death penalty for rape


I was browsing my FB newsfeed when a post caught my eye. Streaks of blood in a hospital floor. I got curious and I read through the article then I got furious. A 5 year old female kid was raped. Yes. Raped. Her lower part was bleeding so much the nurse and bystanders thought she got caught up in an accident. No info was given regarding who did that unimaginable thing to an innocent kid. I hope they rot in hell real bad. I hope someone will make them pay. I actually wish them dead so they’ll do no further harm.

I wish for death penalty as a punishment to those fucking rapist. Sa mga pabibo na magsasabing hindi kamatayan ang sagot, tangina sabihin niyo yan sa limang taong gulang na binaboy ng mga rapist na yun. At sa mga iba pang pabibo na magsasabing buti nga hindi pinatay, sabihin nyo yan sa batang yun at sa lahat ng biktima ng rape na kahit matanda na sila ramdam at tanda nila ung kababuyang ginawa sa kanila. I should know. Someone close to me was almost raped and she still has nightmares until now. How much more to those rape victims? Pano nila haharapin ung kinabukasan?It would take a lifetime perhaps more to move on sa ganyang pangyayari sa buhay.

Pamura na din sa mga victim blamers na nagsasabing walang mararape kung maayos manamit. Punyeta sabihin nyo sakin kung kamaniac maniac ba ung 5 years old na batang babae na nakapantulog.

Gigil na gigil ako sa nangyari sa batang yun at ipinapanalangin kong makayanan nya yung dagok na un sa buhay niya. I wish no other kids, women or man shall suffer the way she did. Fuck rapists. Fuck drugs. Fuck evil.

Sorry naman sa puro murang post. Gigil much talaga ko. May anak akong babae. I couldn’t imagine what is going on inside that kid’s mom and dad’s mind. Just imagining something horrible like that might happen to my kids makes me want to go on a rampage. Ay talaga naman. maghahalo ang balat sa tinalupan.

morning show of chivalry and change is happening experience whatnots


I’m used to standing on the bus on my way to work and on my way home. Most the time. Well, especially during Friday, but what do you expect? It’s weekend and almost everyone wants to have a taste of home, especially those who are renting in the metro.

Standing in the bus is like a staple meal for a commuter like me. It’s either you stand or run the risk of being late (or going home late) because you want to wait for a bus with available seats. This morning, however was an exception because for the first time since I started working again,  and on a Saturday morning at that! A miracle happened. I was able to sit despite the rush. Thanks to these two police officers who were kind enough to give up their comfy seats for me and my fellow zombie passenger (the lady I was standing next to looks like a fellow call center agent and the moment she sit, she fell asleep)

I know it’s overrated posting pictures online about kindness and stuff but I’d rather have those flood my news feed and other social networking account than gossip monger bickering about the latest whatnot of some celebrity or some fame-whore. (defensive much, hahahaha)

Processed with VSCO with f2 preset

mamang pulis

I know it’s too early to tell but I feel it’s the du30 effect.(for the record, I’m not a die-hard fan of the president but I can tell you that I would have voted for him too if my registration was active. And if you will include my name in your list of dutertards, feel free to do so because I don’t care, maldita much>:)) Also, I’ve been seeing commuters who are confidently using their mobiles in the street or sometimes in some public utility vehicles without the fear of having their possession snatched in a blink of an eye. I also like the fact that I’m seeing policemen everywhere I go these past few weeks. (in the streets, buses, jeepneys and all, although I have yet to experience strolling the streets of tondo and recto to confirm my feeling of security, haha) 4 years back before I went abroad, I don’t even dress that much nor wear jewelries for fear of getting the attention of holdapers. (Sabi kasi para hindi ka targetin ng magnanakaw, dapat mas mukha kang kriminal, diba tol?) hahahaha

Anyhow, I hope this will continue because, despite the heavy hellish traffic that’s part of my daily existence , as long as I feel safe, I’m still a happy commuter.

(but of course, it won’t hurt if the traffic jam will be out of the scene too)

p.s. I’m not keeping my hopes that our country will be at par with the 1st world countries anytime soon but slowly, step by step, I hope we’ll do better in the near near future.

dahil kung meron


isa sa kinatatakutan ko noon ay ang tumandang mag-isa, ngayon kinatatakutan ko nang lumaki ang anak ko na malayo ang loob sa akin. yung tipong in good terms kayo pero di kayo close. yun. mismo. ayoko nun. yun ngang iba magkasama sa bahay nagiging estranged pa sa isa’t isa eh. tapos nakakwentuhan ko pa si mommy Joy na sabi isa sa pinakamalaking pagsubok sa buhay niya ay yung lumaki yung dalawang anak niya na hindi close sa kanya dahil OFW siya for almost 20 years. Grabe. iniisip ko pa lang yun nalulungkot na ako ng bonggang bongga.

dapat ata mag-anak pa ako ng isa, lalake dapat, hahaha, sabi kasi nila mas close ang anak na lalake sa nanay. tapos yung anak na babae sa tatay mas close. kung ganoon ang kaso  patas lang kami ni daddylabs diba. hahaha. adik much. pero syempre hindi pa ngayon. wala naman akong balak gawing past time ang paggawa ng baby. madaling gumawa mahirap bumuhay. hahaha

allow me to whine in taglish


hinalukay ko na ang merriam webster dictionary app sa celepono at naggoogle na ako ng mas magandang termino sa word na rejected pero wala talaga eh, what word would suffice to tell you that you’re not qualified in a way that you won’t feel bad? Yung tipong break it to me gently ang peg. Parang wala naman ata.

Ganito kasi yun, I recently received an email from a scholarship body which I applied 2 months ago. Actually, nakalimutan ko na nga na nag-apply ako until I read the email. It says my application was unsuccessful as it has not met the required continuation criteria, it also says that the decision is final and they could not provide further details. Okay. Another blow to my already bruised ego. It doesn’t hurt as much as the first time (first time rejection sucks) but it still stings a little. Oo, suntok sa buwan naman kasi talaga yun but there’s that 0.5 percent in me na umasa ng konti na baka sakali makalusot. Pero siguro nga hindi para sakin yun. I didn’t even pray hard enough to get it. Kasi sa tingin ko kung para sakin, para sakin talaga kung hindi edi move on. Pero parang ang saya lang kasi makapasa sa scholarship grant tapos depende sayo kung iggrab mo siya or hindi. o diba ang babaw ng rason ko hahaha. anyways I have lots of things to consider now. Aside from the fact that I’m no longer single (I’m triple hahaha), kakasign ko nga lang pala ng job contract. And I just realized that even if I got the scholarship grant, I doubt I could leave my baby at the moment. Siguro nga hindi talaga para sakin. Pero ayun, may kagat nga sa pakiramdam, siguro ganito talaga pag nagkakaedad, hahaha, aren’t we getting sensitive? We talaga?nandamay pa ng iba?

 

pakasalan mo yung taong mabubusog ka


sabi nila hindi nakakain ang panglabas na ichura, sabi pa nga ni Andrew E. humanap ka ng panget at ibigin mong tunay.

pero siguro swerte ako kasi yung taong pinakasalan ko nakakabusog na ang ichura nakakabusog pa ng puso at sikmura.

FB_IMG_1464443453473

Sa tuwing nakikita ko ang asawa ko, gusto kong umeksena ng linyang “thank you Lord ha, pandesal lang naman hiningi ko, hamburger binigay nyo, may fries pa!” oo na, masyado kong literal, mukha lang akong palaisip pero ganyan ako kababaw, hahahaha 

but on a serious note, sa tuwing nakikita ko yung asawa ko, yung pakiramdam na ihahain na sayo yung pinakapaborito at pinakamasarap na pagkain para sayo (sa panahon na abot langit ung gutom mo) yun ang nararamdaman ko lalo na pag may dala siyang pagkain para sa akin hahaha (pero syempre gaguhan na lang kung sasabihin kong ganun parati, ano to, librong may ending tapos happily ever after.😈)

pakasalan mo yung taong bubusugin hindi lang ang sikmura mo kundi pati puso, kasi tandaan ang pagkain nabubulok, minsan hindi nauubos at yung tira-tira tinatapon. guilty ako sa part na to, kasi yung asawa ko nakakabusog, ako naman nakakagutom, maliban sa hindi ako mahilig at hindi masarap magluto, nung nagpaulan ata ng sweetness sa mundo, ang himbing ng tulog ko. nakakatuwa lang na understanding yung mister ko.

anyhow, sa sweetness lang ba nasusukat kung sino ang mas nagmamahal? hindi siguro? kasi kahit hindi ako sweet, hindi clingy, mas madalas na parang walang pakialam pero kung tatanungin niyo ko kung mahal ko yung asawa ko ?abay mahigit pa sa 100% porsyento ni taguro sasabihin kong Oo.

mamahalin ko siya sa paraang alam ko at walang makapipigil sakin sa ngalan ng buwan. ayy thank you.

oops hindi pa namin Anniversary, napagtripan ko lang umarte nakakainspire kasi si MEGumiho, ayan tuloy😸😻

paru-paro


pagkatapos kong pagalingin ang ego kong sugatan sa recent rejection sa isang job application, sumabak na naman ako sa oplan hanap trabaho.

sa totoo lang hindi ko na din sigurado kung anong trabaho ung gusto kong patusin, sabi nga nung isa kong kaibigan ko magulo daw ako, sabi ko naman edi kayo na may direksyon sa buhay. hahaha. gusto kong subukan magtrabaho sa ospital pero yung huling tumawag sakin eh parang joke time ung salary offer, kahit ata sarili ko hindi ko mabubuhay sa ganung sweldo. Yung isang sikat naman na ospital, aba inimbitahan ako sa exam at interview eh anak ng tokwa, pagkatapos mo pala ipasa yung mga yun magbabayad ka muna ng 10 libo para sa training at depende sa performance mo kung iaabsorb ka nila. Edi wow. so saan ba pupunta ang isang katulong ng doktor na ex-ofw para maghanap ng trabahong pwedeng makabuhay ng pamilya kahit papaano , edi ang in na in na trabaho sa Pinas, call center. Bow.

Galing na kong callcenter bago pa ko nangibang bayan, pero nung panahon na un hindi pa naman ganun kagrabe ung Application process. Ngayon halimaw, natatandaan ko nun, petiks mode naman ung application at recruitment process namin nun. Hassle free at walang stress. Eh yung pinakarecent na inaplayan ko eh one day application daw eh nak ng pusa ung lalamunan ko sumakit ng husto. May initial interview tapos computer exam tapos phone interview (hati pa sa dalawa yan) tapos Versant (yung computer generated ek ek na nagggauge sa Communication skills mo daw) tapos typing test, tapos phone interview ulit tapos final interview (na parang lahat ng tanong sa isang interview naitanong na niya at lahat ng pwedeng scenario sa trabaho na naexperience mo ay gusto niyang ipakwento. Anyways siguro may swerte, naipasa ko naman lahat. Pero nakakahaggard na tunay.

Nung lumabas ako ng Company building para maglunch,may paru-paro na dumapo sa daliri at kahit anung gawin ko ayaw umalis. Ayun naisipan kong piktyuran.

img1464275496419.jpg

sabi nila, ang mga paru-paro ay mga mahal mo sa buhay na pumanaw at muling dumadalaw. parang ang creepy pero nakakatuwa din isipin.

naisip ko, parang ako yung paru-paro, palipad-lipad, palipat-lipat. mula Pinas nagpunta ng disyerto tapos balik sa lupang sinilangan. naisip ko bigla, sana dumating yung panahon na may iisang bulaklak lang akong tutuntungan.

quotable


dapat naghahanda ako para sa interview at exam na pupuntahan ko mamaya pero nakachat ko yung super duper friend ko na hindi maganda ang feedback ng account ng callcenter na pupuntahan ko dapat so pinagiisipan ko kung tutuloy pa ako.

meanwhile,  nagbbrowse lang ako sa fb nang makuha ng short clip ng interbyu ni DU30 ang atensyon ko, iniinterview siya ni Jessica Soho regarding censorship ek ek at media freedom, pero ung tumatak talaga sa utak ko ay ung sinabi nyang “I may not agree with what you have to say, but I will defend your right to say it. We’re a democratic country.” nakakatuwa lang mukhang wala namang martial law na magaganap. (Binasa ko ung caption ng video, ipapalabas pa lang pala ngayong araw yung interbyu na un kumbaga patikim lang.)

anyways nagkainteres ako kung sariling wordings nya ung mala-quote nyang sinabi, turns out he’s a wide reader. Galing sa book entitled “The Friends of Voltaire” na sinulat ni Evelyn Beatrice Hall ung phrase na sinabi nya, same meaning, slightly different wordings.

oo nga pala may gusto din akong sagot nya sa tanong ni ms J (hindi ko na ittype ang haba ng question panuorin nyo na lang) , “kelan ba ako nagmukhang anghel sa inyo“, at ayun na nga mukhang tablado sila ni presumtive President Digong. Mabuhay!

 

 

confessions of an economic hitman


dahil kung may bahid ng katotohanan talaga ang librong to, isa lang ang ibig sabihin niyan, si tito sam ang may kasalanan kung bakit lugmok ang bansa natin sa kahirapan. siya din ang may pakana kung bakit nagkaroon ng coup d’etat sa panahong namamayagpag ang Pinas sa ilalim ng pamamahala ni pareng makoy.

at kung tutuparin nga ni Digong ang lahat ng naipangako niya nung kampanya, natatakot ako para sa kaligtasan niya. 

edi ako na ang may award ng masyadong nacarried-away ng conspiracy theories ek ek.