tattooed and proud


may kasabihan na pagnanganak ka at nagkaroon ka ng stretchmarks, “you’re a tiger who earned her stripes.” o sige salamat pampalubag loob din yun, pero hindi naman ako tigre. saka ung baby tiger nga pinanganak na may stripes tapos nanganak lang ako sasabihin nang I earned my stripes, sus. okay, so much for my cynicism.

mas maganda siguro kung sasabihing, you got tattooed. a proof that you’re body is an instrument to a miracle. etchos. pero seriously, hindi ako nagagandahan sa stretchmarks ko no matter how many people romanticized about having them. edi sana hindi mabenta yung bio oil at cocoa butter sa market. hindi ako nagagandahan but it doesn’t mean I am ashamed of them. parang mga peklat at tattoo ko, they are meant to tell stories. if you’re not interested, wag mong tingnan.

anyways, I got tattooed long back and I’m planning to get another soon! (lakas maka-segue!) hahaha pag may budget na at may time, I actually wanted to put a tattoo on top of my tummy stretchmarks but I read online that it would hurt more than it should and it might not look good because it’s distended skin. baka sa legs na lang siguro or sa likod ulit.😈 gusto ko ng handprint or footprint ng anak ko.

img1458913456293

charan! andami kong sinabi pero actually gusto ko lang talaga ng dahilan para maipost ulit tong piktyur ko na to. Hahahaha this was taken a few pounds ago. (excuse me for my malantod na pose) I know that not all of the people on this planet are excited at getting inked but sabi nga nila kanya-kanyang trip yan (so please don’t give me bullcrap reasons why I should not get another tattoo) parang sa pagbubuntis at panganganak, madami ang may gusto meron ding ayaw. kanya-kanyang disposisyon at pananaw.

P.S

I was contemplating whether to put a picture of my pregnancy stretchmarks but I decided to keep my stripes to myself. Maybe if I’m wearing a two-piece and decided to show them off to the word, I’d post them one day for sure, hahahaha 😈

then and now


Screenshot_2014-05-10-13-43-02

what we look like a few pounds ago..

and now,

FB_IMG_1455114548537

we’re fatter but happier😊

happy monthsarry daddylabs! lamyu!

advance


Nakachat ko yung isa kong tropapips dati sa al Reef at sinend niya sakin tong piktyur ko.

IMG-20160117-WA0001Hanep, mukha kong kalansay. Hindi ko matandaan kung ano yung pinaglalaban ko diyan pero tanda ko kuha yan nung birthday treat nung isang doktor namin.

Hindi ko alam bakit naisip kong ipost yan. Siguro looking back na din sa tingting kong katawan noon, ngayon kasi ultimo paa ko di ko kita, pero syempre jontis, alam nyo na. Pero syempre kahit manganak na ako ayoko nang bumalik sa ganyang kapayat na mukhang malnourished hahaha.

Anyways, tinanong ako nung tropa ko kung excited na ba ko manganak, sabi ko naman oo, syempre gusto ko na makita mukha ni bebi kung ako ba kamukha niya or si daddylabs. Tinanong niya din ako kung natatakot ako sa sakit, pinagisipan ko maigi pero hindi naman ako natatakot. Sabi ng ate kong panganay since birth mataas daw talaga ang pain tolerance ko, but I highly doubt kung chill galore ako sa araw ng labor and delivery ko noh.

Kung tatanungin nyo ako kung natatakot ako sa sakit? Hindi din ang sagot ko. Mas natatakot pa ako sa katotohanan na paglabas ng baby ko maeexpose na siya sa mundong walang kasiguraduhan. Mararanasan na niya ang sakit, init, gutom, pagkabigo at kung ano-ano pang bagay na nagdedefine satin bilang tao. Exaggerated ba? Hahahahaha sorry naman masyadong advance lang talaga ako mag-isip.

Bukas babalik akong hospital para magpaultrasound, malalaman ko na kung diet as tolerated pa din or no rice na till the time na mangitlog na ako, Wish me luck! Hindi kasi natuloy ngayong araw kasi wala yung doktor.

 

 

 

 

dear ate esther


or ma’am esther ba dapat? mukha po kasi kayong prof eh. kumusta na po kayo?isang dekada na din ang nakakaraan nung huli tayong magkasama sa boarding house kay ma’am Tess ata (nangangalawang na po ng husto ang memorya ko kaya hindi ako sigurado sa pangalan nung landlady natin)

naalala ko po kayo bigla kasi nakita ko yung piktyur na to..

Processed with VSCO with f2 preset

nakalimutan ko na din po kung anong merienda ung iniwan nyo sa mesa ko nun sa boarding house eh, ung dedication lang ung nakunan ko ng larawan. Sayang!

Naalala niyo pa kaya ako? Ako ung awkward nyong roommate na bihirang magsalita. Lagi nyo kong nililibre ng agahan sa coop lalo na pag naabutan nyo kong magluluto ng punong-puno sa sustansyang pancit canton (kaya nga lagi kong late nun sa isa kong subject, well not that I’m complaining, hahaha, kahit ilang beses ulitin mas pipiliin ko pa din ang libreng agahan kesa perfect attendance, hehehe)

Naalala nyo pa din ba ung panlilibre nyo sakin ng hapunan sa SC? Sa may roddicks po? Tapos kakain tayo ng icecream! Na libre nyo din, hahahaha, para po kayong ibang katauhan ng ate Ching ko nun na isa ko ding dakilang tagalibre. Hehehe

Siguro pag naalala nyo ko, ang maalala nyo lang ay kung gaano ako kalakas lumamon. Hmmm. Bakit nga ba wala po tayong piktyur na magkasama? Sayang naman! Ay awkward nga pala ko nun, hahahaha actually hanggang ngayon, not much has changed though. Mahiyain pa din po ako, medyo kumapal lang ng konti saka dumaldal ng onti pero awkward pa din.

Anyhow, sana okay kayo. Hindi nyo alam kung gaano nyo pinagaan ang buhay estudyante (purita mode). Sayang nga lang hindi ko man lang kayo naitreat kahit minsan. Pangarap ko kaya kayong itreat sa Chocolate Kiss Café kung san panalo ang chicken fingers at iced tea. Sana magkita tayo in the future. I would gladly introduce you to my soon-to-be born daughter😊. Or baka sa ibang buhay na tayo magkita, sana po makatagpo na kayo nun ng tunay na pagibig, ung makakasama nyo habang pagtanda. Wala lang. Emoterang palaka lang po. Basta. Sisihin ulit ang hormones ng pagbubuntis.