grandparents’ girl


whenever I see how my nanay and tatay deeply love and adore my little girl Piatot, I get this warm feeling overflowing in my being.

This slideshow requires JavaScript.

If there is something I could definitely wish for to come true, it would be that both of them will live a long life so long they could even see their apo sa tuhod and apo sa talampakan if deemed possible.

I didn’t get to experience having a lola and lola figure because I grew up living away from them and they left us early. I sometimes feel a pang of jealousy because it would have been nicer to have a lolo and lola around whenever something bad happens (especially during our dark days with Hitler) but well, everything’s better now but if I’d be given a chance, I definitely would have wanted to be closer to them.

Who knows? If there is such a thing called afterlife, we’ll definitely be tight…

 

Advertisements

unica hija


I started my labor at 2:30 am in the morning of February 21, 2016. After what seemed like an eternity, I finally got to meet my little angel!

Meet Sophia Avery, my first born delivered at 8:35 pm, weighing 3 kilograms and measuring 49 centimeters. This was love at first sight!

Processed with VSCO with m5 preset

first photograph

I promised myself that when I get to hold my baby, we will take a selfie together, hehehe, here it is!

IMG_20160223_000154

And because I get to have selfie with my Piaya (her nickname), my blog post wouldn’t be complete without our first family picture! Daddylabs wouldn’t miss our first family selfie for the world!

2016-02-23 02.18.09 1

This is indeed the miracle of life. I’m so happy I couldn’t put my feelings into words that would actually describe them perfectly. I’m simply thankful. I’m blessed. I’m overwhelmed. All those feelings rolled into one. Thank God for the blessing called family.

p.s.

pahabol na piktyur (wahahaha)

IMG_20160223_092509

 

madir


my mom’s in town. she arrived the other day thinking that I’m already on labor. unfortunately, it seems my baby’s enjoying her sweet time inside my tummy and doesn’t plan on coming out anytime soon. well, I do hope I get to see her sooner though. Everyone’s excited to meet her.

we don’t have much to do here at my in-laws so we went to their backyard yesterday just to roam around and chit-chat. It’s been almost a year and a half since I last saw her. she’s grown thinner, I think. taking care of them (hitler, her grandchildren, nieces and nephews) is taking its toll on her. I hope that her short stay here with us will do her good and will make her relax for a little while.

2016-02-19 11.23.24 1

my mom’s a sucker for green mangoes

my mom enjoying her time with those freshly picked mangoes (thanks daddylabs for getting those) Thanks Nanay and Tatay for accomodating my mom. I’m one happy preggo at the moment. 

 

……


sa totoo lang, ung natitira kong pera dito hindi aabot hanggang susunod na sweldo. naubos panload kakatawag sa Pinas. sa ate ko sa laguna. sa hinayupak na mga phone numbers na nakapost sa facebook at iba pang websites na may info regarding sa Yolanda survivors na kahit isang number wala akong napala (naubos lang ang load pati pera). pero keribels, may pagkain naman ako sa bahay. at isa pa, naglalakad lang naman ako papuntang clinic. I’ll get by. Malaman ko lang kung ano na ang nangyari sa pamilya ko sa Tacloban, kahit ilang daang load ang magastos  at kahit wala na akong makain okay lang.

hindi naman ako nabigo at nalaman kong okay silang lahat. hindi ko pa din nga lang sila makausap ng personal kasi total black out pa din ang buong Leyte. soon I hope. pitong araw na mula nung huli kong nakausap ang mama ko. namimiss ko na siya. ayoko nang manuod ng news coverage online kasi huli akong nanuod, hindi ako nakatulog kakaisip kung ano na ang nangyayari samin. nakakapraning.

anyways, kanina sa clinic, bigla akong tinawag ni Jerrabeck, isa sa mga katrabaho/kaibigan ko clinic namin. sabi niya may hihingin daw siyang stock sakin (stock controller din kasi ko sa clinic namin). Pagkasunod ko sa kanya sa 1st room, bigla siyang may iniabot na maliit na papel na nakatupi. sabi niya basahin ko yung sulat. may nakalagay “aubu, pagpasensyahan mo na itong abot ko sayo. pambili mo yan ng load pantawag sa inyo”. pagbuklat ko ng papel, may pera sa loob. sa totoo lang, ayoko talaga tanggapin kasi nahihiya ako. hindi kasi ako sanay na tumatanggap ng pera galing sa ibang tao tsaka alam ko kailangan niya din yun, visayas area din kasi ung family niya pero sabi niya mas kailangan ko daw yun kasi hindi naman daw gravely affected ung lugar nila. wala akong nasabi kundi thank you kasi alam ko parehas naman kaming hindi mayaman pero nagawa pa din nyang tumulong sakin. wala lang. touch ako ng sobra. muntik na akong maiyak.

kahit na andami-dami kong problemang iniisip ngayon, nararamdaman kong blessed pa din ako. mula sa boyfriend ko, sa pamilya niya, sa mga kaibigan ko sa Pinas at dito sa disyerto na sumuporta at nanalangin para sa kaligtasan ng buo kong pamilya hanggang sa mga katrabaho ko na pinapalakas ng husto ang loob ko nung mga panahong wala akong balita sa pamilya ko. maraming salamat po. hindi ko po alam kung anung ginawa kong kabutihan sa buhay ko ngayon or nakaraan kong buhay para magkaroon ako ng mga mabubuting taong gaya nyo sa paligid ko.

sa kabila ng mga pangyayari, alam kong malalagpasan namin to. kapit lang sa matatag.

sana talaga maging maayos na ang lahat.

All about me 10 day challenge – Day 9


OMG! (ang arte lang?haha) day 9 na!yehey!

Day 09 – Pictures of you and your family

I believe that family is a relative term. Most often that not, your family are those persons whom you share the same blood, genes and stuff. However, there are times that you call a crowd your family without even sharing a bit of any DNA linkage.

I’m very grateful to have been blessed with both. A family of my own by blood and a family to call by bond.

^^

^^

aubu's nieces & nephews ^^

^^

^^

^^

I may not be the most affectionate person there is but one thing I’m sure of, I love these guys truly. 🙂

****

yey!yey!yey! 1 to go and I’m done with the challenge!

kuya


kuya bokyo,

sa lahat sating magkakapatid, ikaw ang hindi ko sobrang kaclose. sabi ni mama at ate evic, malayo daw kasi ung agwat nating dalawa kaya ganun. kayo kasi nila ate evic at ate oya , isang taon ang ang pagitan samantalang tayo limang taon.

hindi tayo magkasamang lumaki. basta nung grade 3 or grade 4 ka ata kung hindi ako nagkakamali, natatandaan kong pinauwi ka sa probinsya para mailayo kay hitler. tapos nung nagcollege ka, umuwi ka dito samin tapos mga isang taon ata na nakasama ka namin pero dahil ulit kay hitler, bumalik ka ng probinsya. Sa maiksing panahon na nakasama kita sa bahay lalo pa’t roommate tayo, ung tumatak na memorya sakin ay ung mga panahon na lagi tayong nagbabangayan kasi masungit ka para sakin tapos ang tingin naman niya sakin ay maarte. Masyado kang OC sa kwarto lalo na sa mga gamit mo samantalang ako makalat at tamad. Siguro kung lumaki tayong magkasama, malamang para tayong mga aso’t pusa. Pero syempre kahit alam kong magiging ganun, mas gusto ko pa din siguro na magkasama tayong lumaki. Lagi kong iniisip na kahit semi-dysfunctional ang pamilya natin, I still have the best of both worlds kasi meron akong mga ate at kuya gaya nyo. Hindi naman lahat laging nabibiyayaan ng ganun diba?

 

Dahil mas nakasama ko ng mas matagal sila ate evic at ate oya kesa sayo, lumaki akong sister’s girl. Pero syempre dumarating ung mga panahon na hinahanap-hanap kita at kapag dumadating ung panahon na kuya ung kailangan ko, nalulungkot ako kasi out of reach ka. Ocean’s apart kasi tayo. Naisip ko kaya siguro mahilig akong tumawag ng kuya sa mga lalakeng nakakasalamuha ko, hinahanap ko ung presensya ng kuya ko. Ang presensya mo.

hinanap kita noong minsang may nakaaway akong lalakeng mayabang, hindi ko masabing isusumbong kita sa kuya ko kasi wala ka.
hinanap kita noong minsang gabi na ako uuwi at natatakot ako kasi madaming loko-loko sa lugar natin kaso wala ka din.

madaming beses kitang hinanap sa kawalan pero hindi kita matagpuan (ang arte lang, haha). pero naging positibo naman ang naging resulta kahit paano. kahit lumaki akong tahimik at reserved, street-smart at self-reliant naman ako (sa tingin ko). Lumaki din akong matapang. Biruin mo natagalan kong makasama si hitler ng mahigit isang taon kahit mahirap. Ang galing ko noh?haha

natatak sa isip ko ung minsang sinabi ni ate evic na pakiramdam mo madaya ang panahon kasi hindi namin dinanas ni JL ang mga naranasan mo. nakaranas man kami ng cariño brutal, wala pa din yun sa kalingkingan ng pinagdaanan mo. nalungkot ako sa katotohanang yun. pero ngayon naiintindihan ko na. siguro kung ako ung nasa kalagayan mo, that very same thoughts would have been running in my mind. Anyhow, alam ko namang sa kabila nun, mananatili ang katotohanang labs mo kami ni JL kahit pa gorgeous cold shoulder ka sa pagpaparamdam samin ng pagmamahal mo. Tsaka, mananatili ding labs ka din namin noh kahit mukha kang replika ni hitler. Hehe, di hamak na mas mabuting tao ka sa kanya ng mas madaming madaming beses. peace, alam ko namang ayaw na ayaw mong ikukumpara ka sa kanya eh.

alam mo ba,masaya ako sa kasalukuyan at naisipan mong bumisita samin nila ate evic recently kasama si ate evelyn. masaya ako at sa wakas nagkaroon ako ng chance mailibre mo ulit after 10 years (yun lang talaga ung gusto ko, peace, haha). masaya ako at nakapagmovie marathon tayo nila ate evic at magkakasama tayong nanuod ng Zombadings, Area51, In the name of love at Way back home. Magkakasama tayong nagtawanan, natakot, nainlab at nag-iyakan. (pero mas masaya kung kasama din natin sila JL at ate oya) Masaya ako at nagpunta tayo sa bahay ni repapips Pepe (kahit ilang beses na akong nagpunta dun) at nagpicture-picture. Masaya din ako at nagpunta tayo ng SM, naglaro sa Quantum at Worlds of Fun at kumain sa Jabi. Masaya ako sa pinagsaluhan nating puto-bumbong at kape nung minsang bumuhos ang malakas na ulan sa calamba. Masaya din ako kasi naranasan ko ulit na maihatid mo sa may sakayan nung isang araw. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun, hanggang pag-uwi abot-tenga ang ngiti ko, haha, (hindi naman kasi ako madalas naihahatid kasi tingin nila sakin may X chromosomes sa katawan.) sa lahat ng ito, madaming Salamat!

alam kong hindi na natin mapupunan ang nagdaang panahon na hindi tayo lumaking magkakasama. ang magagawa na lang natin ay ang lumikha ng mas madaming masasayang alala pamalit! hehe. Sana mabigyan tayo ng chance na magkasamang lahat nila mama, ate evic, ate oya, ikaw, ako at si JL kahit isang gala lang. Sobrang magiging masaya talaga ako kapag nagkaroon ng katuparan yun.

 

Dagdag kahilingan ko rin na sana balang araw, makalimutan natin ang lahat masasakit na alaala at sana kapag dumating ang panahon na kapag tayo na ang nakatakda, makapagsimula tayo ng mas masayang pamilya.
 
xoxo,
 
bonchie
 

ate, kuya, bunso, at mama


huling biyernes na umuwi ako sa bahay ng ate evic ko sa laguna
nagkwekwentuhan kami ng mga kung anu-anu
mga bagay at pangyayari na sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses naming napag-usapan
ilang beses iniyakan at ilang beses pinagtawanan

at gaya nang dati, hindi uubrang maliko ang usapan papunta kay ate oya
nagtataka kami na kahit sobrang dami na niyang kasalanan at grabe na ung pagiging pasaway niya
basta nagkaproblema siya, siya ung unang dinadaluhan ni mama (talk about mother’s wonders)

isang beses daw nagtanung si ate evic sa mama ko
at ito ang sabi nya ayon kay ate
“alam mo victoria, sa inyong magkakapatid, si oya ang pinaka mas nangangailangan sa akin bukod pa kay JL at Bokyo.”
“ikaw nakaya mong mabuhay mag-isa sa laguna ng malayo sa akin.”
“si bonchie nakayang mabuhay sa UP at Makati na mag-isa”
“kayong dalawa, kaya nyong mabuhay nang wala ako”
ang nasabi lang ni ate evic: “ay ganun”

alam kong malakas ako,
pero hindi  ko maimagine ang mabuhay sa mundo nang walang mama na gaya mo.

ps

para sa mama kong maganda
akala mo lang malakas ako at kayang-kayang mag-isa
pero ang tototo
kaya ako malakas dahil andyan ka
your love for me transcends distance, time and space
although, paminsan mahirap ispelingin ang style ng pagmamahal mo
nonetheless, labs pa din kita
at labs mo ako

oha oha,

sakin mo lang yan maririnig mama, hahaha