make a blog entry


kasama to sa stuff to do when boredom strikes na naresearch ko sa google.

ay bakit ako bored? tambay na kasi ako. siguro lagpas 1 month na. I’m expecting my baby girl soon. as in next month. sabi kasi ng OB ko around third or fourth week of februarydue date ko . tsaka recently nasira ang phone ko eh almost 3/4 ata ng tambay na buhay ko nauubos sa kakacellphone, ayun nung nasira nawalan ako lalo ng direksyon

oh, I almost forgot. Happy new year! this is my first new year again in the Philippines after being an OFW for 4 years. It was fun. Iba pa din talaga pag sa Pinas ka nagcecelebrate. Warm ang atmosphere. Holiday na holiday. ang gaganda ng fireworks. daming pagkain. masaya naman pero syempre mas masaya kung kasama ko din sila mama magcelebrate. ganito pala pag may asawa na noh. now that I think of it,  single pa ko nung huli kong nakasamang magnewyear sila mama, sana sa susunod makasama ko din sila kasama na ang baby sophia ko hehehe.

ay, nagfasting pala ako last night from 10 pm till 7am today, nakaschedule kasi ko for FBS and OGTT, 32 weeks na kasi ko, routine check daw un ng mga preggy. Ayun namuti mata ko sa gutom hehehe. tapos ung oral glucose solution na pinainom sakin, kasumpa-sumpa, parang isang kilong asukal na hinalo sa isang tasang mainit na tubig, halos hindi ko malunok muntik pa kong masuka, ewww. hindi naman ako maarte pero eww talaga. buti na lang sabi ng OB ko hindi na yun uulitin. ayun dalawang tusok din pala ko ng karayom magkabilang  braso, sana hindi magpasa, pero sabagay mukha namang magaan ung kamay nung medtech na nagextract ng dugo sakin.

excited na ata ung baby kong lumabas, sipa ng sipa eh, hahaha, kababaeng baby parang pacman. sana healthy siya paglabas. excited na din akong makita siya, pero syempre kinakabahan din ako kasi sabi nga nila masakit pero mas lamang pa ngayon yung excitement. tinanong ko yung OB ko kung normal delivery ba siya sabi niya hindi ko daw dapat tinatanong yun kasi majority sa kanila CS kasi sila mismo yung nakakakita ng horrific  scenarios sa DR so ayaw nila maranasan yung sakit, hahaha, ironic. ako din naman nakakita na ng mga nakakatakot na pangyayari sa delivery room, yung mga nanay na na-siyam na anak na pero maka-OH MY GOD sa pag-ire wagas, meron naman na primi talaga at wagas makahagulgol sa sakit. meron din namang subtle lang umire. kung alin ako dun, abangan ang susunod na kabanata, hahaha.

sa totoo lang gusto ko sana epidural kasi sabi nung bestfriend ko ganun ung sa kanya kaso nagresearch ako andaming risks nung epidural saka mas mahal siya so gusto ko normal delivery. ayaw ko din ng cesarean kasi maliban sa keloid former ako, matagal ang recovery ng cs incision, tsaka naman, pagkadami ko nang peklat dadagdagan ko pa ba? hay naku sana talaga makeribels ng beauty ko ang normal delivery hahahaha.

naku napahaba na ata ung post ko, anyways, till next time. :PPP

Advertisements

new year


2nd of January 2013

happy new year guys!

sure time flies fast. It has been 1 year and  9 days since I stepped into this piece of desert. I’ve met a lot of people. learned a hell lot. had fun. had pain. laughed a lot. cried a hell lot. ate a lot. lost weight. gained new friends. gained enemies. but still the same old brand new me.

I’m not much on the optimist side at the moment but one thing I’m truly thankful of is that I survived 2012. hope it will be better this year though I’m expecting the worst because I encountered this prediction that this year of the water snake isn’t the year for the year of the rabbit people. (since when did I believe fortune-telling?lol)

anyway, I don’t have a new year’s resolution.

opps. before I forgot, I started drinking milk now because my system is much intoxicated with caffeine. would that count as a resolution? eh I think not?

well, this is me. until I get to be motivated again to write something not nonsense (double negative?)

tata.

huli man daw at magaling..


ilang linggo at araw na ang nakalipas simula ng magsimula ang bagong taon,

daming happenings, syempre nagdaan ang holiday daba,

at dahil hindi ko pa naishare ang aming mga larawan nung nagdaang holiday celebration, charan!

e2 ung nag-eat all you can kami sa Stephanie’s Smoke Haus sa Tacloban,

mama at JL


ate ching at mama 🙂


kuya bok at bonchie


si auntie vilma (busy sa pagkain) hehe


mama, auntie zenaida at uncle rene


si uncle ken, auntie nita at kuya bok 🙂


si kuya wyn, si tin2, si ate meriam, si jyrus, si JL, si arriana, si kyle at ate evic


pagkain ko (wahahaha)


mapapansin na one in a million ang larawan kung saan makikita ang isa man sa aking kapamilya na kumakain (ahm, in denial kasi na malakas kumain kaya ayaw magpapiktyur ng lumalamon, hahahaha)

nang matapos ang kainan, umalis na kagad ung iba pa namin kamag-anak, hehe, kaya piktyur pikyur muna kami,

ate evic, kuya mike at kyle 🙂


mama at ariana (hulaan ang relasyon nila sa isa't isa) haha


wan big hapi pamili (ay kulang pala kami ng isa) ung ate kong isa, hehehe, kala nyo kung sino nuh


wan big hapi pamili (part 2)


isa pa

p.s.
alam kong late na,
pero sabi nga nila,
it’s better late than pregnant,
este it’s better late than never,
hahaha

signature2

monologue


Sa aking pinakamamahal na blog (naks)

Matagal na din taung hindi nagkakausap (kala mo sumasagot ka talaga eh noh)

Mga 1 linggo na mahigit ata (antagal na nga)

Madaming nangyari sa nakalipas na isang taon (talaga?)

Nawalan ako ng celepono. (inuna talaga eh noh)

Pumasa ako ng board exam (RN na ako!)

Nag-Oathtaking sa MOA.

Nakapunta ako ng Palawan.

Nakarating ulit ng Baguio.

Nagswimming ng bonggang bongga sa Bohol.

May lablayp pa din hanggang ngayon (hehehe)

At nagbakasyon ulit sa Tacloban.

Dumaan na ang Noche Buena. (pansin mo ba?)

Lumipas ang Media Noche. (uu nga, 2010 na kaya)

Pero eto ako,

Same old brand new me. 

Pero alam mo ba, masaya ako sa kasalukuyan,

Kasi naging mapayapa at maayos ung pasko at bagong taon ko.

Kasama ko kasi ang mga mahal ko sa buhay. (yihee)

Minsan maganda talaga na nagbabakasyon ka nuh (uu naman)

Kasi lumilinaw ang pag-iisip mo at pagtingin mo sa mga bagay-bagay (ibig bang sabihin nito, hindi ko na kailangan ng eyeglasses?)

Hindi na ako masyadong bitter ngayon (hahaha, sa ngayon lang ah, refreshed lang kaya ganun >:)

Habang nagbabakasyon, naisip ko, kung magiging bitter ako sa buhay ko,

Ako din naman mahihirapan,

Either mamamatay akong bata or magiging miserable ako for the rest of my life (o diba)

Kaya habang may pagkakataon pa ako, pipilitin kong maging masaya.

Baka kasi bukas wala na ako, or wala na sila or wala ka na, (mahirap ung ganun diba)

Pero wag mo ding asahang lagi akong nakangiti,

Mukha na akong timang pag nagkaganun.

Ako pa din naman to noh,

Susubukan lang magbago kahit papano.

Bagong taon, lumang ako,

Kung meron mang bago, siguro ung mga bagong panganak na sanggol sa iba’t ibang parte ng mundo.

Bagong taon, anu pa ba ang bago?

Dagdag trabaho, dagdag sakit ng ulo (nagccalls na ako, alam mo ba yun?)

Dagdag na sali-saliwang daan at patutunguhan,

hindi ko lang alam kung san niyo ako madaratnan (batang kalye kasi)..

signature2