maligayang bati sa mama kong maganda!


kaarawan ng mama ko ngayon at kanina pag-uwi ko galing work, nakipagskype kagad ako kahit hindi pa ko nakabihis (excited much)

ayun, bonggang chikahan kami ni mama, hahayst, sobrang miss na miss na miss ko na siya.

happy birthday ulit mama kong mahal na mahal na mahal na mahal ko!

 

Advertisements

lucky


ito ang mga pagkakataong masasabi ko sa sarili ko na isa akong maswerteng nilalang

ikaw na mabigyan ng 2 keyk sa loob lang ng isang linggo. hehe

unang keyk na natanggap ko ay galing kina ate utchie at ate jaja,

ang mango-flavored cake! charan!

ang sunod naman ay ang choco-fudge cake galing kay Maida!

charan!

ito ang unang beses na nangyari sakin ito at nung mga panahong to, sabi ko, pwede na kong madeds

pero joke lang, hahaha, sa mga susunod na panahon, harinawa’y madagdagan ang keyk na matatanggap ko (nawili?haha)

maraming salamat ate utchie, ate jaja at maida sa birthday cake na gift nyo! labsyu! ^^

nagbirthday na naman ako


Dear Lord,

I just turned 18 last 22nd of August and I would like to thank you for all the blessings I have received.

Lovelots,

AuBu

****

opps, alam kong hindi kayo naniniwalang kakaeighteen ko pa lang nung 22, pero kakaeighteen ko lang talaga, plus X, hahaha,

for all you know,wala akong handa ng nagdaang birthday ko pero okay lang, happy pa din ako, alive and still kicking.

madami akong gustong sabihin at ipagpasalamat sa Kanya.

Una po sa lahat, salamat po sa isang taon na nadagdag sa buhay ko, isang taon na naman ang lumipas at nagkaron ako ng tyansyang gumawa ng mabuti sa kapwa, ng kalokokang akin na lamang, ng pagbabago (ewan ko kung anu un) at ng pagkakataong iparamdam sa mga taong mahalaga sa akin na mahal ko sila.

Maraming salamat din sa mga nakaalala ng kaarawan ko, maging kapamilya, kaibigan, kaklase at kakilala. Sa mga hindi nakaalala, grabe kayo, unfriend sa Facebook, haha,joke lang. Sa mga hindi nakaalala, may next year pa, (hopefully)

Sa nagbigay ng gift, super madaming thank you na may kapa! Hindi naman ako materialistic na tao pero iba pa din ung may gift kang nahahawakan at bubuksan. haha.

Sa t-shirt na bigay ng utol kong si JL na may nakaprint na “my cutest ate” salamat ng madami gwapong JL. Buti naman at alam mong cute ako. Pero sana hindi super ube ung tshirt na binili mo. Alam mo namang kulay chiko ako. Magmumukha akong halaya pag suot ko un. haha. Ako na ang reklamador pero nonetheless, susuotin ko pa din, bigay mo yun eh, at thanks din pala sa birthday card. kung swerte ka na ate mo ako, swerte din ako kasi may mabait akong kapatid na gaya mo. labs mu talaga ako. at syempre labs din kita, mwahugs!

Sa stuff toy na bibe na tumutunog na pinadala ng mama kong maganda via LBC (na may nakasulat na from mama at papa), hindi ko alam kung anung trip nyo pero nagulat ako sa biglang pagkwak-kwak nung bibe, haha salamat ng marami, kahit alam kong ikaw ang bumili nun at hindi si hitler. Pero ung tulang madrama sa birthday card, alam kong si hitler ang may pakana nun. Salamat din po doon. Kahit na anung mangyari, labs na labs kita mama, hehe, as for hitler, thank you sa genes at sa talent, (salbahe lang, haha) pero thank you po. basta alam nyu na po un,

Sa libreng merienda ni ate Ching sa The Old Spaghetti House nung mismong araw ng birthday ko, sobrang thank you din, matagal din akong hindi nakatikim ng libre mo simula nung magtrabaho na ako. haha, masarap talaga pag libre, salamat at binusog mo ang matakaw mong pinsan. Labsyu te Ching. sana magkaboylet ka na at magkababy πŸ˜›

Sa pakikibirthday ko sa birthday ng aking boypren, Inang Sion at tito Boy. Sobrang salamat din po. Masaya po ako kahit hindi ko kasama ang aking labiduds at parang kasama ko pa din siya dahil kasama ko ang kanyang pamilya sa kaarawan niya. Sa buong pamilya ng aking boypren na mahal ako, mahal ko din kayo, sniff, sniff. Salamat po at naexperience kong mabuhat ni Jollibee! Naku lagot si Jollibee pag-uwi ng aking labiduds, aabangan daw sa may kanto. hahaha,

Sa biglaang gala namin ng aking super duper friend na si Dannahbear patagaytay nung 21, salamat po at pinatnubayan nyo kami sa aming paglalakbay. Thank you po at nakapagzipline kami at nakauwi kagad after. sana mas madaming zipline pa ang masakyan ko. Kahit buwis-buhay ung pakiramdam, masaya pa din po. Sa uulitin. hehe

Sa nilutong pansit canton/bihon ng ate kong panganay na si ate Evic nung araw ng linggo, salamat din po, pampahaba ng buhay na tunay. Nabusog po hindi lamang ang aking sikmura kundi pati ang aking puso. Kahit walang gift basta may tsibog na luto, solb ang mga sawa ko sa tyan, hahaha (walang larawan dahil naubos kagad)

Sa adobo na walang sabaw na niluto ni Dannahbear nung nag-overnight siya sa amin sa calamba, salamat din po, dahil hindi lang libre kundi masarap din, hehe, sa uulitin, ibang putahe naman. (walang picture, ubos na nang maalala kong dapat pinicturan ko, haha)

Sa blogpost ni maida tungkol sa akin bilang pagbati sa kaarawan ko, salamat po, tunay akong maswerte dahil may kaibigan akong gaya nyang autistic na match sa pagiging autistic ko. Apir, tol!hahaha, labs kita at salamat dahil labs mu din ako. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit ako misteryoso, minsan tuloy naiisip ko baka may sapak na talaga ako sa ulo. Speaking of motiff ng kasal, no idea pa din. anyway, isip-bata pa naman ako, hahaha,

Sa pagtawag ng aking labiduds para ako ay personal na batiin, salamat po ng madami, natouch ako, haha. Salamat po sa patuloy na paggabay sa aming love story. Hindi ko po sigurado kung saan kami patungo pero ieenjoy ko lang po ang aming journey. Alam ko naman pong mapagbiro ang tadhana pero pwede po bang gawin nyo akong epikia? haha, sabay ganun, basta po un, thank you, ingatan nyo po siya lagi at ilayo sa makakating babae, hahaha,

Sa pagbati ng aking mga Kingkong barbie tropa, salamat po. Mas dumami ung bumati sakin kasi si Ming-ming equivalent na sa tatlo dahil sa hubby nyang si Not2 at sa cute na cute na baby na si Dylan. Sa magandang naglalakad na paranoia na si Rhea Marie, thanks sa pagbati. Kay Virax na walk-out queen, na akala ko kinalimutan ang bday ko, salamat po kasi hindi pala nya nakalimutan, nagpahuli lang talaga siya ng pagbati, alam nyo naman, hahaha, at kay maida, namention na kita kanina pero salamat ulit!hahaha. Sobrang maswerte ako dahil may kaibigan akong gaya ninyo. Okay lang sakin kahit hindi ako sikat at hindi din sociable na groupie, basta meron akong tropang KB!

Sa tumbler na bigay ni Mommy Chum na deputy manager ng department namin sa opis, super thank you po. hindi po talaga kayo nakakalimot ng birthday kasi last year may gift din kayong pillow sakin. Ahm, sa uulitin po, haha (ako na ang nawili) peace, labs ko din kayo Mommy Chum! πŸ˜›

Sa keyk na surpresa ni ate Utchie at ate Jaja, sobrang salamat! sniff, sniff, hindi ko talaga yun inaasahan, hehe, natouch ako ng sobra, at sa sobrang touch ko, naubos na ung keyk agad. hahaha,sa mga pinlanong movie dates na hindi matuloy-tuloy, darating din tayo dyan, sa out of town na gala na niluluto, sana masarap ang kahinatnan at matuloy, kahit hindi ko masasabi ng personal dahil mahiyain ako, labs ko kau, hehe

Sa pouch na bigay ni kuya kim galing bicol, alam kong pasalubong un at hindi gift pero dahil binigay mo un ilang araw bago ung bday ko, gift na para sakin un, sori dahil inuwi ko ung ID mo minsan, wala akong balak ipakulam ka, nagkataon lang na gaya-gaya ka ng style ng ID, nakatalikod din, haha (peace) ang wish ko sana magpakasal ka na at magkababy, tumatanda ka na din,

Sa manong na nagpaupo sakin nung birthday ko sa bus, sobrang thank you po, dumami pa sana ang katulad nyo.

Sa clear na xray na kakakuha ko lang, sobrang salamat po, akala ko po talaga may pneumonia or TB na ako. Kasi naman po, mag-iisang buwan na po this week ung ubo kong pabalik-balik. Pero nakahinga na po ako ng maluwag, nagseself-diagnose na po kasi ako eh, buti na lang clear! pero may diagnosis pa din ako sa saking sarili, hypochondriasis, haha, wuhoo, let’s party! ay ndi pa pla pwede, kumakahol pa ako at nagddrugs ng senicod forte at antihistamine,haha, excited lang,

sa iba pang blessings na dumating na hindi ko napansin pero binigay pa din sakin, sobrang salamat po, ang wish ko po ay isang masaya at punong-puno ng adventure na buhay kasama ng aking mga mahal sa buhay at tropapips.

***

sa lahat ng may kaarawan ngayong Agosto,

maligayang bati! mabuhay!

dalawang taon


sa kasalukuyan ay may isangdaan at limampu’t isang blog post na ako

mayroon din akong isang-libo at tatlumpu’t walong komento

mayroon din akong sampung-libo’t limandaang spam na komento

at may dalawampung aktibong subscribers

at 5 digits na traffic sa aking blog site (wink)

sa lahat ng ito, maraming salamat po,

salamat sa paminsan-minsa’y pagdaan nyo at pag-iiwan ng komento sa aking blog.

salamat din sa dalawampung subscribers (kilala nyo na kung sino kayo at sobra ang pasasalamat ko sa inyo, hehe)

sa mga comments spammer, salamat na din

at lalo na sa WordPress dahil sa libreng blog na ito, sana sa susunod libre na din ang sariling domain (wahaha, asa)

hindi ko namalayang dalawang taon na pala ang the odd one out.

Oo. Dalawang taon ng kulitan, ng kasiyahan, ng dramahan, ng wala lang.

Dalawang taon. Pucha, ganun kabilis ang panahon, haha

dahil birthday namin ngayong Agosto


sabi ng isa kong tropa, andaming may birthday ng August kasi malamig nung November at December

at naniniwala ako dun, wahaha

kasi ang mahal kong boypren, August din ang birthday, August 20

ung pamangkin kong si Ira, August din, August 25

si Haw na kahousemate ko August din, August 14

si AJ na kapatid ni Haw, August din, August 4

si Inang Sion , August din, August 15

si Tito, August din, August 16

si Mike at Kuya Soi na kaklase at katropa ko, August din.

at ako, August din, August 22

Oh, diba ang dami naming August? hehe

at dahil birthday ko nga, lumuwas sila mama, auntie nita at auntie zenaida mula sa Tacloban

auntie nita at mama πŸ™‚

mama, auntie zeny, auntie nita at aubz

Nagpunta kami sa kung saan-saan, sa PRA

sa PRA

sa Glorietta at MOA

malling

at nakarating ng Calamba, Laguna

sa bahay nila ate evic πŸ˜›

Dinaanan lang namin sila ate evic sa bahay nila tapos pumunta na kami ng La Vista sa may Pansol, Laguna para mag-overnyt swimming

mabuhay!

sa La Vista

Nung nasa resort na kami, picture taking ang inatupag namin tapos nagvideoke tapos nagswimming!wahu!

Ms. Universe finalist (wahaha)

my mama while singing (with her chuwariwariwap girls, hehe)

ang birthday boy at birthday girl πŸ˜›

swimming sa pool! wahu!

kinaumagahan, nagswimming pa ulit kami ng pamangkin kong si kyle.

kinaumagahan πŸ˜›

sinulit namin ni Kyle ang swimming pool pero sila mama nanuod lang. Pagkatapos makapag-ayos, naprepare na kaming umuwi. Ang wish ko bago umalis sa resort ay maulit pa ung mga ganung trip namin. At sana sa susunod, mas madami pa kami para mas masaya! πŸ˜€

signature2

Habertdey Mama kong mahal :)


Kaarawan ng mama ko nuong September 23.

Alam kong ilang araw na ang lumipas at huli na itong post ko,

Pero sabi nga nila, huli man daw at magaling, naihahabol din. πŸ™‚

Golden girl na ang mama ko, 50 years old na.

Cut pa din siya at masayahin.

Hindi bitter gaya ng isang taong mahal na mahal nya (alam na, si hitler un at wala nang iba)hehe..

Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko ang mama ko.

No words (naks) can ever describe the love I feel for my mama, mamita, mother-dear, mama kong mahal.

Siya ang taong nagsisilbing inspirasyon at ilaw ng buhay ko

ting!

ting!

Siya ang naniniwala sakin sa mga panahong 6 feet under ang aking ego at self-esteem. Ung tipong kahit mga ipis, langgam, higad, uod at kung anu-anu pang insekto ay hindi maniniwala sa kin at sa magagawa ko sa mundo.

Siya din ang pinaka-pasensyosa sa lahat ng pasensyosa (sukat ba namang mapagtiisan ang tatay kong si hitler, san ka pa?diba?)hehe

Siya din ang pinakamabait sa lahat ng mabait para sa akin. (para sakin nga, walang aangal, kanya-kanyang opinion yan :-D) Siya ung tipong pwede mong pagawaan ng monumento dahil sa kadakilaan, naks, bayani. Pero dibale, para sa akin, hindi lang ang mama ko ang bayani, halos lahat ng nanay. πŸ™‚

Hindi angel sent from heaven ang mama ko, kasi kung ganun nga, hindi ko siya mama ngaun kundi angel nga. Hindi perpekto ang mama ko, at alam niya un pero labs ko pa din siya.

Gaya ng maraming pagbati, may simula at wakas.

Charan, e2 na un. πŸ™‚

Alam kong mapapansin ng karamihan na wala ung picture ng mama ko,
Dapat ilalagay ko talaga, kaso ayaw basahin ng PC d2 sa computer namin sa trabaho ung memo stick ko. grrr..to be continued:P

signature2

Bonsai


Bonsai is the art of growing small trees and plants.

Iba’t ibang klase ang Bonsai..

may pine bonsai

pinebonsai

may chinese bonsai
chinese bonsai

at dahil sa dami..hindi ko na ippost lahat..

malapit na ang birthday ko..

sa august 22 na un..

excited ung dalawa kong superduperfriends na si kuya James at Dannahbear sa nalalapit kong birthday..

kasi tatanda na naman daw ako..

kung anung kinalaman nyan sa bonsai, hayaan nyong ikwento ko..

sabi ki kuya James, para daw akong bonsai..

hindi ko alam kung matutuwa ako kasi pag Bonsai, cute diba? (haha,tamang yabang lang) tsaka mukhang bata..

pero sabi nya wag daw akong mag-ilusyon kasi pinopoint out daw nya na kahit ilang taon na ung nadagdag sa age ko, hindi pa din daw nagbabago ung pagiging isip bata ko..aray..hehe

sabi pa nya, buti nga daw at napapagtyagaan ako ng boypren ko..(grabe sya noh)..hehe..pero keber lang..kahit ganun un si kuya labs ako nun..haha..

sabi ni kuya imbes na Aubz ang itawag nya sakin, Bonsai na..pang-asar..

BONSAI..

ito din ang tawag ng kapatid kong bunso sakin..ate bonsai..sakit sa bangs..

Bonchie ang palayaw ko pero sa kasamaang palad nag-evolve sya at ginawang bonsai ng kapatid ko..

hindi ko alam kung out of coincidence or hindi sinasadyang lumipad ang ilang hibla ng braincells ng kapatid kong bunso dito sa QC at natransfer kay kuya james..

pero isa lang ang sigurado ko..

pareho silang malakas mang-asar at mission nila sa mundo ang ibully ako..