that one time…


11/01/13

that one time when the cinema was all ours to enjoy.

My photos1

there was a funny incident though. when the movie started, we were all so excited to know what Jack Reacher was all about when a big boat comes into the scene, one character starts singing then Hugh Jackman and Russel Crowe appeared and started singing as well. Maida asked “diba action ung papanuorin natin?”. We both checked out cinema tickets and it clearly say “Jack Reacher”. We laugh out heart out when we realized that the movie that was currently playing was Les Miserables. One of us mentioned (not sure who) “kanina ko pa inaantay, baka sakaling lumabas si Tom Cruise eh”. Turns out one of the staff switch the movies that was supposed to be played in another cinema. A Pinoy cinema staff came and apologized for what happened. 😀

Advertisements

etchos lang


karaniwan kong iniisip na ang maiwan ay di hamak na mas mahirap kumpara sa mang-iwan. ngayong naranasan ko na pareho, I think they are relatively the same, well, at least for me that’s the case. ang lungkot na naranasan ko nung minsang iwanan ako ng isa sa mahal ko sa buhay ay pareho nung ako naman ang mang-iwan sa kanila para umalis at mangibang bayan.

sisimulan ko na ang kwento ng mga nangyari sakin nitong nakaraang linggo na invi ako dito sa WP. nabanggit ko sa nakaraang posts ko dito na aalis nga ako puntang ibang bansa at charan! andito na ako.

mag-isa lang ako bumiyahe nung 24 ng disyembre, panahon kung kailan supposedly ay magkakasama ang buong pamilya pero okay lang kasi hindi naman ako nagpapasko. ambilis ng mga pangyayari pero nagpapasalamat pa din ako at nakarating ako ng matiwasay dito. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong tumulong sakin at kasalukuyang tumutulong pa din. Hindi ko na po alam kung paano ako magpapasalamat. I’m forever indebted to you guys.

aun. sabi ko sisimulan ko na ang kwento pero san nga ba ako magsisimula?  Andaming nangyari eh. Parang pelikula ung nangyari, haha. May nakakatamad, iyakan, nakakatawa at nakakakabang parte. Alam niyo bang naburo ako sa immigration ng ilang oras bago nakaalis dahil sa hindi inaasahang pangyayari na hindi ko na sasabihin sa inyo kung ano. haha Pakiramdam ko buong buhay ko na ung itinagal ko dun pero syempre exaggerated lang talaga ako. Mga 3 hours ata akong naburo dun.

May nakakaiyak na nangyari din nung pag-alis ko. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kina mama, tito boy at maida. (bitter?wahaha) Sabi kasi nung isang officer na napagtanungan ko sa immigration pagtapos ko daw dun pwede pa akong lumabas tapos nung natapos na akong interviewhin sa immigration nung nagtanong na ako ulit, hindi na daw pwede, hence, ung huli kong kita kina mama, tito boy at maida ay nung oras bago ako pumasok ng airport para magcheck-in at sumalang sa immigration. Kung balak nyong umalis paibang bansa, dapat after nyo icheck-in ung mga bagahe nyo, lumabas muna kayo para magpaalam sa pamilya nyo kasi pagtapos ng sa immigration hindi na kayo makakalabas. Wag kayong gagaya sa akin.

Tumawag ako sa mama ko para magsabing hindi na nga ako makakalabas at nag-iyakan kami sa telepono. (eto na ung drama part,hehe) Pumasok ako sa gate 7 na bound for HK na maga ang mata ng konti sa pag-iyak (connecting flight kasi ako). Nung saktong pupunasan ko na ung mga luhang nagbabadya na namang tumulo, parang may magnet na napalinga ako sa paligid at noon ko napansin na halos lahat ng Pinoy na paalis ay umiiyak lalo na ung mga babae. Yung ibang pabruskong mga lalake, namumula ung ilong at sumisinghot. Naisip ko tuloy, iyakan party ito !wahaha, echos lang. Aun. Narealize ko, nakakalungkot pala talagang umalis.

May bloopers din na nangyari sakin sa unang flight ko. Namali ako ng inukopang upuan sa eroplanong una kong nasakyan. Kaya pala may lalakeng angtagal na nakatayo tapat ng inupuan ko eh upuan naman pala talaga niya un, buset lang, haha. Buti na lang hindi nagalit. Ang sabi lang niya “Seat 59?”, sabi ko naman “ha?” sabay tingala at napansin kong 59 nga ung naupuan ko eh sa 60 dapat ung seat ko. Napatayo ako kagad sabay sorry. hehe. Ay oo nga pala, naligaw din ako sa hongkong airport kakahanap ng gate 70. (hinayupak naman kasing airport yan eh halimaw sa luwag buti na lang marunong akong magtanong) Pero in all fairness, halos lahat kami naligaw at nauna pa ako na nahanap ung gate 70 kumpara sa iba kong kasabay. (ako na ang proud, haha)

Dalawang Pinay ang nakilala ko nung bumiyahe ako mag-isa. Si ate Jel at ate Nempha. Si ate Jel ay nakatabi ko sa flight mula manila to HK, vocalist siya ng isang banda. Sabi niya 3 months lang daw sila sa dubai at gogora na naman papunta sa kung saang bansa sila maaassign. Nalaman kong 30 years old na siya. Kinwento niya na 5 years na sila ng boypren niyang amerikano pero sa loob ng 5 years na un never pa silang nagkita ng personal. Salamat daw sa cellphone, videocall at chat. Pero sabi niya in all fairness kakilala na daw siya nung family ng kano niya. Pangarap na niyang maikasal na sila ang kaso lagi siyang nadedeny sa pag-aapply ng visa paAmerica. Si ate Nempha naman ay isang waitress na nakatabi ko naman sa flight ko mula HK to UAE. Sabi niya nanggaling na daw siya ng Brunei, Malaysia at Singapore. Sa kasamaang-palad, hindi pa din daw siya nakakaipon ng sapat kasi nagpapaaral siya ng kapatid sa iligan. FB friend ko na si ate Nempha ngayon. hehe.

Ang highlight ng byahe ko ay ang pagseserve ng pagkain! Andami kasing pagkain eh, solb solb.haha. tapos ung mga nakakatabi ko pa, ibinibigay sakin ung pagkain nila edi lalo akong nasolb (pg?hahaha)

Pagdating ko sa dubai airport, mahigit dalawang oras ang nagugol ko sa pagpila ko para sa eyescan na hindi naman pinaliwanag kung para saan. Ang nakakainis pa, andaming sumisingit na ibang lahi. Hindi ko na sasabihin ung mga lahi ng sumisingit kasi baka sabihin diskriminasyon. Naisip ko lang, uso din pala ung ganun dito. After ko sa eyescan, sa passport control naman ako pumila ng mga isang oras pero okay naman kasi walang singitang naganap dun. After dun, kinuha ko na ung bagahe ko at lumabas. Buti na lang kahit matagal ako sa airport, matyaga akong hinintay ng aking labiduds, kuya benjie at kuya arnold. Maraming salamat sa inyo!

sa ngayon, ilang araw pa lang ako dito sa disyerto ay tinatraydor na ako ng homesickness. ambilis ano po? wahaha, pero kahit ganun, hindi ko naman pinagsisihan ang desisyon ko na umalis at makipagsapalaran dito. Pangarap ko to. Ang madiscover kung anung meron sa dako pa roon. (gumaganun talaga?haha) so wish me more luck mga repapips, hahaha

All about me 10 day challenge – Day 5


Naghihingalo na ako sa pagtapos ng 10 day challenge na ito, haha, congratulate me, I’m on my day 5.

Day 5 – Pictures of somewhere you’ve been to.

May mga gala akong na hindi na iblog (dahil sa katamaran) kaya ikinollage ko yung mga pictures at nilagay dito. >:)

Inuunahan ko na kayo, sasakit ang mata nyo sa madaming pictures.

Isa pang paalala, literal na pictures at caption lang ang makikita niyo. Hihiramin ko muna ung cliche na “a picture paints a thousand words” bilang alibi sa aking katamatan, haha.

BSP Metropolitan Museum - Metro Manila

Ayala Museum - Makati

National Museum - Metro Manila

Road trip to Vigan - Ilocos Sur

Blue Coral Resort - San Juan Batangas

Caluwayan Palm Island - Marabut, Samar

Camiguin

Puerto Princesa - Palawan

Sa totoo lang, muntik na akong sumuko sa pag-aupload ng mga collages na ginawa ko dahil sa aking crappy internet connection. Buti na lang nanaig ang kagustuhan kong matapos ang challenge, wahaha.

****

kaya ko to! 5 days to go! ^^

Akyat sa Mt. Pulag (Part 3)


Sa wakas at sinapian ako ng kasipagan para ipost ang part 3 ng Mt. Pulag adventure ko na naganap noong Pebrero ng taong ito. (expired na expired post na, haha)

Para may koneksyon pa din sa huling Mt. Pulag blog entry ko, kinuha ko ulit ilang talata dun.

Pinilit na lang naming matulog kahit sobrang hirap. Partida, uminom pa kami ng the bar pero wa epek, nanunuod talaga ung lamig, tagos sa buto. At sa wakas, dumating na ang umaga..

Mga alas kwatro na ata nung nagsimula kaming gumayak papuntang summit. Sobrang excited na ako, ung cheer ko sa sarili ko nun ay “let’s get it on!”

Paglabas namin ng tent, sinubukan kong picturan ung langit at ito ang nakuhanan ko. Mukang umuulan ng nyebe na mukang madaming orbs. Sabi pag madaming orbs madami daw spirits, yay.

Pagkatapos kong makuhanan ng larawan ung langit, gumayak na kami para umakyat ng summit. Hindi na ako nag-abalang kumuha ng larawan along the way dahil madilim at dahil takot akong gumulong pababa. Ung dinadaanan naming trail ay makipot lang tapos madilim na ung ibang parte.

Out of curiosity, nagtanong ako kay ateng tour guide kung bangin na ba ung madilim na nakikita ko tabi ng trail na dinadaanan namin.

AuBu: Ate, bangin na ba ito? (sabay ilaw sa madilim na parteng tabi trail)

Ateng tour guide: Oo. (ang honest talaga ni ate!)

AuBu: ahh, bangin na pala (sabay lunok-laway)

Matapos ang isang oras mahigit, nakarating din kami ng summit at naghanap ng magandang mapupwestuhan para mapanuod ang pagsikat ng araw. Kasabay nito ay ang pagkuha ng madaming larawan.

Hindi ko na inilagay lahat ng larawan dahil mauumay kayo sa mukha ko at mukha nila. Pumetiks lang kami sa tuktok, ninamnam ang lamig na nanunuot sa jacket namin na tagos hanggang buto at inantay sumikat si haring araw.

At ilang sandali pa ay sumikat na si haring araw ng bonggang bongga!

tapos nagkuhaan kami ulit ng piktyur!

hehe, Nung andun kami sa summit, naastigan ako sa isang manong na member ng isang mountain climber team, hinubad nya halos lahat ng suot nya maliban sa boxers at nagpakuha ng piktyur. Humanga ako kasi ako nga, alisin lang ung guwantes sa kamay ko parang magyeyelo na ung kamay ko tapos hindi ko na maigalaw. Naisip ko baka ibang klase ng alak ang tinira ni manong. Unfortunately, hindi ko siya nakuhaan ng piktyur kundi andito din siya sa blog ko, haha

Bigla akong may naalala tungkol sa trip naming ito. Kung nagbabalak din kayong sumabak sa ganitong trippings, siguraduhin nyong kumpleto rekados ang gamit nyo. Nung umakyat kasi kami sa summit ang bitbit lang namin ay ung mga sarili namin na balot ng jacket at iniwan na lahat sa tent ung gamit namin. Wala kaming dalang termos na pangkape paakyat eh sakto ung iba naming kasabay meron, eh ako pa naman ung tao na karaniwang nagkakape sa umaga. Aun, nanigas ako sa inggit sa kanila habang nagkakape. Anyhow, nag-enjoy pa din ako, kape na lang ang kulang sa magandang view sa summit. 😛

Matapos ang ilang oras naming paglagi, pagkukwentuhan at pagpapakuha ng larawan sa summit, naisipan na naming bumaba at nagpicture-picture. Nakita ko na ung parte kung san pwede akong gumulong pababa kung sakaling mali ung pag-apak ko sa trail, haha

Tapos pikyur ulit. (sinulit talaga namin!este sinulit ko pala, ang piktyur-taking! haha)

Tapos inayos at iniligpit ung tent sa campsite tapos bumaba na ulit. Tapos pikyur ulit.

Eto, totoo na talaga, bumaba na kami ng bundok at aun, napagod, hehe, pero all in all, satisfied ako. Tapos may certificate pa akong nakuha na may nakalagay na isa na akong honorary climber na nakalista sa Mount Pulag book of climbers, sowsyal. 😛 ung piktyur ng certificate? sa susunod na lang ulit, haha

ang nasabi ko na lang sa sarili ko nung makababa kami. “wow, buhay pa ako, akalain mong naakyat ko yun?” I survive!

****

dagdag impormasyon

  • Ang Mt. Pulag ay ikatlo sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas na nasasakop ang probinsya ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya
  • May tatlong trail kayong pwedeng pagpiliian para makarating sa summit kung sa Benguet kayo: Ambangeg, Akiki, at Tawangan trails
  • Sinasabing ang buwan kung kelan the best umakyat ay ang buwan ng Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Nobyembre, at Disyembre.
  • Kung nais niyong umakyat at wala kayong kasama, maghanap kayo ng mountain climbers group o lakwatserong grupo na pwedeng sabitan. Sa kaso ko, ang grupong Itchy Feet Wanderings at Journey for a Cause ung sinamahan ko.
  • Kung madami pa kayong tanong na hindi matatagpuan dito, search google, hehe, (peace out)


 

Bahay ni Rizal


Ang ilalahad ko ngayong araw na ito ay ang pagbisita namin ng bunso kong kapatid sa bahay ng pambansang bayani nating is Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naganap ang pagbisitang ito noong ika-28 ng Mayo pero ngayon lang sinipag ang inyong lingkod kaya ngayon niyo lang ito makikita. Nung una, alangan pa kaming pumasok kasi hindi namin alam kung may bayad pa o wala pero pumasok na din kami makaraang magtanong sa guwardiya at masiguradong walang bayad. Tara nang pumasok sa loob ng bahay ni Pepe!Pero bago mo masiyasat ang bahay ng mga Rizal, dapat lumagda ka muna sa listahan ng mga panauhin. Pagkatapos mong pumirma, pwede mo nang ikutin ang humble home ni Gat Rizal! Pagpasok pa lang makakakita ka na ng iba’t ibang kathang-larawan na nagsasalaysay kung paano lumaki at nabuhay si Pepe. May mga nakita din kaming guhit na likha nya. Naisipan na naming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Pepe. Pag-akyat namin, madami din kaming nakita (malamang lang, hehe) nakita namin ang hapag-kainan ng pamilyang Rizal. nakita rin namin ang kusina at mga imbakan ng pagkain!

at nakita rin namin ang isa sa kanilang mga silid. Kung susulitin mo ang kabuuan ng bahay pati kagamitan nila Pepe, masasabi mong ang kanilang mag-anak ay isang de buena familia. Hindi man sobrang mayaman subalit masasabing may kaya. Pagkatapos ng pag-iikot namin sa kanilang bahay, lumabas na kami sa may terasa at may nakita akong mukang pangkuha ng tubig sa balon at ito ay kinuhanan ko ng larawan.

Pagkatapos ay bumaba na kami sa may hagdan at nag-ikot sa kanilang bakuran at nakita namin ang estatwa ng maliit na si Pepe pati ang bahay-kubo na malimit nilang paglaruan nung sila’y bata pa.

Pagkatapos naming libutin ang bakuran nila Pepe, tiningnan naman namin ung mala-museong gusali/silid (basta un na un) na nasa loob din ng bakuran nila. Meron kaming nakitang pinaliit na beryson ng bahay nila.

May nakita din kaming mga mala-koleksyon ng mga produkto at likhang-guhit ng ating kapwa-Pilipino.

At syempre, nakita din namin ang mga iba’t ibang estatwa, larawan, at poster (anu bang tagalog ng poster?) ni Rizal kaya sinulit namin ang pagpapakuha ng larawan kasama ng mga yun!

Sa dami ng nabasa at nakita ko sa bahay ni Pepe para ko na din siyang nakilala ng personal. Pero syempre, nanatili pa din ang misteryo ng kanyang pagkatao dahil sabi nga sa Ingles “it takes a lifetime to know a person” at sa kaso ko, hindi ko na siya makikilala ng husto dahil matagal na siyang pumanaw.

hanggang sa muli!

****

dagdag impormasyon:

  • Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Calamba, Laguna
  • Bukas ito ng Martes hanggang Linggo maliban sa Lunes mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon
  • Ang pagkuha ng larawan sa personal na gamit ay malugod na inaanyayahan
  • Para sa komersyal na layunin, makipag-ugnayan sa tauhan ng Dambana ni Rizal

nagbirthday na naman ako


Dear Lord,

I just turned 18 last 22nd of August and I would like to thank you for all the blessings I have received.

Lovelots,

AuBu

****

opps, alam kong hindi kayo naniniwalang kakaeighteen ko pa lang nung 22, pero kakaeighteen ko lang talaga, plus X, hahaha,

for all you know,wala akong handa ng nagdaang birthday ko pero okay lang, happy pa din ako, alive and still kicking.

madami akong gustong sabihin at ipagpasalamat sa Kanya.

Una po sa lahat, salamat po sa isang taon na nadagdag sa buhay ko, isang taon na naman ang lumipas at nagkaron ako ng tyansyang gumawa ng mabuti sa kapwa, ng kalokokang akin na lamang, ng pagbabago (ewan ko kung anu un) at ng pagkakataong iparamdam sa mga taong mahalaga sa akin na mahal ko sila.

Maraming salamat din sa mga nakaalala ng kaarawan ko, maging kapamilya, kaibigan, kaklase at kakilala. Sa mga hindi nakaalala, grabe kayo, unfriend sa Facebook, haha,joke lang. Sa mga hindi nakaalala, may next year pa, (hopefully)

Sa nagbigay ng gift, super madaming thank you na may kapa! Hindi naman ako materialistic na tao pero iba pa din ung may gift kang nahahawakan at bubuksan. haha.

Sa t-shirt na bigay ng utol kong si JL na may nakaprint na “my cutest ate” salamat ng madami gwapong JL. Buti naman at alam mong cute ako. Pero sana hindi super ube ung tshirt na binili mo. Alam mo namang kulay chiko ako. Magmumukha akong halaya pag suot ko un. haha. Ako na ang reklamador pero nonetheless, susuotin ko pa din, bigay mo yun eh, at thanks din pala sa birthday card. kung swerte ka na ate mo ako, swerte din ako kasi may mabait akong kapatid na gaya mo. labs mu talaga ako. at syempre labs din kita, mwahugs!

Sa stuff toy na bibe na tumutunog na pinadala ng mama kong maganda via LBC (na may nakasulat na from mama at papa), hindi ko alam kung anung trip nyo pero nagulat ako sa biglang pagkwak-kwak nung bibe, haha salamat ng marami, kahit alam kong ikaw ang bumili nun at hindi si hitler. Pero ung tulang madrama sa birthday card, alam kong si hitler ang may pakana nun. Salamat din po doon. Kahit na anung mangyari, labs na labs kita mama, hehe, as for hitler, thank you sa genes at sa talent, (salbahe lang, haha) pero thank you po. basta alam nyu na po un,

Sa libreng merienda ni ate Ching sa The Old Spaghetti House nung mismong araw ng birthday ko, sobrang thank you din, matagal din akong hindi nakatikim ng libre mo simula nung magtrabaho na ako. haha, masarap talaga pag libre, salamat at binusog mo ang matakaw mong pinsan. Labsyu te Ching. sana magkaboylet ka na at magkababy 😛

Sa pakikibirthday ko sa birthday ng aking boypren, Inang Sion at tito Boy. Sobrang salamat din po. Masaya po ako kahit hindi ko kasama ang aking labiduds at parang kasama ko pa din siya dahil kasama ko ang kanyang pamilya sa kaarawan niya. Sa buong pamilya ng aking boypren na mahal ako, mahal ko din kayo, sniff, sniff. Salamat po at naexperience kong mabuhat ni Jollibee! Naku lagot si Jollibee pag-uwi ng aking labiduds, aabangan daw sa may kanto. hahaha,

Sa biglaang gala namin ng aking super duper friend na si Dannahbear patagaytay nung 21, salamat po at pinatnubayan nyo kami sa aming paglalakbay. Thank you po at nakapagzipline kami at nakauwi kagad after. sana mas madaming zipline pa ang masakyan ko. Kahit buwis-buhay ung pakiramdam, masaya pa din po. Sa uulitin. hehe

Sa nilutong pansit canton/bihon ng ate kong panganay na si ate Evic nung araw ng linggo, salamat din po, pampahaba ng buhay na tunay. Nabusog po hindi lamang ang aking sikmura kundi pati ang aking puso. Kahit walang gift basta may tsibog na luto, solb ang mga sawa ko sa tyan, hahaha (walang larawan dahil naubos kagad)

Sa adobo na walang sabaw na niluto ni Dannahbear nung nag-overnight siya sa amin sa calamba, salamat din po, dahil hindi lang libre kundi masarap din, hehe, sa uulitin, ibang putahe naman. (walang picture, ubos na nang maalala kong dapat pinicturan ko, haha)

Sa blogpost ni maida tungkol sa akin bilang pagbati sa kaarawan ko, salamat po, tunay akong maswerte dahil may kaibigan akong gaya nyang autistic na match sa pagiging autistic ko. Apir, tol!hahaha, labs kita at salamat dahil labs mu din ako. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako misteryoso, minsan tuloy naiisip ko baka may sapak na talaga ako sa ulo. Speaking of motiff ng kasal, no idea pa din. anyway, isip-bata pa naman ako, hahaha,

Sa pagtawag ng aking labiduds para ako ay personal na batiin, salamat po ng madami, natouch ako, haha. Salamat po sa patuloy na paggabay sa aming love story. Hindi ko po sigurado kung saan kami patungo pero ieenjoy ko lang po ang aming journey. Alam ko naman pong mapagbiro ang tadhana pero pwede po bang gawin nyo akong epikia? haha, sabay ganun, basta po un, thank you, ingatan nyo po siya lagi at ilayo sa makakating babae, hahaha,

Sa pagbati ng aking mga Kingkong barbie tropa, salamat po. Mas dumami ung bumati sakin kasi si Ming-ming equivalent na sa tatlo dahil sa hubby nyang si Not2 at sa cute na cute na baby na si Dylan. Sa magandang naglalakad na paranoia na si Rhea Marie, thanks sa pagbati. Kay Virax na walk-out queen, na akala ko kinalimutan ang bday ko, salamat po kasi hindi pala nya nakalimutan, nagpahuli lang talaga siya ng pagbati, alam nyo naman, hahaha, at kay maida, namention na kita kanina pero salamat ulit!hahaha. Sobrang maswerte ako dahil may kaibigan akong gaya ninyo. Okay lang sakin kahit hindi ako sikat at hindi din sociable na groupie, basta meron akong tropang KB!

Sa tumbler na bigay ni Mommy Chum na deputy manager ng department namin sa opis, super thank you po. hindi po talaga kayo nakakalimot ng birthday kasi last year may gift din kayong pillow sakin. Ahm, sa uulitin po, haha (ako na ang nawili) peace, labs ko din kayo Mommy Chum! 😛

Sa keyk na surpresa ni ate Utchie at ate Jaja, sobrang salamat! sniff, sniff, hindi ko talaga yun inaasahan, hehe, natouch ako ng sobra, at sa sobrang touch ko, naubos na ung keyk agad. hahaha,sa mga pinlanong movie dates na hindi matuloy-tuloy, darating din tayo dyan, sa out of town na gala na niluluto, sana masarap ang kahinatnan at matuloy, kahit hindi ko masasabi ng personal dahil mahiyain ako, labs ko kau, hehe

Sa pouch na bigay ni kuya kim galing bicol, alam kong pasalubong un at hindi gift pero dahil binigay mo un ilang araw bago ung bday ko, gift na para sakin un, sori dahil inuwi ko ung ID mo minsan, wala akong balak ipakulam ka, nagkataon lang na gaya-gaya ka ng style ng ID, nakatalikod din, haha (peace) ang wish ko sana magpakasal ka na at magkababy, tumatanda ka na din,

Sa manong na nagpaupo sakin nung birthday ko sa bus, sobrang thank you po, dumami pa sana ang katulad nyo.

Sa clear na xray na kakakuha ko lang, sobrang salamat po, akala ko po talaga may pneumonia or TB na ako. Kasi naman po, mag-iisang buwan na po this week ung ubo kong pabalik-balik. Pero nakahinga na po ako ng maluwag, nagseself-diagnose na po kasi ako eh, buti na lang clear! pero may diagnosis pa din ako sa saking sarili, hypochondriasis, haha, wuhoo, let’s party! ay ndi pa pla pwede, kumakahol pa ako at nagddrugs ng senicod forte at antihistamine,haha, excited lang,

sa iba pang blessings na dumating na hindi ko napansin pero binigay pa din sakin, sobrang salamat po, ang wish ko po ay isang masaya at punong-puno ng adventure na buhay kasama ng aking mga mahal sa buhay at tropapips.

***

sa lahat ng may kaarawan ngayong Agosto,

maligayang bati! mabuhay!

prom


Hindi ko naranasang makaattend ng prom sa iskul dahil hindi uso sa iskul namin un at kung sakaling naranasan ko, pakiramdam ko pamutas-silya ang labas ko. Hindi ako sikat sa iskul, hindi ako sobrang talino, hindi ako magaling sa palakasang sikat at higit sa lahat, hindi ako kagandahan para putaktihin ng mga mag-aaya sa prom.

Kung may prom kami nun sa iskul, aba eh, suntukan na lang,

Kanina napagtripan naming manuod ng Prom na palabas sa sinehan. Isa siyang tipikal na palabas. May pabadboy image na binatilyo at may good girl image na dalagita na nagtagpo ang landas dahil sila ang naatasang mag-ayos ng props sa prom. At alam nyo nang lahat ang kinahinatnan, nagkagustuhan ang dalawa. At dahil parang tubig at langis ang personalidad, nakialam ang magulang at nagkaron ng onting gusot. Pero sa katapusan ng palabas, sila pa rin ang magkasayaw sa prom.

Ito ang unang pagkakataon na nanuod ako ng palabas sa sinehan na ung katapusan at simula lang ang napanuod ko.Hindi dahil hindi ko gusto yung palabas kundi dahil may meeting kami sa opis, tamang trip lang talaga na manuod ng sine bago ang meeting.

Ang inaasahan kong makita pagtapos ng palabas at maglights on na ay mga haiskul istudent. Ang kaso, mga oldies lahat ang kasabay naming nanuod. Naisip ko, siguro binabalikan nila ung mga panahon ng kabataan nila pero uso na ba ung prom mga 50-60 years ago? Not that I have anything against the idea, it’s just new to me.

Baka ilang dekada mula ngayon, isa na ako sa oldies na manunuod ng chickflick sa sinehan,
anyway, libre naman un sa senior citizen diba? 😉

aubu’s DFA adventure


Nakaiskedyul ako ngayong pumunta ng DFA para kuhain ang authenticated transcript of records ko.

Ala-siete pa lang ng umaga, gumayak na ako kasi inaasahan ko na ang mga aberya lalo pa’t perstaym ko pupunta ng DFA at mag-isa lang ako. Ang itinuro sakin, sasakay lang daw ako ng bus na may karatulang Baclaran DFA tapos bababa na ako dun mismo. Dala ang ngayo’y peyborit kong backpack, lakas-loob akong nagpunta mag-isa sa DFA.

Tama naman ung itinuro sakin at nakarating ako ng DFA na malapit sa moa. Excited akong pumasok sa DFA kasi nakarating ako ng maaga. Ang kaso, pagpasok ko at pagpresent ko ng claim stub sa guard nung tinanong nya ang intention ko, sabi maling DFA daw ung napuntahan ko kasi passport ang pinaprocess doon at sa lumang DFA daw ako dapat pumunta. Dalawa pala ang DFA, isang luma (old) at isang bago (new).

Dahil hindi ko alam kung san hahagilapin ung lumang DFA, nagtanong ako sa guard doon at sabi, sasakay daw ako ng jeep na pabaclaran at bababa ako ng edsa at sasakay ng jeep palibertad at sasabihin ko lang, DFA.

Nakarating naman ako ng mapayapa. May nakasabay akong manong na kukuha din ng authenticated documents para sa anak nya. Ibinaba kami ng manong drayber sa may gasolinahan malapit na daw sa DFA un. Pagbaba namin ng jeep, madami na kagad sumalubong at nag-alok ng kung ano-ano. May ballpen, ID picture service at kung ano-ano pa. Palinga-linga kami kung saan banda lalakad kasi parang intersection ung lugar na un, mula dun sa binabaan namin, pwede kang dumirecho, kumaliwa, kumanan or bumalik sa kung saan galing ung jeep na sinakyan mo. Tapos may naglalakad na lalake na napatingin samin (muka naman siyang baguhan din duon, may bitbit siyang long brown envelope na nakalagay sa long plastic envelope). Nagtanong siya samin nung manong na nakasabay ko,

“for releasing na lang din ba kayo?”, sabi nung lalake.

“oo.” mabilis naming sagot ni manong na kasabay ko.

“doon banda un oh, sa may maroon na building, 2nd floor”, sabi nung lalake.

Dahil hindi namin alam ni manong kung san eksakto, sumunod kami sa direksyon na binigay nung lalake. Pag-akyat namin, nagtaka na kagad ako kasi maliit lang ung building, malayo sa itsura nung new DFA na una kong napuntahan. Iginala ko ung mata ko sa second floor nung building na pinuntahan namin pero wala akong makitang anino ng logo ng DFA. Iginiya kami ni manong nung tao duon, sabi sa loob daw nung isang office sa second floor at sumunod naman kami.

Pagpasok, mas lalo akong nagtaka kasi ung office na pinapuntahan samin ni manong nung lalakeng nagsabi samin, mukang agency lang, tapos may logo akong nakita ng DFA pero mukang panahon pa ni mahoma tapos pinaupo kami malapit sa table. Kinuha ung claim stub namin ni manong. Buong akala namin, pag bigay nung claim stub, hahanapin na nila ung records namin tapos ibibigay na (kasi may katabing malaking drawer na parang lalagyan ng mga long folders) nung babae na nagentertain samin. Nagkatinginan na lang kami nung matandang manong.

“Naku, July 8 pala tong sayo, tanghali na, baka sa lunes mo na ito makuha ung docs mo.”, sabi nung babae na kumausap samin

Nagtaka ako kasi 8 naman ngayon at ang alam ko dapat makukuha ko na kagad un,

“Ah talaga po, bakit po ganun?” sabi ko

“tanghali na kasi, sana inagahan mo”, sabi nung babae.

“…..” tahimik lang si manong na kasabay ko, nakikiramdam.

Ung babaeng kumakausap samin, kinokopya na ung details sa claim stub namin. Tahimik pa din kami ni manong na kasabay ko.

“May babayaran pa po ba kami?” tanong ko.

“Ay meron, 700 dibale, eto nireresibuhan ko na nga kayo.” sabi nung babae.

Nagtaka ako kasi ang alam ko nagbayad na ako sa iskul namin tapos sabi nung superduperfriend dannahbear ko, 100 na lang ung babayaran. Tiningnan ko ung resibong ginagawa nung babae at napansin ko ung pangalan at logo dun sa resibo. Parang Maharlika something ung nabasa ko at iba ung logo, makulay pati ung resibo. (kamuka nya nga ung binebenta naming resibo sa tindahan namin dati)

“700 po?ang mahal naman. Wala pa po akong dalang 700 eh. Teka po, magwiwithdraw lang po ako.” sabi ko

“Ah, sige, meron dyan sa malapit, ano ba ung atm mo?” sabi nung babae.

“Ay ayus po pala kung meron dyan sa malapit, mabilis lang ako.” Ay teka po, kunin ko po muna yung claim stub ko” sabi ko sabay alis.

Yung manong na kasabay ko, umalis din at sumunod sakin pero dahil nga sa pagmamadali kong makalayo sa maroon na building, nakalimutan ko na siya.

Actually alibi ko lang yung sinabi kong magwiwithdraw ako kasi may 700 pa ako nun sa wallet ko, wala lang akong maisip na maidahilan kesa namang sabihin kong “Fixer kayo!Fixer!Mga Salbahe!” nung marealize kong may mali sa nangyayari. Edi malamang hindi na ako nakalabas ng buhay doon.

Nagpakalat-kalat ako doon sa street na yoon. Lakad dito, lakad doon. Tanong dito, tanong doon. Tapos may mga manong na naman na lumalapit sakin at inooferan ako ng ID picture kasi kailangan daw noon. Sabi ko madami na ako noon kahit wala. May super makulit na manong na talkies talaga ng buong giliw. Pilit nya akong kinukumbinsi na kailangan ng ID picture sa pagkuha ng red ribbon docs sumabay pa talaga sa paglalakad ko pero dedma lang. Tapos may bigla na lang na humila saking lola (nakapolo shirt at maong pants na may payong na blue)

“naku iha, wag kang magpapaniwala sa mga tao dito na may ID. Fixer yang mga yan. San ba ang punta mo?” sabi nung lola.

“kukuha lang naman po ako ng TOR ko na may red ribbon eh nakaiskedyul po ako” sabi ko naman.

“ay ganun ba? malapit ka na, direchuhin mo lang ito tapos kanan ka, DFA na un, ung luma” sabi nung lola.

“ay talaga po?kanina pa po ako pakalat-kalat dito eh, kung san-san po ako itinuturo” sabi ko.

“naku mag-iingat ka kasi madaming loko dito. Oh pano, sige, mauuna na ako iha, mag-ingat ka.” paalam nung lola.

“opo, salamat po!” nakangiting sabi ko.

Sinunod ko ung direksyong bigay ni lolang mabait at nakarating naman ako sa DFA na luma. At sigurado na akong DFA talaga un kasi malaki siyang building at sa gate pa lang kita na kagad ung name at logo gaya nung sa DFA na bago na napuntahan ko. Pagpasok ko ng gate, daan ulit kina kuya at ate guard, proud akong ipinakita ung claim stub ko at nakapasok na nga ako.

Pagpasok mo dun, ilalagay mo ung claim stub mo sa may table na may mga nakasulat na kategorya: Priority list (hindi ako sure), CHED/TESDA/DEP ED, LTO ata tapos (hind ko na matandaan), PRC/DOLE, tapos ung pang4th, hind ko na din matandaan. Gusto ko sana itong lapitan para picturan ng malapit kaso nahiya ako kasi mag-isa lang ako. hehe

Pagkatapos mong ilagay ung claim stub mo ayon dun sa kategoryang nakalagay sa may table, uupo ka at aantaying matawag ung pangalan mo. Kapag tinawag na ung pangalan mo, sasabihin kung saang window ka lalapit. Nung tinawag ako after 20 minutes, sa may window 50 ako pinapunta.

Huwag kakalimutan na kapag tinawag na ung pangalan mo, ihanda na ang valid ID. Pag nakalapit ka na sa mismong window, ibibigay sayo ung certificate mo, tingnan maigi ung pangalan mo at iba pang mahahalagang detalye. Mahirap nang maaberya. Kasama nung certificate ung resibo mo na dadalhin mo sa may cashier sa may gawing kanan (sori naman at walang picture)

Pagkatapos mo magbayad sa cashier, pupunta ka ng window 49. Iistaple ung resibo na kulay white (na may pagkapink) sa certificate na binigay sayo earlier. Tapos uupo ka ulit para antaying matawag ung pangalan mo.

Mga isang oras mahigit ang inantay ko bago matawag yung pangalan ko. Buti na lang may dala akong babasahin.

Makalipas ang mga isang oras, tinawag na din sa wakas ang pangalan ko. Tapos ang inatupag ko naman ay ang paghahanap ng exit. Buti na lang mga mga guard na pwedeng mapagtanungan lagi.

Ayun. Sa wakas, natapos din. Naglakad na ako pabalik sa may sakayan paLRT. At ung lalakeng nagturo samin nung manong na nakasabay ko, ayun, nakatayo pa din siya sa may tapat ng gasolinahan at nag-aabang ng mabibiktima. Gusto ko sana siyang picturan kaso inunahan ako ng takot, (ako na ang duwag, mas malaki kasi siya sakin ng hindi hamak).

Sumakay na lang ako kagad ng jeep at pasimpleng pinicturan ung gilid na kalsada kung saan kita ung maroon na building.

Ung may bilog na pula, ung ung building kung saan kami itinuro nung lalake. Paalala, huwag po kayo dun pupunta kasi sisingilin kayo ng 700 imbes na 100 lang ung babayaran.

Kung sa baclaran kayo sasakay papuntang lumang DFA, ung may karatulang DFA City Hall ung sakyan nyo. May terminal po sila dun banda sa baclaran halos tapat ng RCBC establishment doon. Sabi nung manong driver na nainterbyu ko at napagsumbungan din ng nangyari sakin, kung ang punta nyo daw ay sa may bagong DFA, meron daw terminal sa MOA na papunta dun pero kung sa luma, sa baclaran lang talaga. Pero kung trip nyong maglakad papuntang DFA na luma, pwede din kayong maglrt paLibertad at tahakin ang malubak na kalsada, hehe.

Sa katapusan ng araw ko, masaya ako at kahit may onting aberya sa simula, nakarating din ako sa dapat kong patunguhan. Maliban pa dun, mas naramdaman kong isa akong blessed individual. Hindi ako pinabayaan ng nasa itaas na malagasan ng 700. Pinadalhan nya pa ako ng fairy god mother sa katauhan ni lolang mabait. Nakauwi na akong ligtas samin, dagdag karanasan pa ito sakin!

Maligayang weekend sa ating lahat! ^^

Akyat sa Mt. Pulag


Wala talaga sa plano ko ang sumamang umakyat ng Mt.Pulag sa Journey for a Cause matapos ang nakakapagod na pagakyat namin sa Mt. Pinatubo nung nakaraang Enero.

Sabi ko sa sarili ko, hindi muna ako tatapak ng kahit anung bundok dahil sa sobrang sakit ng katawan na inabot ko.

Pero dahil malungkot ako nung mga nakaraang linggo bago ung petsa (ika-24-46 ng Pebrero) na itinakda ng pag-akyat sa Mt. Pulag, napagtripan kong sumama. Naisip ko, a breath of fresh air is all I need for this sadness to pass. (nakanaks, hehe). In addition to that, may basbas ng aking inang mother at fairy god mother auntie. >:)

Ang mga bida sa pag-akyat sa Mt. Pulag ay ang mga sumusunod:

  • JC from Itchy Feet Wanderings group
  • AI from Journey for a cause/WHO
  • Kuya Jimmy, Kuya Jepa, Ate Jing at Heidi from kapit-bahay na department
  • Ate Cha at Ate Jelyn from isa pang kapit-bahay na department
  • at AuBu (ako na saling pusa, wahaha)

Kasabay kong pumunta ng Victory Liner sila ate Cha, ate Jelyn, ate Jing at kuya Jimmy. Literal na hinahabol na namin ung bus pagdating ng terminal sa cubao dahil paalis na ito. Nagtaxi kasi kami mula RCBC eh mga 9:40 ata kami nakasakay tapos ung alis nung bus 10:10 tapos sakto natapat na isasara na nung mga time na un ung ayala para sa EDSA celebration. Buti na lang si manong taxi driver, maparaan, pwedeng pangdrag race at sa tulong nya nakahabol kami sa bus kundi nalate talaga kami (parang may kahawig na eksena ito, haha)

Pagsakay ng bus, nagkwentuhan lang kami ng konti at nagsitulugan na. Sa mga stop-overs, gigising saglit para mag-CR or bumili ng pagkaing mangunguya,

Mabilis lang ung byahe namin, siguro mga 3:30 asa Baguio na kami. Halimaw ung lamig na sumalubong samin dun kaya kumpol-kumpol muna kagad kami habang nag-aantay sa sundo.

Nung dumating ung sundo namin, dumirecho kami sa Good Taste restaurant para mag-agahan at bumili na din ng tanghaliang babaunin pa Ranger Station ng Mt. Pulag.

Umorder kami ng madaming pagkain. 2 bandehadong kanin (as in madaming kanin), beef broccoli, buttered garlic chicken or garlic buttered (basta chicken na may butter at garlic), chopsuey at sweet and sour pork.

Madami ung servings sa resto na un at ang totoo nyan, sa sobrang dami, gusto ko pang kumuha ng madami pero dahil inaalala ko ang aking tyan, nagkasya na ako dito.

At dagdag na kanin at onting ulam after ng serving na ito, haha

Pagkatapos naming mag-agahan, sinabihan na kaming magbawas ng kung anumang babawasin namin. Madaming successful pero ako, walang nabawas, Isip-isip ko bahala na si batman, sabi nga nung sa lumang commercial ng joy (sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil). Ang kaso lang hindi bukid ung pupuntahan namin kundi bundok. >:)

Nung matapos na ang aming mga ritwal, sumakay na kami kay Lost in Love. Teka, bago mahuli ang lahat, ipinapakilala ko si Lost in Love. Charan!

Hindi na ako aware sa time nung sumakay kami kay Lost in Love, basta alam ko umaga na nun, este maliwanag na nung papunta na kaming Benguet. Hindi ko din pansin kung gaano katagal ung byahe, nabusy ako sa mga nakikita ko sa daan, feeling ko nasa ituktok ako ng mundo ung kalsadang dinadaanan ni Lost in Love. At sa sobrang busy ko ndi na din ako nakakuha ng mga pictures sa daan.

Ang alam ko talaga derecho kami sa ranger station. Yun pala dun muna sa Protected Area Office ng Mt.Pulag  kasi magoorientation pa kami for the do’s and don’t sa pag-akyat ng Mt. Pulag tsaka magreregister ng trek group. Ung nag-orient samin si Ma’am Emerita (nakalimutan ko na ung apelyido kasi 2 ung apelyidong binanggit nya, ung sa pagkadalaga at ung may asawa. Natandaan ko sa kanya naasar siya dun sa apelyido ng asawa nya. Aun. Ang natatandaan ko sa orientation, bawal hawakan ang mga vegetation. Bawal ang maghagis ng kung anu-anong buto ng kung anung halaman dun kasi masisira ung homeostasis ng lugar. May term na ginamit si Ma’am Emerita eh, genetic erosion ata, basta parang ganun. Bawal din daw ung sumigaw kasi makakaistorbo kami sa mga spirit/anito ng Mt.Pulag. Bawal gumawa ng kahalayan. Sabi Ma’am Emerita, kung magjowa daw sa loob ng tent gumawa ng milagro dahil di pwede sa labas. hehe, tamang adik lang.

Nung matapos ung orientation, sumakay na ulit kami kay Lost in Love tapos naglakbay paRanger Station. Buong akala namin malapit na malayo pa pala. Mga hapit lang. Halimaw ung daan papuntang Ranger Station. Rough Road kung rough road. Ung tipong pati kaluluwa mo maaalog ng bongga. Ilan samin ung nahulog sa upuan kahit nakakapit na sa rail ng jeep. Mas extreme ang rough road na ito kumpara sa dinaanan ng 4×4 sa Mt. Pinatubo. Hindi pa man, masakit na ung mga katawan namin.

Nung dumating kami, kumain kami ng binili naming tanghalian sa Good Taste at nagcr at nagprepare na din for the trek.

Tinapos muna ng bawat isa ang mga ritwal (na naman) bago kami nagsimulang magtrek. Bago magkalimutan, kumuha ang grupo namin ng 2 porter tagabuhat ng tent at mga camping utensils. Si Heidi kumuha ng sariling porter kasi galing pa ng night shift at pagod talaga.

Nung ayos na ang mga buto-buto nagsimula na kaming maglakad papuntang trail. Tapos…

Itutuloy…

Abangan sa susunod kong blog entry ang literal na breath taking trekking, zero degrees temperature overnight at first summit experience namin! Hanggang sa muli! 😉

hiking at swimming sa biak na bato


looking backwards

hindi ko na matandaan kung kelan ako naging batang-gala

but I turned out to be a batang kaladkarin

ung tipong basta walang ginagawa, gala lang nang gala (syempre basta may bread sabi nga ng isa kong tropa) haha

hindi ko matandaan ung exact date nang gala ko papuntang Biak na bato

ang natatandaan ko lang ay ito ung panahon na nagaaral kami for IV therapy sa may VMMC

si ate daryl na bespren ni ate ching ang may pakana ng lakarang ito

partida, wala talagang plano, wala kaming mga pera, sakto lang tlaga

at pinakamalala sa lahat, may exam pa kami kinabukasan

pero ayun nga, dahil mga gala talaga kami, natuloy pa din, wahaha

ang mga cast sa galaang ito ay ang mga sumusunod

si ate daryl

– upbeat mula simula hanggang umpisa, halatang sanay na sanay sa akyatan

si haw

– ang model ng aming grupo, ang natatandaan ko sa kanya sa galang ito ay yung bumigay ung hiking shoes nya, wahaha

si maida

– ever photographer ng grupo, pero nung mga panahong ito, wala kaming dalang camera, celepono lang pero nonetheless maganda pa din ang mga kuha, ang tawag dyan, inborn talent ni maida, hehe (inenhance ko na nga lang for the sake of presentation saking blog)

si tina

– si tina, exhousemate at exclassmate pero forever tropapips, ginawang tulugan ang ilog, hanep, haha

si roy at aubu

– ang lovebirds sa grupo nung kami ay gumala, hehe,

gusto ko sana ishare ang video na kinunan ko nung andun kami kasi may kakilig moments dun kaso navirus ung usb ko kung san nakasave, hayst, sa utak ko na lang ipplay ung eksenang un,

haw, maida at aubu

gusto ko ulit bumalik dun, sana mas madami kami sa susunod at mas madaming pictures

ang tulay

maganda dun kahit hindi pa well-developed talaga (pero ewan ko lang ngayon)

kahit hindi planado at buwis buhay ang galaang un, uulit-ulitin ko un, hehe