BF mom


Sabi nila breast milk is best for babies up to 2 years and beyond. At dahil naniniwala ako dun pero mas lamang ung nagtitipid kami, isa na akong padede mom. hahahaha. Ang isang benefit ng padede mom ay yung wala kang aalalahaning bote na makakalimutan pag lalabas kayo ng baby mo, yung ikaw lang sapat na (banat ba un?haha) ay meron pala kong aalalahaning bote kasi si unicahija sa bote na dumedede, pero atleast bawas sa bote na iisipin. 😛

anyways, simula nung naging padede-mom ako, basta abutan ng gutom ang unicohijo ko basta may upuan at nursing cover gorabels lang. kanina, nagpunta kaming SM, nag-ikot kami ng department store eh si Baste biglang pumalahaw ng iyak, gutom na pala edi hanap kami ng upuan, nagcover na ako at sisimulan ko na dapat ang session namin ng junakis ko nang biglang nilapitan ako ng sales lady.

sales lady: ma’am, gusto niyo po sa fitting room na lang kayo para mas kumportable?

ako: ay pwede ba ko dun?

saleslady: oo naman po ma’am! (na may kasamang friendly smile)

ako: okay! thank you!

First time kong maofferan ng fitting room for breastfeeding purposes kaya tuwang-tuwa talaga ako, not only because it is indeed more comfortable, but because it is more private, chos. haha, at dahil perstaym, allow me to take a picture as a souvenir. haha

IMG_1714

lakas talaga makaganda ng ilaw sa fitting room. sa susunod ulit na breastfeeding session! hahaha

 

goodbye and hello


in a few hours time, we’ll bid goodbye to 2016 and welcome 2017 (so cliche the intro, haha)

I’ve got lots to be grateful for this year. First and foremost, we got the greatest blessing there is and that will be our daughter Piatot. (despite the sleeplessness, dirty nappies, unexpected tantrums anytime anywhere, the happiness that she has brought into our lives is beyond compare) I happen to get myself a job (though I think I’ll be saying goodbye to this and transfer to another one, haha, wishful), we got our-self a store and an e-bike.

I don’t know but I’m not so excited with new year. maybe because I feel so unsure of what’s going to happen (siguro kapag may anak ka na lagi mo talagang iniisip ung walang kasiguraduhan, or maybe I’m that paranoid, ung tipong dapat maayos ang lahat, bawal kaming mawala or something dahil kawawa naman si Piatot kung mauulila siya, dapat may ganito or ganyan kami para maging maayos ung buhay niya) blah blah. If you’re gonna enter my mind right now, you’ll explode because lots of those uncertainties are lurking in every corner of my mind.

But anyways, I came across this saying in IG this morning. “I am blessed. Today, I am going to focus on what is right in my life“. after  reading this quote, I felt a little better. Just like what someone said somewhere, worrying makes you suffer twice so I want to spare myself from those. (I’m not so much of a masochist)

so tada!

happy new year everyone!

good luck to us!

from a still cynical me,

aubu

how?


So our company had our year end party last Sunday and I wasn’t able to attend just because I feel lazy. And I would pretty much prefer playing with Piatot than socializing with some party people 3/4 of whom I don’t know personally.

It was my first day at work last night coming from a 3 days off and I was bombarded by my officemates how I missed half of my life just because I wasn’t able to attend the party.

So I said in tagalog “paano ko mamimiss yung kalahati nung buhay ko eh yung buhay ko katabi kong natulog nung linggo?”

And then the bombardment suddenly came into a halt 😸😈

the struggle is real


hindi ako palaaway na tao at ang pinakagrabeng nagawa ko sa buhay ko ay hilahin ang buhok ng isa kong pinsan sa sobrang bwisit ko sa kanya, (p.s. hindi sabunot kundi hila kasi ang haba ng hair niya, tumakbo siya nun tapos hinabol ko tapos hinila ko ung dulong buhok niya, at talagang nagpaliwanag ako hahaha)

feeling ko mahirap talaga makipag-away at makipagbasag-ulo pero pakiramdam ko ngayon mas mahirap yung makipagbuno ka sa walong buwang baby para lang mabihisan siya at malagyan ng diaper nang hindi siya masasaktan.

hahaha >:)

dahil kung meron


isa sa kinatatakutan ko noon ay ang tumandang mag-isa, ngayon kinatatakutan ko nang lumaki ang anak ko na malayo ang loob sa akin. yung tipong in good terms kayo pero di kayo close. yun. mismo. ayoko nun. yun ngang iba magkasama sa bahay nagiging estranged pa sa isa’t isa eh. tapos nakakwentuhan ko pa si mommy Joy na sabi isa sa pinakamalaking pagsubok sa buhay niya ay yung lumaki yung dalawang anak niya na hindi close sa kanya dahil OFW siya for almost 20 years. Grabe. iniisip ko pa lang yun nalulungkot na ako ng bonggang bongga.

dapat ata mag-anak pa ako ng isa, lalake dapat, hahaha, sabi kasi nila mas close ang anak na lalake sa nanay. tapos yung anak na babae sa tatay mas close. kung ganoon ang kaso  patas lang kami ni daddylabs diba. hahaha. adik much. pero syempre hindi pa ngayon. wala naman akong balak gawing past time ang paggawa ng baby. madaling gumawa mahirap bumuhay. hahaha

mind over matter


dahil minsan gusto ko na ding magdeactivate ng social media accounts dahil parang lahat ng taong kakilala ko may successful na buhay.

tapos naalala ko yung kaibigan kong nangutang sakin ng 500 months ago dahil daw may malalang sakit yung erpat. sa tuwing nakikita ko yung post nya sa FB at IG walastik yung buhay, typical bourgeois lifestyle

tapos naisip ko, don’t believe whatever you see on social media.

_20160606_234514

Sabi dun sa recent inspiring words of wisdom na nabasa ko, kapag nalulungkot ka, isipin mo ang mga tao, bagay o pangyayari na kapag wala sa buhay mo ay tunay mong hahanap-hanapin o mamimiss? Mula doon, iset mo ang priority mo, iyon ang gawin mong gabay. Dahil sa katotohanang kapag nabubuhay ka ng may pagmamahal sa puso,doon ka lang tunay na makukuntento at mabubuhay ng payapa.

ok. parang confabulations of ideas bigla, hahaha, makatulog na nga lang. puyat lang to.

mother’s instinct


 

_20160607_133306

Kanina pinagbantay muna ko ni daddylabs ng tindahan namin dahil may gagawin siya saglit. dahil tulog naman si piatot iniwan ko siya sa kwarto ng mahimbing. lumipas ang ilang minuto, nalibang na ko manuod ng pelikula sa laptop nakatatlo nga ata ako pero syempre super forward yun, haha. tapos bigla ko na lang naisip na silipin yung anak ko kahit sabi sakin eh huling silip daw ay mahimbing pa din ang tulog. sabi ko sisilipin ko pa din, tapos pagpasok ko ng kwarto gising na pala siya at tulala sa kisame. Parang nakikiramdam kung may kasama ba siya or wala. Nung nakita ako bigla siyang ngumiti.

syempre feeling ko mother’s instinct agad yun hahaha