litanya #15


huwag kang masyadong dedepende at aasa sa ibang tao,

kung yung anino mo nga iniiwan ka pag madilim na, ano pa sila?

 

 

Advertisements

litanya #14


I don’t love to argue,

I’m just trying to make a point.

– sagot ko sa kinaiinisan kong doctor sa aming pagamutan nang tinanong nya ako kung bakit ang hilig kong sumagot at magrason.

litanya # 12


kapag tahimik nasa loob na kagad ang kulo?

hindi ba pwedeng, marunong kasi akong mag-isip bago kumibo?

– wahaha, ang lakas ng impluwensya sakin ng mga sarcastic na banat ngayon. 😛

simple lang talaga


Minsan tinanong ako ng kaibigan kong si maida
“Anung gusto mong theme sa kasal mo?”
Wala pa akong naisip eh, sagot ko
Anu ba yan! Mag-isip ka na sabi nya. Tapos, andami nyang ideas na binanggit.
Basta simple lang, sabi ko

Nung napag-isip isip ko ulit. Something came up.
Ang totoo, sobrang simple lang naman ang gusto ko
at yun ay ang maikasal sa lalaking mahal ko
At dapat saksi ang aming mga mahal sa buhay para kumpleto
Pero syempre hindi ko sinabi un
ang cheesy eh, hahaha

knock-knock, pick-up lines, to do list at 20 questions


Hindi lang halata pero mababaw akong tao. Tumatawa ako sa pinakakorning jokes at pinakasimpleng punch lines basta patok sakin at naintindihan ko (minsan kasi mabagal ang radar ko).
Dahil wala akong magawa sa buhay nagkalkal na naman ako ng mga lumang forwarded emails. Nakakita ako ng knock-knock jokes at mga pick up lines. Para lang akong timang, tawa ako ng tawa sa station ko pero para hindi naman masaydong halata ung kapraningan ko, kunwari nauubo lang ako,

Heto ang mga sampol ng mga knock-knock jokes na nahalungkat ko. Mula sa mga bato, pagkain at mga artista nakagawa sila ng knock knock jokes. Kulit lang, hehe

Knock knock!
Who’s there?
Ang English ng bato ay stones!
Ang English ng bato ay stones who?
Stones, ang English ng bato ay stones (in the tune of Pyramid by Charice)

Knock knock!
Who’s there?
Saging, Banana cue!
Saging, Banana cue who?
Akala ko ikaw ay saging, Banana cue sa aking paningin (in the tune of luha by Aegis)

Knock knock!
Who’s there?
Dina Bonevie Gary V!
Dina Bonevie Gary V who?
Dina Bonevie my lover, you Gary V with my friends (in the tune of If you wanna be my lover by Spice Girls)

Meron ding mga pamatay na banat mapa para sa babae man alalake

Eh ano kung madaming babae sa mundo? Basta ako lang ang nag-iisang babae sa puso mo, solve na ako (ayihee)

Alam mo, ang ingay mo! At sa sobrang ingay mo, gusto kong takpan yang bibig mo…ng labi ko (ikaw na, haha)

Bastos ka din no? Hindi ka man lang kumakatok, tuloy-tuloy kang pumasok sa puso ko! (hehe, baka walang preno!)

I always look at your boobs because I know that behind them lies your heart. (simpleng manyak lang, haha)

Bagyo ka ba? Kasi the moment you left my area of responsibility, you left my heart in a state of calamity. (usapang bagyo na ito, hehe)

Meron ding mga list akong nahalukay na pwede mong gawin pag borlogs ka na sa buhay mo

TIRED OF YOUR EVERYDAY ROUTINE? Here are five new things to do:

1. Sikmuraan ang unang taong makasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog at labanan ito. Mag-exercise.
3. Tibagin ang bahay at buuing muli.
4. Himatayin kunwari sa daan. Tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doktor.

Sakit sa bangs, haha, ako na ang walang magawa.

At meron din akong nahalungkat na 1 act play entitled 20 questions (hindi ko na ipopost ung buong kwento, ung mga tanong na lang)
Kung sakaling mastranded kayo sa isang island kasama ng isang gwapo o magandang stranger (kung sinwerte kayo), pwede nyong itanong ito sa isa’t isa. Yan ang kung malakas ang loob nyong itanong ang mga sumusunod.

1. Ano ang greatest frustration mo sa buhay?
2. Did you ever have doubts about your sexuality?
3. How do you see yourself five years from now?
4. Who was your first crush?
5. How was your first kiss like?
6. What was the naughtiest thing you ever did?
7. Are you still a virgin?
8. How do you see virginity?
9. Is making love to you equal to love?
10. With whom would you want to experience it?
11. Tell me something…a secret. Yung wala kahit isang nakakaalam.
12. If you could be something else, what would you be?
13. How do you know if you’re in love? Describe

Paumanhin kung hindi ko kinumpleto ung 20 questions kasi particular ung ibang question sa mismong character sa play so ayun, haha.