All about me 10 day challenge – Day 3


Charan! Day 3 na! Dahil, nanonosebleed na akong tunay sa kakaingles, magtatagalog muna ako este Taglish, ay Pinglish na lang pala.

Day 03- Pictures of you and your friends

Supposedly, picture lang talaga so dapat isa lang pero wala naman akong picture na andun lahat ng kaibigan ko kaya ginawa kong pictures, haha. FYI. Hindi ako sociable na nilalang pero kahit paano may friends naman ako. hehe. FYI ulit. Random arrangement lang ung mga larawan na sumusunod, Β (hindi base sa date or sino ang closest, labo-labo yan)Β yung ibang tao dyan nauulit pa, maliit lang kasi ang circle of friends ko. basta lahat ng nasa larawan na makikita niyo, tinuturing kong kaibigan ^^

super plural talaga ng pictures, haha, ngayon ko lang narealize, andami pala naming pictures nga mga kaibigan at tropapips ko. sa mga katropa at kaibigan na wala dito (mapaelem/hayskul/college/opis or tabi-tabi friends), inuunahan ko na kayo ng paumanhin, hindi ko pa naiscan ung ibang pix at pwedeng wala din kayong piktyur sakin na kasama nyo ako.

Sa lahat ng kaibigan ko, mapamababaw man sa ngayon o mapamalalim na ang ating mga samahan, labs ko kayo, mwahugs (wink)

Advertisements

a letter to RM..


Dear Rhea Marie,

Kumusta? Medyo matagal na tayong hindi nagkikita. Namimiss na kita. hehe,

Kanina napagtripan kong maghalungkat ng mga gamit ko nung tayo ay nasa kolehiyo pa lang. And guess what I found? Charan! Yung journal na binigay mo sakin nung 17th birthday ko (teka, 17th nga ba or 16th?).

Alam mo bang Hamtaro/Sakuragi ang tawag ko sa journal na ito? Depende sa trip ang tawag ko sa kanya. (Minsan Dear Hamtaro ang simula pero minsan Dear Sakuragi, parang adik lang eh noh). Kanina, habang isa-isa kong binabasa ung mga journal entries ko, memories of our college days flashed back. Parang kelan lang. Nung araw na binigay mo ito sakin, nasurpresa talaga ako. Hindi pa naman kasi tayo masyadong close nun tapos may gift ka sakin. Natuwa talaga akong tunay nun. Pramis. Croos my heart mamatay man lahat ng kuko ko sa paa.

Natatandaan kong nagpasalamat ako ng binigay mo sakin ito pero hindi pa ata ulit ako nakapagpasalamat sayo dahil malaki ang ginampanan ng journal na ito sa buhay-kolehiyo ko.

This journal saved my life several times. Hindi ko na sasabihin sayo kung ilang beses nabanggit sa mga journal entries ko ang oplan suicide dahil sa masalimuot kong buhay kasama si hitler. Pero dahil sa journal na ito na nagsilbing outlet ko ng angst and frustrations sa buhay, I never did attempt to commit suicide. Thanks for the journal you gave me. Although you’ve done it an indirect manner, I would like to thank you for saving me. I will forever be grateful for I’ve come across a very special lady like you. You’re an embodiment of the cliche “beauty and brains”; a rare but deadly combination. Gusto kong malaman mo na ang maging kaibigan mo ay isa sa mga pinakamagandang pangyayari sa buhay ko. (arte lang, haha, pero itaga mo sa bato, totoo lahat ng sinabi ko)

Minsang nabanggit mo na ang misteryoso ko at masyado akong malihim. Ahm, unfortunately, ganun pa din ako, medyo nalie-low nga lang ng onti, hehe. If you ever get the chance to read my journal entries on the journal that you gave me, I’m sure you’ll understand better. Pero siyempre, that would be next to impossible because I won’t let you. At saka pabaliktad lahat ng sulat ko sa journal na yun kaya maduduling ka lang at pagsisisihan mong sinubukan mong basahin ang mga entries ko. haha. Anyhow, naniniwala ako na naiintindihan mo ako in you’re own peculiar way. In case you need me, I’m just a text away, okay? (parang nagrhyme masyado, haha)

Je vous vois quand je te vois, Rhea Marie.

Merci becoup!

AuBu πŸ™‚

archives for the past few days


01-22-11

1:00 pm

– nakipagkita ako kay Virax sa trinoma (biglaang gala), tinext ko si Rhea kaso may church obli pa xa kaya di pwede, si maida tinext ko din kaso NR, haha

– kumain kami sa SumoSam at nalaman kong kay Marvin Agustin pala un

– nilantakan namin ang kanilang steak match (busog to the bones)

– nagkwentuhan at pinlano ang paggate crash sa bahay nila maida

– uminom kami ng Strawberry Passion (para kay Virax) at Lychee and Rose para sakin

– at kumain ng parang shave ice cream (nakalimutan ko ung tawag) basta sikat daw na desert un sa korea

4:30 pm

– pumunta sa bahay ng kabatchmate na si romar, sa wakas nakuha ko na ung pictures namin, wahahaha

5:30 pm ata

– dapat uuwi na ako pero biglang nagkayayaan

– biglaang lakad paCarinderia Fiesta sa may kamuning malapit sa V.Luna

– kasama ko sila GL, Somkiet, Kevin, Romar at Julius (na kalabtim ni Virax nung elementary)

– perstaym kumain ng suso courtesy of Julius na walang pakundangang naglagay ng suso sa plato ko sabay bantang “kakainin mo ba yan o ikaw ang magbabayad sa lahat ng kinain natin?” – tinry kong kainin kaso muntik ko maluwa, lasang kanal, sabi nila ang galing ko, kasi nakakain na daw pala ako ng kanal (mga pilosopo)

– (sigh) one of the boys again, hahaha

– walang picture kahit isa,Β  nabusy sa pagkain, haha

8:00 pm

– uwian na, hinatid nila ako sa may mrt gma kamuning, iba talaga pag may tsikot ang tropa (salamat GL)

01-23-11

9:00 am

– nakipagkita kina Rhea Marie at Virax sa may five star sa cubao,

– nalate ng onti si Virax, bumili si Rhea ng Nova na tig35 pesos sabay reklamo na mas mahal pa dun kesa 7-11, wahaha, ako bumili naman ng donut

– dumating si Virax at sumakay na kami ng bus, una naming napansin ang get up ni Virax, mukang titser

–Β  kwentuhan sa bus, nakwento ni Rhea Marie na gusto yang paglakbayin paibang bansa mag-isa ni tito kaso ayaw niya, (sayang, kung ako un, go na ako, gala lang naman eh, wahaha)

– updates ng lablayp etc etc

– naisip namin kung matatanda na kami sana ganuon pa din, biglaang gala, biglaang kita, tropapips pa din

10 something am onwards

– dumaan muna ng robinsons at bumili ng pasalubong

– dumerecho kina maida at kinalampag ang gate, si wewel ang una kong nakita,

– sinalubong kami ni basya, at nakita ko na naman ang cute na cute na si chacha

– kwentuhan saglit, nang maglunch, dun kami dumirecho kina Inang Sion, bday pala ni Ciejae, inimbita ang mga sarili, wahaha

– sarap ng pagkain lalo na ung pasta ni tita Ada at ice cream ni Mang ano nga un?

– nakita ko ulit si Inang Sion, sabi niya hindi daw ako namamansin, wahaha, sori naman po, nagbless po kaya ako kagad pagdating at binati ko kayo, siguro hindi nyo lang po ako napansin,

– sabi ni Ciejae, basta makita ng Ina si maida, hinahanap ako, yihee (touch ako)

– nanuod kami ng ASAP, instant critic ng mga artista

– nung napagod, nanuod kami ng petrang kabayo kasabay ng pag-inom ng the bar (strawberry flavor as requested by virax), namulutan ng chichirya, kamyas, dalandan at tuna (halo halo na, haha)

– nahihilo na si Rhea Marie, tinamaan na ata

– pictures? (nakay maida, click here)

5:00 pm

– napagpasyahan na naming umuwi, nagpaalam kina Inang Sion, Ciejae, Yo, Tita at Tito

– hinatid kami ni wewel sa may sakayan (madaming thank you Wewel!ambait mo tlaga!)

6:00 pm banda

– standing sa bus, gudlak sa mga nakainom na tulad namin, haha

8 something pm

– nakauwi din ng bahay, nagtext si ate evic at pinapapunta niya ako sa kanila sa laguna dahil kay ate oya, may mga gamit na ipinapadala (grrness)

– ayos ng onti at pack ng gamit, byahe na naman

– nagtext si Rhea Marie, nagkapantal-pantal daw siya at parang nilalagnat, sabi ko relax, ako basta nakainom ng alak nagkakapantal din, palatandaan ng nanay ko kapag sinisita ako, hehe

10 something pm onwards

– sinundo ako ni kuya mike sa may mercury malapit sa kanila, (tenchu kuya kahit may pasok ka pa ng maaga kinabukasan)

– dumating sa bahay at naabutan sa upuan sa sulok si ate oya (nagtataka ako, nung tinanong ko kay ate evic, inaabangan daw ako kasi winarningan nyang nakainom ako at baka masermunan ko siya) pero dahil wala nang tama, tinanguan ko lang xa sabay akyat sa kwarto at nagbihis

– sinilip ang mga pamangkin, mga tulog na

– bumaba at kumain ng dinner, nakipagkwentuhan kay ate evic till 3am, same old stories, para kaming mga timang

– nang mapagod, natulog na kami

01-24-11

walang oras na sinulat

– nageemote sa journal, same old rants, haha

01-25-11

walang oras na nakasaad

– umiyak sa bus pauwi, (tamang pagod at pag-iinarte lang, hehe)

01-26-11

10:00 am

– nag-aadik sa pagsusulat gamit ang kaliwang kamay. (I’ll soon be an ambidextrous, hindi na semi)

– natulog nung mapagod

5:30 pm

– trying hard to tune my guitar but was not successful, either tone deaf ako or nagmamarunong lang, tunog lata pa din, bummer!

01-27-11

10:00 am

– napansin kong mukha akong eyebags na tinubuan ng mukha at katawan, kailangang bumawi ng tulog

p.s.

ang mga nakasulat dito ay hango sa bagong bago kong planner (my green book) sa sunod na ung picture nya πŸ˜›

Isang dekada na pala ang nakalipas..


10 years na sila :)

10 years na sila πŸ™‚

10 taon na ang nakakaraan mula ng mabuo ang Sugarfree..
Isang dekada na ang nakalipas..
Una ko silang nakita sa Myx..
Natatak na kagad sa isip ko ang awit nilang Mariposa, year 2003 ata un..
Basta un..
At dahil dun, isa sila sa lagi kong pinapakinggang banda..

Last last year, planong manuod ng Kingkong Barbies ng Sugarfree concert, pero sa kasamaang-palad, naubusan kami ng ticket. Kaya aun..dinaan sa kape ang kalungkutan ng mga naatasang bumili ng ticket..

Nitong Agosto, nabalitaan namin ni maida na may concert ulit ang SF, at syempre, palalagpasin ba namin ito? Syempre hindi. At charan! Nakabili ako ng ticket namin, kaso 2 lang kami ni maida, pero aus na din.

Sa Music Museum ginanap ang konsyerto ng Sugarfree kasama ng Manila Symphony Orchestra, dami din tao, at dami naming saya, kasi abot kamay namin sila..hahaha>:)

Syempre dapat may picture din kami sa concert..haha..pero mas marami ung sakin..hehe

aubu at maida :)

aubu at maida πŸ™‚


ako ay nanunuod :)

ako ay nanunuod πŸ™‚


nanunuod ako ulit ;)

nanunuod ako ulit πŸ˜‰

eto naman ang bandang pinapanuod namin:)

Low calorie este Sugarfree pala..>:)

Low calorie este Sugarfree pala..>:)


astig na kuha ni ebe ;)

astig na kuha ni ebe πŸ˜‰


si jal. :)

si jal. πŸ™‚


si kaka :)

si kaka πŸ™‚


ang ex-drummer ng SF;)

ang ex-drummer ng SF;)


Naging masaya ang concert na yun, siguro kasi mapayapa sya, parang tropa lang lahat halos ng mga tao dun, at kami ang gate crasher..hehe..
At syempre, gaya ng ng kung anu anu pang kaganapan, hindi pwedeng mawala ang picture taking..na naman..hahaha
aubz sa harap ng stage;)

aubz sa harap ng stage;)


maida sa harap din ng stage:)

maida sa harap din ng stage:)


aubz sa tabi ng poster ng sugarfree:)

aubz sa tabi ng poster ng sugarfree:)


si maida tabi ng 2 poster;)

si maida tabi ng 2 poster;)


si ako sa tabi ng 2 poster :D

si ako sa tabi ng 2 poster πŸ˜€

tapos…
puro ako na ang bida..haha

kunyari hindi ko alam;)

kunyari hindi ko alam;)


sugarfree rock!

sugarfree rock!


ako at si kaka :)

ako at si kaka πŸ™‚


ako 2;)

ako 2;)