one bad shift doesn’t mean a bad life


so that was what I was telling myself over and over before I was able to force myself to work again today. You see, yesterday, my boss spoke to me via video-call and I got scolded big time. I haven’t felt this bad in a long time, makes me remember my dental clinic days when my assigned doctor would shove remorseful words down my throat.

anyhow, it started with a chat of how are you and asked me about the additional task he told me about, I totally forgot to send an email reply and just send my questions about the job, rates, trial period and all and then he said he’ll call to discuss. That’s when the scolding started, he said he was extremely insulted that I have the nerve to ask about pay increase when I didn’t’ have an idea of how a virtual assistant works. He said he expected me to just say yes and jump in 2 feet because it’s an additional skills. He even mentioned about me talking to his previous VA behind his back which is totally untrue because I don’t really have connection with his VA. I tried apologising like 3-4 times and he said he doesn’t care about apology and said he was extremely disappointed and insulted about the questions I’ve thrown at him. Honestly, I don’t think there’s anything wrong with the questions I asked him, I wouldn’t have to ask them if he had been clear about details like rate increase, schedule change and trial period because he want one. I don’t know, I am extremely disappointed on how he handled my questions, I would have understood if he had declined the rate increase and explain in good faith the reason behind but all he did was telling how disappointed and insulted he was because of the questions I asked. If not for the cut-off coming up, I would have not woken up and attended my shit oh my shift today. okay that’s my ego talking, I needed the money so I attended my shift and that’s that. well, I felt like a 7-year-old kid being told not to ask questions because I’m too young to understand. Damn. Gotta find another job, or any part time soon..

ciao…

Advertisements

just feeling shitty


When it feels like surgery
And it burns like third degree
And you wonder what is it worth?
When your insides breaking in
And you feel that ache again
And you wonder
What’s giving birth?

saw this song in the latest blog post of someone I follow and just have the need to post it.

patience. I need patience.

p.s.

napahugot lang dahil sa isang kababawan. kailangan ko po ng madaming pasensya dahil malapit na kong makapanakit ng nag-aalaga sa junakis ko. at alam kong mahirap maghanap sa panahon ngayon. kaya kailangan ko talaga ng pasensya. san ba makakabili ng pasensya saka ng neutral na boses para kahit apaw na ung inis ko monotone pa din ako magsalita. magiistock na ako.

eh ung..


dear odd one out,

alam mo yung pakiramdam na nasigawan at nasabihan ng “stupid”, “idiot”, “dumb”, at  “no commonsense” sa iisang sentence lang?sakit sa tenga. eh ung hindi mo pati kasalanan?mas masaklap.

hindi maipagtanggol ang sarili kasi bawat salitang bigkasin ko pakiramdam ko hinihiwa ung labi ko at nilalagyan ng kalamansi. aun. lunok laway. (pesteng singaw talaga. hindi ka na nga makakain hindi ka pa makapagsalita ng maayos.) leche.

pakunswelo na lang sakin na nagsorry yung totoong may sala at pati siya nasigawan din.

ayun. move on na lang.

lubos na masama ang pakiramdam at nahihirapan (sa singaw),

aubu

 

 

dear blog


dear blog,

nababaliw na po ata ako.

laging hindi ako makatulog ng maaga.

stress ang peg?

kakaisip sa mangyayari sakin after a few months

puno na din po ng pimples ang mukha ko.

tapos naisip ko, how can I face my problem if the problem is my face?

okay, korni na.

anyways, pwede pong magwish?

sana ung dating roommate ko na lang ulit ang kasama ko sa kwarto sa flat namin

ung current roommate ko po kasi sakit sa bangs

may asawa at anak po siya sa Pinas pero nung isang gabi ang agang nagpatay ng ilaw at may lalaking kasama,

tapos nung isa pang gabi tibo naman tapos ngayon lalake naman ata ulit.

ung totoo?bi po ba xa? at hindi po ba siya kinikilabutan sa ginagawa nyang milagro?

gusto ko pong matulog nang matiwasay pero kung magbulungan naman sila wagas.

 

lubos na nantsitsismis at nagrereklamo,

aubu

p.s.

thank you at mabilis ang net, pinanuod ko ulit yung bidyo ng proposal sakin ni ake may labs, nakakawala ng stress.

nega post


eto ung mga pagkakataong gusto kong maglaslas ng pulso

pero hindi ko gagawin kasi masakit yun at higit sa lahat masama yun.

ikakain at itutulog ko lang to.

hay..

this too shall pass.

……


alam mo yung pakiramdam  na ang isa kang naglalakad na kamalasan?

malayo ka sa pamilya mo

madaming problema

maalinsangan yung panahon

may topak ang mga amo

rush ang trabaho

tapos masama pakiramdam mo

at wala ka nang pera pero malayo pa ang sweldo?

hayst..

(insert malalim na buntong-hininga here)

tapos may isang parte ng utak mo na nang-aalaska at nagsasabing

“ginusto mo to eh, panindigan mo”

isa pang hayst.

kaya ko to.

no more miss nice girl


Lagi akong nasasabihang mabait. Hindi ko nakakalimutang magsabi ng “please” at “thank you” kapag humihingi ng pabor sa ibang tao. Sa totoo lang, hindi ko yun ginagawa para masabihan na mabait, naniniwala lang ako na yun ang tamang gawin sa mga pagkakataong may ginagawang kabutihan o pabor ang ibang tao para sayo.

Natatandaan nyo pa ba si Naray (katrabaho kong pana)? Naniniwala siya na mabait ako. Kapag may nagtataray sa kanya na ibang mga nurse na kasama namin, lagi niyang sasabihin na “You should be like Aubu. She’s very kind”.

Ang kaso, hindi ko nga lang alam kung naniniwala pa din siyang mabait ako matapos ang ikalawang sagutan namin kanina.

****

Bago ko ikwento ung sagutan namin kanina, ikukwento ko muna ung una naming sagutan.

Si Naray ay yung tipo ng katrabaho na hindi marunong magsabi ng “excuse me” sa tuwing may gagawin siyang makakaabala sayo. At isa yun sa numero unong kinaasaran ko sa kanya una ko pa lang siyang makasama sa trabaho. Isang beses, naghuhugas ako ng mga medical instruments sa sink tapos bigla na lang siyang may kinuhang mga drapes sa may cabinet sa tapat ng sink tapos ung cabinet door muntik tumama sa ulo ko.

Aubu: Naray!Watch it!Don’t you know how to say excuse me?

Naray: You saw me coming, why did you not move away?

Aubu: I did not see you. Can’t you see I’m washing the instruments? 

Naray: Why? You’re not in pain. Shu Muskillah? (What’s the problem?)

Aubu: Next time, you should learn how to say “excuse me”. What if the cabinet hit my forehead? Are you going to pay for my hospital bill?

Naray: Okay. Okay. I’m sorry. No more talking. 

Aubu: If that happens again and I got hurt, I’ll make sure you’ll pay for my hospital bill.

Matapos ang insidenteng yun, marunong na siyang magsabi ng “excuse me” sa tuwing may gagawin siyang makakaabala ng ibang tao. Sabi nila Jen (kasama kong nurse na nauna lang sakin ng ilang linggo) mabuti daw at marunong nang magsabi ng excuse me si Naray. Pinagsabihan na din niya kasi si Naray previously pero lagi pa ding nakakalimutan. Sabi ko naman, imposible niyang makalimutan pa yun dahil simula nung dumating ako, lagi kong pinapaalala na siya ung magbabayad ng hospital bills ng mga taong masasaktan sa carelessness niya.

****

Mabalik tayo sa ikalawa naming enkwentro. Kanina madaming pasyente at lahat ay busy-busyhan. Sa Autoclave room pa din ako nakaassign kaya ako ang dakilang tagahugas at tagapack ng medical instruments. Sa workplace ko madaming plastic at karaniwan dun din kumukuha si Naray kapag may ipapaforward na dental impression sa dental laboratory. Kuha lang ng kuha si Naray ng mga biopack na plastic tapos hindi niya inaayos. Hindi ko lang pinansin nung una kasi akala ko aayusin niya. Nung matapos na ako sa ginagawa ko, sinita ko siya kasi hindi niya pa din inaayos ung kalat niya.

Aubu: Naray, fold the plastic there. (sabay turo nung ikinalat niyang mga plastic)

Naray: You fold it.

Aubu: Why should I? You’re the one who messed it up. You fold it.

Naray: Why? You don’t know how to fold? 

Aubu: I know how but that’s not the point. You’re the one who keeps on pulling the plastic earlier why don’t you fold them yourself? You’re the one’s responsible for that.

Naray: That’s part of your job. Fold it.

Aubu: No, I won’t. You do it. 

Naray: You’re new. You do it. Here, you do everything.  everybody do everyone’s work. You can even ask Imee.

Aubu: I’ll ask her later but first, fold the plastic you left there.

Naray: You don’t understand. You don’t have a separate job from the rest of us. That’s how the system works here.

Sasagot pa sana ako ang kaso biglang nagwalk out ang mokong. Sa sobrang asar ko, hindi ko talaga iniligpit yung mga plastic na ikinalat niya. Isip-isip ko kanina, magkamatayan na pero hindi ko yun ililigpit. Anu siya hilo? Anung akala niya sakin, personal na tagaligpit niya? Aba baka sipain ko pa siya. (ako na ang maldita talaga, haha)

Dumating sa kusina (autoclave room) yung isang doktor na magiliw sakin at kinausap siya ni Naray sa lengwahe nila. I swear to God kahit hindi ko naintindihan yung usapan nila, alam kong isinumbong ako ni Naray. Akala ko papagalitan ako pero hindi naman pala. Tumingin lang sakin yung doktor at ngumiti edi ngumiti lang ang lola nyo. Pero kung sakaling pinagsabihan ako, uulitin ko lang ung sinabi ko na hindi ko responsibilidad na ligpitin ang kalat ni Naray. Period.

Nagsidatingan pa ung ibang mga doktor sa autoclave room pero hindi ko pa din niligpit yung pinapaligpit ni Naray. Nakitambay lang din ako sa kanila. Maya-maya, lumapit si Naray sa workplace ko kung san niya ikinalat yung mga plastic at itinupi din niya ng maayos sabay tingin sakin at bumuntong hininga siya ng malalim. Naisip ko, ililigpit din naman pala niya andami niya pang arte.

Hanggang matapos ang shift ko, hindi ko talaga kinausap si Naray. Nung uwian na, nagpaalam ako sa lahat ng doktor na nakatambay sa autoclave room maliban kay Naray. Akala niya ha. Kung may attitude siya meron din ako noh.

****

Pano ba yan. 2-0. Sa tingin ko, madami pa kaming umaatikabong balitaktakan ni Naray in the future. Alam kong hindi ako palaging mananalo pero harinawa’y maintindihan niya ang punto ko sa bawat argumento namin. hahaha

banas


miss!miss! pwedeng bago ka magcomment siguruhin mo munang naiintindihan mo ung sinabi ko at naiintindihan mo din ung sinasabi mo, baka kasi hindi mo naiintindihan pareho eh. naglolokohan na lang tayo pag ganun.

– ittwit ko sana kaso hindi na kasya. paano ba gawin yung twitlonger? haha (ako na ang walang alam sa twitter)

puso mong dalisay manong!


nung lunes, binisita namin ang lola kong nagcelebrate ng ikawalumpu’t dalawang kaarawan. Pagkatapos ay nagpunta kami sa iskul ko nung elementary para kuhain yung form-137 ng pamangkin ko. Nagpunta din kami ng commonwealth market para bisitahin ang mga kaibigan ni mama tapos kumain sa Jabi at dumirecho ng SM north para mag-ikot at bumili ng mga dapat bilhin. Nang matapos na kami, sumakay kami ng bus sa cubao para umuwi ng laguna.

mabilis naman ang byahe pero hindi talaga nawawala ang mga bwisit sa byahe. sa bus na sinakyan namin, sa pangalawa kaming hanay umupo nila mama, ate evic at kyle. wala kaming ginawa kundi magkwentuhan nung bumulong ang ate evic ko na may isang manong na kanina pa tingin ng tingin. Tiningnan ko yung manong na tinutukoy ng ate ko. Mukha naman siyang disente. Nakapolong puti, nakaslacks na kulay khaki at nakaleather shoes. Siguro late 40’s to early 50’s (sa tingin ko ah) Hindi siya nakatingin nung lumingon ako dibale dedma na lang ako ulit nang biglang siniko ako ulit ni ate kasi nahuli niyang nakatingin. Tiningnan ko ulit yung manong pero nakayuko lang siya. Dibale bumalik ako sa pakikipagkwentuhan kina mama at ate pero pinapakiramdaman ko na siya at tinitingnan sa aking peripheral vision. Naramdaman kong tumingin na naman siya tapos biglang tutungo tapos titingin na naman. Tapos mga ilang segundo lang nakatingin na naman. Ang ginawa ko tiningnan ko siya ng matiim. May nabasa kasi akong blog tapos sabi dun kapag may tingin ng tingin sayo, stare them down. Ang kaso hindi epektib kay manong kaya dedma na lang ako ulit. Tapos naramdaman na din ng mama ko na tingin ng tingin na naman si manong. Same style. Titingin tapos pag napansin mo, tutungo at magtutulog-tulugan. Tapos naiba ng konti, titingin tapos magtetext. Sa asar ko, kinuha ko ung camera ko sa bag tapos binuksan at kunwari nagpicture ng sandals ng pamangkin ko pero ang totoo sa manong na yun nakatapat ung camera. Side view nga lang ang nakuhanan ko. Napatingin na naman, ung ate ko nagparinig sabi kay mama “ma, kilala mo ba yang taong yan?kanina pa tingin ng tingin eh! (sabay turo kay manong) si mama naman sabi “hindi”. Si manong dedma lang tapos humawak ng phone at nagtetext. Nawala yung atensyon namin sa kanya pansamantala nang mapansin ni mama na parang may picture sa celepono si manong (farsighted kasi ang mama ko kaya medyo kita niya) Sabi ng mama ko picture ng babae na parang ako daw pero parang ung babae ding katabi ni manong. Sa asar ko ulit, kinuha ko ung celepono ko at itinapat kay manong, binidyuhan ko siya ng mga 2 minuto mahigit at huli talaga sa video na tingin siya ng tingin, epal. Tapos napansin ko din na sa panahon na binibidyuhan ko siya, nakatapat din ung celepono nya sa direksyon ko, kunwari nakatalikod ung phone nya pero ung camera lens nakaharap samin. Tumingin ako sa lens ng camera phone nya nang matagal (at nakasimangot) para kung sakaling panuorin niya ung video kung meron man, malaman niya na alam kong binibidyuhan ako. In his face!

Nagpaparinig na ako kung ano bang problema niya pero si manong dedma at same style pa din ung ginagawa. Bumulong ako sa mama ko at sabi ko konti na lang ma kokomprontahin ko na yung manong na to pero sabi ng mama ko hayaan ko na lang daw pero sobrang nag-init talaga ulo ko sa ginagawa niya. Adik ba siya, hindi naman ako public figure na pwedeng tingnan ng tingnan. Pinaka-ayoko sa lahat ung tinitingnan ako ng ibang tao na para akong alien. Manood na lang siya ng TV or magbasa ng dyaryo or magazine kung gusto niya ng babaeng matititigan buong magdamag. Nakakapraning kaya ung ginagawa niya. Nakakainis. Siguro kung hindi ako pinigilan ng mama ko, nasapak ko sana yung manong na yun.

Bababa na lang kami, nakatingin pa din siya at nakatapat pa din samin yung camera phone niya. Nagparinig ako ng pababa na kami, sabi ko “siguro te makikita ko na lang yung sarili ko na asa youtube” dibale makikita niya ung sarili nya sa blog ko”.

Bumaba kami nila mama sa may SM dahil maggogrocery pa kami pangdinner. Naglalakad na kami papunta ng entrance area nang maramdaman kong may nakatingin na naman sakin, yung bus na sinakyan namin, nakatapat halos sa may SM dahil traffic at kitang kita ko ung mukha nung buset na hinayupak na manong na nakatingin nang nakakaloko. Sa sobrang asar ko, I did the middle finger sign at sinigurado kong nakita niya yun. (alam kong very unlady like ung ginawa ko but to hell with it, badtrip na ako) Dapat may ternong malutong na mura yun pero ayokong sabihin ng malakas ung p***** **a*o kaya sabi ko na lang, “puso mong dalisay manong!” (kung nagtataka kayo kung bakit un ang nasabi ko, eto ung dahilan, nakwento kasi ni ate ching si kuya bodgie na karaniwang mura ung lumalabas sa bibig niya kapag nagugulat at to change the habit of saying the PI word, sinubstitute niya ung p***** **a *o ng “puso mong dalisay” hence, the word I muttered to vent out my anger)

Nakatext ko si maida right after this incident, sabi niya baka daw nagandahan sakin si manong which I highly doubt kasi mukha akong tibo nung nangyari ito. I was wearing plain blue round collared shirt, black jeans at military design baseball cap. Nakabaliktad pa ang pagkakasuot ko so malabo talaga. Sabi niya baka naman pedophile si manong at akala 12 years old lang ako. Isipin ko na lang daw at least safe ako at marami daw talagang loko sa mundo. Sabi ng mama ko baka daw isa si manong sa mga lalakeng nagsasariling-sikap at napili niya ako at yung babaeng katabi niya na pagdiskitahan. Kadiri siya. Nakakadiri talaga siya kung totoo man yun. Naasar pa din ako hanggang ngayong dahil hindi man lang ako nakasapak sa mukha ng siraulong manong na yun. Hmmm. Siguro dapat sundin ko na yung payo nila ate na bumili ako ng taser or pepper spray. Or dapat mag-aral na ako ng martial arts.

just to get back to that pervert manong, below is his picture.

ang tanda-tanda nyo na, pero parang wala po kayong pinagkatandaan. nakakainis po kayong tunay. kung marunong lang akong mangkulam, kinulam na ko na po kayo manong.