dalawang taon


sa kasalukuyan ay may isangdaan at limampu’t isang blog post na ako

mayroon din akong isang-libo at tatlumpu’t walong komento

mayroon din akong sampung-libo’t limandaang spam na komento

at may dalawampung aktibong subscribers

at 5 digits na traffic sa aking blog site (wink)

sa lahat ng ito, maraming salamat po,

salamat sa paminsan-minsa’y pagdaan nyo at pag-iiwan ng komento sa aking blog.

salamat din sa dalawampung subscribers (kilala nyo na kung sino kayo at sobra ang pasasalamat ko sa inyo, hehe)

sa mga comments spammer, salamat na din

at lalo na sa WordPress dahil sa libreng blog na ito, sana sa susunod libre na din ang sariling domain (wahaha, asa)

hindi ko namalayang dalawang taon na pala ang the odd one out.

Oo. Dalawang taon ng kulitan, ng kasiyahan, ng dramahan, ng wala lang.

Dalawang taon. Pucha, ganun kabilis ang panahon, haha