jetsetter, not!


yung nakakastress na byahe papuntang disyerto at pabalik ng bayang sinilangan sa loob nga tatlong araw lang. para kong batang tinakam sa kendi pero hindi naman nabigyan.

kung meron man akong napatunayan, yun ay mahal talaga ko nila ate tzie at kuya benjie hehehe (salamat sa pagdamay at pagpatay nyo sa mga umapi sakin sa isip nyo hahaha)

napatunayan ko din ang bayanihang Pilipino, salamat sa mga katrabaho kong nagbigay ng regalo sa saglit kong pagbisita sa disyerto.

DSC_1154

p.s. ayoko nang umulit.

p.s. ulit. hindi na talaga. lintik lang ang walang ganti.

p.s. ulit. matitikman nila ang batas ng isang api. (insert evil laugh 😈)

p.s ulit (last na) bukas luluhod ang mga tala. 

 

Advertisements

ganito pala ung pakiramdam


yung feeling mo ginawa mo yung tama

pero nawalan ka ng tinuturing mong kaibigan..

sakit lang sa bangs…

 

 

paano kung????


paano kung yung isa mong matalik na kaibigan hindi mo na mapagkatiwalaan?

paano mo sasabihin sa kanya na yung mga kalokohan at kagaguhang pinaggagawa niya sa iba ay alam mo naman na dati pa?

hindi mo lang masabi kasi hindi ka marunong magpalabok sa mga salita?hindi mo masabi kasi balat-sibuyas siya at paniguradong masasaktan siya? hindi mo masabi kasi minsan sa buhay mo nagkaroon ka ng utang na loob sa kanya?

paano kung yung confrontation na matagal mo nang binuo sa utak mo ay maging mitsa ng pagtatapos ng pagkakaibigan nyo?

susugal ka ba para sa ikabubuti niya?

 

 

balik-bayan box


my cargo box made it home!

thank you po Lord!

100_4732

thank you Precious Cargo Company for delivering my box full and unscathed.

You don’t know how thankful I am. It took me almost forever to fill it up. (hahahaha)

Too bad I wasn’t there to open the box with them.

Anyways, there’s always a next time.

Ciao!

……


sa totoo lang, ung natitira kong pera dito hindi aabot hanggang susunod na sweldo. naubos panload kakatawag sa Pinas. sa ate ko sa laguna. sa hinayupak na mga phone numbers na nakapost sa facebook at iba pang websites na may info regarding sa Yolanda survivors na kahit isang number wala akong napala (naubos lang ang load pati pera). pero keribels, may pagkain naman ako sa bahay. at isa pa, naglalakad lang naman ako papuntang clinic. I’ll get by. Malaman ko lang kung ano na ang nangyari sa pamilya ko sa Tacloban, kahit ilang daang load ang magastos  at kahit wala na akong makain okay lang.

hindi naman ako nabigo at nalaman kong okay silang lahat. hindi ko pa din nga lang sila makausap ng personal kasi total black out pa din ang buong Leyte. soon I hope. pitong araw na mula nung huli kong nakausap ang mama ko. namimiss ko na siya. ayoko nang manuod ng news coverage online kasi huli akong nanuod, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang nangyayari samin. nakakapraning.

anyways, kanina sa clinic, bigla akong tinawag ni Jerrabeck, isa sa mga katrabaho/kaibigan ko clinic namin. sabi niya may hihingin daw siyang stock sakin (stock controller din kasi ko sa clinic namin). Pagkasunod ko sa kanya sa 1st room, bigla siyang may iniabot na maliit na papel na nakatupi. sabi niya basahin ko yung sulat. may nakalagay “aubu, pagpasensyahan mo na itong abot ko sayo. pambili mo yan ng load pantawag sa inyo”. pagbuklat ko ng papel, may pera sa loob. sa totoo lang, ayoko talaga tanggapin kasi nahihiya ako. hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng pera galing sa ibang tao tsaka alam ko kailangan niya din yun, visayas area din kasi ung family niya pero sabi niya mas kailangan ko daw yun kasi hindi naman daw gravely affected ung lugar nila. wala akong nasabi kundi thank you kasi alam ko parehas naman kaming hindi mayaman pero nagawa pa din nyang tumulong sakin. wala lang. touch ako ng sobra. muntik na akong maiyak.

kahit na andami-dami kong problemang iniisip ngayon, nararamdaman kong blessed pa din ako. mula sa boyfriend ko, sa pamilya niya, sa mga kaibigan ko sa Pinas at dito sa disyerto na sumuporta at nanalangin para sa kaligtasan ng buo kong pamilya hanggang sa mga katrabaho ko na pinapalakas ng husto ang loob ko nung mga panahong wala akong balita sa pamilya ko. maraming salamat po. hindi ko po alam kung anung ginawa kong kabutihan sa buhay ko ngayon or nakaraan kong buhay para magkaroon ako ng mga mabubuting taong gaya nyo sa paligid ko.

sa kabila ng mga pangyayari, alam kong malalagpasan namin to. kapit lang sa matatag.

sana talaga maging maayos na ang lahat.

random conversation & shit


okay. title pa lang punong-puno na nang laman.

jebs?

pwede!

ooopppps!pasintabi sa kumakain!

*****

Dr. G. : “is there anything else more important to you than work and money?

aubu: “uhm faith?”

Dr. G. : “you’re stupid, you know that?”

aubu: “okay. can I go now, Doc?”

Dr. G. : “yala!” (arabic term for “go”)

when I asked for an early time out because I had to attend a church duty. our conversation last 5 minutes or so but I decided to cut the rest because it includes a cut on my salary, bargaining and all. blah blah. boring and nonsense.

*****

your daily horoscope. walang bago maliban sa baboy at tsismis. still, may makakasama ka pa ding dwendeng manggagamot. tumingin sa dinadaanan baka madapa.

– an sms sent from our clinic phone courtesy of Kylie, our kabayan male receptionist. clap!clap!clap! a big hand for his ingenious mind. I almost thought I was uber late because it’s a rarity that I get an sms from our phone. ( lagot ka pag nalaman ng mga amo kung san mo ginagamit ang load ng mga cellphone sa clinic!hahaha)

*****

jerabeck: “hindi ako masaya dito. gusto ko nang umuwi.

aubu: “nagtatrabaho ka sa banyagang lupain tapos malayo ka sa pamilya mo. pag-uwi mo ng bahay wala ka pang pagkain. tapos maglalaba ka pa ng uniform. tapos magpapahinga at matutulog ka tapos bukas ganun ulit. sa tingin mo lahat ng tao dito masaya?”

jerabeck: “hindi. pero at least yung iba hindi pareho ng buhay natin.”

aubu: “ganun talaga. kanya-kanyang swerte lang. malay mo bukas malas ka pa din. anung ulam mo mamaya?”

jerabeck: “ikaw na!”

jentot: “wag mo ngang pinagkakakausap yang si aubz at gagaguhin ka lang nyan.”

usapang bomalabas nung isang araw sa panahong petiks mode sa clinic.

*****

aubu: “anung meron?”

ate jerly: “himala!”

kylie: “may cake na bigay sila Doc! tigi-tigisa tayo!”

jerabeck: “baka inorasyunan yan!”

aubu: “pagkain pa din yan. lamang tyan. ay Diwali festival pala nila. ngayong araw ba un or bukas?”

imee: “ay uu nga, last year, sweets galing sa bansa nila ung binigay nila amo eh.”

aubu: “mas gusto ko yung last year.”

ate margie at ate cecil: “katabi lang namin ang capricorn, kaya naming bumili ng cake dun.”

kylie: “at least ito libre!hahaha”

usapan ng mga kabayan staff sa clinic nang binigyan kami ng tig-iisang box ng cake para sa Diwali Festival ng mga amo namin.

eh ung..


dear odd one out,

alam mo yung pakiramdam na nasigawan at nasabihan ng “stupid”, “idiot”, “dumb”, at  “no commonsense” sa iisang sentence lang?sakit sa tenga. eh ung hindi mo pati kasalanan?mas masaklap.

hindi maipagtanggol ang sarili kasi bawat salitang bigkasin ko pakiramdam ko hinihiwa ung labi ko at nilalagyan ng kalamansi. aun. lunok laway. (pesteng singaw talaga. hindi ka na nga makakain hindi ka pa makapagsalita ng maayos.) leche.

pakunswelo na lang sakin na nagsorry yung totoong may sala at pati siya nasigawan din.

ayun. move on na lang.

lubos na masama ang pakiramdam at nahihirapan (sa singaw),

aubu

 

 

dear odd one out


dear odd one out,

una sa lahat sorry kasi generic ung tawag ko sayo nitong mga nakaraang post ko.

nakalimutan kong may name ka nga pala.

inaantok na ako pero gusto ko pa muna kitang balitaan.

alam mo ba nung isang araw nagpunta ako sa hypermarket dito at bumili ng papayang berde?

ihahalo ko kasi sa sinabawang halaan. pero aun, muntikan na kong makabili ng melon.

kahugis at kakulay kasi ng berdeng papaya yung melon na nakita ko (although nung nakita ni maida hindi naman daw kahawig)

nakakahiya kasi pagkakuha ko sa vegetable tray pinahiwa ko kagad at pinakilo

tapos dun ko pa lang narealize na hindi pala papaya yung nadampot ko.

nakatatlong ikot ata ko sa fathima supermarket para isipin kung bibilhin ko ba ung melon na akala ko papaya or hindi.

pero ayun nagtagumpay ang kasamaan at iniwan ko na lang un sa isang sulok ng mga gulay.

pero naguilty naman ako ng onti.

hindi ata ako natunawan sa kinain kong halaan na may berdeng papaya sa pagkakonsensya.

anyways, feeling ko fresh grad pa din ako. madaming hindi alam.

sakit lang sa bangs. tapos ilang years na lang 30 na ako. OMG.

felt like I haven’t lived my life yet. so what am I doing these past few years then?

hindi ko na alam kung anung krisis ang itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon.

ilang months na lang matatapos na ung kontrata ko.

feeling ko bibitayin na ako.

kahit may nakaplano na sa utak ko bakit hindi ko pa din mapigilang mangamba?

anung meron?

lagi na lang akong nag-iisip nitong nakaraang linggo.

mukha na tuloy akong pimples na tinubuan ng mukha.

hahayst.

wala na kong sinabing makabuluhan. matutulog na ako.

 

lubos na inaantok at napapraning,

aubu

 

dear blog


dear blog,

nababaliw na po ata ako.

laging hindi ako makatulog ng maaga.

stress ang peg?

kakaisip sa mangyayari sakin after a few months

puno na din po ng pimples ang mukha ko.

tapos naisip ko, how can I face my problem if the problem is my face?

okay, korni na.

anyways, pwede pong magwish?

sana ung dating roommate ko na lang ulit ang kasama ko sa kwarto sa flat namin

ung current roommate ko po kasi sakit sa bangs

may asawa at anak po siya sa Pinas pero nung isang gabi ang agang nagpatay ng ilaw at may lalaking kasama,

tapos nung isa pang gabi tibo naman tapos ngayon lalake naman ata ulit.

ung totoo?bi po ba xa? at hindi po ba siya kinikilabutan sa ginagawa nyang milagro?

gusto ko pong matulog nang matiwasay pero kung magbulungan naman sila wagas.

 

lubos na nantsitsismis at nagrereklamo,

aubu

p.s.

thank you at mabilis ang net, pinanuod ko ulit yung bidyo ng proposal sakin ni ake may labs, nakakawala ng stress.