hindi ako matalino


09 14 11

Section 13 ako nung grade 1, section 10 ako nung grade 2 at nalipat ako ng section 1 noong grade 3 at nagdire-direcho na

Pero hindi ako matalino. (nalipat lang ako dahil sa hokus-pokus, alam nyo naman sa public elementary school)

Mas nauna ko pang matutunan ang paglalaro ng chess kesa pagbabasa

Pero hindi ako matalino. (kailangan ko lang matutunan yan dahil takot ako cariño brutal ni Hitler)

Mahilig ako magbasa. Mula Manga, Reader’s digest, FHM, Cosmopolitan, Wikipedia at mga blogsites binabasa ko basta trip ko.

Pero hindi ako matalino (saglit lang tumatagal sa utak ko ang mga impormasyon na nababasa ko. Wala akong tinatawag ng karamihan na pornographic este eidetic memory. Pangarap kong magkaroon ako noon parang yung sa Bicentennial man, ang cool ko siguro nun, haha)

Grumadweyt akong with honors (7th) noong elementary at bumagsak sa exam ng isang prestihiyosong eskwelahan na panghayskul

Hindi talaga ako matalino (masipag lang mag-aral paminsan-minsan, basta ayoko lang nung napag-iiwanan, tamang chill lang)

Upper hethero (basta parang section 1) ang tawag sa section ko mula persyir hanggang fortyir

Pero hindi ako matalino, gaya ng sabi ko may topak lang talaga ako mag-aral minsan, tamang pumapasa pero hindi nagtatop

Grumadweyt akong merit awardee (candidate for honors pero wala sa honor roll mismo) nung hayskul

Pero hindi ako matalino (ako ung tinatawag ng mga teachers na mediocre student nung hayskul, parang bola na kapag hinagis sa ring onti na lang swak na)

Nag-exam ako sa isa pang prestihiyosong eskwelahan pangkolehiyo pero gaya ng resulta nung hayskul exam, hindi ako kwalipikado sa kursong inaplayan ko

Hindi talaga ako matalino (pakunswelo de bobo na lang sa sarili ko na malaman kong ung grade ko nung exam ay ung grade limit ng isa pang branch nila na hindi ko naman inaplayan, buset lang)

Nag-aral ako sa kolehiyo at nakapasok bilang isang nursing student at natatakan ang batch naming cream of the crop.

Pero hindi ko pa din masabing matalino ako (siguro sila ung cream, ako yung crop? haha)

Grumadweyt akong with honors ulit at umakyat sa entablado at sinabitan ng bilog na gold-plated

Pero hindi ako matalino (katas yun ng kasipagan, eto ung mga panahon na kailangan talaga kasi ung pag-aaral ko ung at stake)

Nagboard exam ako at nakapasa sa unang attempt

Pero sa tingin ko hindi pa din ako matalino (katas din yun ng pagrereview at syempre, divine intervention! haha)

Karaniwan akong nasasabihang mataba ang utak at minsan naniniwala na talaga akong matalino ako (feelingerang palaka, haha)

May mga pagkakataong lumilitanya ako ng, “hindi naman sa pagyayabang pero blah blah blah blah”

Pero hindi talaga ako matalino eh. Masipag lang talaga minsan.

Dati gustong-gusto kong nasasabihan ng matalino kahit ang totoo sinipag lang akong magreview bago ung isang quiz or exam kaya mataas ang nakuha ko

I get a certain kick (lalo na nung hayskul) kapag nasasabihan akong matalino, para bang you’re more than average.

Ngayon, hindi ko na masyadong gustong masabihan ng matalino. Eh kasi ang taas ng expectations kagad basta mabrand kang ganun.

At hindi mo namamalayan, pati ikaw nagseset na din ng expectations sa sarili mo.

Minsan nakakainis kasi maghang ka lang ng konti, isasampal kagad sayo na dapat alam mo ung ganito kasi ganun ka (alam niyo yun, nakakaimbyerna)

Tapos minsan gagawin kang base level of comparison. Kapag ikaw yung greater, ang awkward ng feeling kapag ikaw ung lesser, ang sakit sa ego; feelings which I both hate.

Kaya tuloy minsan gusto ko na lang isauli ung bilog na goldplated na nakuha ko nung kolehiyo

At ipabura sa TOR ko ung lecheng *** ***** na nakasulat

Don’t get me wrong, I take pride of what I have accomplished so far

Kahit mediocre ang karaniwang feedback sakin, kahit paano nag-eeffort naman ako sa mga bagay na nakuha ko

Kaso ewan. Siguro dumarating talaga sa bawat tao ung stage na pakiramdam mo isa kang shitty crap na dagdag polusyon sa earth.

****

Paumanhin sa bitter na post, bitter lang talaga ako noong ginawa ko to eh, haha
Natawa na lang ako habang binabasa ulit at naisipan kong ipublish dahil tinatamad pa akong magpost tungkol sa latest kong paglalalagalag >:}

Advertisements

Why do annoying people exist?


Why do annoying people exist?

A close friend of mine asked me this question yesterday.

So why do they actually exist?

I can’t think of an unfathomable reason to their existence so I just said I don’t know. After while, I’ve thought that maybe the reason that annoying people exist is to annoy people. And no, you don’t have to rub it in. I know it doesn’t make sense. My answer doesn’t even make sense to me.

Another idea that I have in mind is that they do exist due to the fact that the annoyed ones give a damn about those persons they shouldn’t have given their attention to in the first place. And thus, annoying people were born. Talk about a mountain out of a molehill.

At the moment, I’m on the verge of losing my temper. I even called my mom earlier just to vent out some rage. Let me tell you what this is about. I mentioned in my previous blog post regarding C2 girl, a housemate of mine who’s got a not-so-good attitude and an exasperating smoking habit. She strikes again. This time, what bothers me is that every other day, she brings in friends and colleagues in our place without notifying us, her housemates. And last night, she brought friends with her again. She did not even make an effort to introduce those friends/officemates she brought. I don’t know if she’s unaware of the fact that she doesn’t own the whole place but she’s is only paying 1/5 of the whole rent for a space. Meaning, aside from her, there are four individuals needed to be considered when it comes to matters concerning Bahay Ni Tito. Unfortunately, she doesn’t seem to have grasped that idea or so I think.

Do you understand the feeling of being a stranger at your own place? I do. That’s what I felt these past few days and I hated it, big time. Well, I know the place not ours, technically; however, for the longest time I’ve been there, I’ve considered the place as one of my haven.

I’m planning to confront her again if time permits. I just hope to God that I won’t blabber unnecessarily. I just want it straight and simple.

P.S.

Regarding what I previously mentioned about C2 girl moving out? She’s actually not going anywhere. It’s transient girl who’s planning to move in with us. Oh no! May Batman bestow upon me the ultimate power of patience so I could still endure living with C2 girl for a while. As for transient girl moving in, I’ll vote for no.

nang mapuno ang salop


kagabi, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para kumprontahin ang isa kong housemate at bisita nya (na halos dun na tumira sa bahay namin este nirerentahan na bahay namin)

ganito kasi ung, itago natin ang housemate ko sa alyas na C2 girl. isa siyang girlalet na parang tambucho ng sasakyan kung makahithit ng yosi. mahilig si C2 girl na magyosi sa cr at sa terrace at karaniwang madaming cigarette butts sa terrace na nakakalat basta nagsession sila ng nung isang lagi nyang bisita na itago natin sa alyas na transient girl. mahilig din si C2 girl uminom ng c2 at coke at karaniwan nyang ikinakalat sa sala, sa mesa, sa lababo at sa terrace ung bote ng c2 at coke na ayaw na nyang inumin.

hindi ako mapili ng kasama sa bahay at hindi ito ang una kong nagrent ng bahay na may ibang kasama. sa UP nagrent na din ako at tumira na may mga kasamang mas bata at mas matanda sakin pero never kong naexperience ang maasar ng bongga sa housemates/boardmates dahil sa bisyo. ngayon lang.

at oo. hindi ko gusto si C2 girl. unang kita ko palang sa kanya mabigat na ang dugo ko sa kanya pero sa kabila nun tinanggap ko siyang bagong housemate sa bahay ni tito. sinubukan ko siyang pakisamahan at ireach out but no can do. siguro kulang ako sa effort o sadyang hindi match ang ugali namin kaya tama na samin ang magtanguan at mag-aya na kain pag kakain.

mabalik tayo sa bisyo. wala akong pakialam kung magkaron ako ng housemates na may bisyo basta hindi ako napeperwisyo. may mga kaibigan at kaofficemates akong nagyoyosi at okay lang sakin un because they are considerate of other people. at saka natry ko ding magyosi pero hindi ko talaga siya trip.

pero ang yosi habit ni C2 girl talaga namang nakakaimbyerna. gaya ng nabanggit ko, mahilig siya magyosi sa cr. kapag ikaw ang sumunod na magcr sa kanya, mauuna ka pang maubo kesa maihi o madumi. mga ilang beses na naexperience ko personally ung mga ganung eksena at kinausap ko ung close housemate/friend since college ni C2 girl pero no can do ulit. hindi ko alam kung maarte lang ako o nakasanayan na niya ung habit ni C2 girl kaya hindi nya sinisita. pero hindi lang ako ang naiimbyerna kay C2 girl. pati si ate ko. siya kasi ung mas karaniwang nae2xperience ang malatambuchong amoy ng cr dahil mas late siyang magising at pumasok. minsan naikwento ni ate na nagpasaring siya kay C2 girl na, “hindi ko maintindihan kong paano mo napagsasabay ang paliligo at pagyoyosi, talent ba yan?” sa pabirong tono. sabi daw ni C2 girl, talent nga daw at kung paano, secret daw. ung ang natatandaan kong nakwento nya.

ang alam ko ang normal at resonableng tao malakas ang pakiramdam at mabilis pumika-ap ng mga context clues sa simpleng statement and judging C2 girl, sa tingin ko naman sensitibo siyang tao in a sense na mapipik-ap nya na it’s my ate’s way of telling her na baka naman pwedeng wag ka nang magyosi. kaso aun, dedma to death at nagpatuloy ang nakakaimbyernang habit nya.

nung last last night, nagsession ulit sila ni transient girl sa terrace. at kinaumagahan nung sumunod na gabi, naabutan ko na nakakalat ang madaming cigarette butts sa sahig. pero dahil hindi ko naabutan sila C2 girl at transient girl, hindi ko sila nakausap.

kagabi, pagkatapos kong manuod ng mubi sa laptop, tinawag ako ng kalikasan sa cr para umihi. pagbaba ko, may tao sa cr at sa labas pa lng ng cr nakakaperwisyong na usok ng sigarilyo ung nalanghap ko. at dahil inuubo ako, naging bongga lalo ang pagkahol ko. inisip ko baka galing sa terrace ung usok at siguro naman dahil andun kami sa bahay nun, mahihiya si transient girl magyosi sa cr. pero hindi ganun. paglabas ni transient girl na bagong hilamos, sinalubong ako ng halimuyak ng yosi. hindi muna sana ako papasok pero wiwing wiwi na talaga ako kaya pumasok na din ako sa kabila ng amoy tambuchong cr.

pagtapos ko sa cr, dahil siguro nilason ng usok ng yosi ung lahat ng pagtitimpi sa katawan ko. dumirecho ako sa kwarto nila C2 girl walang isip-isip na kinausap ko sila. at eto ang binitawan kong linya. “C2 girl at transient girl, pwedeng favor? pwedeng wag na kayong magyosi sa loob ng cr, kulob kasi un, masakit sa ilong. (with matching paubo-ubo dahil sa usok ng yosi na nalanghap ko). At saka nga pala, baka dumating daw sila tito or tita bukas or sa isang bukas, pwedeng pakiwalis ung nakakalat na cigarette butts sa terrace, baka kasi makita ni tito at magalit. aun. cge”  mahinahon kong sabi pero medyo nanginginig ang boses at nanlalamig ung kamay ko kasi sobrang umakyat talaga ung dugo sa ulo ko sa asar. sabi lang nilang dalawa, “okay”. sabay akyat ko naman sa kwarto.

pag-akyat sa kwarto, nasabi ko na lang sa sarili ko ng malakas, sa wakas nasabi ko din! tinanong ako ni ate kung ano ung sinabi ko at ikinwento ko sa kanya. sabi nya tama daw ung ginawa ko kasi hindi din naman sinisita nung dalawang housemate pa namin na medyo kaclose nya.

tahimik akong tao at hindi mahilig manita pero nagsasalita ako kung kinakailangan. at sa kaso ni C2 girl, kailangan na. inaasahan kong sasagot siya nung kinausap ko sila kasi mukha siyang palaban at magtataray. napansin ko sa mukha nya na mukha siyang naimbyerna sakin pero wala akong pakialam. sa sobrang asar ko kagabi kahit abutin kami ng madaling-araw hindi ko siya uurungan para lang ipamukha sa kanya kung gaano nya kami napeperwisyo.

kinaumagahan, gumising ako ng maaga para sa worship service at umuwi din agad dahil may pasok pa ako. naramdaman kong andun pa sila sa loob ng kwarto. dumirecho ako sa kwarto namin at nagbihis at naabutan ko silang gumagayak paalis. dumirecho ako sa kusina para mag-init ng tubig pang-kape. naramdaman kong tiningnan nila ako pero hindi nila ako pinansin pero sabagay dedma din ako sa kanila. umalis sila ng hindi nagpa-alam at medyo pabalagsak ung pagsara nila ng pinto nung umalis sila. ewan ko kung imahinasyon ko lang na naimbyerna sila talaga sakin or nabwisit ko talaga sila. ang sakin lang, courtesy sa ibang tao sa bahay ung niraise kong request.

nung pagkauwi ko, naabutan ko si ate at nagkwentuhan kami sa kwarto at dun sa pangungumpronta ko kina C2 at transient girl ulit napunta ung usapan. nabalitaan ko na may balak daw lumipat si C2 girl ng boarding house. so ibig sabihin naimbyerna siya talaga sakin?hehe, isip-isip ko okay lang (ako na maldita), hindi ko din mararamdaman na wala siya kasi hindi naman kami naging close sa isa’t isa in the first place. saka magiging yosi-free na ulit sa bahay kung ganun. wuhoo, let’s party! sorry for being mean but I’m just being honest about how I really feel.

thoughts about morning shift and honesty


**morning shift**

Why I love morning shift
– pang-normal na tao ang iskedyul
– nakakatulog sa gabi ng mapayapa
– nakakanuod ako ng gusto kong palabas sa TV pag gabi

Why I hate morning shift
– masarap matulog at nakakatamad gumising ng maaga
– walang night diff
– dahil kasabay mo ang mga normal na tao, kasabay mo din silang maghihirap sa rush hour pagpasok at pag-uwi

**honesty**

Kanina sumakay ako ng bus papasok ng opis, inaabot ko ung pamasahe ko sa kunduktor nung matapat siya sa upuan ko,
Kinalabit ko pa nga siya pero hindi niya ako pinansin so inisip ko baka may strategy siya sa paniningil
Inaantay ko siyang umikot ulit sa bus para magtanong at maningil ng hindi pa nagbabayad pero hindi nya ginawa.
Gusto ko siyang lapitan pero hindi kaya dahil parang sardinas sa bus at pag tumayo ako may uupo sa upuan ko
Hanggang sa dumating na sa lugar na bababaan ko, lumapit na ako kagad sa kunduktor at nagbayad.

Ako: Manong bayad ko po, hindi pa po ako nagbabayad, hindi niyo po kasi ako pinapansin kanina
Kunduktor: Ano ba yan, hindi pa kasi nagbayad kanina eh.
Ako: Nagbabayad po kaya ako kanina pero hindi nyo naman ako pinansin.
Kunduktor: tsk, tsk

Dahil ako ung huling bumaba, ung drayber naman nagparinig nung pababa na ako
ambagal ko daw kesyo bakit daw kasi hindi ako nagbayad kanina ng maaga,

Gusto ko sanang balikan at ulitin ung sinabi ko sa kunduktor tapos idagdag na dapat nga magpasalamat sila sa akin dahil tapat akong nagbayad ng pamasahe
Sa kasamaang-palad, hindi ko na yun nagawa dahil mabilis na humarurot ung bus
Tsaka naisip ko, sayang ang oras eh nagmamaaga pa naman ako sa opis para makauwi din ng maaga

Hindi ko maintindihan minsan ang ibang mga tao, pag dishonest ka, masama ka tapos magagalit pa sila sayo
Pero pag honest ka naman masama ka pa din tapos magagalit pa din sila, san mo ilalagay ang sarili mo aber?

Pero sabi nga sa isang tula na nabasa ko,
ang mga tao ay karaniwang wala sa katwiran, makasarili at hindi matuwid subalit patawarin mo pa din sila
Banal na banal lang eh noh pero may point ung gumawa ng tula

At dahil diyan eto ang masasabi ko 2 manong na nagkasala sakin,

Dear Manong Drayber at Manong Kunduktor,

Una sa lahat, nakakaasar po talaga ung ginawa nyo sakin
Pero wag po kayong mag-alala dahil pinapatawad ko na kayo
Pero mag-iingat po kayo kasi doble ung balik ng karma,

Lubos na gumagalang,
AuBu

My pet peeves (updated version) :}


Unang beses kong narinig ang salitang pet peeve sa isang training na naattendan ko. Nung time na un, feeling ko, isa siyang termino na hindi alam ng karaniwang taong gaya ko, un pala, gamitin siya, hindi ko lang alam talaga, hahaha. Malamang alam nyo na ung ibig sabihin nun, pero for the benefit ng mangilan-ngilang tao na hindi nakakaalam nito, hayaan nyong paliwanagan ko kayo. 

Ayon kay Mr. /Ms. Wikipedia, a pet peeve (or pet hate) is a minor annoyance that an individual identifies more particularly annoying to them, to a greater degree than others may find it. Ang terminong ito ay nagmula sa salitang “peave”. Unang ginamit ang salitang ito sa taong 1919. Ito ay back-formation ng 14-century-word na “peeves” na ang ibig sabihin ay ornery or ill-tempered.

At dahil dyan, naisip kong gumawa ng listahan ng aking mga pet peeves since time immemorial. Ung iba parang hindi na pet peeves lang kasi alam kong madami din ang naiinis sa mga nakalagay sa listahan ko. 

Taong Alcoholic – umiinom ako (ng tubig?weh,hehe), Oo, at alam kong nagmomorph ang isang tao kapag umiinom at nagiging irrational, pero may kasabihan namang kung iinom ka, dapat sa tyan mu ilagay hindi sa utak diba? May mga tao kasi na makulit kapag umiinom at minsan hindi lang basta makulit, pang-asar na to the highest-level kaya sakit sa ulo.

Usok ng yosi – may mga taong pinanganak na tambucho. asar ako sa mga taong mala-tambucho ang bibig dahil sa walang pakundangang pagbuga ng usok, ung tipo ng tao na nananadya at pinapangalandakang nagyoyosi sila ng bonggang bongga, as if it will make them look cooler huh?

Kaskaserong drayber – ung maladrag-racer, minsan trip ko sila pag tipong malalate na ako, pero pag ung tipong petiks mode ako tapos sila uber on the go, banas na banas talaga ako.

Taong guilt-tripper – sila ang mga tipo na tao na kapag kasama ko, feeling ko ako na ang pinakamasamang nilalang sa mundong ibabaw. Madaming ganito sa paligid ko, at ang nakakaasar, naaasar na nga ako sa kanila, naasar din ako sa sarili ko kasi naapektuhan kagad ako. Kaasar diba?

Know-it-all’s – asar din ako ng bonggang-bongga sa mga ganito, siguro ung iba bumibilib kasi madami silang alam, pero ako hindi, hindi sa naiinsecure ako (defensive?haha), pero kasi, may mga bagay na hindi mo naman kailangang ipangalandakan na alam mo, pwede ka namang magshare ng informations without going overboard. I like sharing informations and trivia’s as well but not too much. I don’t share info just for the sake of boasting that I know a lot.

Uber-friendly salesman/saleslady/barista/waiter/waitress – makikita usually sa starbuko, sa expensive perfume section ng mga department’s store, pizza hut, at iba pang resto or boutique na nag-eexude ng expensive ambiance. I like being pampered a lot. I do. However, I don’t like overly pathetic persons who would try so hard to win you.

Politika – it ticks me off. Pero hindi naman ako nagtturn into an incredible hulk pag nababanggit ito. Kapag nanunuod lang ako ng tv, naasar ako ng bonggang-bongga kasi wala naming pinapatunguhan ang politika lalo dito sa Pinas. Ilang rehimen na ba ng mga trapo ang umupo? May nagbago ba? Meron. Mas lalo lang gumulo. Nakakahighblood.

Late Naruto and Bleach new chapters – isang pang-asar na eksena, every Friday inaabangan ko ung mga un, tapos karaniwan late, gaya ngayon, nakakainis.

Tuliro state – lost of words lagi, isang eksenang nakakainis. When I lost track of my thoughts and someone asks me about something or commented on something about me, I just smile at them like an idiot. Too bad my mind works slowly than it should because if it were the other way around, I would have a witty comment or a killer-filler.

Taong mabagal maglakad tapos nasa harap ko pa – karaniwang nangyayari sakin tuwing umaakyat ng overpass, pag matanda or buntis aus lang sakin, pero ung mga mukang asa 15-30 years of age tapos parang naglalakad sa buwan sa bagal, e2 ung tipong nag-oovertake ako, para lalong ipamuka sa kanila na mabagal sila.

Cashier/crew sa Mcdo or Jabi na onti magbigay ng ketchup pag nag-oorder ako ng burger at fries at nanghihingi ng mas madaming ketchup– ito ung isa din sa kinaaasaran ko, may mangilan-ngilan silang branch kasi na kapag nag-oorder ako, paisa-isa o padala-dalawa magbigay ng ketchup, tapos kapag nagsabi ka ng dagdag magbibigay sila paisa-isa din or padala-dalawa, as if naman maghihirap sila at mababankrupt dahil sa libreng pakete ng ketchup that comes with their burger meals.

Mabagal umintindi – parang ako, asar ako sa kapwa ko, dito aplikabol ung kasabihang ang ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. Kaya din siguro ako, bihira magsalita ay dahil mabagal sa pagprocess ng information ung mga neurons sa utak ko. Kung sakaling may isang nurse ang gagawa ng NCP para sakin, impaired communication ung una, haha >: )

taong assuming masyado– mga tao na porke’t may onting ideya kung anu ka or kung anung mga pinagdaanan mu sa buhay, feeling nila, alam na nila lahat sayo. Tapos pag may sinabi or ginawa ka, binibigyan na ng interpretasyon na kung anu-ano.

lalake o babaeng pinapaligo ang perfume– masakit sa ilong at sa ulo kasi, ewan ko lang kung may problema sila sa pang-amoy nila at hindi nila naamoy na uber na sila sa pabango,

kapag merong tastas sa t-shirt ko at pag sinubukan kong hilahin mas lumalala siya– hindi ko alam kung san san ako sumasabit at karaniwang may tastas na sinulid sa damit ko tapos pag sinubukang remedyuhan, mas nasisira ko pa.

mga lalakeng sumisipol kapag may babaeng dumadaan– alam kong it’s their way of appreciation pero nakakainis pa din, paPampam lang karaniwan tsaka may kamanyakan ung dating.

pilik-mata na pumapasok sa mata– masakit na sa mata, hindi pa kumportable, tapos pag pilit mong tinatanggal, minsan mas lalo pang sumusuot sa mata mo.

kapag nahulugan ka ng piso o kahit anung barya sa kalsada, tapos susubukan mong kuhain ng madaming beses pero mintis dahil higang-higa ung barya– dyahe na, pang-asar pa, feeling mo clumsy ka kasi piso na nga lang hindi mo pa makuha, tapos gustuhin mo mang wag nang pulutin, hindi mo magawa kasi kulang pamasahe mo.

drayber na kung bumusina parang walang bukas– nakakasira sila ng araw, masakit sa ulo at napasakit sa tenga. Kung baga sa mga gadgets, sila ang high-end noise polluters. Kung pwede ko lang idemanda at ipakulong lahat ng drayber na ganyan, naku, luluwag ang edsa at matatahimik ang mundo ko.

TaOnG gAnItO mAgTyPe oR MaGtExT– I just don’t get it. Wala akong naiisip na logic kung bakit ganito magtext or magtype ang isang tao. Aesthetics via text/chat? WTH? sumasakit lang mata ko pag may nakikita akong ganito. hehe

ung nagsasalita ako tapos biglang mabubulol– naiinis ako kapag nangyayari sakin to, feeling ko para akong timang.

uber na OA na tao(redundant na ba?)– lahat sa kanila super duper na may kapa. Halimbawa may food, sasabihin sayo sobrang sarap, tapos pag tinikman mo, tipikal lang, or kaya may palabas, sasabihin nila sayo, it’s the best movie ever, tapos pag napanuod mu na, so so lang pala. Or di kaya naman, sasabihan ka ng mahal ka na nya because you did a favor for him/her eh hindi naman kayo close in the first place. A simple thank you would be enough. But on the other hand, kung close kayo at magsabihan kayo ng ganun, keri lang, hehe.

patay-sinding kuryente at brownout– isa sa pinakahate of the hatest ko. Isang beses, dahil sa pesteng brownout, natry kong kumain ng quarter-cooked (hindi haf-kuk kasi mas malala ung sakin sa haf-kuk) na hotdog. Natry nyo na bang kumain ng hotdog na niluto gamit ang apoy ng kandila? ako? OO! >:)

when I’m talking to someone and thought that he/she is listening to me and then realized that he/she isn’t– eto ung tipo ng eksena na gugustuhin mong kumausap na lang ng pader. Nakakainis kaya ito lalo na pag excited ka sa kinikwento mo or malungkot ka, kaya ka nagkkwento sa kanya.

ayan, updated na, haha, kapag may naisip pa ako, idagdag ko na lang bigla. 😀

signature2

pick the odd one out..


I’m in a state of trance.

Whether it is because of the shift that I am in, I don’t have the slightest idea.

Kanina, binubully ako ng mga katrabaho ko. Iiwan ko na daw sila kasi mappromote ako. Kesyo untouchable ako, kesyo magaling daw ako, at kung anu-ano pang kesyo. Nakakainis.

They’re making a making a mountain out of a molehill.

Feeling ko tuloy, outcast na naman ako.

Sana man lang may iba pa akong kasama. Para mas masaya.

alin, alin, alin ang naiba?

alin, alin, alin ang naiba?

Muka akong aso (figuratively) na trying hard magfit in sa mundo ng mga pusa.

woi batang isda, ba't naligaw ka?

woi batang isda, ba't naligaw ka?

Isa akong isdang walang tropa na palisaw-lisaw katabi ng mga isdang myembro ng fraternity. Naligaw lang.

kakaiba lang talaga (-_-)

kakaiba lang talaga (-_-)

Isa akong rubber ducky na nagfefeeling maganda kasama ng mga sosyalerang palakang gansa.

The odd one out.

Karaniwan masayang maging kakaiba pero minsan, nakakainis din pala. Grrr…

signature2