fake it till you make it


dahil minsan kailangan mong magpanggap na naiintindihan mo pa yung ginagawa mo. kahit sa totoong buhay, sabaw na sabaw na yung utak mo sa information overload.

 

Advertisements

paru-paro


pagkatapos kong pagalingin ang ego kong sugatan sa recent rejection sa isang job application, sumabak na naman ako sa oplan hanap trabaho.

sa totoo lang hindi ko na din sigurado kung anong trabaho ung gusto kong patusin, sabi nga nung isa kong kaibigan ko magulo daw ako, sabi ko naman edi kayo na may direksyon sa buhay. hahaha. gusto kong subukan magtrabaho sa ospital pero yung huling tumawag sakin eh parang joke time ung salary offer, kahit ata sarili ko hindi ko mabubuhay sa ganung sweldo. Yung isang sikat naman na ospital, aba inimbitahan ako sa exam at interview eh anak ng tokwa, pagkatapos mo pala ipasa yung mga yun magbabayad ka muna ng 10 libo para sa training at depende sa performance mo kung iaabsorb ka nila. Edi wow. so saan ba pupunta ang isang katulong ng doktor na ex-ofw para maghanap ng trabahong pwedeng makabuhay ng pamilya kahit papaano , edi ang in na in na trabaho sa Pinas, call center. Bow.

Galing na kong callcenter bago pa ko nangibang bayan, pero nung panahon na un hindi pa naman ganun kagrabe ung Application process. Ngayon halimaw, natatandaan ko nun, petiks mode naman ung application at recruitment process namin nun. Hassle free at walang stress. Eh yung pinakarecent na inaplayan ko eh one day application daw eh nak ng pusa ung lalamunan ko sumakit ng husto. May initial interview tapos computer exam tapos phone interview (hati pa sa dalawa yan) tapos Versant (yung computer generated ek ek na nagggauge sa Communication skills mo daw) tapos typing test, tapos phone interview ulit tapos final interview (na parang lahat ng tanong sa isang interview naitanong na niya at lahat ng pwedeng scenario sa trabaho na naexperience mo ay gusto niyang ipakwento. Anyways siguro may swerte, naipasa ko naman lahat. Pero nakakahaggard na tunay.

Nung lumabas ako ng Company building para maglunch,may paru-paro na dumapo sa daliri at kahit anung gawin ko ayaw umalis. Ayun naisipan kong piktyuran.

img1464275496419.jpg

sabi nila, ang mga paru-paro ay mga mahal mo sa buhay na pumanaw at muling dumadalaw. parang ang creepy pero nakakatuwa din isipin.

naisip ko, parang ako yung paru-paro, palipad-lipad, palipat-lipat. mula Pinas nagpunta ng disyerto tapos balik sa lupang sinilangan. naisip ko bigla, sana dumating yung panahon na may iisang bulaklak lang akong tutuntungan.

namimiss kita


dear fresh-grad me,

It’s been a while. Hindi na siguro tayo magkikita. Baka sa panaginip na lang. Nakakamiss ka naman. Nakakamiss yung positive outlook mo sa kinabukasan. Yung kainosentehan mo sa real world after graduation. Yung curiosity mo sa mga bagay na hindi mo pa napagdaanan at naranasan. Gaano na ba katagal?walong taon na ba?magsisiyam?halos isang dekada na pala. Kung magkikita kaya tayo ngayon anong sasabihin mo sakin?matutuwa ka kaya?

alam mo nakapag-abroad tayo. may nadagdag sa kakaonting kaibigan na meron tayo. tapos nagkapamilya din tayo sa edad na 27 gaya ng plano mo nun. kung tatanungin mo ako kung natagpuan ko na ang forever, hindi ako sigurado. pero gusto kong malaman mo na matapos ang ilang taon naming magkasintahan at isang taon mahigit na mag-asawa, yung paru-paro sa sikmura, andun pa din. gusto ko yung idea ng forever pero masyadong too good to be true yun. wala namang nabubuhay forever. kapag umabot kami sa puntong puti na ang buhok at nagmamahalan pa din, susulatan kita ulit at sasabihin kong eto na nga ata yun. 

oo nga pala, nagka-anak ka sa edad na 28. ang cute cute ng anak mo. ayan hindi ka tatandang-dalaga gaya ng hula mo. hindi mo na kailangang magimagine kung magiging kamukha mo ang anak mo if ever kasi nakikita mo siya araw-araw na unti-unting lumalaki.

ay oo nga pala hindi ka pa din milyonaryo. wala ka pang bahay at lupa, walang investment at walang savings (paubos na eh). Oo. Magttrenta ka na pero struggling ka pa din.  Sorry ha. Hindi tayo sinuwerte sa trabaho eh at sorry kasi hindi ako ganun kawais sa pera. Nakalimutan ko na isa sa listahan mo nun ay ang magkaroon ng sariling bahay at lupa bago magasawa. Pero wag kang mag-alala, nakalibot naman tayo sa Pinas kahit paano. Hindi lang kasi talaga kinaya ng sweldo ko na makabili ng bahay at lupa kasabay ng paglalagalag natin nun eh. Pero hayaan mo naghahanap ako ng trabaho. Tiwala lang. Makakabili rin kami nun. Sa ngayon bahay at lupa sa larawan muna ha.

at oo nga pala ulit, burdado ka na, isa ka na sa mga posibleng mahatulang adik dahil lang may tattoo ka. pero wala kang pakialam kaya keri lang. Gusto mo pa ngang dagdagan eh.

oo nga pala,sa kasalukuyan isa tayong dakilang tambay. Wala kong ginagawa kundi asikasuhin ang anak natin. Hindi ko alam kung epekto ng panganganak to or yung punyemas na hormones pero nadedepress ako. Lalo na kapag dumadating yung gabi , ung pipikit na lang at matutulog biglang gising ung diwa mo. Those negative thoughts are like molds slowly eating my brain piece by piece. Alam mo kasi kahit yung mga motivational quotes na nababasa ko these past few days hindi naauplift yung espirito ko. ano bang life crisis ang tawag dito? 

anyways, bago ka magmukmok at madepress nang slight, hindi ka naman minalas sa buhay mo. Madaming taong nagmamahal ang nakapaligid sayo, madaming opportunities ang inilatag sayo, madaming exciting adventures ding sinagupa ka at eto buhay pa tayo. siguro, kung babalikan kita ngayon, gusto kong hiramin ulit ung mata mo, para fresh ulit ang pagtingin ko sa mundo. kasi kahit naman cynical tayo since time immemorial, there’s something pristine about you, something I’ve lost along the way. virginity ba ito?

anyhow, kung babalikan kita at tatanungin mo kong bigla kung kumusta ang pagiging ina, ahmm nagsisimula pa lang ang laban, sasabihin ko sayo kapag alam ko na ang sagot. ay may naisip ako, kumusta ang pagiging ina? KOMBI! kumbinasyon ng pinaghalo-halong pakiramdam.

Kung babalikan kita at itatanong mo what is love, sasabihin ko sayo go experience it yourself. masyadong kumplikado ang love para isagot sa tanong na “ano”.

kung itatanong mo sakin kung kumusta ang buhay may-asawa, masaya pero hindi laging malungkot. masarap sa pakiramdam na may pakners ka sa pagharap sa bawat umagang gumigising sayo. hindi ko maipaliwanag pero may mainit na pakiramdam sa katotohanang may kashare ka sa saya, sa hirap, sa lungkot, sa wala lang. bago bumerde yang utak mo, yung mainit na pakiramdam na sinasabi ko, hindi libog lang. wala pa akong naiisip na pinakamagandang terminong babagay sa ganung pakiramdam. kapag nalaman ko na sasabihin ko sayo.

andami kong sinabi na out of context sa pagkamiss ko sayo noh? hmm pero kung babalikan kita ngayon, makikilala mo kaya ako?

tattooed and proud


may kasabihan na pagnanganak ka at nagkaroon ka ng stretchmarks, “you’re a tiger who earned her stripes.” o sige salamat pampalubag loob din yun, pero hindi naman ako tigre. saka ung baby tiger nga pinanganak na may stripes tapos nanganak lang ako sasabihin nang I earned my stripes, sus. okay, so much for my cynicism.

mas maganda siguro kung sasabihing, you got tattooed. a proof that you’re body is an instrument to a miracle. etchos. pero seriously, hindi ako nagagandahan sa stretchmarks ko no matter how many people romanticized about having them. edi sana hindi mabenta yung bio oil at cocoa butter sa market. hindi ako nagagandahan but it doesn’t mean I am ashamed of them. parang mga peklat at tattoo ko, they are meant to tell stories. if you’re not interested, wag mong tingnan.

anyways, I got tattooed long back and I’m planning to get another soon! (lakas maka-segue!) hahaha pag may budget na at may time, I actually wanted to put a tattoo on top of my tummy stretchmarks but I read online that it would hurt more than it should and it might not look good because it’s distended skin. baka sa legs na lang siguro or sa likod ulit.😈 gusto ko ng handprint or footprint ng anak ko.

img1458913456293

charan! andami kong sinabi pero actually gusto ko lang talaga ng dahilan para maipost ulit tong piktyur ko na to. Hahahaha this was taken a few pounds ago. (excuse me for my malantod na pose) I know that not all of the people on this planet are excited at getting inked but sabi nga nila kanya-kanyang trip yan (so please don’t give me bullcrap reasons why I should not get another tattoo) parang sa pagbubuntis at panganganak, madami ang may gusto meron ding ayaw. kanya-kanyang disposisyon at pananaw.

P.S

I was contemplating whether to put a picture of my pregnancy stretchmarks but I decided to keep my stripes to myself. Maybe if I’m wearing a two-piece and decided to show them off to the word, I’d post them one day for sure, hahahaha 😈

a piece of heaven


andami kong iniisip nitong mga nakaraang araw. siguro epekto ng puyat at tambay mode. pakiramdam ko wala kong direksyon. nakakapraning din pala yung ganitong buhay. lalangoy o lulubog. minsan nakakadepress lang. ready na kong makinig sa kantang emo at lunurin ang sarili ko sa nakakaurat na pakiramdam ko ngayon kaso bigla kong napatingin sa gilid ko.

img1458822600403

tapos naisip ko, may langit pala dito sa lupa. napangiti na lang ako.☺

dear odd one out


dear odd one out,

una sa lahat sorry kasi generic ung tawag ko sayo nitong mga nakaraang post ko.

nakalimutan kong may name ka nga pala.

inaantok na ako pero gusto ko pa muna kitang balitaan.

alam mo ba nung isang araw nagpunta ako sa hypermarket dito at bumili ng papayang berde?

ihahalo ko kasi sa sinabawang halaan. pero aun, muntikan na kong makabili ng melon.

kahugis at kakulay kasi ng berdeng papaya yung melon na nakita ko (although nung nakita ni maida hindi naman daw kahawig)

nakakahiya kasi pagkakuha ko sa vegetable tray pinahiwa ko kagad at pinakilo

tapos dun ko pa lang narealize na hindi pala papaya yung nadampot ko.

nakatatlong ikot ata ko sa fathima supermarket para isipin kung bibilhin ko ba ung melon na akala ko papaya or hindi.

pero ayun nagtagumpay ang kasamaan at iniwan ko na lang un sa isang sulok ng mga gulay.

pero naguilty naman ako ng onti.

hindi ata ako natunawan sa kinain kong halaan na may berdeng papaya sa pagkakonsensya.

anyways, feeling ko fresh grad pa din ako. madaming hindi alam.

sakit lang sa bangs. tapos ilang years na lang 30 na ako. OMG.

felt like I haven’t lived my life yet. so what am I doing these past few years then?

hindi ko na alam kung anung krisis ang itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon.

ilang months na lang matatapos na ung kontrata ko.

feeling ko bibitayin na ako.

kahit may nakaplano na sa utak ko bakit hindi ko pa din mapigilang mangamba?

anung meron?

lagi na lang akong nag-iisip nitong nakaraang linggo.

mukha na tuloy akong pimples na tinubuan ng mukha.

hahayst.

wala na kong sinabing makabuluhan. matutulog na ako.

 

lubos na inaantok at napapraning,

aubu

 

dapat natutulog na ako


dear blog,

antagal kong walang entry. sorry. these past few days/weeks/months para kong may sapi.

andami kong iniisip. ung mga gagawin ko. mga dapat kong gawin. mga plano.

parang wala namang nangyayari. tumatakbo lang yung oras. tapos ako. ganun pa din.

kaninang busog ako, ayos naman ang timpla ng utak ko. ngayon biglang hindi. numenega ang peg.

sakit ba to ng mga taong sobra na sa quarter of a century ang edad?

mas lalala ba to pag tumanda pa ako lalo? sana hindi.

anyways. remember that one time na winish ko na sana hindi na ako masabihan ng mabait?

kasi umay to the end power na? aun, wish granted ata.

wala na akong ibang marinig sa mga tropapips ko sa clinic kundi salbahe ako.

hindi din pala masaya maging salbahe noh?

ndi ba pwedeng slight mataray na mabait na lang?ung cool?

ah leche. anu ba tong pinagsasabi ko. daig ko pa ang bipolar.

babaw much?

okay. punong-puno ng sense ang blog entry ko ah.

dapat na talaga kong matulog.

adios.

 

 

nega post


eto ung mga pagkakataong gusto kong maglaslas ng pulso

pero hindi ko gagawin kasi masakit yun at higit sa lahat masama yun.

ikakain at itutulog ko lang to.

hay..

this too shall pass.

new year


2nd of January 2013

happy new year guys!

sure time flies fast. It has been 1 year and  9 days since I stepped into this piece of desert. I’ve met a lot of people. learned a hell lot. had fun. had pain. laughed a lot. cried a hell lot. ate a lot. lost weight. gained new friends. gained enemies. but still the same old brand new me.

I’m not much on the optimist side at the moment but one thing I’m truly thankful of is that I survived 2012. hope it will be better this year though I’m expecting the worst because I encountered this prediction that this year of the water snake isn’t the year for the year of the rabbit people. (since when did I believe fortune-telling?lol)

anyway, I don’t have a new year’s resolution.

opps. before I forgot, I started drinking milk now because my system is much intoxicated with caffeine. would that count as a resolution? eh I think not?

well, this is me. until I get to be motivated again to write something not nonsense (double negative?)

tata.

second to the last


Last day ko na bukas sa trabaho. Pagpasok ko ngayong araw, nagmabagal ako para namnamin ang second to the last kong pagpasok sa opis. Para akong praning na tinitingnan lahat ng buiding, tindahan, tao at iba pang bagay na madaanan ko. Yung Alphaland Southmall na noong bago pa lang ako sa opis namin, wala pa siya dun sa kinatatayuan niya. Ung driver na OC sa pagsingil ng pamasahe sa jeep na sinakyan ko pagpasok. Ung isang estudyanteng nag-aabang ng jeep sa may waltermart. Yung trabahador na nagbubukas ng shutter ng Mercury Drug store. Yung manong na nagtitinda ng kakanin sa kalsada na binilhan ko ng dalawang kutsinta kanina. Yung mga kasabay ko sa elevator na papuntang 15 at 16th floor na masama ang tingin sakin kasi sa 14th ako bababa (Mukhang malalate na sila kaya ganun).

 

Pagbukas ng pinto ng elevator, binati kagad ako nila ate at manong guard ng “good morning ma’am”. Unti-unting nagsink-in sakin na pagkatapos ng bukas, hindi na ako makakatapak sa loob ng opis namin, kasi kahit bumalik ako para kunin ang backpay, hanggang sa reception area lang ako.Grabe. Andami ko talagang mamimiss sa trabaho.

Mamimiss ko ang magandang building ng RCBC. Nakapasok na ako sa ibang buiding sa Makati pero para sakin ang RCBC building ang isa sa pinakamaganda ang istruktura.

Mamimiss ko din ung lung center na minsan kong tinatambayan kapag sinasama ako ng nila ate ems at QAI dati pag nagyoyosi sila. Mamimiss ko ang third floor kung saan madaming tindahan ng pagkain at kung saan laging may sale ng Tomato, Watch Republic at mga make-up every payday.

Mamimiss ko si ate guard sa RCBC entrance na laging humaharang sakin na may spiel na “Neng, san ka”” na akala mo laging unang beses nya akong nakikita sa RCBC samantalang tatlong taon mahigit na akong labas-pasok doon. Lagi ko siyang gustong sabihan na “haler ate, burado na halos ung mukha ko sa ID ko tapos hanggang ngayon yan pa din ang tanong mo sakin, wala na bang bago?” pero never ko pang sinabi yun, nakakatawa kasi siya talaga.

Mamimiss ko ang bioman na dating biometrics kung saan ako naglolog-in at naglolog-out. Sana maging perfect system for payroll ka talaga in the future. Kawawa naman ung mga ahente na laging nagdidispute ng salary nila.

Mamimiss ko ang pagswipe ko ng ID sa may entrance ng opis floor, ang station ko na dalawa ang monitor, ang keyboard, ang mouse, ang telepono, ang swivel chair, ang paggawa ng email, pakikipagchat, ang mga bookmarks na hallmark ng mga current at ex-RTA sa station. Ang malaking orasan na abot tanaw sa RTA station na karaniwan kong tinititigan sa tuwing excited na akong umuwi. Lahat na lang, hahaha.

Iginala ko pa ulit ung mga mata ko sa floor ng opis. Naku. Dumami pa ung mamimiss ko.

Mamimiss ko ang opismeyst ko at mga kaibigan d2 sa opis

Mamimiss ko si Mami Effer, ang isa sa tatlong Dyosa sa CCTID at nag-iisa kong mentor sa opis. Siya ang naging kabuddy ko nung bago pa lang ako at siya ang nagturo sakin ng halos lahat-lahat ng alam ko ngayon. Sobrang talino, bait at lambing niya. Salamat sa pagsshare ng mga alam mo. Salamat sa mga kwento mo. Sa mga heartbreaks at kilig moments na shinashare mo. Mamimiss ko din ang mga beauty queen Q&A niyo sa floor pati ang tanungan ng capital ng bawat bansa kahit sumasakit ulo ko sa pag-iisip. hahaha Salamat kasi tinuring mo akong anak slash baby sister slash opismeyt. Andami. Wahaha,

Mamimiss ko si ate Jaja, ang pinakamabait na SM samin para sakin. Salamat din at hindi ka nag-amok nung tinawag kitang ate samantalang feeling ko mas mukha akong matanda sayo. Naaalala ko pa nung una mo kong niyaya maglunch, ansaya ko nun kasi kung sino-sino lang sinasamahan ko maglunch mula nang magresign sila Maida at Haw, hehe. Salamat sa pag-ampon niyo sakin sa Benditas. Mamimiss ko ang pagbaba natin kina aling cora at sama-samang paglulunch natin nila ate Utchie sa pantry at pagpunta din ng CR ng magkakasama. hahaha

Mamimiss ko si ate Utchie, ex-kateam ko na nasa ibang team na ulit. Mamimiss ko ang pakikipagchat sayo sa jabber ng kung anu-ano lang. Salamat at lagi kang ready na tulungan ako sa mga cases na hindi ko alam. Salamat din sa pagbisita sa blog ko at minsang pagcocomment. Salamat sa pasalubong galing Singapore, hehe, Nga pla, ung monkey business natin, wag mong kalimutan. hahaha

Mamimiss ko si kuya Berto, ang SM na panalo na sa mga banat. Salamat sa pagiging kuya. Sa pagiging mabait na SM at salamat sa hindi pagbibigay ng IR sakin kahit napakadaming beses akong OB ng sa mga shifts na ikaw ang nakashift. Kahit binubully mo ako, para sakin mabait ka pa ding kuya. Salamat sa mga payo at sa mga libre. Mamimiss ko ang sama-sama nating pagkain ng breakfast at lunch kina aling cora at pagbili ng buko juice kay manong na laging nakapwesto sa may firestation. Salamat sa mga kwento, sana balang araw pag mayaman ka na, mapagpatuloy mo ang pagiging MD mo!

Mamimiss ko ang ever gorgeous na si QAI, isa din sa tatlong Dyosa sa CCTID. Mula sa pagiging mabait na QA at pagiging mabuting kaibigan. Salamat sa pagimbita sa mga gala mo. Andami kong dagdag na experience sa pagsama sayo. Mula sa Mt. Pinatubo hanggang Mt. Pulag. Salamat sa mga kwento at pagsshare ng problema. Mamimiss kitang talaga.

Andami ko pa pong taong mamimiss at dapat pasalamatan.

Salamat Kuya Erick, sa mga kwelang banat at jokes. Mula noon hanggang ngayon, wala po kayong pinagbago. Patok pa din ang mga hirit nyo at mabait pa din po kayo at laging approachable. Mamimiss ko ang tambalan niyo nila Kuya Jester at Kuya Rey na biglang hihirit ng mga boybands na kanta pati parody nila sir Rex kantatero.

Salamat Boss Ken, sa pagtanggap sakin sa department kahit doon po ako sa offline dapat. Masaya ako at naging parte ako ng CCTID. Thank you po at never niyo akong pinagalitan or binigyan man lang ng IR kahit alam kong madaming beses niyo na akong nahuling nagbabasa ng manga, wikipedia at kung anu-ano pang site na inaaccess ko while on shift. Salamat po sa tiwala sa kakayahan ko at mga opportunities na binigay niyo. Salamat po sa pep talk nung minsang inevaluate niyo ako at sinabi nyong leaders are made not born. Mamimiss ko ang mga libreng kape at fuds tuwing may meeting, hehe. Salamat din po sa pagsubok na iretain ako at pag-offer ng salary increase nung malaman nyong magreresign na ako.

Salamat Mommy Chum, sa pagtayong nanay ng buong departamento. Sobrang bait at thoughtful niyo po. Hindi ko po makakalimutan ang mga kabaitan niyo. Iingatan ko po ang mga regalong bingay nyo. Sana po magtagumpay pa kayo sa lahat ng gagawin niyo.

Salamat Kuya Jester, sa mga jokes, sa pagkausap sakin kahit para lang akong autistic. Sa pagiging kuya. Sa pagsshare tungkol sa compilation ng combatron. Sa mga usapang anime. Basta, alam mu na yun. Pakabait ka para kay Khriziel, haha. Sana maikasal kayo balang araw.

Salamat Kuya Kim, sa mga kwentuhan tungkol sa trabaho at pamilya. Sa mga banat at birong kwela. Sa pagiging kuya. Pakabait ka din para kay ate Sandra, haha. Sana balang araw, maging isang ganap kang lawyer!

Salamat Kuya Vhin, sa pagturing saking bilang little sister at pagtawag sakin ng “tol” o minsan nama’y “ate aubs” (kahit mas matanda ka pa sakin) haha. Good luck po sa career at family. Pakabait ka kuya, hehe. Peace >J

Salamat Kuya Raymond, sa pagsshare ng mga alam mo pati ung sa Odesk. Susubukan ko din yan one of these days pag tinopak. Salamat din sa mga payo at kwentuhan. Good luck din sa career.

Salamat Kuya Drew at Ate Reych, sa aking dalawang mentor sa retention team. Andami kong natutunan sa inyong dalawa. Salamat sa pagtytyaga sa pagtuturo ng mga alam niyo sakin. Sana ipinamana niyo din sakin ang inyong magandang accent. hahaha

Salamat Ate Jelyn, sa pagiging ate slash SM mula CCTID hanggang mapunta ka ng VIP. Mamimiss ko ang mga kwento mo tungkol sa bibo mong pamangkin. Good luck sa lablayp at pagboboxing, hehehe.

Salamat Brookie, bago ko makalimutan, isa ka din pala sa tatlong dyosa ng CCTID. Thank you sa mga walang kamatayang kwento mo, sa pagsshare ng mga astig mong drawings at novels, sa pagsshare ng mga manga na binabasa mo, sa f na f mong pagrampa sa corridor, sa wattpad na lang kita aabangan.

Salamat Kuya Dante, isa ka din sa mga SM na hindi ako binigyan ng IR ever kahit dumadalawang oras ang OB ko tuwing nightshift ako dati. Salamat sa pagassist sa mga query na hindi ko alam. Goodluck din po.

Salamat Ms. Kat, mula sa pagiging mabait na QA ko nung conversion agent pa ako at sa makulay na bag na regalo nyo po dati. Thank you for sa pagsshare ng mga alam nyo. Gudlak po.

Salamat Ate Juyjuy, sa pagiging mabait na QA din nuong OS pa ako, thank you din po sa pagtitiwala sakin na injectionan ko kayo ng IV gluta, hehe

Mamimiss ko ding makita ang lima sa pinakamagagandang babae sa opis para sakin na taga CCTID. Si ate Pipay na labs na labs si kuya Pedro at labs na labs din siya in return. Sana masaksihan ko kahit sa Facebook ang kasal nyo, si April na papalit sakin, gudlak at alam kong kayang-kaya mo yan! Salamat sa mga kwentuhan at sana may natutunan ka sa training sakin. Si Aileen na inaccept ang FB invitation ko, thank you!, si Angel na ate aubs ang tawag sakin, at si Ms.Owie na isa sa mga astig na QAs na nagtraining sakin nung bago pa ako. Stay cool and beautiful CCTID ladies!

Kina ate Rhina at ate Sheann na kabatch ko nung training, thank you and good luck! Galingan mo sa studies mo te rhina! Ajah! J

Sa mga medyo luma na sa department (peace), kina ate Bam (mamimiss ko po ang maaangas nyong hirit), te Malou (mamimiss ko po ang pagiging maasikaso nyo sa tuwing mag-oorder sa pat&lee or chowking), at ate Sandy (mamimiss ko din po ang mga patok din nyong hirit ), kuya Rey (gudlak po sa pagpapaending, hehe), ate Donna (stay fashionableJ) at sa dalawa pang astig na QA’s, ms. Xannee & ate Abby, thank you po sa lahat and good luck din po!

Sa mga hindi na bago pero hindi pa masyadong luma, kina Ren (mamimiss din kitang talaga), Kati (salamat sa pag-iiwan ng comment sa blog ko), Kitay (congrats and gudlak, hehe), Den, Mervin, Kuya Abet, Kuya Dax, Kuya Dan, at Kuya Dino (tama na po ang explosive chats, hehe), good luck din!

Sa mga medyo bago sa department, kina CJ, Ana at Joan, goooodluck powww at alam ko pong kayang kaya nyo poww yannnn!!!! (peace CJ, haha)

Sa mga kasabay kong pumasok sa opis pero nauna saking magresign na sina Hawie at Maida, pano ba yan, it’s my time to shine este to exit pala, hehe

Kina Jeremy, Madokwang, Ate Ems, Kuya Dee, Kuya Pedro at Kuya Danby na naunang umexit sa opis, maraming salamat sa pagkakaibigan. Masaya ako at naging parte kayo ng panahong inilagi ko sa PICCLTD.

Looking back, natatandaan kong may mga panahong naisip ko na isang malaking pagkakamali ang pagpasok sa opis namin. Maliban sa poles apart ang layo sa kursong tinapos ko, napakaroutinary ng buhay dito. Pero ngayon? Kung tatanungin niyo ako kung papasok pa ako ulit sa opis namin kung uulitin ko ang buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip at sasabihin kong OO. Papasok pa din ako.

Dito sa CCTID ako nakakuha ng unang sweldo na binigay ko sa nanay ko. Nakagala ako sa kung saan-saang parte ng Pilipinas dahil din sa sweldo ko dito. Nabili ko din halos lahat ng gusto kong bilhin dahil sa sweldo ko dito (maliban sa house and lot at kotse, wahaha)

Dito sa CCTID ako nakakilala ng mga taong mataba ang utak pero hindi nakakahon sa geeky ways and get-up. Special mention na dito sina Kuya Dee, Kuya Berto at Boss Ken. Sila ang mga taong matatalino pero cool. Hindi ko ito masasabi sa inyo ng personal kasi hindi ko talaga forte ang pagsisimula at pagmamaintain ng conversation. Pero gusto ko lang sabihin na, I look up to you guys.

Dito din sa CCTID, sobrang dami kong natutunan, mula sa mga sugal na dati ay wala akong kaalam-alam hanggang sa mga terminong pangR18 lang, wahaha. Dito ko natutunang maglaro ng poker at bacarrat. Ng slots at Roulette. Dito ko din nalaman na ang ibig sabihin ng Orange ay Sogo (credit to kuya Danby) Dito ko din natutuhan na ang ibig sabihin ng “Kuneho” kapag ikinonek sa isang lalake, ang ibig sabihin ay babaero (credit to the CCTID boys). Nalaman ko din dito ang ibig sabihin ng “gerger” ay “sex” (credit to ate shey). Nalaman ko din ang terminong “mindfuck” (credit to Brookie) at kung anu-ano pang terminong pangkalokohan. Hindi ko na idedetalye at aabutin tayo ng siyam-siyam.

Pumasok ako bilang CCTID baby at ngayo’y mageexit bilang ate ng mga newbie.

Sa inyong lahat, salamat ng marami at mabuhay!

Lubos na gumagalang at nagpapasalamat,

AuBu,
Ex-Retention Specialist, ex-Potential VIP fisher, ex-Online Support Representative, ex-Conversion Representative
aka Milliard, Kazumi, Recca, Ira, Trilby, Astrid, Rhea, Char, Deux, Vira, Prochaine, Mai, Lyd, Fleur & Debra.