a trip to remember (part 2)


gala, mahilig akong gumala, that’s for sure, hindi ako mahirap kausap basta may gala..
at dahil mahilig akong gumala, mga gala din karaniwan ang mga kasama ko,

at ang blog post na ito ang nagpapatunay na gala kami, hahaha,
karugtong ito ng previous post ko, beware, sasakit ang mata nyo sa dami ng mga pictures namin,

alam niyo bang mahigit 1,500 pictures ang meron kami sa loob ng 3 araw lang? OO. Sa camera pa lang yan ni maida, wala pa dyan ung sa camera ni tina at ate ching.

charan!
island hopping na!

DSC_0888 (2)

i'm so excited!

DSC_0890 (2)

bago sumakay ng bangka

DSC_0894 (2)

asa bangka na kami!

DSC_0901 (2)

ang napakagandang sunrise:)

DSC_0920

ang araw sa aking palad:P

DSC_1020 (2)

arya!

DSC_0988

meditation mode..

DSC_0974 (2)

are we there yet?

DSC_1061 (2)

itaas ang kamay!

DSC_1068 (2)

kami ulit!

nung makarating kami sa isla, lumamon muna ako saglit..

DSC_1082 (2)

aubu habang lumalamon ng mango pancake..

tapos naglakbay na kami papuntang parola/lighthouse..

DSC_1085 (2)

aubu papuntang parola..

DSC_1090 (2)

aun ang parola..

pagkatapos magpictorial papuntang parola, pumetiks kami saglit at tumambay sa may bangka bago magsnorkeling..

DSC_0017

ako:P

DSC_0018

aubu at haw:)

aun..sa kasamaang palad, wala kaming underwater camera kaya wala kaming camerang dala habang nag-iisnorkel..
kaya ang susunod na larawan ay nung asa virgin islan na kami..
tayo nang magswimming sa dalampasigan!

DSC_0126

si manong bangkero..

DSC_0133

the housemates with ate didin:)

DSC_0178

the mowdel-mowdelans..

DSC_0143

magagandang likod..

DSC_0145

magagandang likod (modified)

DSC_0146

tayo nang magswimming..:-P

DSC_0157

aubu:P

DSC_0169

the models (part 2)

tustado kami sa araw. naisip namin magpaitiman. naisip din naming tumalon at maglaro ng takbuhan!(anung kunek?)

DSC_0252

mini-minimo, who's the darkest of them all?

DSC_0266

fly high, pinay!

DSC_0261

fly high, part 2..

DSC_0302

fly high ulit..

DSC_0306

ready, get set, go!

dahil sa matagal na exposure sa araw, ginutom kami, may aleng nagbebenta ng sea urchin, naisip naming itong tikman for PHP100 only, eat all you can.

DSC_0299

housemates with aleng nagbebenta ng sea urchin..

DSC_0271

masarap kaya 2?

DSC_0285

ahmm..

DSC_0272

isa pa!

at dahil hindi sapat ang sea urchin este sperm and egg ng sea urchin sa aming sikmura, lumamon na kami sa bangka..

DSC_0321

kain-kain! (grabe, ang nenegra na namin)

DSC_0322

let's eat!

pagtapos namin sa virgin island, nagpunta kami ng alona beach, at dahil daming pictures along our way, shinortcut ko na lang,

DSC_0380

pababa na kami ng bangka..

pagdating namin sa alona beach, may nakita kaming manong na naghehenna, nauna si aj, tapos nag-antay na lang muna kami ni maida at tina at nagpictorial..
dahil may kalat sa paligid, naisip kong maglinis (weh,hindi nga?)

DSC_0403

aubu, the environmentalist..

DSC_0405

aubu, the environmentalist (part2)

DSC_0414

si aubu at ang buhangin:)

DSC_0418

i love my boyfriend:P

DSC_0419

lab yu!

Henna sa wakas!

DSC_0429

tina and her libra sign henna tattoo;)

DSC_0447

ako at ang araw kong henna tattoo..

DSC_0459

ang alibata henna tattoo ni maida:)

madaming madami pa kaming pictures doon, tapos sumapit na ang dapit hapon..

DSC_0556

sunset

DSC_0555

i love sunset!

DSC_0577

aubu (ako na naman,haha)

DSC_0589

haw, aubu at tina 🙂

DSC_0580

mga model ng sulo:)

DSC_0592

huling hirit bago umuwi;)

at umuwi na nga kami, hehe, sa susunod ulit, whew,
signature2

a trip to remember (part 1)


2 months to go,
1 month to go,
2 weeks to go,
1 week to go,
7 days to go
6 days to go
5 days to go
4 days to go
3 days to go
2 days to go
1 day to go

at charan!

nakarating din kami sa bohol matapos ang matagal na paghihintay.

ang saya dun,

“tatlong araw lang pala, ako naging maligaya,
hindi ko man lang napuna, tatlong araw ko’y tapos na”
yan pa din ang theme song ko, hehe

at dahil hindi kami kagad makakabalik sa Bohol,
ang magagawa ko lang ay tingnan ang aming mga larawan,
charan!

Day 1
si aj at si ako sa airport..

sa airport 🙂

si aj at aubu ulit sa terminal 2…

sa airport ulit

aj at aubu sa airport ulit..

sa bohol airport..

DSC_0130 (2)

sa tagbilaran airport..

sa bohol bee farm car..

DSC_0137 (2)

tina at aubu sa van..

nakarating din kami!

DSC_0158

Welcome to Bohol Bee Farm!


DSC_0143 (2)

Aj, Aubu at Haw..

pagdating sa bahay, syempre pictorial kagad..

DSC_0171 (2)

mga babae sa sofa..


DSC_0164

aj, haw, aubu, tina, ate ching at maida..


DSC_0624

pica-pica..

at syempre, ako din may solo pictorial..naku, magsasawa kayo sa pagmumukha ko,haha..

DSC_0223 (2)

aubu sa duyan..


DSC_0225

aubu sa upuan..


DSC_0243

ako na naman..:P


DSC_0235 (2)

aubu sa upuan..


DSC_0250

ako ulit sa upuan (ayaw ko naman sa mga upuan nyan masyado) hahaha


DSC_0254 (2)

sa upuan na naman..hahaha..:-P


DSC_0262 (2)

tayo nang mag-icecream:P

hahayst, grabe na ito, namimiss ko na naman ang bohol..
nung napagod kami saglit sa pictorial, naglaro kami ng sungka..

DSC_0283

tayo nang maglaro ng sungka..


aubu at maida, in full concentration..

dahil makakalimutin ako, hindi ko na matandaan ang sequence of events kagad..
alam ko lang nagpunta kami ng SM este ICM sa lungsod ng tagbilaran bago nagswimming kaya e2..

DSC_0603

ang Island City Mall sa Tagbilaran..


DSC_0602 (2)

aubu nagtutulak ng shopping cart sa supermarket..

Sa wakas, nagswimming din kami!

DSC_0349 (2)

ganda diba..:)


DSC_0466 (2)

aj, aubu at maida..


DSC_0476 (2)

aubu at maida..


DSC_0477 (2)

maida-sama, aj, at haw:P


DSC_0479 (2)

aj, ate ching, haw at aubu..


DSC_0529

beach babes, yeah, hehehe..


DSC_0562 (2)

si tina ang sirena 😛

Nung humapon na, naisip naming mag-icecream muna bago magswimming ulit..

DSC_0630 (2)

sa tapat ng icecreaman..hehe..


DSC_0644 (2)

cheers! ice cream tayo!

nung naubos ang ice cream, nagswimming kami ulit ni haw, pinanuod na lang nila kami..hehe…

DSC_0689 (2)

haw at aubu..

isa ang bohol trip sa pinakamasayang trip ng buhay ko..
dami pang pictures sa susunod..hehe..

signature2

lock jaw, overbreak at pasaway na customer..


Masakit na ang panga ko kakahikab ngayon,

feeling ko magkakalockjaw ako ng bonggang bongga.

Masakit magkalockjaw.

Natatandaan ko nun, nagkalockjaw ako nung high school.

Ang dahilan? Kumain ako ng hilaw na mangga sa bus,

eh biglang nagpreno habang masarap ang kain ko,

Aun, 1 linggo akong nagtiis sa noodles at sopas at lugaw dahil sa lockjaw.

Inaantok ako ng halimaw,

dulot ng rest day na walang pahinga,

at aplay-aplayan kanina,

Nagbreak ako ng 1 hour at natulog ako ng 12:03 am.

Nagising ako at bumangon ng 1:20 am.

Inaantok pa ako pagkacheck ko ng phone ko.

Pusa. Patay. Overbreak. IR na ba ito? (OA?hehe)

Pagbalik ko sa station, nagmessage kagad ako sa Shift Manager namin.

“sori po, overbreak. :(” sabi ko.

Sabi nya, “oo nga noh”

Sayang. Sana hindi na lang ako nagmessage para hindi nya napansin. Ang honest ko kasi eh, hehe.

Nasabihan tuloy ako na porke’t promoted (kuno), nagbago na ako.

Tsk, tsk. Alam kong biro pero nakakainis pa din. (sori naman, tao lang, masama bang mapagod? bitter?hehe)

Pagbalik ko, ganado na ulit ako magchat.

Eh pag sineswerte ka nga naman, pasaway na customer pa ang sumalubong sakin.

para kaming asa chubibo, paikot-ikot ang usapan.

hindi nya maintindihan kung bakit hindi maprocess ung withdrawal request nya kahapon. Sabi ko, “it would take up to 4-7 business days”. Sabi, “come on, we’re on the 21st century, why does it take long?”

Anak ng pating, asa 21st century na nga tayo, pero sya asa 10,000 BC pa ata. Paulit-ulit kong sinabi ung withdrawal processing period sa kanya pero ayaw magsink-in.

Sa asar ko, tinabla ko siya. Hindi ko na ipapaliwanag maigi basta nung binanatan ko na siya, hindi na siya nagsalita at nagleft na lang during our chat session. Anu ka ngayon. (yabang, hehe)

Chineck ko ung previous correspondence ng customer na kausap ko, naku, problematic player pala siya. Nagtthreat na magpapaclose ng account at masusumbong sa higher management. Oo eh. Hindi ko maintindihan kung bakit nireretain pa ung ganitong klaseng customer. Sakit sila sa ulo at maraming reklamo. Future kaaway. Para ka lang pumulot ng bato para ipukpok sa ulo. At para ka ding humahaliw sa sariling pwet mo. How vulgar, pero ewan ko, parang joke talaga na paamuin ung mga ganung customer. Kumbaga sa economics, hindi cost-effective. Aun. (pakialamera?) 🙂

Sabi ko kahapon, itutuloy ko ung mahaba kong kwento, eh tinamad ako, kaya sa ibang araw at panahon na lang. Aribabay!

rest day na walang pahinga..


off na parang hindi off..

rest day na walang pahinga man lang..

2 days akong walang post dahil off ko at walang trabaho..

rest day, pahinga, relaxing dapat at energizing, pero wala na akong enerhiya sa ngayon, ubos na ang chakra ko kahit anung klaseng hand seals ang gawin ko,

sana may 2 source ako ng chakra gaya ni Naruto..

sabado at linggo ang rest days ko..

Pang-normal na tao, siguro kaya hindi ako naenergize dahil autistic ako..

Nung sabado, until 5am asa trabaho ako, tapos dumirecho ako sa lola ko, kasi bertdey nya, hinatid ko ung bertdey card na bigay ng auntie nita ko sa kanya..

Pagdating dun, nagkopi ako (hindi 3 in 1, so sad, choosy?hehe) , tapos pinakain nila ako ng spaghetti, ung tigP10 pesos sa labas ng bahay nila, may nagtitinda, masarap naman siya. Aun, chika dito, chika dun, may pasaring na pagtatampo kasi bihira daw akong magpakita sa kanila (haler, nanay ko nga hindi ko nakikita ng lagpas-lagpas 6 months, sila pa, uu na, salbahe ako, pero bangag ako, pagod, nagtatrabaho at hindi nagpapasarap sa buhay, hehe)

Tapos nga 8am umalis na ako, kasi bangag na aku, tapos umuwi na ako sa bahay, matutulog na ako nung tumawag ang aking boypren, pinapaalala ung lakad nga pala namin, pupunta ng star city, sabi nya mamaya daw pag-antayin ko sila, mabagal daw kasi ako kumilos tapos mahirap gisingin, etc, etc, (uu na, mabagal na, ako, ako na lang, ako na lang lagi), masama bang matulog na mahimbing? hindi naman diba? (naghahanap ng kakampi?)haha..

Aun nga, nag-alarm ako pagdating ko ng bahay, 10am, bumalikwas agad ako paggising,tapos bumangon, tapos biglang tumawag ulit ang boypren ko, chinichek kung gising na ako, pinasigla ko ung boses ko kasi pag lutang ung dating ng boses, papagalitan ako nun, (minsan tuloy iniisip ko kung boypren nga ba ang meron ako or kuya at tatay, 2 in 1), tapos aun, gumayak na daw ako, xempre dahil mabait ako at masunurin, nag-prepare na ako kahit antok na antok pa akong tunay..

Tinanong ako ni Roy, kung sa Manila Zoo na lang daw ba magkikita. Sabi ko, hind ko alam mag-isa pumunta dun, kasi nung last na nagpunta ako dun sa morayta kami galing at madami kami. Asa namang matandaan ko un, dahil mahina ako sa direksyon. Buti nga alam ko kung alin ang kaliwa at kanan, kundi paktay lo.

Sabi ni Roy, sa 5th avenue lrt station kami magkita, dibale nagpunta ako, tapos pagdating ko dun, inabangan lang naming ung gelpren nung friend nya tapos sumakay ulit ng lrt paQuirino station. Sabi ko, uu eh, sana sa Quirino na lang ako bumaba kanina, sabi naman ni Roy, sabi ko daw hindi ko alam, eh hindi naman nya sinabi ung direksyon, gulo talaga..

Tapos, aun, nga, nagpunta na kami ng Manila Zoo, sumakay kami ng pedicab, kasama namin dun si Xander aka “Patchot”, ung batang kalaro ni Roy sa Dota, cute naman siya, kasundo ko, siguro dahil isip-bata ako. On our way, nagsindi ng yosi si Roy, sabi ko salbahe siya, hindi nya kami iniisip, sabi nya minsan lang naman, tsaka sanay na daw si Patchot sa kanya, sabi ko pag-aaralan ko ngang magyosi minsan para makita nya hinahanap nya, sabi nya mag-aaway kami, sabi ko watch me, ung DJ mix pa ittry ko (ang taray, hahaha)..As if..Pero pag tinopak talaga ako..hmp..

Nakarating kami ng Manila Zoo, nagsite seeing, ako ang photographer, mejo puro stolen shot ata ung nakuha ko, kasi camera shy ung girlalet nung friend nya, pero infairness, lakas ng babaeng un, kasi nakaheels, tapos puro lakad ginawa namin. May naalala ako, may babae akong nakita sa manila zoo, seksi, nakaall black tapos nakastilleto. Hindi ko matandaan ung muka nya pero she definitely got my attention. Nakamaiksi kasi xang skirt na black, kung may pek2 shorts, ung sa kanya, pek2 skirt. Panalo. Wala lang. Naastigan ako sa kanya kasi keri nya, tapos partida, sya lang mag-isa. Bago umalis ng manila zoo, nagpapicture kami ni Roy kasama nung 2 ahas sa may entrance, katakot, kala ko, buong buhay nang nakasabit sa balikat ko ung mga ahas,(ung picture? Sa susunod na lang).

After magManila Zoo, nagpunta na kami ng Star City, aun, nag-adik sa rides, mas okay ung girl na gf nung friend ni Roy. Si Len. Mabait sya ang machika. Nung last kasi kaming nagpunta ni Roy kasama ung magMU nyang friend, parang wala lang. May sarili silang mundo. Ung ngaun, mejo okay, sumasakay ng rides pero ung mga nakakatakot hindi, pero keri lang. Sinakyan ko lahat ng rides. At syempre, palalagpasin ko ba ang pagkakataong pagsawaan ang SnowWorld na paborito ko? hehe. Sila Roy, Elgin, Badz at Len asa isang gilid lang sa may parang kubo dun. On the other hand, kami ni Patchot ay buong giliw nagslide sa yelo,haha, iba’t ibang style ata, nagawa na namin nung batang un, buti pa siya, ung mga kasama namin aun, parang tuod sa isang gilid. Bahala sila. Basta kami ni Patchot enjoy to the end power.

Naalala ko ulit, nauna palang lumabas sila Badz at Len (ung gf nya) kasi nakaheels si Len diba, tapos pumasok sa SnowWorld. Sumakit paa nya, parang may frostbite ata. Kawawa naman. Pero sobrang cheezy paglabas, pinasan siya ni Badz, aughhh, ang sweet. 😛

Napagod ako ng husto sa mga ginawa ko dun sa Star City. Alam ko, alam ko, para akong bata, pero bakit ba, kaya ako nagpunta dun ay para magsaya nuh, hehe. Nga pala, naglaro din kami ng baril-barilan, may Blazer something ung name eh, Blue team kami, laser gun ung gamit, kaso luto, may conspiracy na naganap, pinagtulungan kami ng Green at Red Team. Durog ako dun, ilang beses akong nabaril, sabi ni Patchot, exposed daw kasi ako masyado. Wokei, sabi ko nga eh. Hindi masakit sa physical, masakit sa ego, hehe, halata bang egoistic ako? eh kasi naman, bata ung nagsabi sakin nun. Half ng age ko pa. Oha, oha, hehe, pero syempre, ngiti na lang ako, bata un eh, tsaka demokratikong bansa ito, tsaka kahit ilang beses akong nabaril ng laser gun, nakakabawi naman ako. Yan ang tinatawag na defense mechanism. hehehe

Inabot kami ng 12 ng hating-gabi sa Star City. Nung pauwi na, sinumpong ng sakit ng ngipin si Roy. Perstaym ko siyang nakitang ganun, parang sinapian, sinasampal ung pisngi nya tapos sinusuntok din ng bahagya, kawawa naman ang boypren ko. Dun sila sa bahay nagpalipas ng umaga. Aun. Aus naman. Kaso hanggang sa makatulog daw ako, masakit pa din ngipin ng boypren ko. Wawang bata.

Kinabukasan, ginising nila ako ng maaga, kasi nga aalis na sila, hinatid ko sila may pintuan. Hinatid ng tingin sa bintana hanggang makaalis sila. Matutulog na ako ulit ng maalala ko na monthsarry pala namin ng boypren ko. Naku, nakalimutan ko. Nakalimutan din nya. Hindi naman ako nasaktan kasi pareho naming nakalimutan. Kaso naparanoid ako. Parang normal na araw lang siya. Ganito ba talaga pag matagal na? Nalungkot ako bigla kasi hindi ko akalain na magiging kagaya ako ng ibang tao ng nakakalimutan ang mga espesyal na araw. Hayst. Natulog ako ng malungkot. Pagkagising ko, tinext ko si Roy, tapos tinanung ko kung masama ba ung nakalimutan namin ung monthsarry namin. Sabi nya hindi daw, normal lang na nawaglit sa isip ko at isip nya kasi magkasama kami tapos un. Hehe. kala ko aawayin nya ako kasi nakalimutan ko. Buti na lang hindi.

Madami pa akong kwento pero bukas na, pagod na ako, sana rest day ko na bukas..

Aplay-aplayan..


Ika-21 ng Septyembre, 2009

Nagtext si Rhea Marie ng gabi.

RM: aubu, tuloy tau bukas?
AB: uu, kitakits.
AB: get-up mu nga pla?
RM: semi formal. Kaw?
AB: ganun din, hehe
RM: nung oras? Kaw magdecide. 
AB: 10? Ng umaga? San?
RM: cge. Sa may sm bicutan
AB: okidokies kitakits 2m 

Ika-22 ng Septyembre, 2009

Alas-syete y media ng umaga, umarangkada na ang alarm kong turboule sa cellphone. Masama man ang loob kong bumangon dahil inaantok ako, bumangon pa din ako. Hindi pwedeng pumetiks.

Plano naming magsubmit ng resume sa malapit na hospital dito. Nagtatalo ang isip ko kung tutuloy ba ako o matutulog na lang. Naalala ko si Rhea Marie, yari ako kapag inindyan ko sya.

Naligo na ako at nagbihis nang maalala ko na wala akong hardcopy ng resume ko. Nakasave nga pala ang resume ko sa memory stick. Ay gudlak naman sakin, buti sana kung pwede kong sabihin sa hospital, “Pwede pong pakicopy paste na lang ung resume ko dyan sa files nyo? Sayang naman po kasi ang paprint ng resume, kung sa shredder ang bagsak nun, kakawa naman ang mga puno na ginagawang papel.” Malamang, sasabihin ko pa lang ung linya ko, sasabihin na sakin “Freeze hiring eh”.

No avail. Rumampa ako sa kalsada ng champaca at niraid ang mga computer shop para makapagpaprint ng resume, kaso minalas, mukhang nag-usap usap ang mga pesteng printer at sabay-sabay na nasira. Kapag minalas ka nga naman.

Nagtext ako kay Rhea ng mga 9:15 am, sabi ko hindi ko pa napapaprint ung resume ko at baka sa SM na lang ako magpaprint, sabi nya “Bagalan mo muna, nagbibihis pa lang ako. Ayus! Ligtas. Kala ko late na naman ako.

Sumakay na ako ng tryke at nagmadali kasi nga late na din. May nakita akong computer shop sa malapit sa terminal at sakto!Ayus ang printer nila, Un nga lang, imbes na tipikal na short bond paper ung pinagprintan ng resume ko, A4 size na bond paper ung ginamit. Gusto ko man maging choosy, hindi pwede. Kaya aun. Naprint na din sa wakas ang aking resume.

Sumakay ako ng jeep. Onti tao. Sakto. Dun ako sa tabi ng manong drayber tumabi dahil muka naman syang harmless. Andar. Tigil. Andar. Tigil. Tigil. Tigil. Andar ng onti. Tigil. Tigil. Tigil. Tigil. Pusa. When it rains, it pours. Si manong drayber, nainip ata, may dumaang yosi vendor, aun, humithit. Inalok ang lola na nasa likod ko, nanay nya pala yon. Eh game si lola, nagjamming sila sa yosi. Pusa ulit. Umagang umaga, pang-asar. Daig ko pa ang nagyosi sa dami ng usok ng sigarilyong nalanghap ko. Wala pa dyan ang usok galing sa tambucho ng trak na katabi ng jip na sinasakyan ko.

After what seemed like an eternity, dumating din ako sa SM Bicutan. Ang alas-dyes na usapan, naging alas-onse. Buti na lang, hindi badtrip si Rhea Marie. Wahu! Tumugtog na ang Voltes 5 theme sa utak ko.

First Stop: South Super Highway Medical Center

Sumakay kami ng pabicutan na jeep. Sabi ni Rhea sa driver, sa hospital po along the highway. Sabi ni manong, aprub. Tapos, huminto ang manong, napahilamos sa mukha sabay sabi, “ Ay, naku, sorry, nalagpas ko kayo, pero dibale pwede nyo naman lakarin pabalik”. Hinayupak na buhay yan, Mainit, mausok, maalikabok ang tinahak naming daan ni Rhea pero narating din namin ang hospital. Nagtungo kami kagad sa information center ng hospital at nag-inquire, sabi mag-iwan na lang ng resume tapos tatawagan. Aun. Sibat kagad kami,

Next Stop: Parañaque Medical Center.

Pagdating namin, nainis kagad kami kasi may ambulansya kagad na humarang samin na parang nang-aasar. Ung tipong tatawid kami tapos aamba sya na aandar tapos pag nag-antay kami, aantay din sya. Alam mu yun, pang-asar talaga. Derecho ulit kami sa Information center, at sabi punta daw kami sa Administrative chuva, tapos nung nagpunta kami dun, punta naman daw kami ulit sa Personnel chuva. Nakarating din kami dun, tapos sabi freeze hiring daw, sa November pa daw. Nagtanong kami kung pwedeng mag-iwan ng resume sabi saying lang daw baka makaligtaan, balik na lang kami. No can do, at dahil wala kaming naaccomplish sa nasabing hospital, nagtour na lang kami. Hehe, bahala sila. Hindi kalakihan ang hospital pero maayos naman.

Last Stop: Air Force General Hospital

Maganda ang lugar ng hospital na ito. Andun sya sa may Villamor Airbase. Maayos at malinis. Kaso dito ako nabwisit ng bonggang bongga. Pinagpasa-pasahan kami at sa banding huli, sa January na pala ulit sila tumatanggap ng applicants. Dahil nabwisit na din kami, kumain muna kami ni Rhea at naikwento din nya sakin ang secret nila ni maida (hahaha, alam ko na din).

Pagkatapos naming kumain, naisip naming lubus-lubusin ang tour. Pinuntahan namin ung mga Aircraft model at nagpicture taking. Hehe.

Sa Villamor Airbase :)

Sa Villamor Airbase 🙂

Si Rhea Marie :)

Si Rhea Marie 🙂

si ako :P

si ako 😛

Si Rhea Marie ulit :)

Si Rhea Marie ulit 🙂

Aerospace Museum :)

Aerospace Museum 🙂

Ang malaking eroplano at si Rhea Marie :)

Ang malaking eroplano at si Rhea Marie 🙂

perslady bumababa ng eroplano (hahaha)

perslady bumababa ng eroplano (hahaha)

Rock on! :)

Rock on! 🙂

aubu sa machine gun (tama ba?)

aubu sa machine gun (tama ba?)

Rhea sa tabi ng machine gun din (hehe) :)

Rhea sa tabi ng machine gun din (hehe) 🙂

Rhea at Aubz :)

Rhea at Aubz 🙂

Nakakapagod, nakakafrustrate pero sa kabuuan, masaya naman ung over-all-trip namin ni Rhea. Sa uulitin! 
signature2

Ira’s day :)


Ira’s day 🙂

Sino ba si Ira?

Si Ira ay pamangkin ko. Siya ang ikalawang anak na ate Oya ko. Ipinanganak siya noong Ika-25 ng Agosto, 2002.

Si Ira ay makulit, maarte, mapili sa pagkain, karaniwan madamot pero cute at mapormang bata.

Pitong taon na siya ngayon.

Kinalakihan ko na ang tradisyon sa aming pamilya na kapag may isang batang sumasapit ng pitong taong gulang, karaniwang pinaghahandaan. Noong nag-pitong taong gulang ako, sa iskul pa nga ako naghanda eh. Ang saya ko nga eh. Pero teka hindi tungkol sakin itong post na ito. Sabi ni ate Oya, hindi daw nakapaghanda si Ira kasi hindi siya nakapagrenew dun sa 5-6 nya. Kaya sabi ng mama ko, ipasyal ko daw si Ira para sumaya naman ung bata.

Noong August 30, 2009, ipinasya kong ipasyal ang pamangkin kong si Ira. Nagpunta kami sa SM North Edsa at Trinoma.

Una naming ginawa ay bumili ng rubbershoes nya sa may SM Department Store. Grabe, bata pa lang siya, may kaartehan nang taglay. Napakatagal pumili ng rubbershoes. Halos ikutin na ata naming ung buong department store sa paghahanap ng sapatos nya. Anyways, after 20 years, nakahanap din kami ng shoes na nagustuhan nya. Naku, buti na lang sale ung nakuha nya, kasi kulang-kulang 1 libo ung napili nyang shoes. Grabe. Butas ang bulsa ko. Hahahaha. Pero naisip ko, masaya naman ang pamangkin ko kaya okay lang.

Pagkatapos nun, napadaan kami sa kids section na puro damit, naku, hindi ko na napigilan ung pamangkin ko at nagtingin ng damit. Kaya ayun, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagbabayad sa cashier ng color pink (kikay talaga sya) na damit ni Ira.

Dahil medyo matagal din kaming nag-ikot sa department store, ginutom kami pareho. Sabi ko “Ira, san mo gusto kumain”, buong giliw nyang sinabi ang “Jolibee!”. Jolibee ang paborito niyang kainan, kaya aun, dun kami ulit. Ewan ko ba, basta pag lumalabas kami ni Ira, matik na Jolibee ang sagot nya.

My Niece Ira and I :)

My Niece Ira and I 🙂

Dapat, uuwi na kami after naming kumain si Jolibee. Un ang plano ko dahil wala na akong pera at medyo hapon na nun. Pero si Ira hyper pa din kaya aun, nag-ikot kami ulit.

Sabi ni Ira, gusto niya ng coloring book at bagong crayola, eh sakto, 60 pesos na lang ata ang pera ko sa wallet, kaya nagpunta tuloy kaming trinoma para makapagwithdraw ako.

si ira sa tabi ng fountain. :)

si ira sa tabi ng fountain. 🙂

May sale ng coloring book sa Trinoma kaso walang nagustuhan si Ira kaya bumalik kami sa SM North para balikan ung coloring book na una niyang nakita. Dahil alam ni Ira na may pera na kami ulit, pulot dito, pili doon ang inatupag sa national. Grabe talaga. Natawa na lang ako kasi parang gusto niya lahat bilhin ung mga coloring book sa shelves sa may national. Ganun din kasi ako nung bata, lahat gusto, lahat dapat mabili. Pero dahil limited budget, 2 coloring book lang ang nabili ko, pero all smiles pa din si Ira kasi dami nyang bagong gamit. Ang mga bata nga naman.

Umuwi na din kami sa wakas. Hinatid ko muna si Ira sa kanila at pagdating namin sa manggahan, mega kwento talaga si Ira kay ate. Parang walang bukas.

Pauwi na ako nang magtext si mama para kumustahin ang lakad naming ni Ira. Sabi ko magastos. Natawa na lang si mama.

Pagod akong umuwi sa bahay namin. Pero sa kabila nun, Masaya pa din kasi napasaya ko ang pamangkin ko. Sabi ko sa kanya sa susunod, hindi ko siya maisasama kasi ung kapatid naman niyang si Alyssa ang isasama ko. Pero sabi ni Ira okay lang daw. Buti na lang. Ang hirap kayang pumasyal nang dala-dalawang bata ang kasama. hehehehe:)