All about me 10 day challenge – Day 5


Naghihingalo na ako sa pagtapos ng 10 day challenge na ito, haha, congratulate me, I’m on my day 5.

Day 5 – Pictures of somewhere you’ve been to.

May mga gala akong na hindi na iblog (dahil sa katamaran) kaya ikinollage ko yung mga pictures at nilagay dito. >:)

Inuunahan ko na kayo, sasakit ang mata nyo sa madaming pictures.

Isa pang paalala, literal na pictures at caption lang ang makikita niyo. Hihiramin ko muna ung cliche na “a picture paints a thousand words” bilang alibi sa aking katamatan, haha.

BSP Metropolitan Museum - Metro Manila

Ayala Museum - Makati

National Museum - Metro Manila

Road trip to Vigan - Ilocos Sur

Blue Coral Resort - San Juan Batangas

Caluwayan Palm Island - Marabut, Samar

Camiguin

Puerto Princesa - Palawan

Sa totoo lang, muntik na akong sumuko sa pag-aupload ng mga collages na ginawa ko dahil sa aking crappy internet connection. Buti na lang nanaig ang kagustuhan kong matapos ang challenge, wahaha.

****

kaya ko to! 5 days to go! ^^

ikakasal ka na


sa susunod na 48 oras, ang isang malapit kong kaibigan ay ikakasal na
oo, ikakakasal. IKAKASAL KASAL KASAL KASAL
hindi ko alam kung anung meron sa taong ito at madami akong kakilalang ikinasal na at ikakasal pa lang
siguro taon-taon madami talagang ikinakasal, medyo pansin ko lang ngayon dahil direktang kakilala at kaibigan ko ang nakalinya sa sinasabi nilang paglagay sa TAHIMIK

masaya ako para sa kanya
parang kailan lang (eto na naman, ang linya ng mga nagkakaedad, hahaha)
noon, ang pinoproblema lang naming magkakatropa ay kung paano makakahagilap ng boypren
kami ang no boyfriend since birth club (1st year college nabuo ang samahang ito at siya at ako ang isa sa mga unang myembro)
dumami ang myembro, nalagasan pero nanatili ang koneksyon ng pagkakaibigan
naalala ko pa nun, nagpustahan pa kami kung sino ang unang magkakaron ng karelasyon
at sa kanya ako pumusta, sayang lang talaga at sa hangin namin isinulat ang pustahan
edi sana ako na ang panalo, tiba tiba pag nagkataon, wahaha

di nagtagal, ako naman ung nagkaron ng boypren, sumunod ang isa pa at ang isa pa,
ung isa na lang ang hindi pa, puro fling lang (ayieee)
ambilis talaga ng buhay, boypren nuon, asawa naman ngayon
pakiramdam ko parang isang mabilis na movie clip ang lahat ng nangyari
dumaan lang sa mata ko, kumbaga sa online games, lumebel up na kagad
gusto kong irewind ang lahat, ipapause ko lang saglit ang mga panahon ng pangangarap namin at nanamnamin

Kung saan saan na napadpad
Naglakad, lumangoy, at lumipad

Nanyan ka lamang pala
Di ka lang nagsasalita

ikaw pala ang aking hinahanap
ang bahag-hari ko sa likod ng ulap

di na mahalagay kung saan ako dalhin ng hangin
basta’s nandito ka sa aking piling

ito ang tema ng inyong pag-iisang dibdib
hindi ko rin akalain na awit pala ito ng paboritong banda ng ating tropa
kung hindi pa sinabi ni maida, hindi ko pa mapapansin
nakakatawa talaga

at alam mo pa kung ano pa ang nakakatawa?
na ngayon lang nagsink-in sa utak ko na ang lalaking makakaharap mo sa dambana
ay ang iyong bukambibig na long-time crush nun, ang bespren ng iyong kuya
hindi ko din akalain, nagkaron ka ng boypren na iba pero sa kanya pa rin pala
ito na nga siguro ang tinatawag nating tadhana

to miss or not to miss


namimiss ko na ang mga panahong
ako ang nanghihingi ng allowance
walang iniintindi kundi exams at mga prof
renewal ng iskolarship at pagdating ng stipend

pero hindi ko namimiss ang panahong kasama kita
na wala akong naririnig kundi gaano ako kawalang kwentang anak
at gaano ka kagaling na ama
na mas gusto ko pang tumambay sa labas kesa sa loob ng bahay

namimiss ko ang pagkain ng tapsi kasama si ma’am ester sa shopping center
ang pakikinig ng kwento nyang paulit-ulit tungkol sa naunsyami nyang pag-ibig
ang paglalakad mula St. Joseph hanggang Central kasama ng guild kong simpleng barkada
ang paglalaboy-laboy sa lagoon at pagmumuni-muni sa sunken garden

pero hindi ko namimiss ang panahong lagi akong walang pera
kasi hanggang ngayon minsan ganun pa din ang tema
hindi din nakakamiss ang mga panahong kailangan kong mangutang sa barkada
para lamang may mailaman sa butas kong bulsa

namimiss ko ang mga group study kasama ng aking mga tropa,
imbentong case study na inuman pala ang drama
babaran sa shop para lang magflyff at dota
pagtapos ay chichibog ng sisig sabay uwian na

namimiss ko na hindi ang mga pangyayaring lumipas na
ang mga pangyayaring mababalikan ko na lamang sa larawan at alaala