video pa, cute din ung monitor kasi parang natitiklop (basta un) ang kaso mabigat tsaka malaki at higit sa lahat, mahal siya sa paningin ko, haha

 

ang Canon EOS 60D. Kung d5000 ang gusto ko sa nikon, ung natripan ko ngayon sa canon ay etong EOS 60D, slr camera tapos may video din, HD pa, kaso aun nga, kung ano ang ikinaganda niya, un din ang ikinamahal niya

panasonic lumix lx3 - ang pinakagusto kong camera sa lahat ng tiningnan ko, maganda nga mga reviews na nabasa ko, may video din ito. ung photo quality sabi malaSLR (waaahh, nattempt akong bumili ng ganito, ang mahal pa din kasi eh) >)haha)

hahayst, bakit ba ang mamahal ng mga camerang ito? gusto ko ng camera, gusto ko, gusto ko, gusto ko,

parang adik lang eh noh, >:)

O-buster


Nagbreak ako ng 1 hour ng 2 am.

Ayokong matulog kasi panigurado pag nakatikim ng tulog ang hapis at pagal kong katawan ay basag ako pagbalik ng station.

Wala akong magawa maliban sa pagkain ng Gardenia corn muffin (libreng advertisement ito, dapat may bayad, hehe) at pag-inom ng French Vanilla Capuccino ng 7-11 at magbasa ng Naruto manga.

Habang kumakain, may nakita akong maliit pakete sa lalagyang plastic ng muffin ko. Ang pangalan ay “O-BUSTER”.

Ako si O-Buster!

Ako si O-Buster!

Parang tunog superhero. Chanchananan! Ako si O-Buster! At lilipulin ko kayo sa ngalan ng buwan! Teka, teka, parang may mali.

Tinitigan ko maigi ung paketeng maliit. May mas maliit pang label. Oxygen Absorber.

Oxygen, eto ang hanging dahilan kung bakit ako at ikaw ay buhay. Pag walang Oxygen walang buhay.

Absorber, panghigop? Parang vaccuum.

Oxygen absorber. Panghigop ng Oxygen? Pwede.

Hinanap ko sa Wikipedia ang ibig sabihin nito. At eto ang nakita ko.

An oxygen absorber is a small packet of material used to prolong the shelf-life of the food. They are used in food packaging to prevent food colour change, to stop oils in foods from becoming rancid, and also retard the growth of oxygen-using aerobic microorganisms such as fungi.

Ayun pala un.

Oxygen absorbers absorb oxygen and effectively reduce the aerobic environment to 0% oxygen. Therefore aerobic bacteria, and fungi are unable to grow in this environment. This will extend the shelf life of a food product from 1 week to several months.

Astig. May ganun palang bagay.

Ang alam ko lang kasi at karaniwan kong napapansin ay ung sa sapatos na may nakalagay laging “do not eat”.

Bagong kaalaman mula kay Mr. Wikipedia. 🙂

Naisip ko lang, oxygen din ang dahilan kung bakit tumatanda ang mga tao.

Siguro ung mga taong takot tumanda dapat magO-buster. hehehe

Wala lang. Karamihan kasi ng mga tao ngayon, nagpapabanat ng mukha etc, etc.

Bakit hindi nila itry ang O-buster?

Kapag sinubukan nila un, panigurado hindi sila tatanda kasi mamamatay silang bata.

tsk, tsk, tsk

Naalala ko tuloy ung isang kanta ng Alphaville ata un tungkol sa kagustuhang maging bata forever.

Forever young, I want to be forever young
Do you really want to live forever, forever and ever?

signature2